Library
English

Twin of the Dark Prophecy

89.0K · Completed
Cassiopeia
33
Chapters
215
Views
9.0
Ratings

Summary

Twin of the Dark Prophecy: The untold prophecy (Book 3 of Dark Series)Kasabay ng pagsilang sa bagong kambal sa angkan ng mga Dragomir ay siya ring pagkagising ng isang propesiyaAng propesiyang matagal ng natutulog. Ang propesiyang matagal ng walang nakaaalam. Ang propesiyang hindi pa nabibigkas ng labi. Ang propesiyang muling magsisimula ng lahatNow are you ready to know the Untold Propecy???

SuspenseBadboy

Chapter 1 Prologue

"Let's play"

I heard the voice again. A faint female voice.

"Find me... Find me"

Its just a whisper

Her voice seems come from nowhere

I follow her voice... Habang pilit kong inaaninag ang aking dinadaanan sa madilim na paligid

Ramdam na ramdam ng aking mumunting paa na walang anumang suot pang yapak ang medyo may kagaspangan na daan na aking tinatahak

"Come... Come and find me"

Narinig ko na naman ang kanyang boses na tila ng aakit... ng hahalina...

Tanging ang boses niya lamang ang aking gabay sa madilim na lugar

"Hey are you still there?" - tanong ko ng hindi ko na marinig ang kanyang tinig

Naramdaman kong biglang mas lumamig ang paligid

Pero ngayon may naaaninag na ako hindi katulad kanina na puro kadiliman lamang ang aking nakikita

Parang nasa isa akong kweba. Malamig at madilim na kweba

Nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad habang hawak ko ang laylayan ng suot kong maliit na mahabang bestidang pantulog na kulay puti

"The girl"

"Its her"

"She is"

"She's here"

I heard different voices around me

Wala roon ang boses ng babaeng palagi kong naririnig

Ang mga boses na naririnig ko ngayon ay tila nagmumula sa pinakakailaliman

"Where are you?" - I ask them

Pero bigla na lamang nawala ang mga boses at nawala na rin ang kakaibang lamig sa paligid

Pero isang presensya ang pumalit doon. Isang kakaiba pero pamilyar na presensya ang aking nararamdaman

"Anong ginagawa ng isang bata sa lugar na ito?"

Nabigla ako ng makarinig ako ng boses ng isang lalaki

Napakalamig ng kanyang boses. Mas malamig pa sa temperatura kanina ng lugar na kung nasaan ako ngayon. Napalamig at napakalalim

Nilinga linga ko ang paligid at napatingin ako bigla sa pinakadulo kung nasaan ako ngayon nakatayo

Nakita ko roon ang kakaunting liwanag na nagmumula sa taas

Naglakad ako papunta roon at huminto ilang distansya lang mula sa may liwanag na parte nitong lugar

Kahit hindi ko man nakikita. Ramdam na ramdam ko pa rin na naroon sa madilim na parte sa unahan ng may liwanag ang nagsalita kanina

"Sabihin mo, sino ka?" - tanong muli ng isang boses

"Sarina, iyon ang aking pangalan"

"She's the answer"

"She's the key"

"She is, our Lord"

Narinig ko na naman ang mga halo halong boses

"Do you hear the voices?" - I ask him calmly

Biglang nagsitigilan ang mga boses na pumapailanlang sa paligid

"Do you hear the souls of the damned?" - he asked me too with a surprised and confused on his voice

"Yes, I hear them. I always hear them"

Saglit siyang di umimik. At isang minuto ang lumipas bago ko narinig ang mga kalansingan ng kadena. At nakita ko na lamang ang bulto ng isang lalaki na naglalakad papalapit sa parte kung nasaan ang kakarampot na liwanag

Ng huminto siya sa gitna niyon ay nagtaka ako sa kanyang katayuan

Wala siyang suot na panyapak. Ang magkabila niyang paa at kamay ay may kadena maging sa buo nitong katawan. Wala itong saplot pang itaas. Napatingin naman ako sakanyang mukha

Red lips. Flat mole on his right side of his nose. Silver eyes with no trace of life. And his long messy silver hair na halos sumayad na sa lupa

napakunot noo ako ng mapagtanto ko ang isang bagay

Bakit parang kamukha niya si ama??

Hindi lang rin nalalayo ang mukha niya saamin ni Azure

"Bakit tila may kamukha ka?" - tanong niya habang nakatitig rin saakin

"Sabihin mo, sino ang iyong mga magulang?"

"Freya and Luan" - diretsong sagot ko

Nagtaka ako ng makita ko ang pagdilim ng kanyang mukha. Mas naging malamig ito kumpara kanina

"Kung ganun ang nasa aking harapan ngayon ay ang isa sa kambal ni Freya at ... Luan"

Tila may kakaiba sa pagkabigkas niya sa pangalan ni ama

Pero mas natuon ang aking pansin sa una niyang sinabi

Paano niya nalaman na may kakambal ako?

Kilala ba ako ng lalaking nasa harapan ko?? Kilala niya rin kaya sila ama at ina?

Humakbang siya papalapit saakin at dinig ko ang pagsayad ng kadena niya sa lupa. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa niya ay biglang humigpit ang kadenang nasa kanyang buong katawan at kita ko ang pagkapaso ng kanyang balat. Pero tila hindi niya iyon ininda dahil hindi man lamang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Nanatili iyong blanko

"Ikaw? Sino ka? Anong ginagawa mo sa madilim na lugar na to?" - inosenteng tanong ko

Sasagot na sana siya ng unti unti na akong nawawala sa lugar na iyon

Pero bago pa man ako tuluyang makaalis sa lugar na un ay narinig ko pa ang huling salitang binitawan niya

"See you again, my princess"

------

#TOTDP

      ~1813