Chapter 2 Azure and Sarina
Freya POV
Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi ng biglang may sumulpot na isang pulang rosas sa aking harapan
"Wala ka na bang gawain mahal kong hari?" - nakangiting tanong ko pagkakuha ko sa rosas na hawak niya
Mula sa aking likuran ay umupo siya sa isa pang upuan na nasa aking tabi habang nasa likuran lang niya si Freon
Kasalukuyan kaming nasa may likuran ng kaharian sa tapat ng malawak na hardin ng mga rosas
"Si Travis na ang bahalang tumapos noon" - sagot niya at saka kinuha ang kaliwang kamay ko na nasa ibabaw ng pabilog na mesang gawa sa marmol na nasa harapan namin
"Sinasabi ko na nga ba. Tinakasan mo na naman ang iyong mga gawain" - sambit ko at saka binawi ang aking kamay sa kanyang kamay
"Haist! Maghapon na naman akong uupo sa trono at magbabasa ng sandamakmak na mga sulat mula sa ibat ibang kaharian. Wala na naman akong panahon para saiyo"
"Luan, Sa nakalipas na walong taon ay palagi na lamang iyan ang inirereklamo mo"
"Hindi naman talaga si Travis ang uutusan ko noon. Ang kaso lang, wala na naman si Kyran! Ang pulang iyon. Siya ang aking kanang kamay pero palaging nawawala at ilang taon na naman iyong hindi magpapakita"
Sa nakalipas na mahigit walong taon ay marami na ring nagbago
Si Priam ay nasa Halla Verona na upang pamunuan ang naiwang kaharian ng Reyna Dhalia
Si Adreana ay nakatira na ngayon sa Athanasia kasama ni Crayon at ang nag iisang anak nilang nagsasanay bilang nag iisang susunod na crown ng water element
Si Rosh sa mga panahon na ito ay wala dito sa Parua. Kasalukuyan siyang nasa Black Moon Shadow Pack kasama si Bliss at ang kanilang anak. Mahigit isang taon na rin na hindi sila dito nagagawi
Tanging sila Travis at Xeon na lamang ang naiwan dito sa kaharian kasama namin
Si Kyran at Astrid hindi rin dito nananatili. Nasa mansyon sila ni Kyran na nasa Sirona
Mag iisang taon noon ang anak nilang lalaki ng bigla na lamang silang lumipat doon at ni minsan ay hindi na niya ibinalik pa rito sila Astrid at ang anak nila
Tanging sa mga sulat na lamang kami nakakapag usap ni Astrid. Samantalang napunta naman dito si Kyran na nagtatagal lang ng ilang buwan at saka mawawala ng mga isang taon bago muling babalik
Hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung anong nangyayari sakanya. Masyadong malihim si Kyran
"Nga pala, nasaan ang aking prinsipe at prinsesa?"
Napabalik ako sa ulirat ng itanong iyon ni Luan
Sabay naman kaming napalingon sa direksyon ng pasukan ng hardin at napangiti ako ng makita ang dalawang batang naglalakad papalapit saamin habang magkahawak ng kamay
"Mama! Papa!" - sigaw ni Sarina habang may hawak na pulang rosas at ang kanan nitong kamay ay hawak ng kanyang kakambal
Agad na tumayo si Luan at saka sinalubong ang aming kambal
Naglakad naman ako palapit sakanila
"Kumuha po kami ni Azure ng bulaklak sa hardin" - masayang sambit ni Sarina
Masayahin si Sarina. Palaging nakangit
Kabaliktaran naman ito ng kanyang kakambal. Si Azure
(a/n: Pronoun: Azure — Azor)
Nilingon ko si Azure na nasa kanan ni Sarina. Tulad ng parati ay walang kaemo-emosyon ang mukha nito. Parating blanko ang mukha. Minsan lamang ngumiti at tumawa. Nangyayari lamang iyon kapag magkasama sila ni Sarina. Kapag sila lamang dalawa ng kanyang kakambal
Minsan nga ay naisip kong mana saakin ang anak naming babae at ang anak naman naming lalaki ay nagmana kay Luan. Manang mana talaga ito sa bugnuting hari ng mga nyebe
Ang aming kambal ay parehong mayroong kulay puting buhok. At kulay abong mga mata
"May problema ba Sarina?" - tanong ko sa anak kong babae ng mapansin kong tila may naramdaman ito
"Paparating na sila" - sagot niya
Bahagyang yumuko si Luan kay Sarina para abutin ang maliit nitong mukha
"Sinong sila?" - tanong ni Luan kay Sarina
"Sila Tito Priam at Tita Eliza. Narito na po sila sa palasyo" - nakangiting sagot ni Sarina
Nagkatinginan naman kami ni Luan
"Kung ganoon ay maiwan na muna namin kayo ng Ama niyo dito" - sambit ko
Umayos naman na ng tayo si Luan at saka tinignan si Azure na blanko lang ang mukhang nakatingin rin sa kanyang ama
"Ikaw na muna ang bahala sa iyong kakambal"
Hindi naman sumagot si Azure at hinawakan lang ang kamay ng kanyang kakambal
Nginitian ko silang dalawa bago kami umalis ni Luan
"Nararamdaman mo ba ang presensya nila Priam?" - tanong ko kay Luan na kasabay ko sa paglalakad papasok ng palasyo
"Hindi ko nararamdaman ang presensya nila"
Ng makapasok kami sa loob ng palasyo ay pumunta kami agad balustre ng palasyo kung saan ay kita ang labas ng mataas na tarangkahan ng palasyo
Mula sa pwesto namin ay natanaw namin sa malayo ang limang kabayo at isang karwahe
Sakay ng apat na kabayo ang apat na kawal samantalang nangunguna ang kabayong sinasakyan ni Priam
Napatingin ako kay Luan at lumingon rin siya saakin
"Hindi mo naramdaman na paparating sila kahit ako. Pero, naramdaman ni Sarina ang presensya nila"
"Hindi pa tayo nakatitiyak baby" - sagot niya at saka hinawakan ang aking kamay
"Mas mabuti pang bumaba na tayo ng masalubong na natin sila"
Pagkababa namin ay nadatnan namin na abala sila Ariela at Zane sa paglalagay ng mga palamuti sa bawat sulok
"Iabot mo nga saakin ang tali Zane" - Ariela
Agad namang itinapon ni Zane ang tali na nasambot naman ni Ariela at napatigil sila at napatingin saamin ni Luan na naglalakad pababa ng hagdan
"Mahal na hari, mahal na reyna" - sabay na bati nila at saka yumuko
"Hindi bat sinabi ko ng hindi niyo na kailangan pang gawin iyan" - sambit ko sakanilang dalawa at saktong nakababa na kami ng hagdan
Tumawa lang naman silang dalawa
"Ohh Kevin? Nasaan na ang anak mo?!" - pasigaw na tanong ni Zane kay Kevin na naglalakad papalapit saamin habang may tigtatlong malalaking kahon sa ibabaw ng dalawa niyang kamay
"Kasama siya ni Khali. Di ko sila makita simula pa kanina" - sagot ni Kevin at saka ibinagsak sa sahig ang mga dala niya bago lumingon saamin ni Luan
"Kaya pala di ko makita si Travis at Gretel" - sambit ni Kevin na nakatingin kay Luan
"Gawain dapat iyon ni Kyran na bigla na namang naglaho kasama ng kanyang mga rosas" - Luan
Napatigil naman kami sa pag uusap ng bumukas ang malaking pintuan may ilang layo mula sa pwesto namin
Nakangiti kong tinignan ang mga bampirang pumasok
"Eliza"
Ng makalapit sila ay agad kong niyakap si Eliza
"Ang aga ata ng dating niyo" - Luan
"Gusto ng mga bata na maaga kaming pumunta dito para sa okasyon mamayang gabi" - sagot ni Priam
Nilingon ko ang dalawang batang nasa pagitan nila ni Eliza
"Magbigay galang kayo sa hari at reyna Jeestar, Eunice" - sambit ni Eliza sa anak nila ni Priam
"Magandang umaga mahal na hari at reyna"
Ang panganay na anak nila Priam ay nagmana sa kanya. Mayroon itong copper blonde na buhok at black midnight eyes. Samantalang ang pangalawa nilang anak na babae ay mayroong mahabang auburn hair at kaparehong mata ni Jeestar
"Kamusta ang Halla Verona?" - tanong ko kay Priam
"Wala naman nagiging malaking problema. Maliliit lamang. Tumutulong sila Grey sa pagbabantay sa boundary ng Halla" - sagot ni Priam
"Damn!! Pwede bang wag kayong mag away dalawa!!"
Napatingin kaming lahat sa may hagdan at nakita namin si Xeon na hawak hawak sa magkabila niyang kamay sila Eulrich at Xiel
"He hits my apples!!"
"Because you always eats apple and it makes me wants to vomit!"
"Pag di kayo tumigil itatapon ko kayo pababa ng hagdan!" - Xeon
"Xeon!!" - sigaw ni Ariela na nakapamewang na
Napatingin naman sa baba ang mag aama at bigla itong nagsitahimikan at nagsiayusan ng tayo pero kapwa nakasimangot ang mga mukha
"Bumaba nga kayo dito!"
Wala pang ilang segundo ay nasa harapan na namin silang tatlo
Nakahanay sila sa harapan ni Ariela
And they are cute, lalo na pag magkakasama
Di mo sila pagkakamalan di mag aama
Kasi di nagkakalayo ang kanilang mga mukha lalo na pag nakanguso at di rin nagkakalayo ang ang kulay ng kanilang mga buhok
Their first son Eulrich (pron: Ul-rich) has a pale light pink hair while Xiel has a cherry red hair
"Ano na naman pinag aawayan niyo?" - tanong ni Ariela sa dalawa anak niya
"Xiel hits my apples with his darts!"
"His apples makes me feel ill" - ismid na sagot ni Xiel
"Di pa rin kayo nagbabago Eul, Xiel"
(a/n: Eul is pronouced as Yul. While Eulrich is silent E - Ulrich)
Napatingin sila Eulrich sa dalawang anak nila Eliza
"Naandito na pala kayo" - Eul
"Ayaw namin mahuli sa pagtitipon mamayang gabi" - sambit ng anak na babae nila Priam
"Nasaan nga po pala mahal na hari sila Azure?" - tanong ni Jeestar kay Luan
"They are on the garden" - sagot ko, dahil mukhang walang balak sumagot si Luan
Alam kong wala na naman ito sa mood dahil sa pagdating nila Priam
Ganyan siya kapag may mga dumarating dito sa palasyo
Mga sagabal lang daw sila sa oras namin
Alam niyo naman ang selosong bampira, hindi pa rin siya nagbabago at mas lumala pa nga ang pagiging possessive niya saakin
"Mabuti pang puntahan niyo na muna sila" - Eliza
Umalis naman na sila Jeestar at sumunod sakanila sila Eulrich
"Mabuti pang hanapin mo na rin Kevin si Alkyl. Baka kung saan na un dinala ni Khali" - Zane at saka umalis si Kevin
"Ipagpapatuloy na rin namin ang aming ginagawa ng matapos kami ng maaga" - Ariela at saka sila umalis ni Zane at kaming apat na lamang ang natira
"Hindi pa ba bumabalik dito si Kyran?" - tanong ni Priam kay Luan
"Ang pulang buhok na iyon. Hindi ko na alam ang gagawin sakanya" - Luan
"Darating kaya sila mamayang gabi sa okasyon?" - Eliza
"Hindi namin alam" - sagot ko
"Hindi ko maintindihan si Kyran. Ni hindi niya pa naibabalik muli dito sila Astrid at ang anak nila mula ng umalis sila noon dito sa Parua. Sanggol pa lamang ang anak nila. At nacucurious ako sa kung ano ng hitsura ng kanilang anak"
"Sigurado akong kasing kisig siya ni Kyran" - sambit ko na ikinatingin saakin ni Luan
"Mas makisig si Azure. Wala ng mas kikisig sa ating anak. Dahil iyon saakin" - kumpyansadong sambit ni Luan
Natawa naman si Eliza sa itinuran ni Luan
"Magpapatalo ba ang hari ng mga bampira?" - Eliza
"Nga pala. Mamayang gabi na ang ikawalong taon ng pagdiriwang ng kanilang pagsilang. Sa tingin niyo ba ay lalabas na rin ang kakayahan ni Sarina?" - tanong ni Eliza
Noong tumuntong sa pitong taong gulang sila Azure at Sarina ay nagising na ang kapangyarihan ni Azure
Namana niya ang kapangyarihan ng kanyang ama
Kayat kinailangan na ring lumipat ni Pride sa katawan ni Azure
Sa mga bampira, kapag namamana ng anak ang kapagyarihan ng kanilang magulang ay bumabawas ang kapangyarihang taglay ng kanilang magulang kung kanino nila namana ang kanilang kapangyarihan
Dahil namana ni Azure ang kapangyarihan ni Luan, nabawasan rin ang lakas ni Luan. At dahil doon ay kailangan ng ilipat ng katawan na kukulungan ang dyablong si Pride dahil di na kakayanin ng katawan ni Luan na panatilihing nakakulong sakanya si Pride, na ikulong ang kapangyarihan ng dyablo
Ang balita ko ay maging ang anak nila Devon, Ullyzeus at Yael ay namana rin ang kanilang kapangyarihan kayat napasa rin sa kanilang mga anak ang tatlong dyablo
Pero kahit pa lumabas na ang kapangyarihan ni Azure ng ikapitong kaarawan nila, si Sarina ay hindi pa
Hanggang ngayon ay di pa namin alam ang totoo niyang kakayahan
"Nasisiguro kong lalabas din ang kapangyarihan niya. Kung hindi pa ngayong gabi. Darating rin ang tamang panahon para doon" - sagot ni Luan at saka hinawakan ang aking kamay
Alam niyang nag aalala ako
Nag aalala ako na baka walang kakayahang taglay si Sarina dahil saakin, dahil sa aking dugo na nananalaytay din sa kanya
Baka mas nangibabaw ang dugo ng pagiging Light Empire ko sa aming anak na babae
At natatakot ako, natatakot ako para sa sariling kaligtasan ng isa naming kambal...
Sarina POV
"Sa tingin mo ba Azure lalabas na rin ang kakayahan ko mamayang gabi?"
"Kahit hindi man lumabas ang kakayahan mo. Narito pa naman ako para protektahan ka"
Nginitian ko siya at bahagya naman siyang ngumiti saakin
Nakaupo kami sa may damuhan sa harapan ng malawak na hardin ng mga rosas
Nakaunan ako sa kanyang hita habang siya ay nakatingin lang saakin
Bigla naman siyang napalingon sa kanan niya at muling bumalik sa walang kaekspre-ekspresyon ang kanyang mukha
Kaya agad akong bumangon at tumingin sa direksyon kung saan siya nakatingin
"Sarina, Azure!" - sigaw ni Xiel
Napangiti ako ng makita ko sila ni Eul kasama sila Jeestar at Eunice
agad na tumayo si Azure at saka ako inalalayan tumayo at saka hinarap sila Jeestar
"Kamusta na kayo Azure?" - tanong ni Eunice
"Maayos naman kami" - sagot ko
"Mabuti kung ganun" - Jeestar na nakatingin lang kay Azure
napatingin ako kila Eul at Xiel ng mag umpisa na silang maggulungan sa may damuhan
"Ya!! Dont stole my apples!" - Eul
"I will throw it away!" - Xiel
"I will tell you to Papa! Ya!"
"Siguro naman ay tatanda pa sila hindi ba?" - Eunice
"Baka hindi na tumanda ang mga isip nila" - Jeestar
"Nga pala. Nasaan si Agate?" - tanong ni Eunice
"Alam mo namang hindi mo siya makikita kapag umaga. Mamaya mo pa siyang gabi makikita" - Jeestar
"Mabuti pa sigurong puntahan na lang natin siya sa kaniyang silid" - Eunice
"Ayaw niyang may pumupunta sa kanyang kwarto, bukod kay Sarina" - Azure
Ngumisi naman si Eunice kay Azure
"Nagsasalita ka naman pala Azure"
Tinignan lang siya ng blanko ni Azure
"Stop that Eunice. Hindi pa gaanong hasa ang kapangyarihan ko. Di kita mapprotektahan kay Azure kung sakaling magalit ang prinsipe ng nyebe" - tumatawang sambit ni Jeestar
"Hindi naman magagalit noon si Azure" - sambit ko
Bigla naman akong napatingin sa may hardin
Napatitig ako doon ng matagal
At naramdaman ko na lang na may humawak sa aking kamay kaya napalingon ako kay Azure
"May problema ba?"
"Wala" - sagot ko pero mukhang hindi siya nakumbinsi at lumingon siya sa may hardin
Muli akong lumingon doon
Ramdam ko
Ramdam na ramdam kong may nagtatago sa may hardin. Ramdam kong may nagmamasid saamin mula doon
-------
#TOTD
~1813