Chapter 4 Azure and Elixir
Freya POV
Marahan akong nagmulat ng mata ng maramdaman ko ang dalawang pares ng pangil na tumutulay sa aking balikat papunta sa aking leeg
"Good morning my Queen"
Nginitian ko siya at saka niya ibinaon ang kanyang pangil sa aking leeg at marahang sumipsip doon
Ugali na niya na araw araw kapag gumigising siya ay umiinom siya saakin gayun din ako sa kanya
Ng matapos siyang sumipsip saakin ay saka niya ako pinainom sakanya
Pero kaagad akong kumalas at saka umalis sa pagkakahiga ng maramdaman ko ang kamay niyang tumataas sa aking suot na manipis na pantulog
"Kailangan ko ng puntahan sa kwarto si Sarina" - paalam ko kay Luan
may gusto na naman kasi ang hari ng nga nyebe
"Tiyak na pinuntahan na siya ni Azure. Hindi mo na kailangan pang puntahan si Sarina. Mahiga ka na lamang ulit. Dito na muna tayo ng makapagsolo"
Nakikita ko na naman ang pilyong ngiti sa kanyang labi
"Itigil tigil mo yang iniisip mo Luan. Marami ka pang dapat gawin ngayong araw. Kailangan mo ng bumangon at bumaba"
Agad nawala ang ngisi niya sa labi at napalitan iyon ng pagkairita
"Araw araw ko na lamang na gawain iyon. Si Freon na lamang ang bahala sa mga walang katapusang pagbabasa sa mga sulat mula sa ibat ibang kaharian"
"Baka nakakalimutan mong inutusan mo si Freon na siyang maglibot sa buong Dark Empire?" - nakapamewang na sambit ko
At mukha namang naalala niya na
"Si Travis, si Travis na lamang ang bahala doon"
Tinaasan ko lamang siya ng kilay sa sinabi niya
Nagiging tamad na naman ang hari ng mga bampira
"Haist! Oo na oo na. Bababa na tayo. Bakit ba kasi ako pa ang naging hari" - dinig kong bulong niya sa huling salitang binanggit niya
Ilang taon niya na ring itinatanong iyon sa kanyang sarili
Pagkapasok naman sa silid kainan ay bumungad kaagad saamin ang nagkakagulong mga bampirang nasa harapan ng mahabang gintong mesa
"Ibigay mo iyan saakin Xiel! Papa! Kinukuha na naman niya ang aking mansanas!"
"Khali! Iabot mo saakin ang kutsilyo mo. Nahulog ang akin"
"Keres naman wag naman ganito. Hindi naman totoo ang sinabi ni Elixir kagabi"
Naramdaman ko naman kaagad ang pagbaba ng temperatura sa kwarto
"Bakit narito pa kayo sa aking palasyo?!" - biglang sigaw ni Luan na nakapagpalingon sakanilang lahat sa direksyon namin
"Ang aga naman ata ng gising ng hari ng mga bampira" - sambit ni Grey na inaayos ang puting panyo na nasa kanyang harapan
"Ang tanong ko, bakit narito pa kayo sa Parua?! Kagabi pa natapos ang kasiyahan!" - pag-uulit ni Luan
"Napagpasyahan namin na dito muna kami pansamantala" - Priam
"Ayaw umuwi ni Adreana sa Athanasia. Siya ang kausapin mo" - Crayon at saka tinignan si Adreana na tinaasan lamang siya ng kilay
"Lisanin niyo ang kaharian ko ngayon mismo!"
"Luan!" - kaagad na saway ko sakanya
"Hayaan mo na sila dito. Mas maganda kung narito sila. Magugustuhan iyon ni Sarina"
"Pero Cassidy, magiging magulo na naman ang kaharian kapag nandito sila"
"Mas maayos iyon kaysa sobrang tahimik dito sa palasyo"
"Pero..."
mangngatwiran pa sana ang magaling na hari ng marinig namin ang boses ni Sarina
"Magandang araw"
Nilingon ko sila ni Azure na kakapasok pa lamang ng silid
Nakangiti si Sarina habang blanko lamanh ang ekspresyon ni Azure na nasa tabi nito
"Sakto ang dating niyo Sarina. Halina kayo at nagugutom na ako" - sambit ng batang nasa pagitan ni Zane at Khali, si Alkyl
Lumapit naman saamin sila Sarina at saka siya humalik sa pisngi namin ni Luan
"Mabuti pang kumain na tayo" - sambit ko at saka hinawakan sa kamay si Sarina at saka naglakad papunta sa bakanteng upuan na nasa may dulong bahagi ng mesa
Naupo naman si Luan sa kanyang pwesto sa pinaka dulong upuan at matiim niyang tinititigan ng masama sila Saxon
"Nga pala, kapatid. Nagpadala ng sulat si Yael"
Nilingon namin ni Luan si Adreana
"Nakapaloob sa kanyang sulat na pupunta sila dito ni Tamara sa susunod na linggo"
"Ahh! dagdag na naman na sakit ng ulo" - Luan
"Mukhang may balak din na dumalaw dito sila Ullyzeus" - Priam
"At bakit naman dadalaw ang isang iyon sa aking palasyo?"
"Siguro ay may kinalaman ito sa mga dyablo" - sagot ni Priam at saka nilingon si Azure na tahimik lamang na kumakain
Wala naman akong dapat ikabahala pa tungkol doon. Sinanay ng maayos ni Luan si Azure. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin ang kaligtasan ni Azure, gayong nasa katawan na niya ang dyablong si Pride
Alkyl POV
"Khali, iabot mo nga saakin iyon" - turo ko sa maliit na bato na nasa may kalayuan sa pwesto ko
"Ilang ulit ko ba sasabihin saiyong bata ka na hindi mo ako alipin!"
Nilingon ko si Khali na kunot kunot ang noong nakatingin saakin habang nakaindian sit sa damuhan kung nasaan kami ngayon
"Mabilis ka at magagawa mo lahat ng iuutos ko. Kaya gawin mo na lamang"
Mas umusok naman ang kanyang ilong dahil sa sinabi ko at saka siya niya ako muling sinigawan
"Hoy! Ikaw bampira ka! Galang galangin mo ako! Mas matanda ako sayo!"
Tinignan ko naman siya mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang maliliit na paang naka lapat sa damuhan
"Pero di nalalayo ang iyong laki saakin"
"Argh! Ilang taon ang tanda ko sayo!"
Alam ko naman na matanda na si Tito Khali. Pero mahirap ko pa rin iyon paniwalaan dahil sa kanyang hitsura
Hindi nalalayo ang kanyang laki at anyo saamin nila Azure. Kung titignan ay parang magkakasing edad lamang kami
Maliit kasi si Tito Khali. Ang sabi ni Ama ay napakabagal talaga ng paglaki ni Tito Khali dahil na rin iyon sa kanyang abilidad bilang bampirang may maraming namanang abilidad mula sa mga magulang nila ni Ama
Isa pa, maging ang ugali nito ay para pa ring bata kung mag-isip at umakto
"Gusto ko ng mapaglilibangan!" - biglang sambit ni Eul na tumigil sa pag gugulong gulong niya sa damuhan
Nasa may likuran kami ngayon ng palasyo kasama sila Sarina. Lahat kami ay narito dahil ang mga magulang namin ay may mga kanya kanyang pinagkakaabalahan sa loob ng palasyo
"Ano na naman ang naiisip mo Eul?" - tanong ni Eunice na nakaupo rin sa damuhan
"Tutal narito naman tayong lahat. Bakit di na lamang tayo magtagisan"
Nagsitinginan naman sakanya sila Clerion maging ang batang aso na kanina pa patingin tingin kay Sarina
Ano bang tinitingin tingin ng batang aso na to kay Sarina?
"Tagisan? Sang ayon ako doon!" - Tyson
"Sigurado ka bang gusto mong makipagtagisan? Hu! Mapapagod lamang kayo. Natitiyak kong ako naman ang mananalo" - kumpyansadong sambit ni Elixir
"Wag kang pasisiguro" - sambit ni Clerion na hinihimas himas ang hawak hawak na baston, ang baston na palagi niyang dala dala
"Ayos lang bang gawin natin iyon?" - Sarina
"Oo naman. Bakit naman hindi?" - Eul
"Baka magkasakitan lamang kayo"
"Parte na iyon ng laro. Isipin mo na lamang na nagsasanay kami" - Elixir
Mukhang seryoso talaga sila
Agad naman akong tumayo
"Game! Umpisahan na natin!"
"Sinong mauuna?" - tanong ni Xiel
"Ako!" - presenta ni Elixir
"At sino naman ang gustong lumaban sayo?" - Khali
"Gusto kong kalaban si... Azure" - sambit niya at saka tinuro si Azure na nakatayo katabi si Sarina na nakaupo sa damuhan
Agad siyang nilapitan ni Xiel at saka ibinaba ang daliri nitong nakatutok kay Azure
Ayaw na ayaw ni Azure na titutukan siya ng daliri
"Bakit di na lamang kaya siya!" - turo ko sa tahimik na taga light empire na nakaupo sa taas ng sanga ng punong nasa malapit saamin
Lumingon lamang ito saamin at saka muling pumikit
"Ahh ayoko! Isa siyang wizard. Dehado ako" - Elixir
Ang alam ko ay anak siya ng kadugo ng reyna na isang wizard
"Ako na lamang ang lalaban"
Nilingon namin si Tyson ng tumayo ito
"Pero mas gusto kong makalaban si Azure!" - Elixir
"Kung ayaw mong maagang maging yelong monumento ay ititigil ko ang kahangalan na iniisip mo Elixir" - Jeestar
"Basta pag katapos kung talunin si Tyson ay si Azure naman ang lalabanan ko!"
Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Azure na nakapikit lamang habang nakaupo sa tabi ni Sarina
Mukhang wala din siyang balak patulan ang kahibangan ni Elixir
"Mag-umpisa na tayo" - Tyson
Umatras naman kami ng ilang dipa mula sa gitna kung nasaan nakatayo sila Tyson at Elixir
Nakapalibot lamang kami sakanila habang nagsusukatan sila ng tingin na tila pinakikiramdaman ang bawat isa
Lahat kami ay matagal ng sinanay ng aming mga magulang kaya halos kabisado na rin namin ang taglay namin kapangyarihan
Pero ang hindi ko lang alam, ay kung gaano na kalakas ang taglay nila dahil ni minsan ay di pa naman kami nagkakaharap ng tulad ng ganito
Nilingon ko si Tyson na nakatingin kay Elixir
I wonder how Rosh train him
Elixir POV
Umangat ang dulo ng labi ko bago nagsimulang nagsilabasan ang mga baraha ko sa aking harapan habang nakatingin pa rin ako ng diretso kay Tyson
I wonder what kind of power he has
I know that he has a mixed blood from a vampire and a werewolf. So I wonder what blood is dominant on him
Iginalaw ko ang kanang kamay ko papunta sa kaliwang dibdib ko bago ko mabilis na ikinumpas iypon paturo sa kanyang direksyon kasabay ng pag liparan ng aking itim na mga baraha papunta sakanya
Nanatili lamang siyang nakatayo habang nakatingin sa aking mga baraha
Napasingkit ko naman ang aking mga mata ng biglang magsilabasan ang mga pulang sinulid at pinuluputan nito ang aking mga baraha
"Kung ganun ay namana mo isa sa mga kapangyarihang taglay ng mga Dragomir" - sambit ko habang nagsisitupian na ang aking mga baraha mula sa kanyang sinulid
"Mukhang ganun na nga" - sagot niya at saka mas pumula ang kanyang mga mata kasabay ng paglabasan ng mga pulang sinulid sa pwesto ko
Agad akong tumalon paiwas at saka mabilis na ikinumpas ang kamay ko at nagsiliparan ang mga matutulis kong baraha papunta sa kanyang mga sinulid na nagsisiputulan
Kasabay ng paglapag ng aking paa sa lupa ay siya namang pagkawala ng kanyang mga naputol na pulang sinulid
"Iyon lang ba ang kaya mo?" - tanong ko sakanya
Umismid naman siya bilang sagot
Gusto ko na tong tapusin ng makalaban ko na si Azure
Napatingin ako bigla sa paa ko ng maramdaman ko na may gumagapang doon
At agad akong naalerto ng makita ang pulang sinulid niya na nakapulupot na sa aking paa
"One wrong move and you will lose your feet, card prince" - Tyson na nakangisi na saakin
"Tyson! Itigil niyo na to" - awat ni Sarina na nakatayo na ngayon
Nanatili lang naman na nanunuod saamin sila Jeestar
"Tss, then lets be fair"
I raised my left eyebrow and the side of my lips as I see my black card on the side of his neck
"Enough with the show" - Jeestar na tumayo na rin
"I will. If he will admit that he lose on me"
"Hindi mo pa ako natatalo Elixir"
Nabigla ako ng bigla akong natumba sa lupa dahil sa pulang sinulid na nasa aking mga paa
Fuck!
I curse him on the back of my mind when my back hit the ground
Hell!
How dare him to knock me on the ground! Me?! The heir of Sirona?! I wont let this passed!
He's getting into my nerves
Ramdam ko ang mabilis na pagpula ng aking mga mata at alam kong awtomatikong gumalaw ang nakalutang kong baraha
Pero di ko alam kung saang direksyon, ng bigla ko nalang marinig ang sigaw nila Eul
"Sarina!!"
Agad akong tumayo at saka nilingon ang direksyon ni Sarina at maging ang papalapit na baraha ko sakanyang direksyon
"Stop it Elixir!" - Eunice
I try to control the card to back it off but damn it! Its a black ore card! I can't!
Napalunok sila ng makitang biglang magyelo ang baraha ko na ilang distansya na lamang ay malapit na sa leeg ni Sarina
Damnshit!
Napatingin ako sa lupa ng biglang magyelo iyon at mabilis na gumapang ang yelo papunta sa direksyon ko
Damn! I didnt mean to attack it to her!
Napaatras ako ng magtaasan na ang yelong nasa lupa at pumorma iyon ng matutulis na yelo patutok saakin
"Azure!" - dinig kong sigaw ni Sarina habang nakatingin lang ako sa matutulis na yelong papalapit na papalapit na saakin
Napalunok na lamang ako ng may biglang lumabas na bloke ng yelo sa harapan ko na siyang humarang sa mga matutulis na yelong pinakawalan ni Azure bago ko narinig ang maawtoridad na boses
Edmund POV
"Thats enough Azure"
Sabay sabay kaming napalingon sa direksyon kung saan namin narinig ang maawtoridad na boses at nakita namin ang hari ng mga bampira
"Ama"
Agad na lumapit sakanya si Sarina
Inilapat niya lamang ang kamay niya sa uluhan ni Sarina bago niya kami tinignan
Blanko lang ang kanyang mukha pero sa simpleng tingin niya lamang ay ramdam na ramdam mo na ang kakaibang aurang tinataglay niya
Iba pala talaga ang kanyang aura lalo pat kapag kaharap mo na siya. Ang hinirang na hari ng mga bampira, ng Dark Empire
Pero hindi dapat ako nagpaapekto ng sobra doon. Itinakda akong maging susunod na alpha king, isa sa mga magiging hari ng lahat ng hari balang araw
"Oras na ng pagsasanay Azure" - sambit niya
Nilingon muna ng kakambal ni Sarina ang mayabang na prinsipe at sa blankong mukha niya ay tila may gusto siyang ipaabot na mensahe kay Saxon sa tingin lamang na iyon
Matapos niya itong tignan ay saka ito lumapit sa kanyang ama
"Mas mabuting pumunta ka muna sa iyong ina Sarina"
"Ahh maaari po bang dito muna po ako kasama nila Eunice, ama?"
"Nais kang makausap ng iyong ina"
Lumingon naman saamin si Sarina at kay Elixir
"Maglalaro naman tayo mamaya hindi ba? Aalis muna kami"
Napatulala na lamang ako sakanya ng ngumiti siya at saka tumalikod bago sila umalis
"Consider this as your lucky day Elixir" - sambit ng batang may kulay brown na buhok, na alam kung nagtataglay ng kakaibang bilis
Napalingon naman ako sa direksyon ng mayabang na bampira
Nakatitig lang ito sa bloke ng yelong nasa kanyang harapan
At mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang mahabang biyak niyon mula sa matutulis na yelong nasa kabila ng makapal na bloke ng yelo
Ang alam ko mula sa mga naririnig ko noon kay ama ay hindi biro ang lakas na tinataglay ng hari ng mga bampira
Pero sa nakikita ko ngayon
Napapaisip ako
Gaano kalakas ang kapangyarihang tinataglay ng sumunod na prinsipe ng mga nyebe?
-------
#TOTDP
~1813