Library
English

The Playboy Millionaires 2: In Love With Stock

30.0K · Completed
Cady Lorenzana
22
Chapters
586
Views
8.0
Ratings

Summary

When the playgirl dates the playboy.

RomanceTrue LoveFemale leadDominant

1

GAMIT ang mga daliri ng kanang kamay ay sinuklay ni Stock ang basa at magulong buhok niya habang ang kaliwang kamay naman niya ay nakahawak sa manibela ng kotse niya. It was just eight o'clock in the morning at bagong ligo pa lamang siya, pero parang mag-aalas-dose na ng hating-gabi ang pakiramdam niya. Malakas naman ang aircon ng kotse niya pero pinagpapawisan pa rin siya. Ngunit ganoon yata talaga kapag nasa bingit siya ng alanganin para sa isang malaking business deal na dapat ay mako-close niya ngayong umaga---na mukhang siya naman ang mako-close-an ng pinto dahil sa nangyari sa kanya.

His business meeting with Mr. Karl Anthony Sy was supposed to be at seven forty five in the morning. Pero dahil mas binigyan niya ng importansya ang tawag ng laman niya kagabi, iyon siya at first time na male-late sa isang business meeting. Kung bakit ba naman kasi masyadong na-attach sa kanya ang babaeng nakaulayaw niya kagabi na kahit sinabi na niya ditong kailangan niyang gumising ng alas-sais ng umaga para makaabot sa meeting niya, iyon at talagang sinadyang hindi siya nito ginising para lamang mapaglaruan pa nito ang katawan niya ng matagal.

Beatrice---the girl he was with last night---is just a stranger. He just met her last night at a friend's company anniversary party and because she was sizzling hot, he got his attention. And because the feelings of her are also mutual as him, balewalang tinakasan agad nila ang party at naglaro. She was too willing with the games he had her offered. But of course, those were just not ordinary games. It was a wild and nerve-wracking "bed game".

He will admit he had so much fun last night with Beatrice. She was a master, a pro. Lahat yata ng techniques and moves sa kama ay alam nito. Pero kahit ganoon, hindi na siya magkakamaling imbitahan muli ito para makipaglaro. She maybe an asset to his lifestyle, but she was a liabilities in his business. Mukhang mababawasan ang net income ng kompanya dahil sa kalokohang ginawa nito sa kanya. He was out of his list. Mas importante sa kanya ang negosyo niya kaysa sa experience na kayang ibigay nito sa kanya. Lalo na at ang experience na nararamdaman niya lang naman doon ay pure lust lamang. Maraming babae ang kayang magbigay pa sa kanya ng higit doon. Madali lamang para sa kanya ang makahanap ng kapalit na kayang pantayan ang service na ginawa nito sa kanya kagabi. Pero ang mawalan ng malaking business deal, hindi ganoon kadali para iyon sa kanya. Lalo na kung ang kagaya pa ni Mr. Sy mawawala sa kanya.

Marami ang nagsasabing hindi mahirap para sa kanya ang kumita ng pera lalo na at parang may magic lamang ang angkan nila pagdating sa negosyo. Lahat yata ng business deal na hinahawakan niya, ng dalawang half-brothers niya at ng kanyang ama ay napapasakanya. They were very good when it comes to business lalo na at biniyayaan rin sila ng kakaibang karisma. Pero sa lagay niya ngayon, mukhang nawala na ang magic na iyon lalo na at kilalang-kilala pa naman sa pagiging mahigpit si Mr. Sy.

Mr. Karl Anthony Sy is one of the top businessmen not just in the Philippines but in the whole Asia. He was a Half-Chinese and Half-Filipino who owns chain of hotels, resorts and food manufacturing companies. Just like his father, who has a name-it-and-he-have-it business, he also has a huge market value. At dahil doon ay nais niya rin na magkaroon ng isang business deal dito. Mr. Sy was willing to invest a huge value to his company at ngayon dapat ang usapan nila para sa pagtutuloy nito noon. Pero wala na yata kahit ten percent na probability siyang natitira na matutuloy pa ang business deal niya rito.

Aside from being on top, Mr. Sy is also known for being very strict when it comes to his transactions. At dahil late siya ngayon, malamang sa malamang ay mayayari siya dito at mawawala na sana ang inaasam ng lahat ng businessmen na investment nito. Kahit ang half-brothers niyang sina Cash at Price ay pinapangarap na mag-invest sa kanya-kanyang kompanya ng mga ito. Pero dahil may nakita siguro itong advantage sa kanya kaysa sa dalawang kapatid niyang pareho rin sikat sa larangan ng pagnenegosyo, iyon at pinili nito ang kompanya niya para pag-invest-an ito nang malaking halaga.

Inggit na inggit pa naman ang dalawang kapatid niya nang ibalita niya dito ang huling pag-uusap nila ni Mr. Sy sa balak nitong pag-i-invest sa kanya. Pero dahil sa nangyari sa kanya ngayon, mukhang malakas na halakhak ang matatanggap niya sa mga ito. Naiisip pa lamang niya iyon ay naasar na siya. Ang yabang-yabang pa naman niya nang sabihin niya sa mga ito ang tungkol doon tapos mabibigo lamang siya. It was just a huge failure to him and its so hard to accept lalo na at kasing-taas pa naman ng Eiffel Tower ang pride niya.

Pero 'di ako susuko! Habang may araw, may pag-asa! Chant niya sa sarili niya kanina pa. Positivism should be practiced if you are a businessmen, iyon ang isa sa rule na itinuro sa kanilang tatlo ng kanilang ama. Kapag daw kasi tinignan mo ang isang bagay sa isang positibong paraan, nakakasagap daw lalo iyon ng positive vibes dahilan para maging positive rin ang mga ginagawa mo. Its an always think positive way. Kaya naman kahit alam niyang kakaunti na ang chance, sumige pa rin siya sa pagpunta sa office ni Mr. Sy. Halos sa sasakyan na niya siya nag-ayos ng sarili at kumain ng unang pagkain na nakita niya sa ref niya para malamanan man lang kahit kaunti ang tiyan niya.

Three minutes later, he was walking in the hallway of his building. Nang makarating sa may tapat ng opisina nito ay nakaabang na sa cubicle nito ang secretary ni Mr. Sy. Nag-angat ito ng tingin nang makita siya. Natulala pa ito nang makita siya. At kahit hindi pa man nito nasasabi ang dahilan kung bakit naging ganoon ang reaksyon nito ay alam na niya ang dahilan kung bakit ito natulala.

Another victim of my overpowering charms, sa isip-isip niya. Well, hindi na naman bago sa kanya ang ganoong reaksyon ng mga babae kapag nakikita siya. Maraming babae na karamihan pa talaga ay ubod sa ganda ang nagkakaganoon kapag nakikita siya. Well, maganda rin naman ang sekretaryang ito na nasa harap niya. Malaki ang dibdib nito na nasisilip niya ang cleavage sa V-shape na dress nito at kahit nakaupo ay napapansin niya na may korte rin naman ito. Pero dahil sa sitwasyon niya ngayon, wala na siyang oras para paganahin ang pagiging malandi at playboy skills niya.

Sorry Miss. Self-professed playboy ako pero kapag nasa bingit ng alanganin, nawawala ang hilig ko sa paglalaro.

"Is Mr. Sy still waiting for me there?" untag na niya dito nang hindi pa rin ito nakapagsalita pagkatapos ng ilang segundo. Kahit kita niyang may isang lalaking nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisinang tanaw na tanaw mula sa cubicle ng sekretarya ay nagtanong pa rin siya. Baka kasi mamaya ay biglang mainit pala ang ulo ni Mr. Sy at sigawan pa siya dahil sa pagka-late niya. Maigi ng nagtatanong muna siya.

"A-ah, yes, Sir. Are you Mr. Stock Torres? H-he's still waiting for you," tinignan nito ang boss nito.

Thank God, naiusal niya sa isip at nagpasalamat sa babae bago lumapit sa upuan ng babae. Nakaupo ito at tila may binabasa sa desk nito nang matagpuan niya pero nang makita siya ay itinigil nito ang ginagawa at tumayo. Nang makalapit siya dito ay inilahad niya ang kamay niya sa harap nito para makipag-handshake. He learned that using a handshake in business deal is not just a greeting or a respect for the person you are meeting. It is also a sign about how big your confidence is and to make a right first impression. Pero mukhang wala na talaga siyang pag-asa na magkaroon ng isang good shot na first impression dito dahil sa tanggapin nito ang pagpapa-impress niya, iyon at hindi man lang nito tinignan iyon.

"You're late, Mr. Torres," matter-of-factly na sabi nito.

"I'm sorry, Sir. I thought I could make it just on time here but---"

"Do you know the rules? Allow extra time on what you are going to do because there might be a lot of factors that will interrupt you. So I don't accept that you thought it should be just on time,"

Istrikto talaga. Sa isip-isip niya. "'Sorry, Sir. I promise you I won't be this again next time,"

Matagal bago siya nito tinitignan. At first time yata sa buhay niya na kabahan dahil lamang sa tingin ng isang ka-business deal niya.

Eh mukha ba naman kasing tiger at ako ay isa lamang daga kung makatingin sa akin! Para akong kakainin!

"Okay. Have a seat,"

Sinunod niya ang utos nito. "So Sir about---"

"About our transaction, well, I will still invest in your company Mr. Torres,"

Kulang na lamang ay mapa-"Yes" siya nang malakas dahil sa sinabi nito. Nawala na lahat ng kabang nararamdaman niya kanina. Mabuti na lamang talaga at naniwala siya sa paniniwala ng Daddy niya.

"Thank you, Sir. I will surely prove to you that investing in my company is the most perfect thing to do,"

"I hope so. But don't thank me yet, Mr. Torres. Because I am not done with this,"

Unti-unti muling bumalik ang kaba niya. "Sir?"

"I have a provision to make before I close the deal,"

"What provision, Sir?"

"I always do a background research on the persons I'm having a business deal with. And because I am having it with you, I did a lot to you and your family,

"Bill Torres, your father is an infamous playboy and so are his sons. He had three and that three includes you. That three sons of him is known as "The Playboy Millionaires","

Tumango siya. "Yes, Sir. But my elder half-brother, Cash, is already out of that title, Sir,"

Tumango rin ito. "I know. He was now happily married,"

Tumango muli siya. Totoo iyon. Parang noong nakaraang buwan lamang ay sikat na sikat pa ang nakatatandang half-brother niyang si Cash sa titulong binansag sa kanila na "The Playboy Millionaires". Pero ngayon, tila nalaos at sinusuka na rin nito ang titulong iyon. Nagbabagong buhay na kasi ito kapiling ng matagal at lihim na asawa nito noon na si Charity. Hindi na nga ito nasama sa mga gimik nilang dalawa ng isa pa nilang kapatid na si Price. Halos ang atensyon na lamang nito ay sa asawa at sa negosyo nito. Walang-wala na ang dating lifestyle nito. He was now a typical husband---bahay-trabaho na lamang ang routine nito.

Cash was his brother and so was Price. But there was just half-brothers dahil katulad nilang babaero ay ganoon rin ang kanilang ama. Anak sila sa iba't ibang babae nito kaya naman magkakaiba sila ng ina. Pero kahit ganoon, halos pare-pareho sila ng ugali na namana yata nila sa kanilang ama. They were all good in business, have amazing looks and powerful charms, and well, sa isang bagay na pinakasikat talaga sila---ang pagiging babaero.

"How about you? Kailan mo balak lumagay sa tahimik katulad ng kapatid mo?" sumunod na tanong ni Mr. Sy.

Natawa siya sa sinabi nito. Lumagay sa tahimik? Parang hindi niya yata nakikita ang sarili niya na lumalagay sa ganoon. Paano niya ba kasi makikita ang mga iyon kung lahat yata sa pamilya niya ay ganoon? Well, alisin na natin si Cash doon, pero kandidato pa rin ang kanyang Daddy, si Price and believe it or not, pati na rin ang kanyang Mommy.

Just like his Dad, her Mom still not married. She doesn't like commitments or mas maganda sigurong sabihin she had a fear of it. Her mom had a ganaphobia kaya naman kahit fifty years old na ito, she was still living the life of a young lady enjoying every company of boys who are willing to be a fling. Kaya nga siguro nagkasundo ito ng Daddy niya dahil sa kapareho ito ng kanyang ama. The two are afraid of commitments. Kaya naman kahit nagkaanak ay hindi pa rin nagpatali ang dalawa sa isa't isa.

At pakiramdam niya ay ganoon rin siya. Napag-aralan niya noon sa accounting subject niya ang tungkol sa partnership at mga characteristics nito. He always looked at marriage as a partnership business. It has a limited life. Kaya nga kakaunti lang sa Pilipinas ang nagtatayo ng type of business na iyon. At kahit kilalang risk-taker ang mga businessmen, hindi siya magri-risk ng "partnership" sa isang babae dahil alam niyang mabilis lang mabuwag iyon. Masaya na siya sa kung ano siya ngayon. Isa pa, wala pa rin naman siyang nakikitang babaeng puwede niyang maging partner sa buhay niya.

"Are you happy having that kind of title? Masaya ka rin ba na sinasabihan ka ng mga tao ng playboy?"

"I am happy about it because it made me famous. I consider it as an asset,"

Tumango-tango ito na tila dina-digest ang sinabi niya. "I consider it, too, just right now."

"Oh, may kinalaman po sa provision niyo ang pagiging playboy ko?"

"Yes because I believe in the power of compatibility,"

Napakunot noo siya. "What do you mean, Sir?"

Ngumisi ito na lalo lamang nagpadagdag sa curiosity niya. Iniharap nito sa kanya ang picture frame na nakapatong sa desk nito at lalong napakunot ang noo niya nang makita ang babae.

The lady's eyes looks like the eyes of Mr. Sy. Itim ang mga iyon at kahit maliit dahil singkit, parang umaapoy iyon nang malaki habang nakatingin sa kanya.

Fierce, sa loob-loob niya. I like that! And I also like this girl features, huh? Ang sexy at ang hot niya sa suot niyang body-fitting red dress na ito! Parang...parang...

Itinigil niya ang pag-iisip noon. He doesn't mix business with pleasure. Mamaya magaya na naman siya sa nangyari sa kanya kay Beatrice at baka masira na naman iyon sa trabaho niya.

But there is something about her face that I can explain. My throat feels constricted because of that and...it was the first time that happened to me with a girl and to think na sa picture ko lang naman siya nakita...and bakit parang bigla yatang nakaramdam ng kakaibang excitement ang puso ko dahil dito?

"That's my daughter, Karen. And like you, she loves playing. She's a playgirl. At dahil pareho kayong malaro, naisip kong mas maganda kung ikaw ang gamitin ko para patinuin siya. She's a very stubborn lady at lahat na yata ng alam kong paraan ay ginawa ko para lamang mapatino siya. Ito na lang ang natitira kong sandata. A playboy matches for a playgirl. Gusto kong patinuin mo ang anak ko. At kapag nagawa mo iyon, saka ko lang tutuparin ang pag-i-invest ko sa kompanya mo,"

Hinawakan niya ang panga niya dahil mukha yatang nalaglag iyon dahil sa sinabi sa kanya ng matanda.