Library
English
Chapters
Settings

Greed

Priam POV

Agad na nagsiyukuan ang dalawang kawal na nagbabantay sa malaking pintuan ng trono ni Luan pagkalapit ko roon

Huminto ako sa tapat ng pinto habang nasa likuran ang dalawa kong kamay

"Di niyo ba ako pagbubuksan?" - tanong ko sa dalawang kawal ng nanatili lamang silang nakayuko

"Paumanhin kamahalan, mga ganitong oras po ay ayaw ng hari na istorbohin siya sa kanyang gawain" - sagot ng isang kawal

Tumingin ako sa gawi niya

"I am the 3rd prince of Parua Abellon. Dont you know me?"

"Paumanhin kamahalan"

Dumiretso ako ulit ng tingin sa pinto at pinakatitigan iyon

"Priam?"

Naalis ko ang tingin ko sa pinto ng may tumawag sa akin mula sa aking likuran at saka dahan dahan na humarap

"May kailangan ka ba kay Luan?" - Travis

"Nais ko siyang makausap. Pero tila mahigpit niyang ipinagbawal na tumanggap ngayon ng kapatid"

Nilingon niya ang dalawang kawal na nasa magkabilang pintuan

"Matutulungan mo siya" - sambit niya bago muling lumingon sa dalawang kawal

"Buksan niyo ang pinto"

Agad na kumilos ang dalawang kawal at saka binuksan ang malaking pintuan at saka ako tumalikod paharap sa loob ng trono bago naglakad papasok habang nasa likuran ko pa rin ang dalawa kong kamay

"Kill them! Kill them all!"

Nadatnan namin kaagad si Luan na nakaupo sa kanyang trono habang nakatayo sa ibaba ng kanyang trono si Freon

Agad na lumingon sa amin si Luan ng sumara na ang pintuan

Agad na naunang maglakad saakin si Travis at bahagyang yumuko kay Luan pagkahinto niya sa ibaba ng trono malapit kay Freon

Nanatili namang nakatingin saakin si Luan hanggang sa huminto ako sa paglalakad sa pagitan nila Freon at Travis

Sumandal siya sa sandalan ng kanyang trono bago nagsalita

"Anong kailangan mo't naparito ka Priam?"

"Dark Elements" - iyon lamang ang binigkas ko na nakapagsalubong sa kanyang kilay

"Kung ganun, pati sa Halla"

"Laganap na sa buong emperyo Luan, maging sa Light Empire"

"As long as they will not cross the boundary" - may diin niyang sambit

"Hindi ba't Dark elements ang nakaharap noon ng anak mo sa gubat ng Albana?"

Kumunot ang noo niya ng sabihin ko iyon

"Paanong nalaman mo iyon?"

"Just my guess. And based on your reaction at sa iniuutos mo kanina lamang kay Freon. Alam ko ng Dark Element ang nakaharap nila Azure ng biglang mawala si Sarina noong nakaraang araw"

Kilala ko siya. Hindi siya nagbibigay ng ganoong utos kapag hindi ito tungkol kay Sarina o kay Freya

"Kailangan mo ng kumilos Luan. Delikado iyon para kay Sarina"

"Hindi nila kilala sa mukha ang kambal namin ni Cassidy. Ligtas si Sarina"

"Hindi tayo nakakasigurado. Matatalas ang kanilang mga pang amoy sa dugo. Lalo pat may dugo siya ng Dragomir. Alam mo naman na siguro iyon bilang anak ni Magnus"

"Alam ko ang gagawin ko Priam" - may diing sambit niya

"Alam mo na ba kung bakit sila muling nagsilabasan?"

"Inaalam ko pa" - sagot niya bago lumingon kay Freon

"Kaya sa ngayon, nais kong patayin mo lahat ng nakakasagupa mong Dark Elements at wag kang babalik hanggat hindi mo nasisiguradong wala ng Dark Elements ang kumakalat sa buong kaharian"

"Masusunod panginoon" - Freon bago ito naglaho gamit ang kanyang nyebe

Sarina POV

Hawak hawak ko ang itaas na bahagi ng suot kong bestida habang naglalakad papalabas ng palasyo

"Maganda ang araw ngayon... Hindi ba Khali?"

Bahagya kong nilingon si Khali na nakasunod lang sa likuran ko

"Bakit ko ba to ginagawa?"

Napakunot noo ako ng iba ang isinagot niya

Parang hindi naman niya ako sinagot. Mukha sarili niya ang kausap niya

"Khali Lhor Gregory!!"

Biglang nag iba ang reaksyon sa mukha ni Khali ng may biglang tumawag sakanya at masamang lumingon sa bandang kanan namin

"Ilang ulit na kitang sinabihang wag mong gagayahin ang ama mo!!"

"Hindi ko naman ginagaya si papa. Si Leila kaya ang ginagaya ko"

"Ikaw!!!"

Bago pa man sugurin ni Khali si Alkyl ay pumagitna na sakanila si Xiel

"Ayan na naman kayong dalawa"

"Sarina"

Nilingon ko si Eunice ng tawagin niya ako

"Maganda ang araw ngayon. Gusto kong lumabas. May gagawin ba kayo?" - tanong ko sakanya

"Wala naman. Maliban kila Jeestar. Pinatawag sila ni ama. Siguro ay magsasanay na rin sila"

"Ganun ba? Halika, maupo tayo doon sa may damuhan"

Agad ko siyang hinila at agad namang sumunod saamin sila Eul

"Ohh andun din pala sila Elixir!"

Kumaway ako kila Elixir ng lumingon sila saamin at mas binilisan ko pa ang paghila kay Eunice

"Maaari ba kaming makisali?" - tanong ko kay Elixir

"Psh, di ko akalain na pati ang kakambal ni Azure ay nahumaling na rin pala saakin"

Nagtaka ako sa sinagot saakin ni Elixir

"Asumingerong bampira" - Clerion

"Ingiterong tubig" - Elixir at nagpabalik balik na ang tingin ko sakanilang dalawa na masama ng magkakatitigan

"Mabuti pang maupo na tayo" - Eunice

Maingat akong umupo sa may damuhan sa lilim ng malaking puno gayun din sila Eunice

"Hindi ba kayo magsasanay? Baka aalis din kayo?"

"Nagsasanay ako kapag gusto ko lang. Isa pa masasabi kong kontrol ko na ang kapangyarihan ko" - Eunice

"Ako? Tss hindi ko na kailangan pang magsanay. Likas na saakin na maging malakas at makapangyarihang bampira" - taas noong sagot ni Elixir

"Ganyan ba siya sa lahat ng oras?" - Edmund

"Hindi. Sa lahat ng MINUTO" - Tyson at lahat sila nagsitanguan

"Nga pala. Hindi ko nakikita ang anak nila Tito Ullyzeus"

Bigla silang nagsitigilan

"At bakit mo naman hinahanap ang batang iyon?" - Khali

"Oo nga!" - Alkyl

"Gusto ko lang sila makilala. Lalo na ang nagmamay ari kay Greed" - nakangiti kong sagot

"Mapanganib na lumapit sakanya Sarina" - Eul

"Mas mabuting layuan mo sila" - Tyson

"Hu? Bakit naman?"

"Sarina namana niya ang kapangyarihan ng hari ng Syldavia. Isa pa nasa katawan niya ang isa sa mga mapanganib na dyablo" - Alkyl

"Alam ko"

"Kilala mo ba talaga ang dyablong si Greed?" - Eunice

"Oo naman! Isa siya sa pitong dyablo! Kaibigan siya ni Pride!" - mabilis na sagot ko

"Hindi sila magkakaibigan Sarina. Mga dyablo sila" - Xiel

"Makasarili ang dyablong si Greed. Lahat gusto niya ay naaayon sakanya. Lahat na kukuha niya at napapapunta sakanya. Ang mga dyablo ay walang pinipili kahit man mismong kalahi pa nila" - Tito Khali

"Pero. Mabait naman si Pride. Kaya nasisiguro kong ang natitirang mga katulad niya ay mababait din"

"Mabait?!" - Elixir

"Sino ba nagtuturo niyan sakanya?" - tanong ni Tyson kila Xiel

Napakurap kurap na lang ako habang nakatingin lang sila saakin na tila ba may kakaiba saakin

Tama naman sinabi ko ahh. Di ako sinasaktan ni Pride. Pag lumalabas siya madalas di niya ako pinapansin

Wala naman siyang ginagawa ehh

Bigla kaming napatigil ng makita naming naglalakad sila Ullysses kasama si Achlys

"Mukhang dadaan sila dito" - Alkyl

Diretso lang ang tingin nilang dalawa hanggang sa makalapit sila saamin bago huminto sa harapan namin ilang dipa lang ang layo saamin

Naunang bumaling saamin si Achlys. Unti unti ding lumingon saamin si Ullysses pero nanatili lamang silang nakatayo at hindi nagsasalita

"Ehem! Kilala niyo naman siguro ako hindi ba?" - basag ni Elixir sa katahimikan na namumutawi sa pagitan namin

"Ang unang prinsipe ng Sirona"- sambit ni Achlys

Ngumisi naman si Elixir

"Sinasabi ko na nga ba laganap na ang aking katanyagan sa buong emperyo. Maging sa kaharian ng Syldavia"

"Paanong hindi. Natitiyak kong hanggang kailalaliman sa realm ni Hades abot ang kahanginan mo" - Clerion

"Ayan ka na naman tubig. Naiingit ka na naman sa aking katanyagan. Bumalik ka na lang kaya sa ilalim ng karagatan at baka doon ay kilala ka ng mga iyong nasasakupan"

Hindi ko na lamang inintindi pa ang mga pinagsasabi ni Elixir ng matuon na lamang ang aking tingin kila Ullysses. Partikular sakanya na ngayon ay nakatingin lang sa malayo

I wonder.. Maari ko din kayang gawing kaibigan ang dyablong nasa katawan niya? Maari ko din kayang makausap ng matagal si Greed?

Nais ko siyang makita ulit!

Biglang napatahimik si Elixir ng bigla mag iba ang simoy ng hangin maging ang aura sa paligid

Bahagya ring kumilimlim sa kalangitan

Anong nangyayari?

Tingnan ko sila Ullysses na nakakunot ang mga noo

Bigla naman nagsitayuan sila Edmund

"Hindi ito maganda" - Edmund

"A-anong nangyayari?" - Eul

Walang sumagot sakanya bagkus ay nakatingin lang sila Eunice kay Ullysses

Napatingin ako bigla sa harapan ko ng may unti unting lumalabas na kulay dilaw na usok lupa

"Shit!!"

Naramdaman ko ang maliit na kamay ni Khali sa braso ko na kaagad akong hinila papunta sa likuran niya

Nakatulala na lang din sila Eul sa dilaw na usok na mabilis na nag anyong nilalang

Isang matangkad na nilalang na may kulay dilaw na magulong buhok na nakayuko ang ulo. Isang matikas na nilalang ang nasa harapan namin ngayon. Na kanina lang ay gusto kong makita. Si Greed...

"Bakit mo siya pinalabas!" - Khali

"Ullysses" - Nakatinging sabi sakanya ni Achlys kay Ulysses na nakakunot pa rin ang noo

"Greed" - tawag niya sa nilalang na nasa harapan namin

Dahan dahan niyang iniangat ang ulo niya at kaagad na nakasalubong ng aking mga mata ang kulay dilaw niyang mga mata

Pinasingkit niya ang kaliwa niyang mata at unti unting umangat ang dulo ng kanyang labi

Tulad ng una ko siyang nakita sa hardin. May ngisi na naman ito sa labi

"Bumalik ka ngayon din Greed!" - Ullyses

Pero mukhang walang naririnig ang dyablo na nanatiling nakatingin saakin

"Inuutusan kita!"

"Ikaw" - bigkas ng dyablo at tila nagtataka itong nakatingin saakin

Itutuloy na sana niya ang sasabihin niya ng biglang my nagsihulugan na nyebe sa pwesto niya kasabay ng pagyelo ng damuhan na kanyang inaapakan at pag ilaw niyon

Di nagtagal ay mas lumiwanag ang kinatatayuan niya na nakapagpikit saakin

Ng wala na akong marinig na anuman ay iminulat ko na ang mga mata ko at nakita kong wala na si Greed sa pwesto niya kanina

Sila Eunice ay inalis na rin ang mga kamay nilang itinakup nila sa kanilang mga mata at tumingin sa iisang direksyon

"Mahal na prinsesa, ayos lang po ba kayo?"

Tiningala ko si Freon na nasa may tabi ko na

"Nakabalik ka na Freon" - masayang sambit ko pero napalingon ako bigla kila Ullyses

Bumalik na ba sa katawan niya si Greed??

"Mabuti pang ihatid ko na kayo sa loob ng palasyo mahal na prinsesa" - Freon

"Ihatid mo na siya Freon. Ako ng bahala dito" - Khali

"Tayo na mahal na prinsesa"

Tinignan ko muna sila Eunice bago lumingon ulit sa pwesto kanina ni Greed

Pakiramdam ko kanina.. May gusto saakin itanongang dyablong si Greed...

Eulrich POV

Sinundan lang namin ng tingin sila Ullyses at Achlys na naglalakad na papasok ng palasyo

"I wonder how powerful he is" - Tyson

"Tss wala pa un sa lakas ko nasisigurado ko iyon" - Elixir

"Kung sabagay. Doble ang lakas ni Ullyses dahil may dyablong nasa katawan niya. Kaya paano na lang si Elixir" - Sambit ko

Ngumisi naman siya at tatango tango habang nakataas noo

"Mas triple ang lakas niya. Kasi siya mismo ang dyablo! Hahahaha" - dagdag ko at saka nagpagulong gulong sa damuhan habang tumatawa

Kahit sila Tyson ay tumawa rin

"Ya!! Kalapastangan!! Walang dyablong kayang mag may-ari ng ganitong mukha!" - Elixir

"Hindi ka ba napapagod?" - biglang tanong sakanya ni Eunice

"Napapagod? Haha! Buti naitanong mo. Minsan napapagod rin naman ako. Kaw ba naman may ganitong mukha di ka mapagod kakatakbo dahil oras oras akong hinahabol ng mga kababaihan alam m-"

"Hindi ka ba napapagod sa kayabangan mo?" - putol ni Eunice kay Elixir na nakapagpahagalpak na naman saamin habang di ko na maipaliwanag pa ang hitsura ni Elixir!

"Bakit niya na naman pinalabas ang dyablong iyon?"

Napatigil ako sa pagtawa at saka nilingon si Edmund ng bigla siyang magsalita

"Alam niyang delikado pa rin na palabasin ang nga dyablo. Katulad kanina. Hindi niya mapabalik ang dyablong iyon"

Oo nga. Bakit naman nuya naisipang palabasin ang dyablong iyon??

"Gusto niya bang ipahamak tayo?si Sarina?" - Alkyl

"Tiyak hindi ito magugustuhan ng batang yelo kapag nakarating ito sakanya" - Khali

Sigurado rin ako roon..

Si Azure pa... Hindi iyon nananahimik kapag kasali na si Sarina sa usapan

Ullyses POV

"Bakit mo siya pinalabas kanina?" - Achlys

"Hindi ko siya pinalabas"

"Hindi??"

Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya

"Hindi ko gagawin ang bagay na iyon. Mahigpit na bilin ni ama na wag ko siyang palalabasin kung hindi ko siya mahigpit na kailangan"

Tumango tango naman siya

"Pero, bakit siya lumabas kung hindi mo siya pinalabas?"

Iyon din ang ipinagtataka ko

Minsan na rin siyang lumabas sa katawan ko ng una siyang magpakita kay Sarina sa hardin

"Greed!" - tawag ko sakanya at agad kong naramdaman ang pagbugso ng kakaibang enerhiya palabas sa aking katawan

At ilang segundo lang ay nasa harapan ko na ang dyablong tinawag ko

"Kay bilis mo naman ulit akong tawagin"

Tulad ng palagi. Nakangisi na naman siya saakin. Hindi na nawawala ang ngisi niya sa labi

"Hindi kita pinapalabas kanina"

"Alam mong hindi ko kayang lumabas ng katawan mo kung hindi mo ako pinapalabas at kung wala ka sa panganib"

Tama siya. Nakakalabas lang ang mga dyablong katulad ni Greed sa katawan namin kapag tinawag namin sila o kung nasa panganib kami at kailangan namin sila

Pero kanina. Wala naman ako sa panganib

"Kung ganun, paano ka nakalabas?"

"Isang boses"

Napakunot noo ako at napatingin saakin si Achlys

"Isang boses?" - tanong niya

"May narinig akong isang boses. At naramdaman ko na ang enerhiya ko na nakapagpalabas saakin"

Tinitigan ko siya ng maigi

Alam kong hindi siya nagsisinungaling

Pero...

Kaninong boses iyon?

Kanino iyon nanggaling na nagawang palabasin ang dyablong si Greed?

----------

#TOTDP

~1813

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.