Library
English
Chapters
Settings

Agate

Azure POV

Tahimik akong naglalakad sa pasilyo hanggang sa makita kong pasalubong saakin si Khali

Tumigil ako sa paglalakad ng malapit na siya saakin

"Gregory"

Tinignan niya ako bago siya huminto sa harapan ko ng tawagin ko siya

"Anong problema mo batang yelo?" - bugnot na sambit nito

"Wala ka naman gagawin hindi ba?"

"Marami akong gagawin"

"Maliban sa pagmamasid sa mga narito sa palasyo at sa palihim na pagnanakaw ng mga mansanas sa mansanasan nila Tito Xeon, ano pa bang gagawin mo ngayong araw?"

"Ano bang kailangan mo saakin Azure at napakahaba ng sinabi mo bagay na di mo gawi?" - tanong niya habang ng uusisang nakatingin saakin

"Bantayan mo si Sarina. Wag mong alisin ang iyong paningin sakanya. At wag na wag mong hahayaang lumapit siya sa anak nila Tito Zeus"

Napataas siya ng isang kilay

"Hindi ako tagapag bantay Azure. At kung makapag utos ka ay akala mo mas matanda ka saakin!"

Ayan na naman siya. Palagi niya gustong ipasok sa usapan ang kanyang edad

Ayaw na ayaw niyang tinuturing siyang bata. Kahit pa sa hindi siya nalalayo saamin nila Jeestar. Maging ang pag iisip nito ay hindi pa nag iimprove katulad ng taas nito

"Kung nais mong protektahan ang iyong kakambal. Ikaw ang gumawa. Tungkulin mo iyon at hindi saakin"

Nagpatuloy na siya sa paglalakad at nilampasan ako

"Utos iyon ni Ina"

Pagkasabi ko noon ay bigla siyang tumigil sa paglalakad

"Utos iyon ni Freya?" - tanong niya

"Oo" - sagot ko na hindi siya nililingon

"Nasaan na bang sulok ng palasyo si Sarina?"

Iyon na lamang ang narinig ko mula sakanya kasabay ng mabibilis na yapak papalayo saakin

He is still into my Mother

I cant blame my father if he wants to kill him many times before

Mas maigi na iyon. Ng bantayan niya si Sarina

Kilala ko ang aking kakambal. Hindi siya makikinig kahit kanino kapag ginusto niyang gawin ang isang bagay. Kahit ako, si ina man o si ama. Ay walang nakakapigil sakanya

We are twins. We have the same stubborn head. That nobody wants to deal of

Sarina POV

Nasaan ba sila Eunice?

Kanina ko pa sila hinahanap pero di ko sila makita

Napatigil ako sa paglalakad ng matapat ako sa may hardin

"Nariyan kaya sila Eunice?"

Naglakad ako papunta sa may hardin at nililinga linga ko ang paligid habang ako ay naglalakad

Kung narito man sila mahihirapan akong mahanap sila dito

Matataas ang mga rosas na narito sa hardin ni Ina. Para siyang maze at sadyang malawak ito. Kaya dito ko inaaya si Azure na maglaro ng tagu taguan

"Eunice?"

"Jeestar?"

"Eul!"

Patuloy pa rin ako sa paglalakad habang tinatawag ko sila hanggang sa makarating na ako sa gitna nitong hardin kung nasaan ang isang fountain ang upuang kahoy sa harapan nito

"Mukhang wala naman dito sila Eunice"

pero nasaan naman kaya sila?

hindi pa naman siguro sila bumalik sa Halla Verona

"Alam ko na!"

kung wala sila dito at sa palasyo. Siguro ay nasa mansanasan sila ni Tito Xeon!

Agad akong tumalikod upang umalis ng bigla akong napatigil

Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa nilalang na nasa harapan ko ngayon

Tinitingala ko siya dahil sa tangkad niya na mas matangkad pa kaysa kay Ama. Di hamak dij na malaki ang kanyang pangangatawan.. Katulad... Ni Pride

"Ikaw siguro ang isa sa kambal ng dalawang itinakda ng propesiya"

Kakaiba ang kanyang boses. May hatid iyong kakaibang dating katulad ng kay Pride. Malalim na naghahatid ng kakaibang dating at maawtoridad

"Ikaw siguro si Greed"

Biglang nag iba ang kulay ng kanyang magulong itim na buhok, naging kulay dilaw iyon maging ang kanyang itim na mata ay naging kulay dilaw rin at tila kumikislap iyon

"Paano mo nalaman?"

"Ang presensya mo ay katulad ng kay Pride"

Nakita ko ang kanyang pag ngisi sa aking sinabi

"Itinago ko ang aking aura. Pero nagawa mo pa ring maramdaman. Sadyang kakaiba"

Biglang nanlisik ang kanyang dilaw na mga mata

"Maaari ba kitang hawakan, mahal na prinsesa?"

Napahakbang ako paatras ng makitang hahakbang siya palapit saakin

"Bakit ka humahakbang palayo?"

"Hindi maganda ang nararamdaman ko sa nais mo"

Mas lumawak ang ngisi nito sa labi na lalong nakapagbigay saakin ng kakaibang pakiramdam

"May nais lamang akong kumpirmahin"

Sunod sunod akong humakbang paatras ng dahan dahan na siyang naglalakad papalapit saakin

Pero bigla siyang tumigil sa paglalakad

Napatingin ako sa dalawang hanay ng mga rosas na malapit saamin ng biglang magsituyuan ang mga ito

Unti unting namamatay ang mga bulaklak at dahon nito

At isang batang lalaki ang nakita kong naglalakad sa pagitan ng dalawang hanay ng mga natutuyong rosas papunta sa aming direksyon

Mayroon itong kulay itim na buhok at itim na mga mata. Nakasuot rin ito ng pang maharlikang kasuotan

"Ully"

Napalingon ako sa dyablong si Greed ng bigla niyang bigkasin ang isang pangalan at nakatingin ito sa batang lalaking nakatayo na malapit saamin

Nilingon ko ulit ang batang lalaki

Ully? Iyon siguro ang kanyang ngalan

"Hindi magugustuhan ng hari ang pananakot mo sakanya Greed" - malamig na sambit nito habang diretsong nakatingin sa dyablo

Siya kaya? Siya kaya ang anak nila Tito Zeus at Tita Azola na sumunod na vessel ng dyablong si Greed??

"Hindi ko siya tinatakot"

Nilingon ako ng batang lalaki at saka ito naglakad palapit saakin at huminto saaking harapan

"Ako nga pala si Prince Ullysses Arundell. The crown prince of Syldavia"

Jeestar POV

"Dapat di na lang tayo pumunta sa mansanasan" - Elixir

"Buti pa nga. Dapat iba na lang ang ginawa natin" - sambit ko

"Si Eul lang naman ang may napala doon" - Tyron

Sabay sabay naming nilingon si Eulrich na kaliwa't kanan ang hawak na mansanas at ngumunguya

"Hindi man lamang nagpakuha ni isang piraso ng mansanas sa mga mansanasan niya" - sambit naman ni Eunice na naka krus ang dalawang kamay sa kanyang dibdib at masama ring nakatingin kay Eul habang naglalakad kami

"Maliban kay Edmund" - Tyron at saka lumingon sa lobo na ngayon ay kumakain rin ng mansanas

Siya lang ang nakakuha kanina dahil wala na rin namang nagawa pa si Eul ng pumitas ito ng mansanas niya. Lalo pat umiral ang pagiging Alpha King nito kanina, isa ring mataas ang tingin sa sarili

Natigil kami sa paglalakad ng may biglang dumaan na mabilis na hangin sa gilid namin at biglang sumulpot sa harapan namin si Khali

"Hindi niyo kasama si Sarina?" - tanong nito

Nagkatinginan kami

"Nagising na ba siya?" - Eunice

"Nasaan siya? Di niyo ba siya nakita? Tsk! Kailangan ko siyang mahanap! Ano na lamang ang sasabihin ni Freya pag di ko binantayan si Sarina"

Takang nakatingin lamang kami kay Khali na mukhang problemadong problemado na habang kinakausap ang kanyang sarili

"May kung ano sa hardin"

Nagsilingunan kami kay Aznar ng bigla itong magsalita

Kanina pa namin siya kasama pero palagi lang siyang nakapikit kahit habang naglalakad

Nakatingin ito sa may hardin na nasa may kanan namin kaya't napalingon din ako roon

"Presensya ng isang dyablo" - bulong ni Khali bago siya mabilis na nawala kaya't nagmadali rin kaming sumunod papunta sa hardin

Pagkarating namin sa gitna ng hardin ay nadatnan namin na hawak na ni Khali si Sarina habang masamang nakatingin sa isang batang lalaki

Nagulat ako ng makita kong katabi ng batang lalaki ang dyablong si Greed

"Wala akong ginagawa sakanyang masama" - sambit ng batang lalaki

Teka. Siya ang anak nila Tito Zeus

"Totoo iyon Khali. Nag uusap lamang kami" - Sarina

"Kahit pa! Ibinilin ka saakin ni Freya" - Khali

"Anong ginagawa ng isang dyablo dito sa labas?" - Eunice habang nakatingin kay Greed

Lumingon naman saamin ang dyablo

"Masama na bang lumabas paminsan minsan?" - Greed

"Alam mong nasa kasunduan iyon. Hindi maaaring palaging nasa labas ang mga dyablo" - sabi ko at saka nilingon si Ullysses

"Greed!" - bigkas ni Ullysses at wala pang isang segundo ay nawala na ang dyablo sa tabi nito

"Mabuti naman at kontrolado mo na ang dyablong iyon" - Edmund

"Nararapat lamang" - tugon ni Ullysses

"Pero hindi pa rin sapat" - sambit ni Elixir at saka sila nagkasukatan ng tingin

"Hindi magugustuhan ng hari kapag nakita niya ito" - Tyson habang nakatingin sa dalawang hanay ng mga rosas na ngayon ay patay na. Kulay itim na ang mga ito maging ang mga baging at dahon

"Ako na ang magpapaliwanag tungkol dito" - Ullysses

"Mukhang hindi mo pa hasa ang iyong kapangyarihan" - sambit ko na nakapagpalingon sakanya saakin

Hindi siya tumugon

"Tsk tsk, dapat ay sanayin mo pa ng mas maiigi ang kakayahan mo. Isa ka pa namang prinsipe" - sabat ni Elixir

"Hinahamon mo ba ako?"

"Owh kung iyon ang dating saiyo noon, hindi ako aatras"

Nagkasukatan na naman silang dalawa ng tingin habang kami ay nakatingin lamang sakanila

Napatingin kami kay Ullysses ng makitang unti unting nagkakabiyak at umiitim ang lupang inaapakan niya

"Hindi magandang hamunin si Ully ng isang laban prinsipe ng Sirona"

Napalingon kami sa may bungaran ng mga hanay ng rosas ng may magsalita doon

"At sino ka naman?!" - Elixir

Tinignan lang siya nito bago lumingon sa direksyon ni Sarina at saka tumingin kay Ullysses

"Mag uumpisa na ang pagsasanay. Hinihintay ka na nila"

Walang imik namang naglakad palapit si Ullysses sa bagong dating bago sila sabay na nawala sa paningin namin

"Sino ba ang isang iyon?" - Elixir

"Achlys. Kapatid siya ni Ullysses" - Eunice

Napataas naman ng kilay si Elixir

"Kilala niyo sila?"

"Ikaw lang naman ang hindi kilala ang mga prinsipe ng Dark Empire. Magbasa ka ng mga libro at makinig sa mga sinasabi saatin ng mga maestro natin ng di ka aanga anga" - Alkyl

"Psh. Bakit ko pa sila kikilalanin! Mas maiging di ko sila kilala at ako lamang ang kilala ng lahat"

Umiiral na naman ang pagiging mahangin niya

"Pero tama si Achlys, hindi magandang hamunin si Ullysses"

"At bakit naman? Dahil ba sa hindi pa niya hasa ang kapangyarihan niya at ako ay oo na. Natatakot ba kayong matalo ko siya?"

"Kaya niyang sirain ang buong kaharian ng Parua kapag ginalit mo siya Elixir" - Eunice

"Kapag nangyari iyon, malalagot kayo ng ama mo kay Luan" - nakangising sambit ni Khali na hawak hawak pa rin si Sarina

"Kaya ko pa rin siyang matalo. Kahit pa magsama sila ng kapatid niya!"

Napailing na lamang si Eunice samantalang tumalikod na si Aznar

"Hindi mo pa alam ang totoong kakayahan ni Ullysses. Lalo na ni Achlys"

"Kung ung Ullysses na iyon ay nakuha ang kapangyarihan ng hari ng Syldavia, ano naman ang kapangyarihan ng kapatid niya kung ganon?" - Elixir

Sasagot na sana ako na hindi ko pa tiyak kung ano ng unahan na akong sumagot ni Khali

"Isa sa mga kapangyarihang kinatatakutan ng buong Syldavia" - seryosong sagot nito

Isa... Sa mga kinatatakutan sa kaharian ng Syldavia??

Hindi na ako magugulat pa roon. They are the sons of the prince of destruction. But I am wondering, anong klaseng kapangyarihan ba meron ang Achlys na iyon??

Ullysses POV

"Hindi mo na dapat pa pinapatulan ang mga ganoong bagay" - Achlys

"Totoo ngang mayabang rin ang unang prinsipe ng mga Irondale"

"Alam mong di mo dapat hayaang pangunahan ka ng iyong emosyon"

"Alam mong matagal ng inalis saakin iyon ni Ama"

Sabay kaming huminto sa harapan ng malaking pintuan na agad namang binuksan ng dalawang kawal

"Hanggang dito na lamang ako. Pag igihan mo ang iyong pagsasanay" - Achlys

"Kung magsalita ka ay akala mo mas matanda ka pa saakin Achlys"

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy na ako papasok sa loob

Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad ang batang lalaking nakatayo sa gitna ng malawak na silid na walang ibang laman kundi tanging kaming dalawa lamang

Naglakad ako palapit sakanya at tumigil ilang layo pa ang pagitan sakanya

Unti unti siyang humarap saakin at agad na sumalubong saaking mga mata ang kulay abo niyang mga mata

"Magsimula na tayo" - sambit niya at saka lumitaw sa tabi niya ang dyablong si Pride

Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko bago siya tinawag

"Greed!"

Sarina POV

Masaya akong naglalakad habang lumulukso lukso sa may pasilyo habang tinatahak ang daan papuntang silid aklatan

"Hu?"

Nagulat ako ng makita ko si Clerion na nasa tapat ng pintuan ng silid aklatan at ng makita kong hinawakan niya ang seradura ay agad akong tumakbo

"Clerion!"

Agad siyang lumingon saakin at nagtatakang nakatingin saakin habang hinihingal akong huminto sa harapan niya

"Ayos ka lang ba Sarina?"

"A-ahh oo ayos lang ako" - tugon ko at saka ngumiti

"Ahh bakit pala narito ka?" - tanong ko

"Gusto kong magbasa ng mga aklat na narito sa Parua. Sabi ni ina, napakalawak ng aklatan dito. Noong pumupunta kami rito ay di ko nagagawang pumunta dito sa aklatan dahil umaalis din kami kaagad kaya naisipan kong pumunta ngayon"

"Ahh, kasi Clerion. Sa ganitong oras, nasa loob siya ngayon ng aklatan at nagbabasa"

Napatingin naman siya sa may pintuan at agad na binitawan ang seradura

"Ganun ba?"

Inilagay niya sa bulsa ng pantalon niya ang isa niyang kamay bago humarap saakin

"Ikamusta mo na lamang ako sakanya" - sambit niya bago umalis

Binuksan ko naman na ang pinto ng aklatan at saka pumasok sa loob

Agad na tumambad sa akin ang malawak na silid aklatan

Mga nagtataasang shelf na may mga libro, mesa at mga upuan

Naglakad ako habang nililinga linga ang paligid

"Agate?"

Nasaan kaya siya rito?

"Agate?"

"Narito ako"

Napatingin ako sa taas at nakita ko si Agate na nasa may ikalawang palapag ng aklatan sa may balustre

Agad akong tumakbo papunta sa mga hagdan pataas

Pagkarating ko sa taas ay nakita kong nakaupo na sa sahig si Agate katabi ng patong patong na mga libro malapit sa bintanang pabilog na gawa sa salamin

Nakatingin siya roon habang nasa may sulok kung saan ay hindi abot ang sinag ng araw mula sa labas

"Nakakaistorbo ba ako Agate?"

Lumingon siya saakin

"Hindi"

Ngumiti ako sakanya at saka naglakad palapit sakanya at naupo sa tabi niya

"Alam mo bang nakita ko sa labas ng aklatan si Clerion. At pinapasabi niyang ikamusta ko siya saiyo"

"Ganun ba?"

"Uhm!" - sagot ko at saka tumango

"Ahh siya nga pala"

Agad kong kinuha sa bulsa ng saya ko ang isang mansanas at inilahad iyon sa harapan niya

"Ipinabibigay ito saiyo ni Eul"

Kinuha naman niya iyon saakin at muling tumingin sa may salaming bintana

Suot suot niya ngayon ang cloak na palagi niyang suot pero nakababa ang hood niyon

Napatingin ako sa sinag ng araw na nasa may sahig na malapit lamang sa may kamay ni Agate na walang suot na gwantes

Napangiti ako ng may maisip ko at agad na kinuha ang kamay ni Agate at saka iyon inilapit sa sinag ng araw

"Sarina!"

Nabigla siya at agad na binawi ang kamay niya at agad iyong hinawakan ng isa niyang kamay

Kita ko rin ang takot sakanyang kulay platinum na mga mata na kunti na lamang ay kulay puti na iyon

"Wag kang mag alala Agate, pinalagyan ko ng mahika ang bintana kay Aznar kanina"

"Aznar? Anak nila Tita Keena" - bulong niya

"Oo. At katulad siya ni Tito Ashton. Isa rin siyang magaling na wizard!"

Muli niyang tinignan ang kamay niya na hawak hawak pa rin niya

inilahad ko naman ang aking kamay sakanya

"Magtiwala ka saakin"

Tumingin siya saakin at saka ko siya nginitian

Dahan dahan niyang ibinigay ang kanyang kamay sa kamay ko at sabay kaming tumayo

Inalalayan ko siyang maglakad palapit sa may bintana

Nag aalangan pa siyang ihakabang ang kanyang paa sa may sinag ng araw mula sa salamin

"Magtiwala ka saakin Agate"

Nakita kong lumunok muna siya bago siya humakbang doon

Nakita kong unti unting umaaliwalas ang kanyang mukha

At nagsimula na akong humakbang ulit maging siya hanggang sa makalapit na kami sa salaming bintana na pabilog

Tinignan ko siya at kitang kita ko sakanyang mga mata ang saya sa nakikita niya ngayon

Mula dito sa pwesto namin ay kitang kita namin ang labas ng palasyo maging ang mga kabayanan ng Parua Abellon

Tinignan niya ang dalawa niyang kamay na parang hindi siya makapaniwala bago muling tumingin sa labas ng bintana at tumingala sa araw na nasa kalangitan

Agad siyang napapikit at saka inalis ang tingin doon

"Ayos ka lang ba Agate?" - nag aalalang tanong ko

"Ayos lamang ako. Salamat Sarina" - sambit niya habang nakatingin saakin

Nginitian ko naman siya bago siya muling tumingin sa labas

Masaya akong kahit papaano ay naiibsan ko ang kalungkutang nararamdaman ni Agate

napakaespesyal niya. Napakakakaiba

Hindi siya maaaring lumabas kapag umaga na hindi balot ang buong katawan

Hindi siya maaaring tumingin sa araw o masinagan man lamang

Dahil iyon - iyon ang kanyang kahinaan. Iyon ang kabaliktaran ng kanyang kapangyarihan...

-------

#TOTDP

~1813

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.