Library
English
Chapters
Settings

8

ALIW na aliw si Karen nang makita niya ang mukha ni Stock habang nakahalukipkip na nag-aantay sa kanya sa may entance ng movie house kung saan sila nagkasundo para pumunta ng araw na iyon. Gusot na gusot ang mukha nito habang panaka-nakang tumitingin sa relo nito. May hawak-hawak rin itong isang malaking popcorn at dalawang malaking large coke sa magkabilang kamay nito. Mukhang inip na inip na ito sa pagkakaantay sa kanya. Well, kung siguro ay nasa lugar din siya nito ay malamang na iniwan na nga niya ang ka-date niya. Paano ba naman kasi ay two hours late siya sa usapan nilang dalawa---na talagang sinadya niya.

Well, its a part of playing. Ang inisin ito. Tuwang-tuwa naman siya sa ginagawa niya pero bago siya tuluyang lumapit dito ay kinalma niya muna ang sarili niya. She needed to act effectively at huwag ipahalata dito na sinadya niyang magpa-late para sa date nila ngayong araw. Kunwari ay inosente siya na late dahil na-traffic siya."H-hi! I'm so sorry I am very late---"

Huminga ito nang malalim saka ngumiti sa kanya. Nagulat siya sa ginawa nito kaya naman hindi na niya naituloy ang sasabihin. She expected him to be mad, because she was two hours late at mukhang pagod na pagod ito sa pagtayo doon. Pero kaibahang-kaibahan ng expectation niya ang naging reaksyon nito. Paano kasi, ang madalas na nangyayari sa mga nakaka-date niya kapag ginagawa niya iyon ay kulang na lang ay mag-apoy ang mga mata nito sa galit sa kanya. Pero si Stock...bakit ba kakaiba ito sa lahat ng mga naging playmates niya?

At siya naman ay parang kakaiba rin pagdating dito. Oo at patuloy niyang ginagawa ang paglalaro rito katulad ng ginagawa niya ngayon pero kapag kasama niya ito ay bakit hindi niya maiwasang hindi kiligin? Ito lang yata kasi ang bukod tanging nagbibigay ng kilig sa kanya sa lahat ng mga nagiging playmate niya. Hindi niya ba talaga alam kung dahil ba iyon sa ito ang pinakaguwapo at pinakamayaman sa lahat ng mga naging playmate niya. He was a huge asset---kaya siguro iba ang dating talaga nito sa kanya. Or maybe, he really had those super powerful charms that make her knees tingle whenever they are together.

"It's okay. At least nakarating ka. Masaya na akong makita ka. Ako pa nga ang dapat na mag-sorry dahil hindi kita nasundo sa bahay niyo. Paano kung sa kabila ng traffic ay may nangyaring masama sa 'yo? I don't want that to happen pero hindi ko naman maiwasang hindi isipin kaya kanina pa gusot na gusot ang mukha ko dito sa kakaintay sa 'yo. Hindi mo naman kasi sinasagot na ang mga tawag ko,"

Hindi nga siya sinundo ni Stock ngayong araw sa bahay nila---which is first time na nangyari sa dates nila. Paano kasi ay pumunta ito sa wedding rehearsal ng kapatid nitong si Cash. Ikinuwento sa kanya ni Stock noong isang araw na kahit kasal na ito at ang asawa nitong si Charity ay balak muli ng mga itong magpakasal sa simbahan. Isa sa mga groomsmen si Stock kaya naman kinailangan ito para sa rehearsal. Isinasama nga siya nito sa rehearsal pero nagdahilan siya na may lakad sila ng isa sa mga long-lost friend niya kaninang hapon. Malapit lang ang simbahan kung saan naganap ang rehearsal sa mall na pupuntahan nila para manood ng sine kaya naman sinabi niya kay Stock na huwag na lang siyang sunduin nito sa bahay nila para hindi na ito mapalayo pa. Pero dinahilan niya lamang ang lahat ng mga iyon para magawa niya ang isa sa mga wicked plans niya na paghintayin ito nang matagal.

"Tumawag naman ako sa 'yo bago umalis ng bahay na na-drain pala ang battery ng cellphone ko kaya hindi na ako makakasagot sa mga tawag mo," pagdadahilan na naman niya dito na kahit ang totoo ay sadyang dr-in-ain niya talaga ang battery ng cellphone niya para hindi nga siya nito ma-contact at harass-in habang sinasagawa niya ang oplan testing his patience.

"Ipaalala mo nga sa akin na ibili ka ng isa pang cellphone mamaya para if ever na ma-drain ang battery ng cellphone mo, may extra ka,"

Lumabi siya. "At ano ka naman ngayon? Daddy ko? Eh mas matindi ka pa mag-aalala sa akin kaysa sa kanya, ah!" reklamo niya kahit sa loob-loob niya ay kinikilig siya.

"What can I do? I care too much for you. I just want you to be always safe," sabi nito saka hinawakan ang kamay niya. "Anyway, huwag na nga nating pag-usapan ang tungkol diyan. Lets just enjoy the movie. Sakto lang ang dating mo para sa last full show," wika nito at inalalayan na siya pagpasok sa loob ng sinehan..

Hindi niya alam kung ano ang panonoorin nilang movie dahil ito naman ang namili noon. Expected niyang isang comedy chick-flick o di kaya ay romance movie ang panonoorin nila dahil ganoon naman ang madalas na pinapanood ng nagde-date. Pero nang makita niya ang title ng magsimula na ang palabas ay nagulat siya. Hindi niya kasi napansin iyon nang pumasok sila.

"Coming Soon?!" may alam rin naman siya pagdating sa mga latest movies kaya alam niyang hindi ang madalas na line sa mga sinehan ang nakalagay sa may entrance ng pinasukan nilang movie house. Alam niyang isang horror movie ang "Coming Soon" kung saan ang main setting ng pelikula ay sa isang sinehan.

"Yes. Gusto ko kasi talagang mapanood ang movie na ito dahil sabi nila ay maganda raw. Bakit? Ayaw mo ba?" wika nito habang naglalakad sila papunta sa uupuan nila.

"Ah, hindi naman. Nagulat lang ako dahil hindi ito ang inaasahan ko. Kasi palagi namang romance o chick flick ang pinapanood ng mga nagde-date kapag nanononood sila ng movies. Unless na lang kung pinag-usapan talaga nila na horror ang papanoorin. So I am surprised,"

"Masanay ka na. If someone is important to me, I don't do overrated things to her because I want what's happening to us is unique. Kagaya na lang ng nararamdaman ko sa 'yo,"

"Hmmm...At ano naman iyon?"

Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa dibdib nito. "This,"

Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. It felt so alive...just like the beating of hers. Nakatanga lang tuloy siya dito dahil sa ginawa nito. At kung hindi pa ito nagyayang tapusin ang eksena nilang iyon at itututok na ang mga mata sa movie screen ay malamang nakatanga lang siya dito sa buong durasyon ng pelikula.

Pero parang mas gusto na lang sana niyang tumingin sa mukha ni Stock sa buong durasyon ng pelikula dahil mas lumakas pa ang tibok ng puso niya nang ibaling na lang niya ang atensyon sa movie screen. Iyon nga lamang, takot ang dahilan ng paglakas ng tibok ng puso niya kaya hindi niya talaga ma-e-enjoy. Pero pinilit niyang huwag iyong ipahalata kay Stock dahil nakakahiya naman dito kung makikita nitong naduduwag siya sa isang horror film samantalang ito ay parang wala man lang nararamdaman habang nanonood. Ngunit hindi niya yata talaga kayang pigilan ang takot niya dahil napasigaw na rin siya at napatakip sa kanyang mga mata. Pagkatapos naman noon ay naramdaman niya ang matitipunong bisig ni Stock na yumakap sa kanya.

"Hey, are you okay? Gusto mo pa bang ituloy natin ang panonood nito? Mukhang takot na takot ka, ah,"

Umiling siya. Nagpilit pa rin na i-deny dahil ayaw niya pa rin isipin nito na duwag siya kahit na ba ngayon niya napatunayang duwag pala talaga siya. Hindi naman kasi siya nanonood ng mga horror films kaya naman ngayon niya lang nasabi na duwag pala siya pagdating sa mga ganoong pelikula. Pero dahil naman sa ginawang pagyakap sa kanya ni Stock ay nawala na ang takot sa dibdib niya. "N-nagulat lang ako kaya ako napasigaw,"

Tinanggap nito ang dahilan niya. Tinanggal nito ang pagkakayakap sa kanya pero inakbayan naman siya nito. Nang tumingin siya dito kung para saan ang akbay na iyon ay nagsalita muli ito. "Para maramdaman ko kung natatakot ka na muli. Nang sa ganoon ay mayakap kita at mawala ang takot mo,"

Gumaan ang pakiramdam niya dahil sa ginawa nito. At sa tuwing bumabangon nga muli ang takot sa dibdib niya dahil sa pinapanood ay niyayakap siya nito. Noon niya masasabing masarap pala na manood ng horror movie kasama ito dahil maganda palang combination ang emotion na takot at kilig. Nakakapagpalakas ng tibok ng puso---sa magkaibang paraan.

Nang matapos ang pinapanood nila ay wala ng bukas na kahit anong stores sa mall dahil alas nuwebe ang normal na sara noon at alas-diyes na natapos ang sine. Nang makapunta sa exit ng mall ay doon lang nila nalamang umuulan pala sa labas. Nagkatinginan silang dalawa ni Stock.

"May dala ka bang payong?"

Umiling siya.

"Tsk. Wala rin akong payong kahit sa sasakyan. Ang daming tao kanina kaya nasa labas ng mall ko naiparada ang sasakyan ko," pagpapaliwanag nito.

Tumingin siya sa paligid at nakakita siya ng isang guard. Kinausap niya ito at tinanong kung may payong itong puwedeng ipahiram sa kanila. Nanlumo siya nang sabihin nitong hiniram rin ng isa sa mga lumabas ang payong nito at pinaiwan na lang sa bahagi kung saan nakaparada ang kotse ng mga ito kanina. Malayo rin daw kasi ang pinagparadahan ng kotse ng mga ito.

"Paano na tayo niyan?"

"Sarado na ang mga gates papunta dito kaya if ever na dalhin ko ang sasakyan para sunduin ka, maglalakad at maglalakad ka pa rin," pagpapaliwanag nito habang tumitingin ito sa kotse nito. Nag-isip ito sandali saka tumingin sa damit nito. "Will you prefer my shirt to be your protection from the rain?"

"Huh?" hindi masyadong nag-sink-in sa utak niya ang sinabi nito kaya naman ganoon ang naging reaksyon niya. Pero bago pa iyon nag-sink-in ay tinanggal na nga nito ang T-shirt na suot nito at ibinigay sa kanya. Lalo yata siyang napanganga hindi dahil sa gulat sa biglang ginawa nito kundi dahil sa nakabalandrang katawan nito. Kahit naman kasi sa kabila ng mga kalokohang ginagawa niya ay hindi siya sanay sa mga ganoong eksena. Naeeskandalo siya dahil...nakakaeskandalo ang katawan ng lalaking nasa harap niya!

"Hey! Ayaw mo bang gamitin ang shirt ko?"

Ayaw ko! Kasi ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang tunawin ng titig ko 'yang katawan mo, gusto sana niyang isagot. "H-ha? H-hindi naman. Nga lamang, paano ka? Edi for sure mababasa ka?"

"Nah. Don't worry about me. Kaya ko ito. Lalaki ako. Ikaw ang inaalala ko kasi babae ka at baka mahina ang katawan mo," sabi nito saka hinawakan ang kamay niya. "Tara na at gabing-gabi na. Baka ma-bad shot pa ako sa Daddy mo kapag late kitang inuwi sa inyo,"

Hindi na siya umangal pa sa ginawa nitong paglagay sa kanya ng T-shirt sa ulunan niya habang sabay nilang tinatahak ang lugar papunta sa kotse nito. Pero habang naglalakad ay hindi pa rin mawala sa utak niya ang tila inukit ng pinakamagaling na sculptor na katawan nito. Panaka-naka siyang napapatigil at napapatingin doon. Sa isip-isip niya ay sana naging ulan na lamang siya. Dahil buti pa iyon ay malayong nakakapaglakbay sa katawan nito...

Shocks! Ang laswa ng iniisip ko! Erase please! Erase!

Pero sadya yatang malakas ang pakiramdam ni Stock. Naramdaman rin nito na hindi siya maayos maglakad. Sandaling tumigil ito.

"May problema ba?" tanong pa nito sa kanya.

"Ha? Eh hindi ko kasi ako sanay na maglakad habang umuulan. Nababasa kasi ang paa ko," pagdadahilan niya na may halong katotohanan naman. Kung ang ibang tao ay mahilig sa ulan, ibahin mo siya. She hates rainy season, lalo na kapag bumabaha. Naiinis siya kapag nababasa ang paa niya. Hindi siya komportable kapag nababasa ang paa niya. Nakakadaan pa naman sila ni Stock sa parteng madaming tubig at tumatalsik iyon sa likod ng paa niya dahil sa pagmamadali.

"Malayo pa tayo mula sa kotse. And I don't have any option to give you but this..."

"Ha? Ano naman iyon?"

"Papaalisin ko lang 'yang nararamdaman mong inis,"

"At paano naman?"

Ngumiti ito. "Sabi nila, kapag daw ang dalawang tao ay nagmamahalan, balewala daw kung sakaling nasa pinakamiserableng lagay silang dalawa. Hindi nila mararamdaman ang inis o sakit na nararamdaman nila kapag magkasama sila,"

Parang nanuyo yata ang lalamunan niya dahil sa sinabi nito. "S-so anong suhestiyon mo?"

"Let's kiss each other," diretsahang sabi nito.

Pakiramdam niya ay naging hinog na kamatis ang mukha niya dahil sa pula sa sinabi nito. Napasigaw na naman siya ng "huh?" dahil sa sinabi nito. Iniisip pa lang niya na lalapat muli ang labi nito sa labi niya ay parang kinikiliti na ang buong sistema niya. Paano pa kaya kung mangyari muli iyon? Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang halikan siya nito. At iyon pa ay noong pinagsaluhan nila noong una silang magkita. Hanggang hawak ng kamay, yakap at akbay lamang ang nagagawa nito sa kanya---bukod pa pala ang pagpapalakas nito ng tibok ng puso niya kapag kasama ito.

"We're alone in this area. You wouldn't care about your feet when our lips pressed together. Dahil iyon na lamang ang mararamdaman mo kapag hinalikan natin ang isa't isa." Bago pa siya makapag-react ay hinapit siya nito palapit dito. Ga-daliri na lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya at lalo pa siyang nataranta ng dahan-dahang gumagalaw iyon. Parang masisira yata ang ribcage niya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi na siya magtataka kung anumang sandali ay lumabas na iyon mula doon, lalo na nang maglapat for the second time ang labi nila.

And after that kiss in the rain, nawala nga sa isip niya ang basang paa niya...and all that she cared now was this guy she just kissed. A shirtless guy she just kissed in the rain.

Hindi na ako naiinggit sa ulan. Dahil labi ko naman ang lumapat...sa pinakamatamis na labi ng lalaking aking nahalikan...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.