Chapter 6 The Heir of the Demon of Greed
Azure POV
Napabangon ako ng may maramdaman akong kakaiba
"May problema ba, munting prinsipe?"
Napalingon ako sa gilid ng silid at nakita ko siya na nakaupo habang hawak hawak ang kanyang salamin
"Bakit ka nasa labas?"
"Lalabas ako kung kailan ko gustuhin"
"Bumalik ka na ngayon din" - malamig na utos ko
"Kailanman ay hindi pa ako inutos-itusan ng ganyan batang nyebe. Kahit pa ang iyong ama. Kilala mo naman siguro kung sino ang kinakausap mo ngayon"
"A demon that is full of himself, the father of all sins — Vanity"
I saw how his long violet hair turns into purple and his eyes glows
"Dont call me that name. I am Pride. And not vanity"
This demon
Pride, vanity. Its all his name. There's no difference
"Go back" - pagkasabi ko noon ay awtomatiko siyang nawala sa kinauupuan niya at naramdaman ko ang kanyang enerhiya na dumaloy sa aking dugo
Dali dali akong bumaba ng higaan at saka lumabas ng kwarto
I should check her if she's already awake
Huminto ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Sarina at nakiramdam
Dali dali kong binuksan ang pinto at saka pumasok sa loob at agad na iginala ang aking paningin sa buong silid and I silently curse when I found nothing but an empty bed on a silent room without any trace of her
Lumapit ako sa kama niya at marahang hinaplos ang kumot niya at saka pumikit
Pagmulat ko ng aking mga mata ay unti unting nagyelo ang sahig na inaapakan ko. Gumapang ito papunta sa may pinto forming a straight one line
At agad ko iyong sinundan
Luan POV
"My Lord"
Ibinaling ko ang aking tingin kay Freon na nakaluhod ang isang tuhod habang nakayuko sa ibaba ng aking trono
"Ano ang iyong balita sa iyong pag-iikot?"
"My Lord, may naramdaman akong kakaibang presensya na gumagala sa buong emperyo"
"Kakaibang presensya? Saan o kanino ito galing"
"Natitiyak akong ang presensyang naramdaman ko ay mula sa Dark Elements, my Lord"
Dark Elements?
"Matagal ng panahon na hindi sila nagpaparamdam"
At kung naramdaman nga sila ni Freon. Ano ang kanilang motibo?
Bakit sila biglang kumikilos ngayon?
May pinaplano ba sila?
"Luan!!!"
Napatingin ako sa bungaran ng aking trono at nakita kong nagmamadaling maglakad si Cassidy papalapit saakin
Agad akong tumayo at sinalubong siya
"May problema ba baby?"
"Luan, wala si Sarina sa kanyang kwarto. Maging si Azure" - nag aalalang sagot niya
"Baka nasa labas lamang sila kasama ng anak ni Saxon o ni Priam"
"Hinanap ko na sila sa palasyo. Pero di ko sila makita"
"Maging ng mga kawal?"
"Wala silang napansin. Hindi nila nakita sila Sarina. Tanging ang nakita ko lamang malapit sa tarangkahan ay ang yelo ni Azure sa lupa"
"My Lord, delikado pong lumabas sila sa mga panahon ngayon" - Freon na nakatayo na sa gilid namin ni Cassidy
Napakunot ang noo ni Cassidy habang nakatingin saamin ni Freon
"Hanapin mo sila at ibalik dito sa palasyo ngayon din" - utos ko at agad siyang nawala kasama ang kanyang mga nyebe
"Luan, may nangyayari ba?"
"Sa sinabi mong nakita mo ang yelo ni Azure sa may tarangkahan. Nasisiguro kong sinusundan niya ngayon kung saan man nagpunta si Sarina"
"Hanapin na natin sila. Baka may mangyaring masama kay Sarina"
Hinawakan ko ang kanyang kamay
"Wala kang dapat ipag alala. Kung sinundan siya ni Azure. Natitiyak kong mahahanap niya si Sarina. Si Freon na ang bahalang magbalik sa kanila rito"
Kung naramdaman ni Freon ang presensya ng mga Dark Elements
Kailangan kong mag doble ingat… para kay Sarina
Sarina POV
Napakurap kurap ako ng hindi ko na marinig ang boses ng babaeng aking sinusundan
"Hey! Where are you?"
Inilibot ko ang tingin sa paligid at nagtaka ako kung bakit nasa makahoy akong lugar
Anong ginagawa ko rito? Paano ako napunta rito?
Ang alam ko lang ay nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa isang panaginip. At narinig ko ang boses ng babaeng palagi kong naririnig at sinundan ko lamang ang kaniyang boses. Pero, hindi ko alam kung bakit ako napunta rito. Ang alam ko ay gabi pa tandang tanda ko pa na gabi pa lang kanina, nasa kalahating hugis ang buwan kanina. Pero...
Tumingala ako sa kalangitan at mula sa mga maliliit na espasyo mula sa pagitan ng mga malalaking dahon ng mga nagsisitayugang kahoy na tumatakip sa araw ay nakita ko ang kakarampot na sinag mula roon
Umaga na. Iyon ang natitiyak ko
Bigla akong napalingon sa aking kanan ng biglang may gumalaw mula sa mga nagsisitaasang damo
"May nilalang bang naririto?"
humakbang ako at napatingin ako sa aking mga paa na walang kahit ni isang sapin
At napapikit ako habang kagat kagat ko ang aking labi ng maramdaman ko ang hapdi roon at nakita kong nagdurugo na ang aking mga paa
Hindi ito maganda..
paano ako nakalabas ng palasyo ng nakapaa?
Napabaling ako sa aking kaliwa ng mag sipagaspasan ang mga dahon ng puno maging ang mga damo sa paligid
Nanindig din ang aking balahibo ng makarinig ako ng kakaibang panaghoy
Pinakatitigan ko ang parteng iyon ng kagubatan
Hindi ko maaninag masyado ang paligid dahil may kadiliman sa parteng iyon
Pero, tila nakakakita ako ng mga anino
Napaatras ako bigla ng makita ko ang isang anino na nakalutang sa lupa na mabilis na dumaan sa pagitan ng mga punong nasa harapan ko
Agad akong tumalikod at tumakbo hanggang sa mauntog ako sa isang dibdib
"Azure!"
Mangiyak ngiyak akong yumakap sakanya
"Shhh. Narito na ko. Wag ka ng matakot"
Marahan niyang hinahaplos ang aking likuran habang nakayakap ako sakanya at humihikbi
Nag angat ako ng ulo at saka siyang tinignan
Nagmamasid siya sa paligid habang patuloy niya pa ring hinahaplos ang aking likuran
"Azure umalis na tayo dito"
Pero mukhang hindi niya ako narinig
Patuloy lamang siya sa pagtingin sa paligid
"Azure"
Napatingin ako sa baba ko at nakita kong unti unti ng nagyeyelo ang lupang inaapakan namin
"Azure may problema ba?"
Biglang namula ang kanyang mga mata habang diretso pa rin ang kanyang tingin
Ng hindi siya sumagot ay lumingon ako sa aking likuran at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na ang aninong may anyong tao na walang mga mata at may butas sa ibaba ng kanyang mukha na tila bibig nito ngunit puro itim lamang ang nakikita ko roon. Nakalutang ito sa lupa papalapit saamin
Agad akong iniharap ni Azure sakanya pero bago pa man ako tuluyang makaharap sakanya ay nakita ko pa ang biglang pagsulpot ni Freon sa daraanan ng nilalang na papunta sa amin ni Azure
Nanatiling nakalapat ang aking noo sa balikat ni Azure habang yakap niya ako ng isa niyang kamay
"Young lord, we need to go back at the palace now" - rinig kong sambit ni Freon mula sa aking likuran
dahan dahan akong inilayo ni Azure sakanya at napatingin siya sa aking mga paa bago niya ako tinignan
"Everything is fine now, now Sleep"
Nginitian ko siya at naramdaman ko na lamang ang pagbigat ng aking talukap hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim
Freya POV
"Dark Elements" - mahinang sambit ko
"Sigurado ka ba?" - tanong ni Luan kay Freon
"Opo panginoon. Sigurado akong mga bogle ang nakaharap namin sa kagubatan ng Albana"
"Kumikilos na naman sila"
Nilingon ko si Luan na nasa kabilang upuan
"Anong kailangan nila sa anak natin Luan?"
"Walang kailangan ang Dark Elements kay Sarina. Nagkataon lamang na naroon siya sa gubat na iyon"
Kung sabagay. Hindi ko maaaring isipin na si Sarina talaga ang puntirya lamang ng Dark Element na iyon. Dahil unang una, hindi namin pinapalabas si Sarina ng palasyo. Tanging ang bawat hari lamang ng bawat kaharian ang nakakaalam ng mukha ni Sarina at Azure. Ang mga mamamayan ng buong Dark Empire ay ni minsan hindi pa nila nakikita ang kambal namin ni Luan. Dahil iyon sa labis naming pag-iingat
Kaya imposibleng makilala ng mga Dark Elements kambal namin ni Luan
"Bakit nagpadala na naman ng mga kampon si Hades? Akala ko ba ay hindi na siya pwedeng mangialam"
Wala na si Haden. Kaya bakit pa siya nangingialam
"Hindi pa tayo siguradong padala sila ni Hades"
"Ano? Pero kampon niya ang mga Dark Elements"
Iyon ang mga pinadala niya noon ng makipaglaban kami laban kay Haden
"Hindi lang si Hades ang may hawak ng mga Dark Elements. Hindi lamang siya"
"Kung ganun, sino pa?"
"Magsasagawa ako ng imbestigasyon tungkol dyan"
"Pero, paano nga ba napunta roon si Sarina? Ang gubat ng Albana ay isang gubat pa ang layo mula dito sa palasyo"
Kaya paanong nakapunta roon si Sarina?
"Mukhang nagsisimula na naman ang mga nangyari sakanya ng nakaraang taon"
"Kung ganun, kailangan nating bantayan siya sa lahat ng oras"
Andreana POV
"Adreana, kailangan na nating bumalik sa Athanasia" - Clerion
"Kailangan pa ako ng kapatid ko rito. Nakita mo namang bumabalik na naman sa dati si Sarina hindi ba? Mas magandang marami ang narito ng mabantayan siya"
Alam namin lahat kung ano ang mga nangyayari ngayon kay Sarina
Pero hindi pa namin alam eksakto kung ano, paano at bakit iyon nangyayari
Nakakarinig ng mga boses si Sarina na ni isa saamin ay hindi iyon naririnig
madalas rin siya noong mawala lalo na kapag gabi. Naglalakad siya ng gabi ng hindi niya nalalaman
Nananaginip siya ng mga hindi niya kayang ipaliwanag saamin ng malinaw
Si Tamara, si Tamara lamang ang may alam kung ano ba talagang nangyayari sa kambal nila Luan at Freya
Ang nasabi niya pa lamang saamin noon, ay malakas ang pakiramdam ni Sarina kaysa saamin lahat
Iba siya makiramdam
"Alam ko. Pero sadyang marami naman na tayo dito. Narito sila Saxon at Grey. Kailangan ng magpatuloy sa pagsasanay si Clerion"
Nilingon ko si Clerion na nakaupo sa kabilang sofa habang nilalaro laro ang baston na hawak niya
"Clerion, nais mo na bang umuwi sa Athanasia?" - tanong ko
Tumingin siya saakin at binigyan ko siya ng isang makahulugang tingin
"Hindi po ina. Gusto ko pang manatili rito"
Ngumisi ako at saka muling tumingin kay Crayon na nakatayo sa harapan ko
"Hindi iyon ang gusto niyang isagot Adreana. Dont manipulate our son"
"Come on Crayon! I am not manipulating him. Just go back to Athanasia by yourself if you want"
Sasagot pa sana siya ng nagpalabas ako ng mg karayom sa pagitan ng mga daliri ko sa kanang kamay ko
"Okay okay! We will stay"
Nginitian ko siya bago tumayo at saka ko siya hinalikan sa labi
Inalis niya ang tingin saakin at saka tumingin sa likuran ko at tumalikod rin ako para tignan ang tinitignan niya
Nakatingin kami ngayon sa apat na bampirang naglalakad papasok sa bungaran ng palasyo
Sinalubong namin sila ni Crayon
"Mukhang nahuli kayo sa kasiyahan. Ullyzeus, Azola"
"Natutuwa akong makita ka Adreana" - nakangiting sambit ni Azola
Napatingin ako sa dalawang batang lalaki na kasama nila
"Kailangan kong makausap sila Luan" - Ullyzeus
"Mabuti naman at naisipan niyo ng pumunta rito sa Parua. Hinihintay kayo ni Luan" - sagot ko bago tumalikod
Luan POV
Pagkapasok na pagkapasok namin sa silid ng pagpupulong nila Cassidy at Azure ay agad kong nakita sila Zeus na nakaupo na sa harapan ng pabilog na malaking mesa na nasa gitna
Pagkaupo ko ay napatingin ako sa dalawang batang lalaking nasa kanan ni Zeus
"Maligaya ako't dumalaw na kayo rito kasama ang dalawa niyong anak" - Cassidy
Hindi pinagbabawal sa aming mga bampira na magkaasawa ng sarili naming kadugo
Hindi kami katulad ng mga tao
Mas magiging malakas ang dugo ng isang bampira kung pinaghalo iyon ng parehong pure blood o royal blood
"Patawad at hindi kami nakapunta sa kaarawan ng inyong kambal. Nagkaroon lamang ng maliit na problema noon sa Syldavia" - Azola
"Naiintindihan namin. Nakarating saamin ang inyong sulat" - Cassidy
"Naparito kami upang dumalaw. At ng mapag usapan na rin natin ang isang importanteng bagay" - Zeus
"Siya na ba ang sumunod na tagapag mana?" - tanong ko habang nakatingin sa batang nasa tabi ni Ullyzeus
"He is our first born, Ullysses. And his brother, Achlys"
(a/n: Ullysses pronounce as: Yulises, Achlys pronounce as: Akelis)
Sabay itong tumayo at saka bahagyang yumuko saamin ni Cassidy
Kung ganun, ang unang anak rin nila ang nagmana ng kapangyarihan ni Ullyzeus
I wonder, what kind of power his second son has
"Natitiyak kung pinagsasanay mo na siya ng maigi" - Cassidy
"Mahigpit ko siyang sinasanay sa Syldavia" - Zeus
"Naparito na rin ba sila Devon?" - Azola
"Hindi pa. Hindi pa ulit sila nagpapakita saakin mula ng huli nilang punta rito"
Ibinaling nila Zeus ang tingin nila kay Azure na tahimik lamang na nakaupo
"Kailangan na nating pagsamahin sa pagsasanay ang mga bagong vessel ng limang dyablo" - Azola
"Itatakda ko iyon sa lalong madaling panahon"
"May balita na ba kayo sa dyablong si Sloth?"
"Hindi pa nasasabi ni Kyran kung namana ng anak nila ni Astrid ang kapangyarihan niya. Kaya hindi pa ako sigurado kung na kay Kyran pa ang tamad na dyablong iyon o wala na. Isa pa, masyadong malihim ang bampirang iyon"
Hindi ko magawang maramdaman kay Kyran ang presensya ni Sloth kung naroon pa ito sa kanyang katawan o wala na. Dahil iyon sa proteksyon ni Ina na ibinigay nito sakanya
"Kung gayon nasaan na si Kyran?" - Azola
"Mahilig siyang mawala ng parang bula at babalik kung kailan niya man gustuhin" - sagot ko at nagsisimula na namang mag init ang dugo ko ng dahil sa bampirang iyon
"Sa ngayon, gusto naming iwan muna rito sila Ullysses at Achlys"
Napatingin ako kay Zeus
"Mas magandang kasama na siya ng anak mo habang hinihintay ang iba pa"
"Sang ayon ako sa sinabi ni Zeus"
Napabaling naman ako kay Cassidy
Alam kung gustong gusto niyang maraming narito sa palasyo, bagay na ayoko
"Kung pahihintulutan mo mahal na hari" - Azola
Hihindi na sana ako ng tapikin ako ni Cassidy at taasan ako ng isang kilay
"Bahala kayo. Kung iyon ang nais niyo"
Wala naman ako na akong magagawa
Sarina POV
Kinusot kusot ko ang aking mga mata bago ko nilinga linga ang paligid
Nasa kwarto na pala ako
Inalis ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at saka tinignan ang maliliit kong paa
Wala ng kahit na anong sugat mula roon
Nilingon ko ang upuan na nasa gilid ng kwarto ko at nakita ko doon si Azure na nakaupo habang nakasandal ang ulo nito sa upuan at natutulog at nasa tabi niya si Pride
"Bakit nasa labas ka Pride?" - tanong ko
"Pareho kayo ng kakambal mo" - ismid na sabi niya
"Mas gusto kong nakikita kita" - nakangiting sabi ko
Tinignan niya lamang ako
"Matagal na ba akong natutulog?"
"Isang oras"
kahit kailan talaga ay napaka tipid niyang magsalita
"Uhh aalis kana?" - tanong ko ng makitang unti unti ng lumilitaw ang kulay lilang usok sa kanyang paa
"Kailangan ko ng bumalik sa katawan ng iyong kakambal"
"Sana ay matagal tagal tayong magkausap. Ikatutuwa ko iyon ng malaki"
Hindi niya ako tinugon hanggang sa mawala na siya sa kanyang kinauupuan kasabay ng pagmulat ni Azure
"You're awake"
Agad siyang tumayo at lumapit saakin
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" - tanong niya
Nakangiting tinanguan ko siya
"Anong klaseng nilalang pala ang nakasagupa natin kanina Azure?"
"Wag mo ng isipin pa ang ngyari"
"Pero, marami bang ganoon sa labas ng palasyo?"
"Sarina"
"Kung maraming ganoon sa labas ng palasyo. Nasa panganib ang mga mamamayan ng Parua"
Hindi pa ako nakakalabas ng palasyo kaya't wala akong alam sa labas, sa bayan. Dahil karaniwan sa kagubatan, ilog o sa kabundukan ako natatagpuan nila Ama sa tuwing nawawala ako
"Wala kang dapat ipag-alala"
"Pero Azure…"
"Malakas na kaharian ang Parua Sarina. Hindi hahayaan ni ama na manganib ang sinuman sa kanyang sinasakupan"
"Naniniwala ako kay ama. Pinoprotektahan niya ang buong Dark Empire. Katulad ng pagpoprotekta mo saakin"
"Kaya nga wala kang dapat ipag alala"
Napatigil ako bigla ng may maramdaman akong presensya
"Sinong nasa palasyo Azure?" - tanong ko
"Anong nararamdaman mo Sarina?"
"Isang presensya. Presensya na di nalalayo kay Pride"
"Narito sila Tito Ullyzeus"
Namilog ang mata ko sa narinig ko mula sakanya
"Narito sila Tito Zeus? Pero bakit nararamdaman ko ang isang presenya na katulad ng kay Pride?"
"Isa si Tito Ullyzeus sa may hawak sa isa sa pitong dyablo. Na ngayon ay nasa katawan na ng kanyang anak"
"Talaga?? Gusto kong makita siya! Gusto kong makilala ang sinasabi mo maging ang kauri ni Pride!"
Sa buong buhay ko si Pride pa lamang ang nakikita ko at si Gluttony. Sila pa lamang dalawa dahil dumadalaw din dito dati sila Vernon
"Hindi maaari Sarina"
Natigilan ako sa sinabi niya
"Bakit naman hindi?" - nakakunit noo kong tanong habang nakanguso
"Delikado. Hanggat maaari ay wag kang lalapit sakanya Sarina"
"Pero Azure!"
Inilapat niya sa uluhan ko ang palad niya at marahang ginulo ang aking buhok
"Makinig ka na lamang saakin Sarina"
"Umm" - sagot ko at saka tumango
Alam kong di niya ako papayagan
Pero…
Pero gusto ko silang makilala
Gusto kong makilala ang bagong tagapag kontrol sa isa sa pitong dyablo…
-------
#TOTDP
~1813