The Heir of sin of Gluttony
Sarina POV
Marahan akong umalis sa tub na gawa sa purong porselana na pinaliliguan at kaagad na lumapit saakin ang dalawang katulong na may dala ng aking roba at saka iyon maingat na isinuot saakin
"Maaari niyo na akong iwan. Ako na lamang ang bahala mag ayos ng sarili ko"
"Pero mahal na prinsesa tungkulin naming paglingkuran kayo"
"Wag kayong mag-alala hindi magagalit sila ina"
"Kung iyan po ang iyong nais"
Sabay silang yumuko bago lumabas ng paliguan ko
Naglakad ako palapit sa mahabang salamin na naririto sa loob ng aking paliguan
Napalingon ako bigla sa maliit na bintana na nasa itaas ng makakita ako ng silaw ng liwanag na tumatama saakin
Tinitigan ko ang buwan na nakasilip sa nakabukas na bintana
Nasa 1st quarter pa rin ito na medyo pakalahati na
Tuwing kaarawan namin ni Azure ay lumalabas ang ganitong hugis ng buwan
"Ahh!"
Bigla akong napahawak sa aking noo ng medyo humapdi iyon
Tumingin ako sa salaming nasa harapan ko at sinipat ang aking noo
Nagulat ako ng biglang may kumislap sa parteng iyon na mabilis rin na nawala
Pero... Pero tila nakakita ako ng isang marka
Keena POV
"Ashton! Nasaan ba ang anak mo?"
Umupo ako sa mahabang upuang nasa harapan ng inuupuan ni Ashton at saka ipinatong ang isa kong paa sa isa ko pang paa
Ibinaba niya ang tsaang iniinom niya bago tumingin saakin na tinaasan ko naman ng isang kilay
"Hindi ko alam. Siguro ay wag kang maghanap sa baba. Kundi sa taas"
"Haixt! Saang puno na naman ba natutulog ang batang iyon?!"
Napalingon ako sa may labas ng bintanang nasa gilid namin ni Ashton at nakita ko ang anak ni Rosh kasama ang anak ni Grey
"Sa tingin nila Rosh ay isang half breed ang anak nila" - Ashton
"Isa nga ba siyang half-breed?"
"Hindi pa nila matiyak dahil sa hindi pa ito tumutuntong sa tamang edad"
Half-breed
Kalahating bampira kalahating lobo
"Hindi nalalayong maaaring half-breed siya. Pag nagkataon, siya ang pangatlong half-breed na ipinanganak sa kasaysayan ng mga lobo at bampira"
"Isang Dragomir na may dugong lobo. I doubt how strong he will be pag nagkataon" - Ashton
"And Im sure if that happens. It will trigger again the moon council"
Hindi siya umimik bagkus ay kinuha niya ang tasa na nasa mesang nasa tabi niya bago uminom
"And that son of alpha king, I know he will become one of the powerful creature in this world" - sambit ko habang nakatingin sa anak nila Grey
"He is the next alpha king next to his father. Ano pa bang aasahan" - dagdag ko
"Weird"
Napatingin ako kay Ashton ng sabihin niya iyon
"Weird? Maliban sayo at ng anak mo. Ano ang tinutukoy mong weird?"
Tumingin lang siya saakin bago sumagot
"Parang nakahanda ang henerasyon na ito"
See? Ang weird niya minsan. Owh madalas
"Nakahanda? Para saan?"
Tumingin siyang muli sa anak nila Grey at Rosh
"Para sa isang nakapakalaking digmaan"
Ullysses POV
"Mukhang hindi nila gustong lumapit ka sa prinsesa"
"Wala naman akong masamang balak sa prinsesa" - sambit ko
"Alam mo ang kapangyarihan mo, maging sila. Di nakapagtataka kung bakit nila nais na lumayo ka sakanya"
Hindi ko na lamang sinagot pa si Achlys at patuloy lamang kaming naglakad
"Masyadong iniingatan ang prinsesa"
"Dahil iyon sa may dugo siyang Dragomir. Anak ng hari at reyna" - sambit ko bago kami sabay na huminto sa paglalakad ni Achlys
Nakatingin lang kami pareho sa bampirang nasa daraanan namin
Nakatayo ito habang nakatingin saamin
Naglakad ako palapit sakanya gayun din si Achlys
"Hindi ko gusto ang aking nalaman" - sambit niya
"Ayokong lumalapit ka sa aking kapatid"
"Nais ko lamang makipagkilala sakanya"
"Hindi ligtas ang iyong kapangyarihan"
"Sinasanay na ako ni ama mula pa ng magkaroon ako ng isip"
"Pero ang dyablong nasa katawan mo ay hindi mo pa gaanong kontrolado"
"Naiintindihan ko ang labis na pag iingat niyo sa prinsesa. Pero inuulit ko. Walang mangyayaring masama"
"Siguraduhin mo. Siguraduhin mong ni kahit isang maliit na sugat ay wala siyang makuha mula saiyo"
Nagkatitigan kami bago siya naglakad palagpas saamin ni Achlys
"Magkambal nga sila. Pero napakalaki ng pagkakaiba ng kanilang pag uugali maging ng kanilang aura" - Achlys habang nakatingin kay Azure na naglalakad papalayo saamin
Sarina POV
"Pero nais kong lumabas ng palasyo"
"Hindi maganda ang iyong naiisip gawin"
Nilingon ko si Khali na kanina pa nakabuntot saakin
"Iniutos ba ni Ina na bantayan mo ako?"
"Iniutos niyang ilayo ka sa panganib"
hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad
Madalas siya ang nagbabantay saakin. Palaging nakabuntot saakin saan man ako magpunta
"Bakit abala ngayon ang mga katulong sa palasyo Khali?" - tanong ko habang tinitignan ang mga dinadaanan naming mga katulong na kanya kanya ng ginagawa
"Nais lamang ni Adreana na ayusin ang palasyo"
Napatingin ako sa kanan ko ng biglang mabitawan ng katulong ang isinasabit nitong malaking painting at patama iyon sa aking direksyon
"Shit!"
Napahawak ako ng mahigpit sa braso niya ng bigla niya akong kabigin at gumulong kami sa sahig paiwas sa nahulog na painting
"Damn!"
Agad akong pinatayo ni Tito Khali at saka niya tinignan ng maigi ang magkabila kong kamay at paa maging ang ibang bahagi ng aking katawan
Pagkatingin niya saakin ay binalingan niya naman ang katulong na nakahulog ng painting na ngayon ay nakayuko na saamin
"Fuck! Do you want to die?!"
Kitang kita ang takot sa mukha ng tagapagsilbi ng mamula na ang mata ni Khali
"P-paumanhin po. Paumanhin mahal na prinsesa"
"I should tell it to Luan!"
Agad kong hinawakan sa braso niya si Khali na nakapagpalingon sakanya saakin
"Khali hindi naman ako nasaktan"
"Mabuti at hindi! Pero paano kung nasugatan ka?! Alam mong kaunting su—"
Hindi niya na tinapos ang kanyang sinasabi at pumikit na lamang ito bago huminga ng malalim
"Umalis ka na sa harapan namin ngayon din!"
"Ma-masusunod po"
Paatras namang umalis ang katulong habang nakayuko
"Siguro ay sabihin ko rin kila Luan na kahit painting ay alisin na sa palasyo"
"Pero, hindi maaaring alisin ang mga painting Khali"
"Matalim ang mga sulok nito. Delikado"
"Pero nais kong makita pa rin ang mga painting na nakasabit sa mga pader"
Hindi niya naman ako sinagot at tinalikuran niya lamang ako
"Aalis ka ba Khali?"
"Kailangan ko munang siguraduhing walang matutulis na bagay sa iyong daraanan. Maghintay ka rito at babalikan kita kaagad" - sambit niya bago siya mabilis na nawala sa pwesto niya
Napatingin naman ako sa maliliit kong palad
Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kalagayan ko
Basta ang alam ko... kailangan kong mag ingat ng mabuti sa aking bawat galaw
Kailangan nila akong ingatan at protektahan sa lahat ng bagay...
Adreana POV
"Pangit tignan. Ipagpalit mo ng pwesto" - utos ko sa katulong ng palasyo
Naglakad naman ako habang tinitignan ang mga nag aayos na mga katulong
Napakunot noo ako ng makita ko ang vase na nasa may baba ng hagdan
Nilapitan ko iyon at hinimas ang bunganga niyon na kumikintab ang bahagi ng patulis nitong disenyo
"Alisin niyo ang vase na ito at palitan"
"Masusunod po"
"Wala ka na bang nakalimutang inspeksyunin?"
Nilingon ko si Zane na nasa gilid ko kasama sila Kevin at Ariela
"Wala na. Maayos na ang mga gamit sa bawat sulok" - sagot ko habang inililibot ang aking paningin
"Kayo, wala na ba kayong nakitang maaaring makasugat sa prinsesa?"
"Wala na. Maliban sa mga kagamitan sa armory at sa kusina ng palasyo" - Ariela
"Freya"
Agad na yumuko sila Zane ng makita si Freya na naglalakad palapit saamin kasama si Sarina
"Tita" - nakangiting tawag saakin ni Sarina bago tumakbo palapit saakin
Bahagya akong yumuko bago niya ako hinalikan sa akinh pisngi
"Kamusta na ang mahal kong pamangkin?" - tanong ko
Kamukhang kamukha siya ni Luan. Kung di lang maaliwalas ang kanyang mukha na palaging nakangiti. Si Azure.. Siya talaga ang kawangis ni Luan. Lalo na sa pag uugali nito
"Maayos na po ako Tita"
Nginitian ko siya bago tinignan si Freya
"Nasaan si Luan?"
"Nasa kanyang trono. Abala siya sa kanyang tungkulin"
"Iniisip ko pa lang ang hitsura niya ngayon kaharap ang mga nakarolyong mensahe ay gusto ko ng matawa"
Ngumiti lang naman si Freya bago inilibot ang paningin sa paligid
"Hindi ba't hindi pa lang nagtatagal ng ipayos ang palasyo?"
"May mga nakita pa akong mga delikadong kagamitan. Pinapalitan ko lamang ang mga iyon"
"Salamat Adreana"
"Nagsasanay ba ngayon sila Azure?"
"Oo kasama niya si Ullysses"
"Sila Devon kaya, kailan sila babalik rito?"
"Wala pa kaming balita. Pero inaasahan naming di magtatagal ay ihahatid niya na rin rito si Vernon upang magsanay kasama nila Azure"
"Mabuti kung ganun. Alam naman na nila siguro na kailangang magsanay ng magkakasama ang sunod na mga tagapagkontrol ng mga dyablo"
Alam kong sa oras na dumating ang panahon na makita na ng malinaw ni Tamara ang ibig sabihin ng kanyang mga pangitain ay nakahanda na ang mga prinsipeng may hawak sa mga natitira sa pitong dyablo
Kailangan naming maging handa... dahil hindi pa namin alam kung ano ang ibig ipaliwanag ng mga pangitaing nakita noon ni Tamara
Devon POV
Dumampot ako ng isang pirasong ubas mula sa gintong lalagyan bago iyon mabagal na nginuya
Agad namang nangunot ang noo ko ng kumalat na ang lasa ng ubas sa aking bibig kasunod noon ang pagbalibag ko ng gintong lalagyan na may kumpol ng ubas sa ibaba ng aking trono
Agad na nagsilapitan saakin ang lima kong tagapagsilbi
"Panginoon"
"Papasukin niyo ang punong patrol" - pagpipigil ko ng galit
Agad na lumabas ang lima kong tagapagsilbi at di nagtagal ay pumasok ang punong patrol na agad lumuhod sa ibaba ng aking trono
"Hindi pa rin ba nasosolusyunan ang gulo sa hilaga?" - kalmadong tanong ko habang nakatingin sa aking kanang palad na may unti unti ng namumuong itim na apoy
"Panginoon habang tumatagal ay dumadami ang mga Dark elements na gumagala sa hangganan ng Terra Nova"
Dark Elements
Bigla na lamang silang nagsisulputan. Noong isang gabi pa iyon nangyari na labis kong ipinagtataka
Bakit sila biglaang nagsilitaw
"Makakaalis ka na"
Agad itong tumayo at yumuko bago umalis
Ang mga elementong iyon
Ako pa ba ang hihintayin nilang tumapos sakanila?
Biglang nawala ang itim na apoy na namumuo sa aking palad ng may marinig akong malakas na pagsabog kasabay ng pag-uga ng paligid
Ilang segundo lamang ang hinintay ko bago bumukas ng malakas ang pintuan ng aking trono at pumasok si Serena
"Devon!!! Haixt!! Naramdaman mo naman na siguro! Ngayon hulaan mo kung anong parte ng palasyo na naman ang nasira!"
"Ang kanlurang pasilyo ba?"
"Matagal na niya iyong nasira Devon at salamat sa mga aliping kayang ayusin iyon"
"Kung gayon ang silid ensayuhan ba?"
"Devon ikaw na mismo ang kasama niya ng sirain niya iyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababalik sa ayos ng buo"
"Imbakan ng pagkain kung ganun"
Napataas na ang isa niyang kilay
"Sa tingin mo hahayaan ng dyablong iyon na sirain ng anak mo ang suplayan niya ng mga pagkain?"
"Kung ganun, anong parte ng kaharian?"
"Ang silid aklatan lang naman!!"
Mahilig magbasa si Serena gayun din ang anak niyang si Siriah. Hindi na ako magtataka kung bakit galit na galit siya ngayon
"Hindi mo man lamang ba tatawagin ang anak mong iyon?" - nakapamewang na tanong niya
"Nag eensayo siya Serena"
"Kaya ayos lang saiyo na sirain niya ang buong kaharian ng Terra Nova ganun ba?"
Kung hindi ko siya kapatid ay matagal na siyang natupok ng itim kong apoy sa kadaldalan niya
"Haixt ako na lamang ang tatawag sa batang iyon"
Ayan na naman siya
"VERNON!!!!!!!!!!!"
Mas masisira pa ang kaharian sa lakas ng sigaw niya
Di nagtagal ay agad na bumukas ang pintuan at may mabilis na hangin ang dumaan doon
"Ito na ang magaling mong anak!"
Tinignan ko si Vernon na blanko lamang ang mukha habang nasa likuran niya si Gluttony na abalang isinusubo ang apat na kumpol ng ubas sakanyang bibig
"May kailangan ba kayo?"
"Sabihin mo kay Devon kung ano na naman ang ginawa mo ngayon" - Serena
"Pinilit mo akong magbasa ng tambak ng mga magagaspang na lumang libro. Hindi ko na iyon kasalanan"
"Alam mo namang naroon si Siriah!"
"Nailisan mo ba ng ligtas mula doon si Siriah Gluttony?" - tanong nito sa dyablo habang blanko pa rin ang mukha
"Hmm?? Oo naman panginoon. Natutulog na siya ngayon sa kanyang silid"
"Haixt!! Ano na naman ba ang sisirain mo bukas at makalawa?" - Serena bago tumingin saakin
"Devon, wala ka na naman bang gagawin ngayon?"
Nanatili lamang akong nakatingin kay Vernon
"Vernon"
Agad siyang tumingin saakin ng tawagin ko siya
"Gusto mo na bang subukan ulit ang iyong kapangyarihan?"
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Serena sa sinabi ko
"Devon!!"
"Kung iyon ang nais mo ama"
"Kung gayon... pupunta tayo sa hanganan sa hilaga"
Serena POV
Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa isip ni Devon at naisipan na naman niyang ilabas si Vernon!!
Agad kong hinila ang tali ng sinasakyan kong kabayo ng tumigil ang kabayong sinasakyan nila Devon
Nasa gitnan kami ngayon ng gubat ng Arania. Ang hangganan ng hilagang parte ng Terra Nova malapit sa ubasan ng palasyo. Kasama namin nila Devon ang ilang kawal
Pinakiramdaman ko ang paligid
Kanina pa ako nakakaramdam ng mga itim na enerhiya
Napatingin ako sa harapan at sa magkabila namin ng biglang may lumitaw na mga Orux
Ang mga orux ay itim na mga payat na nilalang na kayang lumagpas ang katawan sa kahit anong bagay
May kakayahan silang lasunin ang kalupaan maging ang mga halaman at iba pang mga nabubuhay na bagay at nilalang
Sila rin ang may dahilan ng pagkasira at pagkalason ng mga ubasan sa buong Terra Nova
Napaismid ako ng makita ko na naman ang kanilang mukha na pahaba habang ang kanilang bibig ay nakabuka na puro itim lamang ang makikita sa loob tulad ng kanilang mga mata
Gumagawa rin sila ng kakaibang ingay na pumupuno sa buong kagubatan
Unti unting nagsisilapitan saamin ang mga orux habang nagsisigapangan na sa lupa ang kulay abong usok na nagtataglay ng kakaibang lason
"Alam mo na ang gagawin Vernon" - sambit ni Devon
Nilingon ko si Vernon na nakasakay sa kanyang kabayo na nasa likuran lamang ng kabayong sinasakyan ni Devon
Binitawan niya ang lubig ng kabayo niya at dahan dahang inalis ang itim na gwantes na nasa magkabila niyang kamay
Nagsiatrasan ang mga kawal sa likuran ng aking kabayo
Mahigpit kong hinawakan ang lubid ng aking kabayo ng makita ko na ang namumuong itim ba apoy sa palad ni Vernon
"I want you to clear this place"
Napatingin ako bigla sa sinabi ni Devon
A-anong sinasabi niya?!?!
"Run now!" - utos ko sa mga kasama naming kawal na mabilis na pinatakbo ang kanilang mga kabayo paalis
Unti unting yumuko si Vernon
Mas dumoble na rin ang bilang ng mga Orux na papalapit saamin ngayon at pakalat na ang mga abong usok
Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa lubid ng maramdaman ko na ang pwersang pinakawalan ni Vernon
Kitang kita ko ang itim na apoy na pumalibot saamin at mabilis na kumalat sa buong kagubatan na tumupok sa mga Orux gayun din sa anumang bagay puno man o bato sa buong lugar na aming kinatatayuan
Inilibot ko ang aking paningin sa gubat na ngayon ay isa ng umuusok na kapatagan na may itim na kalupaan
"Magaling Vernon"
Nilingon ko sila Devon at Vernon na ngayon ay unti unti ng itinataas ang kanyang mukha
Nakatingin lamang ako sa kanilang mag ama na ngayon ay magkatingin lamang
"Sa tingin ko ay sapat na ang ensayo mo rito sa palasyo. Siguro ay oras na"
Wag niyang sabihing...
"Dadalhin mo na ba ulit siya roon?"
Hindi ako nilingon ni Devon na nakatingin lang kay Vernon
Pero nasagot na ang tanong ko sa sunod niyang sinabi
"Maghanda ka. Pupunta na tayo sa Parua Abellon"
-------
#TOTDP
~1813