Library
English
Chapters
Settings

9

MULA sa pagkakatunganga sa canvass ay ay napabalikwas si Karen nang sa wakas ay tumunog rin ang cellphone niya para sa araw na iyon. Mahigit limang oras na siyang gising pero iyon pa lamang ang una niyang na-receive na tawag sa exclusive phone niya. Kung dati-rati ay ginagawang MP3 player ni Stock ang cellphone niya tuwing umaga, ngayon naman ay mas tahimik pa sa sementeryo iyon dahil wala man lang siyang nare-receive na text o tawag mula dito. Nasa bahay lang naman kasi ang Daddy at Mommy niya ngayon kaya hindi na ng mga ito kailangan pa siyang padalhan ng mensahe o tawagan man lang. Si Stock lang ang inaasahan niya. Pero hapon na at hindi pa rin ito tumatawag o nagme-message man lang sa kanya.

Kaya naman in-spend niya na lamang ang oras niya sa pagpipinta. Iyon naman ang normal na ginagawa niya sa buhay niya. Pero dahil pakiramdam niya ay wala siyang maramdaman ngayon, iyon at nakatunganga lamang siya sa canvass niya.

Hindi niya ugaling siya ang unang gagawa ng hakbang para lamang kausapin siya ng lalaki. She believes that if a guy is really sincere, he will always make the first move. Iyon tuloy ay kanina pa siyang nganga dahil sa kakaantay ng tawag nito. Kaya naman tila binigyan siya ng sandamakmak na Cobra Energy Drink dahil sa lakas na umahon sa balat niya nang makitang tumatawag na sa kanya si Stock. Finally! She had missed him even if it's just a few hours they are away from each other.

"Hello," bati agad niya dito nang masagot ang tawag nito. Pero ibang boses ang nag-"hello back" sa kanya.

"You're Karen, right? This si Price. Stock's brother,"

Bigla siyang kinabahan. Bakit si Price ang sumagot ng tawag at hindi si Stock? "Y-yes, I am. Nasaan si Stock?"

"There's something happened to Stock," agad na binundol ng kaba ang puso niya kahit hindi pa man ito tapos. "He's sick,"

"God, why?!" hindi na niya maitago ang pag-aalala sa boses niya sa kaalamang may sakit nga ito.

"He had flu. Ang tanga ko kasing kapatid, nagpaulan kagabi! Iyon tuloy nagkasakit. Mahina pa naman ang resistensya nito sa ulan." Pumalatak ito. "Puwede bang pumunta ka dito? May date kasi ako mamayang hapon at walang magbabantay sa ulupong na ito. Masyado pa naman itong pa-baby kapag nagkakasakit. Nasa ibang bansa kasi ang Mommy nito at busy naman si Daddy para alagaan pa siya. Ganoon rin naman si Cash kay Charity lalo na ngayong inaasikaso pa rin nila ang renewal of vows nila. Ikaw lang ang naiisip kong puwedeng mag-alaga dito sa kapatid ko. Tutal, naikuwento na rin naman niya sa amin at mukhang okay naman kayo kaya naisip kong baka willing kang alagaan itong mas bunso pa kung umangal sa akin kapag may sakit kong kapatid?"

"O-of course, of course!" naiintindihan niya ito at willing rin naman talaga siyang alagaan si Stock dahil partly ay siya rin ang may kasalanan kung bakit nagkasakit ito. Kung hindi siya nagpa-late sa usapan nilang dalawa, hindi siguro sila aabutan ng ulang dalawa. Hindi sana ito magkakasakit. Kahit naman kasi mahilig siyang makipaglaro ay concern pa rin naman siya sa mga taong nakapaligid sa kanya... Lalo na sa isang taong alam niyang nag-sacrifice pa para lamang maprotektahan siya.

Dali-dali niyang inayos ang sarili niya at nagpaalam na sa magulang na aalis siya. Nang tanungin ng mga ito kung saan ay nagsabi na rin siya ng katotohanan. Pinayagan naman siya agad ng mga ito at mukhang natuwa pa nga ito, lalong-lalo na ang Daddy niya. Mukhang botong-boto pa ito kay Stock dahil sa tuwing nag-uusap silang dalawa ay ito ang palaging tinatanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung anong nakita nito kay Stock at ganoon na lamang ang pagkagiliw nito sa binata. Dati naman ay hindi ganoon ang Daddy niya sa mga nanliligaw sa kanya. Madalas ay ilang beses na ini-interrogate ng Daddy niya ang mga lalaking lalapit sa kanya noon. Pero kay Stock, unang kita pa lamang nito ay mukhang nakuha na nito ang mailap na puso ng kanyang Daddy.

Makalipas ang treinta minutos ay nasa condominium unit na siya ni Stock. Alam niya ang key code ng condominium unit nito dahil s-in-ave nito iyon sa cellphone niya nang minsan ay magkausap sila. Ginawa nito iyon para daw kapag ninais niya ay puwede niya itong puntahan anumang oras doon.

Inawang niya muna nang saglit ang pinto ng kuwartong unang nakita niya. Sinisilip niya muna kung iyon nga ba talaga ang kuwarto ni Stock. Ito kasi ang unang beses na nagpunta siya doon. Ang eksenang parehong nakahiga si Stock at si Price sa kama habang ang una ay nakayakap sa huli ang bumungad sa kanya. Mukhang napipilitan lang si Price na magpayakap sa kapatid base na rin sa itsura nitong nakangiwi habang iniidya ang bigat ng kapatid. Nais niyang matawa sa nakita.

"Ah, Stock. Ang laki-laki mo na, para ka pa ring bata kapag nagkakasakit! Kalahating oras mo na akong ginagawang human pillow. Pakawalan mo na ako,"

"I-I'm cold brother," wika ni Stock sa nanginig na boses.

"Mayroon namang kumot diyan na puwede mong yakapin,"

"I need the warmth of a person,"

"Haay, daig mo pa talaga ako kung magpabunso," pumapalatak na namang wika ni Price. Lumingon ito sa paligid at napako ang tingin sa kanyang nakasilip. Agad na kumawala ito sa pagkakayakap dito ng kapatid nito. "Finally dumating ka na rin, Karen!"

"Huh?" mukhang nagulat si Stock sa sinabi ng kapatid. Napatingin rin ito sa pinto. Nanlaki ang mata nito at namula ang mukha nang makita siya. Nagbabaga ang mga matang tumingin ito kay Price. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta pala siya?!"

"Eh hindi ka naman nagtatanong, eh," nakangising wika ni Price at lumapit sa kanya. She looked at his face at masasabi niyang iba talaga ang nakikita sa mga picture kaysa sa personal. Pero kung ang iba ay mas gusto ang mga nasa litrato, ang magkakapatid nito ay hindi nabibigyan ng justice doon dahil iba ang epekto ng mga ito sa personal. If Stock had Chinese yes, Price had big ones. He was the epitome of the tall, dark and handsome guy. Iyon ang karaniwang gusto niya sa mga lalaki dahil feeling niya ay lalaking-lalaki ang dating ng mga ito. Pero kahit ganoon, sandali lang siya nakaranas ng starstruck dahil nang mapatingin siya kay Stock ay dagling nawala ang paghanga niya sa lalaki.

Stock looked so helpless right now. Hindi pa man niya ito nahahawakan ay ramdam na niyang may sakit ito base sa itsura nito. Magulo ang dati ay palaging neat na buhok nito at namumutla ito. Something touched her heart when their eyes met. Mas lumala ang urge sa puso niya na alagaan ito.

"Hi Karen!" bati sa kanya ni Price nang tuluyan na siyang malapitan. Hinawakan pa nito ang balikat niya. "Thank you at dumating ka. Kating-kati na kasi talaga akong iwanan itong feeling five-years old kong kapatid na akala mo ay mamatay na kapag may sakit,"

"Price!" lalong namula si Stock sa sinabi ni Price.

"What? Totoo naman ah! Saka nakita na ni Karen kung gaano ka kahirap alagaan kapag may sakit dahil sa pinaggagawa mo sa akin. Isa pa, parang practice na rin ito puwerhisyong mangyayari sa kanya kapag naging asawa mo siya,"

Doon napangisi si Stock. "Sabagay,"

Namula naman ang mukha niya dahil doon.

Price chuckled. "O 'di ba? Tama ako. O paano, iiwan ko na kayong dalawa, ha? At maghahanap muli ako ng sisiw na aking puwedeng limliman kagaya ng gagawin mo kay Stock, Karen."

Nanghihinang binato ito ni Stock ng unan. "Puwede ba, Price, stop thinking of things pervertly!"

Ngumiti ito. "Joke lang, bro! I mean, hahanap na rin ako ng forever girl katulad ng mayroon kayo ngayon ni Cash. Nakakainggit, eh!"

"Hah! Dapat lang! Nang hindi na ganyang kasama ang timpla ng utak mo,"

"Fine, fine! Basta ba bigyan niyo muna ako ng pamangkin, saka ako maghahanap ng seseryosohin ko!"

Tumingin sa kanya si Stock saka ngumisi. Lalo yatang namula ang mukha niya dahil sa usapang "anak". Pero on the other side ay nakakatuwang isipin ang magkaroon nang ganoon kasama ito. Seeing Stock and her holding a baby...she could imagine it as heaven. Pero ano nga ba itong iniisip niya? Hindi ba't paglalaro lamang ang habol niya kay Stock? Bakit ganito ang nangyayari sa kanya? Parang pagseseryoso na ang nasa isip niya. Parang gusto niyang mapasigaw ng "oh-no!" dahil sa mga nararamdaman niya.

"All right! Basta siguraduhin mo sa akin na ang babaeng ihaharap mo ay iyong disente. And I mean, disente na may suot na eyeglasses sa mata at lampas tuhod ang haba ng palda!"

"Huh? Anong---"

"Wala. Kailangang maghanap ka ng mapapangasawa mo na kagaya ng d-in-escribe ko kapag nagkapamangkin ka sa akin at kay Karen,"

"Eh kung ganoon, iwanan mo na si Kuya Stock, Karen!"

Akmang magsasalita pa sana siya nang tumayo ng kama si Stock at hinawakan ang baywang niya at pinahiga siya sa kama. Napatili siya at balak na sanang awayin ito nang bigla na lamang itong mapaubo at mukhang hirap na hirap ito. Napuno ng pag-alala ang puso niya kaya naman hindi na niya naituloy ang balak gawin. Nag-aalalang hinaplos niya ang likod nito upang gumaan ang pakiramdam nito.

"H-hey are you all right?" tanong niya dito nang hindi pa rin ito tumitigil sa pag-ubo kahit nakailang haplos na siya ng likod nito. Nanginginig na rin ang boses niya dahil natatakot siya sa lagay nito.

Sa pagkakataong iyon ay tumigil ito saka tumawa sa kanya. Noon niya napagtantong niloloko lang pala siya ng hudyo! "O, Price, 'yan ba ang kayang iwan?"

"Ah, ewan ko sa inyong dalawa! Basta ako...bata pa ako. Marami pa akong puwedeng i-explore! Diyan na nga kayo!" sabi ni Price at tuluyan ng umalis.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.