Chapter 3 Voice
Freya POV
Nakangiting sinusuklayan ko ang mahabang puting buhok ni Sarina habang nasa harapan kami ng salamin dito sa kanyang kwarto
"Ina"
Tinignan ko siya sa salamin
"Ano iyon baby?"
"Lalabas na po kaya ang kapangyarihan ko ngayong gabi?" - tanong niya habang nakatingin rin saakin sa salamin
Napatigil ako sa pagsuklay sa kanyang buhok sa itinanong niya
"Baby, wag mo ng intindihin pa ang bagay na iyon. Kahit hindi pa iyon lumabas, ay ayos lang"
"Pero hindi po ba't lahat ng mga prinsesa, prinsipe at ang mga bampirang may purong dugo ay mayroong kapangyarihan?"
"Sinabi ko na saiyo noon Sarina. Baka mas namana mo ang dugo ko kaysa sa iyong ama. Bakit ayaw mo ba iyon?"
"Syempre gusto ko po. Kahit alin naman po sa dugo niyo ni ama ay ayos lang saakin" - nakangiting sambit niya
"Kung ganoon ina, sa amin ni Azure siya ang nakakuha ng purong dugo ni ama?"
"Mas nangibabaw lamang ang dugo ng inyong ama sa kanya, Sarina. Hindi ibig sabihin noon na wala kang dugo ng inyong ama"
Pinaharap ko siya saakin at hinawakan ang maliit niyang mukha
"Basta lagi mong tatandaan. Mahal na mahal ka namin ng iyong ama at ni Azure. Kaya siya ang unang isinilang sainyo ay dahil para protektahan ka niya"
Ngumiti naman siya at saka tumango
Napatingin kami sa may pinto ng may kumatok doon at pumasok ang isang tagapagsilbi ng palasyo
"Pinasusundo na po kayo ng mahal na hari mahal na reyna" - nakayukong sabi nito
"Mabuti pang lumabas na tayo, tiyak naiinip na ang mag-amang iyon" - natatawang sabi ko kay Sarina na ikinatawa niya rin
Sabay kaming tumayo at lumabas ng kwarto
Pagdating namin malapit sa may mahabang hagdan ay agad naming nakita sila Luan at Azure na parehong blanko lang ang mukha habang nakatayo naman si Freon malapit lamang kay Luan
Nakasuot sila pareho ng itim na kasuotang pangmaharlika at talagang makikita mo ang pagkakapareha nilang dalawa mula sa tindig, hitsura, mukha at kahit ang aura na nakapalibot sakanila
Sabay silang lumingon saamin ni Sarina ng malapit na kami sakanila
"What took you so look, my Queen?" - tanong ni Luan pagkalapit saakin at saka ako binigyan ng halik sa aking labi
"Inayusan pa po ako ni Ina, Ama" - Sarina na nasa tabi na ni Azure
"You look beautiful my princess" - sambit ni Luan kay Sarina na sinagot lamang nito ng isang ngiti
"Mabuti pang bumaba na tayo para harapin ang ating mga panauhin"
Naunang naglalakad sa unahan namin sila Azure at Sarina pababa ng hagdan habang nasa likuran lamang kami ni Luan at si Freon naman ay nasa likuran namin
Nagsitigilan naman ang mga bisita at saka lumingon sa direksyon namin at saka sila nagsiyukuan
pagkababa namin nila Luan ay saka sila nagsiayusan ng tayo
"Ikinagagalak namin ang inyong pagpunta sa gabing ito" - paunang salita ko pero napatigil ako ng bigla ko na lamang narinig sa isipan ko ang boses ni Luan
"I am not"
Nilingon ko siya at dati pa rinang ekspresyonng kanyang mukha
"Sana ay magsaya kayo sa buong pagdiriwang" - pagkasabi ko noon ay ngumiti ako at saka sila nagtaasan ng hawak nilang kopita at saka nagsikanya kanyang balik sa kanilang gawain
Nakita ko naman Adreana na naglalakad na papalapit saamin
Ng makalapit sila ay agad akong niyakap ni Adreana
"Mabuti at nakarating kayo" - Luan
"Ako pa ba. Natural darating kami. Ilang taon ko na ring hindi nakikita ang Parua" - Adreana at saka nilingon si Crayon
"Wag mo na akong sumbatan. Nararapat lamang na doon kayo ng anak natin tumira" - agad na sambit ni Crayon kay Adreana
"Magandang gabi po"
Napatingin naman bigla si Adreana at Crayon kay Sarina ng magsalita ito
"Kamusta ang prinsesa ng aking kapatid"
Nilapitan niya si Sarina at saka ito humalik sa kanyang pisngi
Napalingon naman si Adreana kay Azure na nanatili lamang na nakatingin sa ibang direksyon
"Azure hindi mo man lamang ba ako babatiin?"
Nilingon naman siya ni Azure at saka tinitigan
"Inaasahan ko ng iyan lamang ang gagawin mo. Iyan din ang gawain ng hari ng mga nyebe" - Adreana at saka nilingon si Luan na nasa tabi ko
"Nga pala nasaan pala si Clerion?" - tanong ko
"Kasama siya ng anak nila Xeon" - Crayon
"Narito rin ba sila Tamara" - tanong ko
"Hindi sila makakapunta rito. Masyadong abala sila sa kanilang kaharian" - Crayon
"May pinaghahandaan ba sila?" - Luan
"Tutok sila sa pag eensayo sa susunod na mga crown. Iyon ang mahigpit na inuutos ni Tamara, hindi ba?" - Adreana
Ilang buwan lang matapos kung maisilang sila Azure at Sarina ay nagbigay ng mahigpit na utos si Tamara tungkol sa pangitaing nakita niya noon na hindi pa gaanong malinaw sa kanyang isipan. Pero isa lang ang malinaw na alam niya tungkol doon
Kailangang ihanda ang lahat na susunod na mga tagapag mana ng susunod na henerasyon
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Tamara kung ano talaga ang mga pangitaing nakita niya noon at sinabi niyang kailangang ihanda ang mga taga pagmana" - Adreana habang nakatingin kay Luan
"Tito Grey"
Napatigil kami ng marinig namin si Sarina
Napasunod naman ako sakanya ng tingin at nakita ko sila Rosh na papalapit na saamin
Bigla naman akong hinapit ni Luan papalapit sakanya ng makalapit na saamin sila Grey
"Akala ko ba ay busy sa Pack niyo kaya di kayo makakapunta?" - Adreana at saka nilingon si Rosh
"Bakit parang ayaw mo na atang makita ang kapatid mo Adreana" - Rosh
Napalingon naman ako kay Bliss at sa batang lalaking nasa pagitan nila ni Rosh
Katulad ni Rosh ay mayroon itong kulay burgundy red na buhok at itim na mga mata
"Maligayang kaarawan Azure, Sarina" - bati nito kila Azure
"Salamat Tyson. Mabuti naman at nakapunta kayo" - nakangiting sambit ni Sarina
"Kamusta na kayo dito sa Parua, Freya?" - napalingon ako kay Grey
"Maayos na maayos kami dito sa aking kaharian, kung wala lamang mangugulo" - mabilis na sagot ni Luan
Umismid lamang si Grey sa itinuran ni Luan
"Siya na ba si Edmund?" - tanong ko at saka nilapitan ang batang katabi ni Grey na nakataas noong nakatingin saamin
Ngumiti ako ng haplusin ko ang kanyang mukha
"Ang susunod na Alpha King" - sambit ko habang nakatitig ako sa kulay kayumanggi nitong mga mata
"Alam ba ng iyong Luna ang pagpunta niyo rito?" - Luan
"Nagpunta kami dito para sa kaarawan ng inyong kambal. Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin saakin kumbinsido?" - Grey
"Ganyan ba talaga kapag nagkakaharap ang parehong hari ng dalawang dakilang lahi?"
Nagsilingunan kami sa likuran nila Rosh kung nasaan ay naglalakad na papalapit saamin sila Keena kasama sila Ashton at ang kanilang anak
"Ashton" - agad kong nilapitan si Ashton at saka niyakap
"Ilang buwan din tayong hindi nagkita" - kumento ko
"Pasensya na. Alam mo namang kailangan kong tutukan ang bagong mga susunod na wizard ng Elonia Majestica" - Ashton
"Naiintindihan ko naman"
"Nga pala dala namin ang nga regalong ipinapaabot nila Keisler para kila Azure at Sarina" - Keena at saka nilingon sila Sarina at Azure
"Hindi sila makakapunta ngayong gabi. Pero pinapasabi nilang pupunta sila dito sa mga susunod na araw"
"Mabuti pang pag usapan na natin ang mga dapat na pag usapan" - Adreana
Nilingon ko naman sila Azure
"Azure, mabuti pang hanapin niyo muna sila Alkyl"
Tipid lamang itong tumango at saka kinuha ang kamay ni Sarina at saka diretsong tumalikod
"Nakikita ko sakanya ang batang ikaw Luan" - Adreana na tinignan lamang ni Luan
"Mabuti pang sumunod na kayo sakanila Aznar" - sambit ni Keena sa anak nila ni Ashton at kila Tyson at Edmund na yumuko muna bago umalis
"Tatawagin ko na sila" - Rosh at saka umalis
"Pumunta na tayo sa silid" - sambit ko bago namin nilisan ang mga panauhing nagkakasiyahan sa grand hall at tinungo ang silid ng pagpupulong
Pagkapasok namin ay kaagad kaming nag siupuan palibot sa pabilog na mesa
Di pa man nakakalipas ang ilang segundo ay nagsidatingan na rin sa silid sila Rosh kasama sila Travis, Gretel, Xeon, Ariela, Zane, Kevin, Eliza at Priam
"Mukhang wala pa ata ang buhawi ng Sirona" - Crayon
Nilibot ko ang paningin ko sa silid at nakita wala pa talaga siya
"Darating naman sila hindi ba?" - Zane
"Paniguradong darating sila. Hindi iyon magpapahuli" - Travis
"Tama, kailanman ay hindi iyon nagpapahuli dahil ayaw niyang nawawala sa eksena ang kanyang kakisigan" - Kevin at saka sila tumawa
Sa lahat ng mga kakilala ko, Isa si Saxon sa hindi na nagbago mula noon
Alam niyo naman ang ibig kong sabihin. Ang tipikal na ikalawang prinsipe ng mga Irondale na siya na ngayong namamahala sa Sirona
Saxon POV
Fuck those eyes!
Bakit tingin sila ng tingin?!
Baka hindi nila alam na narito ako kasama ang babaeng pinagtitinginan nila
Aba! Sa nag uumapaw kong kakisigan ay hindi nila ako mapansin?!
Ng hindi na talaga ako makapagpigil sa mga matang nakatitig ngayon kay Keres habang naglalakad kami ay agad akong nagpalabas ng isang baraha sa aking kamay
"Keep that Saxon. Ayaw mo naman sigurong manggulo dito sa kaharian ng hari hindi ba?" - Keres na naglalakad sa unahan ko
"Kahit dito sa Parua ay pinagtitinginan tayo. Mabuti at sanay na ako sa mga atensyon na nakukuha ko"
Napatingin ako sa ibabang kaliwa ko at saka ako napangiti at nilaro laro ang barahang hawak ko
"Thats my boy! Dapat talagang masanay kana Elixir, lalo pat namana mo ang kakisigan ng iyong ama"
"Alam ko po ama, nasabi niyo na saakin iyan. Isa pa habulin na rin ako ng mga kababaihan. Hindi po bat sabi niyo rin na nagkakandarapa noon saiyo si Ina pakasalan mo lamang siya?"
Napakagat labi ako at agad na napahinto sa paglalakad ng biglang huminto sa paglalakad si Keres at unti unti akong lumingon sakanya na nakaharap na saakin ngayon habang nakataas ang kanyang isang kilay
"Sinabi mo iyon sa anak natin? Ako? Ako ang naghabol sayo?!"
Napalunok ako at saka inakbayan si Elixir na nakangisi lang saakin
Langyang batang to! Pinahamak pa ako!
"Ahh haha Keres saka na natin iyan pag usapan. Hinihintay na tayo nila Freya"
"Oo! mag uusap talaga tayo pagkatapos na pagkatapos ng kasiyahan" - Keres at saka tumalikod at saka muling naglakad
Napabuga naman ako ng hangin at saka masamang nilingon si Elixir na nakangisi pa rin saakin ngayon at inayos pa nito ang buhok niyang nakaayos patagilid
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging proud na anak ko siya
Pagkapasok namin sa silid ng pagpupulong ay nagsilingunan saamin sila Rosh
"Masyado ba namin kayong pinag hintay?" - tanong ko at saka pinaghila ng upuan si Keres
"Buhay ka pa pala Saxon"
Nilingon ko ang hari ng mga tubig
"Hindi ako mamamatay, katulad ng aking kakisigan. Hinding hindi na mawawala" - nakangising sagot ko bago naupo
"Mas lalong lumakas ata ang hanging dala mo" - Kevin
"Wala akong dalang hangin, tanging kagwapuhan lamang ang dala ko"
"Mabuti pang lumabas na lamang ako. Hindi ko naman kaedad ang mga narito sa loob"
Nagsilingunan sila kay Elixir ng tumayo na ito at mabilis na nawala sa loob ng kwarto
"Mukhang hindi niyo naturuan ng paggalang ang anak niyo" - sambit ng hari ng mga lobo
Kaya pala nangangamoy aso
"Si Saxon ang ama, ano pa bang aasahan"
Napalingon ako kay Luan na blanko lamang ang mukha. Pero alam kong naiirita na siya sa presensya namin dahil hindi na naman niya masosolo ang kanyang reyna
"Narito ba tayo para pag usapan niyo lamang ako at ang aking kakisigan?"
"Tumahimik ka na Saxon, kung hindi ako na ang magpapatahimik sayo" - Adreana
Ahh ang karayom niya! Ang nakakainis niyang mga karayom!
Palagi niya iyong ginagamit saakin sa tuwing dumadalaw ako dito sa Parua at magigising na lamang ako ay nasa Sirona na!
"Wala ata ni isang L'vierdon ang nagawi dito" - Keres
"Wala kaming balita kila Declan" - Freya
"Si pula, nasaan si Pula?" - tanong ko
"Mukhang wala na naman siyang balak magpakita" - Xeon
napalingon naman si Freya kay Ashton na tahimik lamang
Tss ang bampirang iyon. Ano na naman kaya ang pinagkakaabalan ng isang iyon
"Mabuti pang mag umpisa na tayo" - Priam
Sarina POV
"Tumahimik nga kayo Eul! Nag uumpisa na naman kayo" - Alkyl
"Haist! Just throw them away!" - Xiel
Agad kong sinalo ang mansanas na itinapon ni Xiel galing kay Eul
Agad namang tumakbo palapit saakin si Eul at saka kinuha ang mansanas niya saakin
"Waaa! Salamat Sarina!" - sambit niya at saka nag indian sit sa may damuhan at saka siya kumagat doon
Narito kami ngayon sa labas ng kaharian sa ilalim mismo ng maliwanag na buwan na nasa 1st quarter nito
napalingon ako bigla kay Azure ng maramdaman ko ang biglang pagbaba ng temperatura ng paligid maging sila Jeestar ay napalingon din kay Azure na nakatingin ng diretso sa batang kasing edad lang ata namin, siya ang kasama nila Tito Grey. Ang alam ko Edmund ang pangalan niya
"May problema ba Azure?" - tanong ko
"Alam mo bang hindi maganda ang pagtitig ng matagal?"
Napakunot noo ako ng sabihin niya iyon habang nakatingin pa rin kay Edmund na nakaupo lang sa damuhan katabi ni Tyson
Hindi pa namin siya minsan nakakausap. Dahil bihira lamang napunta dito sa palasyo si Tito Grey at napunta siya dito ng siya lang at si Tito Rue ang magkasama. Ngayon lang namin siya nakita ni Azure
"Haha wag mong tititigan si Sarina, ayaw na ayaw niyang may tumititig kay Sarina" - sambit ni Tyson sa batang katabi niya
Bigla naman itong tumayo at naglakad palapit saakin
"Edmund Demetriou, the next Alpha King" - pakilala niya at saka bahagyang yumuko
tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko sa lupa para magpakilala rin ng maunang tumayo si Azure at pumagitna saamin ni Edmund
"Azure Ellesmere Dragomir, the next Vampire king"
Biglang tumahimik sa paligid habang magkatitigan lamang si Azure at Edmund
Ano bang nangyayari sakanila??
Bigla silang napaiwas dalawa ng may biglang lumipad na dalawang baraha papunta sa kanilang direksyon
"Fuck! Who's card is this?!" - Edmund
sabay sabay naman kaming lumingon sa direksyon kung saan nanggaling ang dalawang baraha
at nakita namin si Elixir na nakapamulsang naglalakad habang nakaangat ang isang dulo ng labi nito
"Narito lamang pala kayo"
"Dadagdag pa ang isang to" - Jeestar
"Yow Clerion, kamusta na?" - baling nito kay Clerion ng makalapit siya saamin
Tinignan lang naman siya ni Clerion
"Akala ko ay hindi rin kayo makakarating, kasama mo ba sila Tito Saxon at Tita Keres?" - tanong ko
"Oo kasama sila nila Luan"
"Luan? Magbigay ka ng galang sa hari Elixir" - Alkyl
"Sabi ni ama ay maaari ko siyang tawagin sa kanyang pangalan tulad ng pagtawag sakanya ni ama"
"Mabuti iyon, ng maaga kang mawalan ng ulo" - Eunice
"Nasaan pala si Agate? Kanina ko pa siya hindi nakikita" - Tyson
"Nasa kwarto niya siya. Wala ata siyang balak lumabas" - Xiel
Oo nga kanina pa siyang umaga hindi lumalabas
Mabuti pang puntahan ko muna siya sa kanyang kwarto
Agad akong tumayo at napatingin saakin si Azure
"Saan ka pupunta Sarina?"
"Puntahan ko lamang si Agate sa kwarto niya"
Pagkasabi ko noon ay nakapamulsa siyang naglakad paalis kaya agad akong nagpaalam kila Eunice bago sumunod sakanya
Tahimik lamang kami ni Azure na naglalakad sa mahabang pasilyo ng palasyo
"Wag na wag kang lalapit sa asong iyon"
Napakunot ang noo ko ng biglang magsalita si Azure na kasabay kong maglakad sa tabi ko
"Aso? Kay Tito Grey ba?"
Iyon ang madalas kong marinig na tawag nila kay Tito Grey nila Ama at nila Tito Saxon
"Sa batang aso"
"Kay Edmund?"
"Wag kang lumapit sakanya"
"Bakit naman?"
Hindi ko naman na narinig ang isinagot niya ng bigla akong nay marinig
"Deesses"
Bigla akong napatigil sa paglalakad
"Play with me"
"Sarina?"
Bigla akong napatingin kay Azure na nasa harapan ko na
"Bakit ka tumigil sa paglalakad?" - tanong niya
"I heard it again Azure"
Inalis niya ang tingin niya saakin at saka inilibot ang paningin sa paligid
Pagkatapos niyang pakiramdaman ang paligid ay hinawakan niya ang kamay ko
"Just ignore it"
Tumango naman ako bago kami nagpatuloy sa paglalakad
Pero narinig ko pa ng isang beses ang boses. Ang boses na palagi kong naririnig
ang boses na hindi ko alam kung saan nagmumula…
-------
#TOTDP
~1813