Chapter 5 The Seductive Voice
Saxon POV
Pasipol sipol akong naglalakad papunta sa silid kung saan nag eensayo ang mag amang yelo
Nais kong sumilip kung paano inihahanda ni Luan ang kanyang taga pag mana
Napatigil ako bigla sa aking paglalakad ng makita ko ang pag usok ng sahig ng pasilyong aking nilalakaran
Ramdam ko rin ang unti unting pagbagsak ng temperatura
Hindi pa man ako nakakalapit sa mismong silid ay abot na rito ang yelo ng nyebeng iyon. Mukhang masyado naman atang ipinagmamalaki ni Luan ang kapangyarihan niya sa kanyang anak
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at saka huminto sa isang pintuan na nababalot na ng yelo
"Tsk tsk! Balak niya bang ikulong ang sarili niya at anak niya sa silid na ito?"
Humakbang ako ng ilang hakbang paatras bago ko itinaas ang aking kamay at agad na may lumabas na baraha sa pagitan ng aking dalawang daliri at mabilis na itinapon iyon papunta sa nagyeyelong pintuan
Pero agad kong itinaas ulit ang aking kamay upang saluhin pabalik ang aking baraha ng hindi nito nabasag ang yelong bumabalot sa pinto
Napataas ang isa kong kilay habang nakatingin sa pinto at nanatiling nakapantay sa tagiliran ng aking mukha ang aking kamay na hawak ang bumalik kong baraha
Ang alam ko, dapat ay bumaba ang kapangyarihang taglay ni Luan ngayon dahil namana ni Azure ang kanyang kapangyarihan. Pero bakit tila hindi naman iyon nabawasan?
Hindi kaya dala na rin ng pagiging hari niya? May purong dugo ng bampira at ng isang dyosa?
Kahibangan
Ikinumpas ko ang aking kamay at nagsilabasan ang aking mga baraha sa bawat pagitan ng aking nga daliri at saka iyon itinapon papunta sa pagitan ng pintuan
"The heck!!!"
Muli kong sinalo pabalik ang aking mga baraha ng tumalbog lamang ang mga ito pabalik at di man lamang nakagawa ng kaunting biyak sa yelo
Grabe ba ang naging bawas sa aking kapangyarihan? Haixt! Nagmana sa akin si Elixir kaya maging ako ay nabawasan ng lakas. Pero di ko akalain na grabe ang ibabawas noon saakin
Pero. Pero mukhang imposible naman. Malakas pa rin ang aking mga baraha. Nitong nakaraang mga araw lamang ay ilang poste rin sa Sirona ang nagiba ko na labis na naging problema nila Cyano
Pero bakit? Bakit di ko man lang magawang bigyan ng kaunting biyak ang yelong nakabalot na ngayon sa pinto?
Napatalon ako bigla palayo sa may pintuan ng biglang mabutas ang pader at sunod sunod na tumarak ang mga matutulis na yelo sa kabilang pader kung nasaan ako nakatayo kanina
"The fuck Luan! Balak mo ba akong kalabanin ng walang pasabi sabi?!" - bulyaw ko sa bampirang naglalakad na ngayon palabas ng butas ng pader
"Anong malay kong narito ka at nagmamanman"
"Nagmamanman? Hindi ako ispiya Luan
Tinignan niya lamang ako kayat nagpatuloy ako sa pagsasalita
"Napadaan lamang ako kaya ako narito at nakita kong pinagyeyelo mo ang mga pader at sahig. At nakita ko pang nababalot na sa yelo ang pinto. Narito ako upang sana ay tulungan kayo na wag makulong sa loob. Ito nga at wawasakin ko na sana ang yelo mo" - mahabang paliwanag ko at saka itinaas ang aking kamay kung nasaan ang aking mga barahang bumalik saakin kanina
"Hindi ko pinagyelo ang mga sahig at pader Saxon. Lalo na't hindi ko pagyeyeluhin ang pintuan ng silid lalo pat nasa loob kami ng anak ko. Malalagot ako kay Cassidy kapag ginawa ko iyon"
Hindi siya??
Kung ganun
Napatingin ako sa butas ng pader na nasa tabi ni Luan na umuusok usok pa dahil sa kakaibang lamig mula sa loob at mula doon ay nakita ko ang paglabas ni Azure
Napatitig lamang ako sa batang may kulay puting buhok hanggang sa tumabi na ito kay Luan at saka ako tinitigan rin sa aking mga mata
Bakit parang pakiramdam ko, batang Luan lamang ang aking kaharap
At kung hindi si Luan ang may gawa niyon. Posible kayang ang batang Dragomir na ito?
Nanatili pa rin akong nakatingin sakanya, sakanyang walang ekspresyon na mga mata
Nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan ng nyebe ang batang ito
Edmund POV
"Ganun ba talaga ang prinsipeng iyon? Masyado siyang hambog"
"Haha ganoon talaga si Elixir. Di mo siya masisisi kung ang ama niya ay ang hari ng Sirona" - sagot ni Tyson
"Kung sabagay" - pag sang ayon ko
May mga naririnig rin ako tungkol sa hambog na hari ng Sirona, dahil di naiiwasan ni Tito Rosh na hindi siya masali sa usapan lalo na kung patungkol sa mga nakakaasiwang mga bampira ng Dark Empire
"Matagal na ba ang hardin na ito?" - tanong ko kay Tyson
Nasa hardin kami ngayon na puno ng mga mapupulang rosas
"Hmm, siguro. Hindi ko alam kung sino ang gumawa nitong hardin pero ang alam ko, mismong ang hari ang nagpalago ng mga bulaklak na narito. At alam mo ba, ang mga rosas na narito ay di pangkaraniwan. Sabi ni ama, ang mga bulalak na narito ay hindi namamatay o natutuyo. Patuloy lang din sa pamumulaklak ang mga rosas dito at walang kasing pula ang mga naritong rosas dahil ang mga nakatanim rito ay mula pa kay Tito Kyran"
Kyran?
Bihira ko lamang marinig ang pangalan na iyon. Mukhang isang beses ko pa lamang iyon narinig, aksidenteng narinig ko iyon ng nag uusap si Ama at Tito Rosh
"Sino naman ang Kyran na iyon?"
"Edmund, Tito ko siya. Kapatid siya nila Ama. At nagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga rosas at baging. At hindi lang iyon ang kaya niyang gawin"
Palagi kong kasama si Tyson kahit pa man nasa Pack kami. Dahil siya ang nagsisilbing taga bigay saakin ng mga impormasyong hindi ko alam
Maliban sa pag eensayo at paghahanda bilang susunod na hari ng nga hari ng lobo ay tutok ako sa mga pag eensayo kaya wala akong alam sa mga bagay na labas na ng aming Pack. At iyon ang ipinaaalam saakin ni Tyson
Napatingin ako sa isang rosas na nasa malapit saakin at biglang may naalala ako. Puputulin ko na sana iyon ng bigla akong pigilan ni Tyson
"Hindi ka maaaring pumitas ng mga rosas dito"
"At bakit naman hindi?" - nakakunot noong tanong ko
Ayaw na ayaw kong pinipigilan at pinagbabawalan ako sa mga gusto kong gawin
"Magagalit ang hari kapag nalaman niya. Dahil ang hardin na ito ay sumisimbulo sa reyna"
Pero gusto kong pumitas. Dahil may gusto akong pagbigyan
Bigla akong napapikit at napalanghap sa hangin ng may kakaibang mabangong amoy na pumasok sa aking ilong
Amoy na naapawan pa ang bango ng mga rosas na nakapalibot saakin
Ang amoy na ito. Pamilyar
Ang amoy na parang bulalak na Jasmin
Inilibot ko ang paningin ko sa hardin at saka naglakad habang sinusundan ang amoy na iyon
Di karaniwan sa mga batang lobo na magkaroon na ng malakas na pang amoy
Pero dahil ako ay may dugo ng Hari ng mga Alpha, lahat ng mga senses ko ay maagang nadevelop. At kasama na roon ang aking pang amoy
"Gusto ko pong dalhan ng mga rosas si Agate, Ina"
Napatigil ako ng makita ko ang bampirang may mala anghel na mukha
"Sige ako ng pipitas. At pipitasan ko siya ng marami. Wag na wag kang didikit sa mga tinik ng rosas Sarina"
Kaya pala pamilyar. Sa kanya nga ang amoy na iyon. Kagabi ko lamang siya nakilala pero di na naalis saakin ang mabangong amoy niya. Ang amoy ng Jasmin
"Mabuti na lang at wala ngayon si Azure"
Napalingon ako kay Tyson na nasa likuran ko na ngayon
"Azure? Ang prinsipe ng mga nyebe?"
"Oo. Ayaw na ayaw niyang may tumititig kay Sarina"
"May masama ba doon?"
"Over protective na kakambal si Azure. Na kahit kaming mga kadugo nila ay hindi nakakaligtas sakanya"
"Wala naman akong balak na masama sakanya" - sagot ko at saka muling nilingon si Sarina na kasama ng reyna na namimitas ng mga rosas
"Iba mag isip si Azure. Masyado siyang advance mag isip. Lalo na kung patungkol kay Sarina"
Hindi ko na lamang siya roon sinagot dahil nakatingin na lamang ako kay Sarina na ngayon ay tuwang tuwa habang nakatingin sa mga rosas
Wala naman akong balak na saktan siya. At hinding hindi ko iyon gagawin
Gretel POV
"Kamusta ang mga gawain na ibinigay saiyo ni Luan?" - tanong ko bago ko ibinigay kay Travis ang isang kopita na agad niyang ininuman
"Mas marami ngayon. At mas kakaiba"
"Kakaiba?"
"Hindi ko pa maaaring sabihin. Wala ako sa posisyon para sabihin iyon hanggat di pa iniuutos si Luan"
"Naiintindihan ko"
"Nga pala, si Agate?" - napatigil siya sa pag inom at saka lumingon saakin
"Nasa kanyang silid"
"Gusto niya bang magpadala na lamang tayo uli ng makakain niya?"
"Hindi na. Pupuntahan ko siya at susunduin. Hindi naman maaaaring palagi na lamang siyang nasa kwarto niya kahit gabi habang narito sila Grey. Ayaw ko siyang matulad saakin na mailap sa iba"
Biglang binitawan ni Travis ang kanyang kopita at saka hinawakan ang aking kamay
"Wala naman masama kung magaya sayo ang anak natin. Kung ikaw lang din naman ang magiging katulad niya bakit hindi"
"Tigilan mo ako Travis" - tinapik ko paalis ang kamay niya sa kamay ko
"Wag kang magdididikit kay Saxon at Kevin. Natututo kana sa mga ganyang bagay"
"Hindi mo ba gusto? Pero bakit nakangiti ka?"
Agad akong tumayo at tumalikod
"Lalabas na ako at pupuntahan ko na si Agate"
"Didiretso ako dito sa kwarto natin pagkatapos ng hapunan"
"Travis, sinabi ko na sayo noon pa. Ayoko ng sundan pa si Agate"
"Dating gawi. Di ka naman noon mabubuntis"
Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi kaya di na lamang ako sumagot at saka lumabs ng kwarto namin
Natututo na siya kila Kevin
Pero kung sabagay. Natural sa kanilang mga Dragomir ang may mga matatamis na dila. Hindi literal
Matatamis sila kung magsalita
Ng pagtapat ko sa pintuan ng silid ni Agate ay kaagad kong pinihit ang seradura ng pintuan at dahan dahang pumasok
Katahimikan ang sumalubong saakin at ang may kadilimang loob ng kwarto
Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin siya habang naglalakad ng maingat sa loob ng hindi makagawa ng kahit anumang ingay
Ng mapatingin ako sa malaking pintuan papunta sa terrace ng kwarto kung saan ang kurtina ay mahinang isinasayaw ng hangin mula sa labas ay doon ko siya nakitang bahagyang nakatingala at nakatanaw sa labas ng salaming pintuan na bahagyang nakaawang
Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko habang pinagmamasdan siyang nakatanaw sa labas
Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa kalagayan niya. Sa dinadanas niya
Kahit pa man kilala ako bilang Salvatory na walang pakialam sa anumang bagay ay pagdating sa aming anak ni Travis ay hindi ko kayang magpasawalang bahala na lamang
Kung hindi dahil sa kakaibang kakayahang tinataglay niya ay hindi siya magkukulong na lamang dito sa kanyang kwarto ng mag-isa
Hindi niya namana ang kakayahan ko maging ang kakayahan ni Travis
Pero, nagtataglay siya ng kakayahang isang beses pa lamang sa kasaysayan ng mga bampira ang may umangkin. Kakayahang isang bampira pa lamang ay nagtaglay na sa haba na ng panahon ay nakalimutan na ng ibang nilalang ang tinataglay nitong kakaibang lakas
Pero alam ko. Alam kong mapoprotektahan siya ng kapangyarihan niya. Pero, iyon din ang magiging dahilan ng ikapapahamak niya balang araw
"Ina"
Nawaglit ako sa malalim na pag iisip ng tawagin niya ako habang nakatanaw pa rin sa labas
"Naistorbo ba kita?"
Humarap siya saakin. At hindi ko maiwasang hindi napangiti sa loob loob ko ng makita ko ang kanyang mukha na pinaghalong kawangis namin ni Travis
"Hindi. Ako ata ang nakaistorbo sa inyong malalim na pag-iisip"
"Pumunta ako dito upang sunduin ka. Maghahapunan na, hinihintay na tayo sa hapag"
Napatingin ito sa itim na cloak na nakasabit sa isang sabitan na gawa sa kahoy ng Irania na malapit sa kanyang kama
"Narito pa sila"
"Nais ka nilang makita, Agate"
"Pero"
"Matutuwa sila Eunice kapag nakita ka nilang lumabas"
Lumingon ito saakin at kitang kita ko ang maitim nitong mga mata na namana niya sa kanyang ama
Naglakad ako palapit sa sabitan at kinuha ang kanyang cloak at saka iyon sakanya isinuot
"Wala kang dapat ikabahala. Gabi naman at ligtas ka"
Tumango lamang ito bilang sagot
Keena POV
Tinapik ko ang kamay ni Ashton ng pinaglalagyan niya ng pagkain ang plato ko
"Kailangan mong kumain ng marami" - Ashton
"Ilang ulit ko ba sasabihin na hindi namin kailangan kumain ng madami? Baka nakakalimutan mo na naman na Bampira ang napangasawa mo Wizard" - sambit ko at saka umirap
Napalingon naman ako sa kanan ko ng makita kong punong puno na ng pagkain ang platong nasa harapan ko at ang may salarin ay ang batang nasa tabi ko
"Good Aznar" - kumento ni Ashton sa anak niya
Haist! Ang mag amang Wizard na to pinagkaka isahan na naman ako!
"Nasaan pala si Gretel, Travis?" - tanong ni Freya kay Travis
"Sinusundo si Agate"
"Siya nga pala. Di ko pa nakikita ang anak niyo simula pa ng kasiyahan" - Adreana
"Alam niyo naman na nagmana si Agate kay Gretel, masyadong mailap sa iba" - Xeon
"Pwede bang tumigil kayong dalawa!" - biglang sigaw ni Ariela kila Eulrich at Xiel
"Puro mansanas na naman ang nasa pinggan niya! Nakakaasiwa!" - Xiel
"Wala namang masama doon. Hindi po ba papa?" - Eul na nilingon si Xeon na may kagat kagat na mansanas
"Oo naman. Walang masama doon"
Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit mas lumawak na ang mansanasan na sakop ni Xeon ngayon. Dahil ang unang anak nila ni Ariela ay namana ang obsesyon niya sa mga mansanas
Napatingin kaming lahat sa may malaking pintuan ng silid ng bumukas iyon at pumasok si Gretel kasama ang isang batang babae na nakasuot ng itim na cloack
Ang anak nila ni Travis, si Agate
"Agate! Mabuti naman at sasamahan mo kami kumain" - masayang sambit ni Sarina at saka pinaghila ng upuan sila Gretel at Agate
"Hindi dapat gawain iyan ng prinsesa, Sarina" - Adreana at saka nilingon sila Luan
"Hindi sa nangingialam. Pero diba dapat ay alam ni Sarina na prinsesa siya at hindi taga hila ng upuan?"
"Wag mong kwestyunin ang pagpapalaki ni Cassidy sa anak namin Adreana" - Luan
Nanahimik naman na si Adreana at saka muling nagpatuloy sa pagkain
Nakikita kong balang araw ay magiging katulad rin ni Freya si Sarina
Bigla namang napatigil sa pagkain sila Luan ng biglang lumitaw sa gilid niya si Freon
Ang nyebe na ito, basta basta na lamang lumilitaw
"My Lord" - magalang na bati nito kay Luan at saka lumuhod
"Nalibot mo na ba ang buong emperyo?"
"Yes my Lord" - sambit nito at saka tiningala si Luan at may kung ano sa pilak nitong mga mata na parang may nais iparating ito kay Luan
"Magbigay ka ng ulat bukas na bukas rin ng umaga, hindi ako pwede ngayong gabi" - Luan at saka nilingon si Freya
Agad naman na nawala si Freon sa gilid ni Luan at mga nyebe na lamang ang naiwan sa pwesto nito
Si Freon palagi ang inuutusan ni Luan na maglibot sa buong emperyo dahil sa kakayahan nito. Katulad rin ito ni Dion kay Kyran. Maaasahan, tapat at maraming kakayahan
Pero bakit parang may iba akong pakiramdam sa mga nalaman ni Freon sa paglibot libot nito sa Emperyo?
Parang pakiramdam ko, may problema
Freya POV
"Ina, ama maaari po ba kaming maglibot libot nila Alkyl bukas sa labas ng palasyo?" - Sarina
Marahan kong inayos ang kumot niya sa kanyang katawan habang nakaupo na siya sa kanyang kama
Nilingon ko si Luan na nakatayo sa may gilid ng kama ni Sarina katabi si Azure
"Delikado sa labas ng palasyo" - Luan
"Pero ama gusto ko pong pumunta sa kabayanan. Nais kong makita ang ating mga nasasakupan"
"Mag eensayo bukas si Azure, walang sasama saiyo" - Luan
"Pero ama naandito naman po sila Jeestar, Alkyl, Khali, Eunice, Eul, Xiel, Ashnar, Tyson at …" - bahagya pa itong nag isip
"…sila Elixir pati na din po si Edmund"
"Mas lalong hindi ka maaaring lumabas" - sabay na sagot nila Luan at Azure
Napangiti ako sa reaksyon ng mag ama ko
Masyado silang protektado kay Sarina
"Pero po —"
"Makinig ka na lamang Sarina sa iyong ama at kapatid"
"Sige po. Pero papayagan niyo naman na po ako sa susunod di po ba? Salamat po"
Napangiti ako sa kakulitan ng isa sa aming kambal. Talagang di siya titigil hanggat hindi napagbibigyan
"Pag iisipan namin ng iyong ama" - sambit ko
Lumapit naman si Luan kay Sarina bago ito humalik sa uluhan nito at saka naman sumunod si Azure at humalik sa pisngi ni Sarina
"Good night our princess" - sambit ko bago ko siya hinalikan sa kanyang uluhan at saka siya nakangiting humiga
Tumayo naman na ako at saka tinignan sila Luan at Azure
Bago pa man kami tuluyang lumabas sa kwarto ni Sarina ay maiging tinignan muna ulit nila Luan at Azure ang buong silid ni Sarina bago kami lumabas
Sarina POV
"Sarina"
"Sarina"
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ng marinig ko ang mahinang pagtawag sa aking pangalan
Marahan akong bumangon mula sa pagkakahiga habang kinukusot kusot ang aking mata
"Sarina"
"Where are you?" - tanong ko
"Let's play"
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng unti unti itong bumukas
Inalis ko ang kumot sa aking katawan at saka bumaba sa aking kama bago naglakad palabas ng kwarto
"Where are you?"
"Follow me"
Kahit wala akong nakikita at naririnig ko lamang ang kanyang boses ay sinundan ko ang mga mahihina niyang bulong
Ang boses na palagi kong naririnig…
Boses ng isang babaeng tila palaging nang aangkit…
-------
#TOTDP
~1813