Library
English
Chapters
Settings

The Dream

Luan POV

"Kailangan mong basahin lahat ng mga sulat Luan"

Ipinatong pabalik ni Cassidy ang mga nakarolyong sulat sa maliit na mesang nasa harapan ng aking trono

"Travis! Ikaw na ang magpatuloy nito" - utos ko kay Travis na nakatayo lang sa gilid sa ibaba ng trono

"Luan!" - masama akong tinignan ni Cassidy

Bigla naman kaming napatingin sa may pintuan ng bumukas iyon

"Our princess" - masayang bati ni Cassidy sa aming prinsesa na kasama si Freon

Pinasingkit ko ang isa kong mata habang nakatingin kay Freon at Sarina

At sa isang segundo lang ay nasa harapan na ako ni Sarina

"Nasaktan ka ba?" - kalmadong tanong ko

Nilingon niya si Freon na bahagyang nakayuko saakin

"Kay bilis naman pong makarating sainyo ama"

"Ipinadala ko si Freon pagkaramdam ko ng enerhiyang iyon. Isa pa iisa lang ang aming pag-iisip"

"May nangyari bang hindi ko alam?"

Nilingon ko ang aking reyna na nakatayo sa tabi ko

"Wala naman pong masamang nangyari saakin ina, hindi ba Freon?"

Nilingon ni Freon si Sarina na nakatingin sakanya habang nakangiti at kumukurap kurap ang maliliit nitong mata na tila may nais ipahiwatig kay Freon

Tinignan ako ni Freon bago siya tumingin kay Cassidy na nakatingin na sakanya ngayon

Bahagya lamang siyang yumuko kay Cassidy

"Explain it to me later"

Agad akong lumingon kay Cassidy ng marinig ko ang boses niya sa isip ko at nakita kong nakatingin siya saakin

Umiwas na lamang ako ng tingin sakanya at tumingin sa may malaking salaming bintana na nakabukas ng pumasok doon ang isang paniki

Itinaas ko ang kamay ko at dumapo iyon doon

Tinitigan ko ang abo nitong nagliliwanag na mga mata bago ko nakuha ang mensaheng kailangan ko

Nananalakay na naman sila ng kaharian

"Mabuti pang puntahan mo muna sa kwarto niya si Agate Sarina. Sigurado akong kanina ka pa niya hinihintay" - Cassidy

"Opo Ina" - mabilis siyang tumalikod at saka umalis habang hawak hawak ang itaas ng mahaba niyang bestida

Tinignan ko si Freon at agad siyang tumango bago mabilis na nawala

"May nangyari ba Luan?"

Itinaas ko ang aking braso bagi lumipad paalis ang paniking nasa aking braso bago humarap kay Cassidy na nakatingin saakin

"Nananalakay na naman sila ng kaharian"

"Maliban doon"

Ilang segundo ko siyang tinignan bago sumagot

"Lumabas ang dyablong si Greed"

"P-paanong? Pinalabas siya ng anak ni Zeus?"

"Alam niyang hindi maaaring palabasin basta basta ang mga dyablo dahil hindi pa gaano kaya ng kanilang katawan na kontrolin pabalik ang mga dyablo sa kanilang katawan"

"Siguro ay kausapin mo mamaya si Ullysses"

"Nasaan nga pala si Azure?"

"Nasa silid ensayuhan siya ngayon"

Sigurado akong naramdaman niya rin iyon

Hindi magandang pagsamahin muna ang dalawang batang iyon

"Travis, hanapin mo anak nila Zeus" - baling ko kay Travis na agad na umalis

Grey POV

"Ilang araw na tayong narito sa Parua. Hindi pa ba tayo babalik sa Pack?"

Nilingon ko si Bliss na inaayos ang mga bulaklak na nasa isang vase

"Ayoko pang bumalik"

Hindi ko pa nais bumalik

"Pero. Kuya baka kung ano ng nangyayari ngayon sa Pack. Ikaw pa rin ang Alpha ng Black moon shadow"

"Naroon si Beta Rue. Sakanya ko iniiwan ang pack"

Inilagay niya ang mga bulaklak pabalik sa vase bago siya naglakad at umupo sa katapat kong upuan sa pabilog na mesa dito sa kwarto

"Hanggang ngayon pa rin ba Kuya?"

Tinignan ko siya

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo ang ibig kong sabihin Kuya"

Hindi ko na lamang siya sinagot

"Siya ang Luna ng ating Pack. Ang ina ni Edmund. Ang asawa mo Ku-"

"Siya ang Luna ng Pack at ang ina ng anak ko. Iyon lamang siya Bliss. Yun lang" - sambit ko bago tumayo at naglakad papunta sa pintuan

Pero napatigil ako ng makita ko si Rosh na nakasandal sa may gilid ng pintuan

Nagkatitigan kami bago ako nagpatuloy sa paglalakad at saka lumabas

Freya POV

"Freya!!"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko si Zane

Lumingon ako sa direksyon niya at nakita ko sila nila Adreana na nakaupo sa mga upuan na narito sa hall

Naglakad ako palapit sakanila bago naupo

"Kamusta ang HARI?" - tanong ni Kevin na ipinagdiinan ang salitang hari

Napangiti ako. Kung narito si Luan ay magagalit na naman ito kay Kevin sa pagtawag nito sakanya ng hari. Bagay na sinasadya namang gawin ni Kevin

"Abala siya sa mga sulat mula sa ibat ibang kaharian"

"Napansin kong nitong mga nakaraang araw ay talagang sobrang abala siya" - Zane

"Ano bang pinagkakaabalahan ngayon ni Luan at tila ayos lang na mawaglit ka sa paningin niya?" - Adreana

"Dark Elements"

Bigla silang nagsitahimik

"Kumikilos na naman sila"

"Iyon din ba ang pag uusapan ngayon nila Saxon?" - Keres

Tumango lamang ako bilang sagot

"Kaya pala bigla na lamang ipinatawag ni Luan sila Priam" - Eliza

"Ganoon na ba kalala? Kung ganun na kalala ay mainam pang bumalik na kami ngayon din sa Syldavia. Nasisiguro kung abala doon sila Zeus at Azola" - Keres

"Hindi pa naman gaanong kalala. May mangilan ngilan pa lang naman na nakikitang naggagagal sa mga hangganan ng kaharian"

"Isa pa. Hindi pa nagpapalabas ng kasulatan si Luan. Kaya alam kong kontrolado pa rin ang lahat" - Adreana

"Tama si Adreana, wag muna tayong mabahala" - Eliza

"Sa light Empire kaya?"

Nilingon ko si Keena na nasa isang upuan

"Wala akong balita sa apat na crown"

"Ikaw ang galing doon bakit di mo alam?" - Zane

"Tahimik pa ang Elonia pag alis namin doon. Isa pa hindi basta basta makakapasok ang mga nilalang na iyon sa Elonia Majestica. Palibot iyon ng mahika. Di na rin ako nakakapunta sa Arcadia kila Yael dahil sa puspusan na pag eensayo kay Aznar"

"Sana ay ayos lang sa Light Empire. Sana ay ayos lang sila doon" - nag-aalalang sambit ko

Saxon POV

"Bakit hindi mo pa ialerto ang buong emperyo?" - tanong ko

"Hindi natin maaaring gawin iyon. Matatakot ang mga mamamayan" - Priam

"Mas maiging bumalik muna kayo sa inyong sariling kaharian" - Luan

"Baka paraan mo lamang ito upang mapaalis kami ng Parua at masolo si Freya"

Tinignan lamang ako ng blanko ni Luan

"Tama si Luan. Kailangan nating bantayan ang sarili nating kaharian. Sa mga oras na ito, hindi ko pa alam kung anong nangyayari sa Athanasia" - Clerion

"Ikaw taong aso?" - baling ni Luan kay Grey na nakapagpaungol dito

"Wala pa akong planong bumalik sa Halla bampira!"

"Anong klaseng hari ka?"

Hindi talaga ako nasisiyahan kapag nagbabangayan sila

Gusto ko ako lang ang nang iinis sa bugnuting hari ng mga bampira

Masyadong epal ang asong ito

Kaagad akong tumayo at saka inihampas ang kanan kong kamay sa mesa

"Kung ganun, bumalik na tayo sa kanya kanya nating kaharian!"

Agate POV

Inilapag ko ang hawak kong libro ng may kumatok sa pintuan ng aking silid

Alam kong siya iyon. Malayo pa lang ay amoy ko na ang amoy ng bulaklak na jasmin

"Agate papasok na ako"

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at sinalubong ako ng ngiti bago isinara ang pinto

"Nagdala ako ng mga bagong bulaklak para saiyo Agate"

Inilabas niya ang isa niyang kamay mula sa likuran niya kung saan ay naroon ang mga pulang rosas na hawak niya

"Ikaw ba ang pumutol ng mga iyan?"

Naglakad siya palapit sa mesabg nasa harapan ko bago inalis ang mga lumang bulaklak na nasa paso

"Hindi. Pinakuha ko ito kay Khali"

"Kahit wag mo na akong dalhan ng mga bagong bulaklak Sarina. Alam mong hindi nalalanta ang mga rosas na mula sa hardin"

"Pero gusto ko pa ring dalhan ka ng mga bago"

Naupo siya sa kaharap kong upuan sa kabila ng mesang nasa pagitan namin

"Naririto pa rin ba sila?" - tanong ko sakanya habang nakatingin sa bintana ng kwarto ko na halos natatakpan ng makapal na kurtina. Kaunting parte lamang ang hindi niyon natatakpan na nagpapapasok ng kakarampot na sinag ng liwanang mula sa labas

"Oo narito pa sila. Nais ka nilang makita at makakwentuhan"

Hindi na lamang ako umimik sa isinagot niya

"Maaari ka namang lumabas kapag gabi Agate. Sana makalabas ka mamayang gabi"

Nilingon ko siya na nakangiti pa rin saakin

"Susubukan ko"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa labi bago lumingon sa pintuan

"May naghihintay ba saiyo?"

"Nararamdaman ko ang presensya ni Freon sa labas. Maiwan muna kita Agate. Kita na lamang tayo mamaya"

Agad siyang tumayo bago patakbong lumabas ng kwarto ko

Wala akong ibang nakakausap ng matagal maliban kila Eulrich at kay Sarina... At kapag kausap ko siya, ang mga ngiti niya. Parang nakikita ko na rin ang ganda ng labas mula sa magandang sinag ng araw

Muli akong lumingon sa malaking bintana ng kwarto ko bago tumingin sa kamay ko na nababalot ng gwantes

Siguro... Ito na talaga ang aking kapalaran

Eulrich POV

"Babalik na kami bukas sa Halla Verona" - Eunice

"Kung ganun ay hindi lang pala kami ang aalis bukas" - Elixir

Bigla akong napabangon sa balustre na hinihigaan ko

"Lahat kayo? Babalik na sa kaharian niyo?"

"Mukhang iyon ang utos ng hari. Tanging kami lamang ni ama at nila Aznar ang magpapaiwan dito sa Parua" - Tyson

Agad akong tumalon pababa ng balustre

"Yessss!!! Wala ng pepeste sa mga mansanasan ko!!"

"Kung ganun ay aalis na pala talaga kayo bukas?" - malungkot na sambit ni Sarina

"Wag kang mag alala Sarina maaari mo naman akong dalawin sa Sirona kapag namiss mo ang gwapong mukha ko" - Elixir na binatukan nila Alkyl at Xiel

"Bakit na naman ba?!" - reklamo ni Elixir

"Malamang may kakaibang nangyayari ngayon sa emperyo"

Nilingon namin si Clerion

"Sabay sabay na nagdesisyon sila Ama na bumalik sa kanya kanya nating kaharian. Hindi ba kayo nagtataka?"

"Kung ano man iyon. Labas na tayo doon" - Elixir

"Paano mo iyon nasasabi? Sabagay. Hindi ka naman nga ipinanganak na maging hari" - Edmund

"Aba! Isa pa rin akong prinsipe! Baka nakakalimutan mong ako ang magmamana ng trono ni ama sa korona ng Sirona!"

Sasalungtin ko pa sana si Elixir ng biglang magsalita si Jeestar

"Si Agate ba iyon?"

Sinundan namin ang itinuro ni Jeestar

At nakita ko nga na naglalakad si Agate palabas ng palasyo

Suot nito ang cloak niya at nakatalukbong ang hood nito sa ulo niya

"Wala ba siyang balak na makipagkwentuhan man lamang saatin?" - Elixir

"Mailap sa iba si Agate. Pili lamang ang kinakausap niya" - Alkyl

"Bakit tuwing gabi lamang siya lumalabas? Nahihiwagaan talaga ako" - Edmund

Walang sumagot sakanya at nanatili lamang kaming nakatingin kay Agate

Saan naman kaya siya pupunta??

Aznar POV

Kumunot ang noo ko ng may maramdaman ako at saka iminulat ang isa kong mata bago tumingin sa ibaba ng punong hinihigaan ko

Umayos ako ng upo at inalisa ang batang nakatayo sa ibaba ng kahoy kung nasaan ako

Nakasuot ito ng itim na cloak na bumabalot sa buo nitong katawan

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at saka inalis ang talukbong ng kanyang cloak

Pinasingkit ko ang mata ko habang nakatingin pa rin sakanya hanggang sa maalala ko na kung sino siya

Ang anak ng isa sa mga Dragomir

Itim na itim ang mahaba nitong buhok na kasing itim ng gabi

Nagtaka ako ng hindi siya gumagalaw at nakatingin lamang siya ng diretso

Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Nakatingin siya sa may labas ng nagtatayugang pader na nakapalibot sa kaharian

Ano naman ang tinitignan niya doon?

Nilingon ko siya ulit na nakatingin pa rin doon

Hanggang sa dahan dahan niyang itinaas ang kanang kamay niya

Anong ginagawa niya??

Napatingin ako sa paligid ng unti unting dumilim at agad akong tumingala sa langit, sa buwan na ngayon ay unti unti ng natatakpan ng maiitim na ulap

"Hooooo!!!!!"

Bigla akong napalingon sa may labas ng matataas na pader ng kaharian ng makarinig ako ng kakaibang mga ingay

Sigurado akong doon iyon nanggagaling.. Sa kagubatang nasa labas nitong kaharian

Pero.. Ano ang ingay na iyon?

Muli kong nilingon si Agate na ngayon ay itinatalukbong na ulit ang hood ng cloak niya bago tumalikod at naglakad paalis

Ano ang ginawa niya??

Sarina POV

Naramdaman ko ang malamig na hangin na humampas sa aking balat na nakapagpamulat saakin

Ilang ulit kong ipinikit at iminulat ang aking mga mata ngunit kadiliman pa rin ang nakikita ko

Ni kakarampot na liwanag ay wala akong makita

Hindi ko alam kung nasaan ako

Pero isa lang ang nasisigurado ko....

Isa itong panaginip

Nasisiguro ko iyon dahil madalas ko itong napapanaginipan... Isang madilim na paligid... Na nababalot ng kakaibang enerhiya

"Shhhhh"

Nakarinig ako ng mga ingay... Mahinang ingay na tila sumasabay sa hangin na ngayon ay marahang dumadampi sa aking balat

Iginalaw ko ang aking maliliit na mga paa ng makaramdam ako ng lamig doon at nagtaka ako ng maramdamaan ko ang tubig sa aking inaapakan

"Shhhhh"

Mas lalong lumakas ang kakaibang ingay na naririnig ko na tila mga bulong

Pero saan iyon nanggagaling??

Napalingon ako bigla sa bandang kanan ko ng biglang may lumabas na kaunting liwanag doon

Kakaunting liwanag na di sapat para makita ko ng malinaw ang mga bagay na naroon sa parteng iyon

Pero, may nakita akong bagay na gumagalaw sa bandang iyon

"Anong ginagawa ng isang bata sa lugar na ito?"

Pinilit kong aninagin ang bagay na iyon. Katulad ko ba siya? Nagsalita siya. Siguro ay katulad ko rin siya

"Sino ka?" - tanong ko

"Ako dapat ang nagtatanong saiyo niyan. Sino ka? At anong ginagawa mo sa teritoryo ko?"

Bago pa man ako makasagot ay narinig ko na naman ang mga bulong pero ngayon, may nakikita na ako. May naaaninag na ako

"Shhhhh"

Isa, dalawa, lima, sampu

Marami sila... Tila mga kumpol ng hangin na may anyong nilalang

Nagsilapitan sila na nakapagpaatras saakin pero bago pa man sila tuluyang makalapit ay tatlong tunog na nagmula sa lupa ang pumailanlang sa paligid na nakapagpalaho sa mga nilalang na di ko alam kung ano. Nagsilahuan sila na tila mga usok na tinatangay ng hangin

Pagkawala ng mga nilalang na iyon ay nakita ko ang nilalang kanina na nagsasalita. Kita ko na may hawak siyang isang sagwan

Tinignan ko ang kinatatayuan niya... Nasa, isa siyang bangka

Bangka??

Kung ganoon nasaan ako??

Pagkatanong ko niyon sa aking isipan ay siyang pagkalat ng liwanag sa paligid

At doon ko natanto kung nasaan ako

Nakaupo ako hindi sa lupa, kundi.... Sa tubig!

Nasa gitna ako ng isang malawak na ilog! Sa ilog na napapalibutan ng hamog

"Nasaan ako?" - tanong ko sa nilalang na hindi ko gaano maaninag dahil sa kakarampot na silaw ng liwanag at dahil na rin sa hamog sa paligid

"Nasa teritoryo kita... Nasa ilog ka ng -"

Napakunot noo ako ng hindi ko narinig ang huli niyang sinabi hanggang sa lumiwanag bigla ang kinauupuan kong tubig at unti unti akong nawala sa lugar na iyon

Agad akong napabangon mula sa aking pagkakatulog

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang buo kong silid

Nasa kwarto ako... Isa nga lamang iyong panaginip

Bigla akong napahawak sa aking noo ng may mapansin akong lumiliwanag sa parteng iyon

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa harapan ng aking salamin at tinignan ang aking noo

Maigi kong sinipat iyon ngunit wala akong makitang kahit ano doon

"Anong nangyayari saakin? Isa lamang ba talagang panaginip iyon? Pero, para siyang totoo"

Bigla akong napatingin sa aking paa ng bigla akong makaramdam ng malamig na bagay na dumadampi doon at nakita ko na basang basa ang laylayan ng aking mahabang puting bestida

Pero teka...

"Basa ang aking damit?"

Hinawakan ko ang laylayan ng aking bestida

Bakit basa ang aking damit??

Hindi kaya...

Totoo ang panaginip ko??

---------

#TOTDP

~1813

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.