Library
English
Chapters
Settings

7

"GIRL, are the rumors true? You are dating Stock Torres?" bungad ni Stacey sa kanya nang makalapit ito sa table niya kasama si Julianna. The two were her new friends na nakilala niya dahil sa pagbabago ng lifestyle niya. Kaparehas niya ay madalas rin ito sa mga bars para gumimik at maghanap ng mga boys. Pero kung siya ay naghahanap ng mga lalaki para saktan, ang mga ito naman ay para humanap lamang ng kaligayahan. They were the typical socialites who love to party all night. At dahil ito ang mga madalas na nakikita niya kapag gumigimik siya, she hooked with them. After all, kahit naman mga party-goers ang mga ito ay mababait at masasayang kausap naman ang mga ito. Hindi rin maldita ang mga ito katulad ng ibang nakilala niya kaya nakiki-hangout siya sa mga ito anytime at paminsan-minsan ay nagbibigay rin siya ng ilang personal information sa mga ito.

Ngumiti siya kay Stacey at sinipsip ang strawberry milkshake na in-order niya sa restaurant na iyon kung saan nakipagkita ang mga ito sa kanya.

"So its really true?" parang hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.

"Ano naman ang tingin niyo sa akin? Mahina ang charms para mang-akit?" nakataas ang isang kilay na sabi niya.

"Of course not," ani Julianna. "Iyon nga lamang, parang ang bilis naman. Hindi mo naman siya kinukuwento sa amin na nagkakilala na pala kayo tapos ngayon nagde-date na kayo,"

"Girls, kakaumpisa pa lang namin kahapon," pagpapaliwanag niya.

Lumabi si Stacey. "Kakatampo pa rin! Bakit ikaw ang nakasungkit sa kanya? Ang tagal-tagal ko ng nagpapa-cute doon na to the point na nag-stalk pa ako sa Golden Cash Clubhouse Resort na pagmamay-ari ng half-brother niya para lang makasungkit ng isa lang sa kanila tapos ikaw na bago pa lang naming kakilala---"

Tumawa si Julianna. "Grabe ka, Stacey! Talagang nang-stalk? Marami ka namang lalaki diyan, ah,"

"But not as rich as the three," depensa nito. "But anyway, sige na nga. Sa 'yo na si Stock, available pa naman ang bunsong anak ni Tito Bill, iyon na lang ang pagpapantasyahan ko,"

"Iyong bunso na lang ang available? Paano iyong panganay?" nagtatakang tanong ni Julianna.

"Huli ka rin sa balita, girl! May asawa na si Cash, matagal na. Kailan lang naibulgar ang tungkol sa secret marriage na iyon kaya hindi na siya available!"

"Oh... Mukhang unti-unti ng tumitino ang mga playboy millionaires, ah? Mukhang mga nagseseryoso na," nanunudyong tumingin si Julianna sa kanya. "How about our girl here, magseryoso rin kaya siya?"

Nakakalokong ngumiti siya. "What do you think?"

Nakakalokong ngumiti rin ang mga ito sa kanya. "Iba ka talaga, girl!"

Nanatiling nakangiti lamang siya sa mga ito. Nang sabihin sa kanya ni Stock kagabi na liligawan siya nito ay nabigla pa rin siya kahit sinabi na nito noong isang gabi na gusto siya nitong maging girlfriend. He thought he just wanted her to be his girl. Pero ang sabihing liligawan siya nito para lang maging girlfriend siya, ni hindi pumasok sa isip niya iyon.

Its the twenty first century at marami ang nagsasabi---particular na ang mga bagong kaibigan niya---na hindi na daw uso ang mga ligawan factor. Pero mismong noong gabing iyon ay hinatid siya muli nito sa bahay at sinabihan siyang ipakilala siya sa Daddy niya bilang manliligaw niya. Ayaw niya sana pero masyado siyang na-amuse sa hindi niya inaasahang gagawin nito. So in the end ay pinayagan niya rin ito sa gusto nito. Tutal ay nakaisip siya ng magandang plano para dito.

Stock is a very good catch---lalo na sa isang kagaya niyang mahilig maghanap ng mga playboy. Kung tutuusin, ito talaga ang hinahanap niya. She would play with him. She would play with Stock.

"But secret lang natin ang mga ito girls, huh? Let me enjoy na hindi alam ni Stock na pakikipaglaro lang ang habol ko sa kanya,"

"Of course, you can trust us. Pero teka, kailan mo ba kami ipapakilala diyan sa bago at bigtime mong "playmate"?"

"He'll come here later," pag-iimporma niya sa mga ito na agad naman na kina-excite ng mga ito. Usapan talaga nila ni Stock na magkikita rin sa restaurant na iyon after nitong asikasuhin ang lahat ng kailangan nitong iwanan dahil magli-leave daw talaga ito sa trabaho para lang sa gagawing panliligaw sa kanya. Isa rin iyon sa mga palatandaan niya na mukhang seseryosohin nga nito ang panliligaw nito dahil iiwan pa nito ang trabaho nito para lamang sa gusto nitong gawin sa kanya.

She found it sweet pero sayang nga lamang at siya naman ang hindi seryoso rito. She would just play with him. Pinilit niyang huwag magpaapekto. After all, paglalaro lang talaga ang habol niya dito. She would play with him and make him lose in the game. And in able for her to be the winner, she should build shield for his sweet tongue and great charms.

After an hour, dumating nga ang inaabangan ng dalawa. And well, partly ay pati na rin siya. Ayaw man niyang aminin, hindi naman niya kayang i-deny sa sarili niya na na-e-excite rin siya na dumating ito. May kakaiba kasing kiliti ang pumapasok sa puso niya sa tuwing nakikita niya ito. Palagi niyang naiisip na ang damdamin niya ang maaring maging problema. Pero naiisip rin naman niyang baka sa una lamang iyon dahil ngayon lang siya nagkaroon ng ganoong ka-bigtime na playmate. And well, ganoon na rin kaguwapo. Mawawala rin ang nararamdaman niyang iyon sa mga susunod na araw, katulad na lamang kung gaano kabilis ang magfade ang mga nararamdaman niya sa mga lalaking nakakasalamuha niya.

Pero mukhang intense itong kay Stock,

"Good afternoon ladies," ang makalaglag panty na ngiti ni Stock ang unang naging ekspresyon ng mukha nito nang makalapit sa puwesto nila. At kung hindi pa niya sikuhin ang dalawang katabi niya, mukhang hindi pa makaka-get-over ang dalawa sa ngiting iyon ni Stock.

"A-ah, G-good Afternoon, too," wika ni Julianna nang mukhang bumalik na sa realidad. "Finally ay na-meet ka rin namin. Nice to meet you, Mr. Torres," nakipagkamay pa ito sa lalaki.

"Same here," sabi nito habang nakikipagkamay. Pero di kagaya ng ilan sa mga nakaka-date niyang lalaki na kapag nakakita ng maganda kagaya nina Stacey at Julianna ay halos hindi na alisin ng mga ito ang pakikipagkamay. Si Stock kasi, parang nakikipagkamay lang ito sa isa sa mga co-businessmen nito dahil parang sign lang talaga iyon ng pagpapakilala nito.

Oh, well, ayos nga 'yun. Seryoso talaga siya kung ganoon. Pero mukhang delikado naman ang puso niya kung nagkataon na puro good qualities lang ang ipapakita nito sa kanya. But well, they are just starting. Siguro ay sa umpisa lang ito magiging ganoon. Sabi nga nila, a playboy will always be a playboy. Nagpapa-good shot lang ito sa kanya sa umpisa kaya naman hindi nito pinansin ang dalawang nagagandahang babaeng kasama niya. Ganoon naman talaga ang mga lalaki. Sa una lamang magaling. Iyon nga lamang, sana ay maging lalaki na lang din ang puso niya...nang sa una lang din magaling sa pagtibok ng malakas ito, lalo na kapag nakikita si Stock. Ang plano niya dito ay ang makipaglaro lamang dito. At isa sa mga rule niya kapag nakikipaglaro ay hindi dapat siya makaramdam ng kakaiba sa kalaro niya.

Sandaling nagkuwentuhan ang mga ito hanggang sa makahalata ang dalawa na kailangan rin nilang maging mapagsolong dalawa. Nag-alibi ang mga ito na may pupuntahan at iniwan sila ni Stock sa restaurant.

"You have a beautiful set of friends," wika ni Stock nang makaalis ang dalawa. May ngisi sa labi nito nang sabihin iyon. Hindi niya maiwasang mairita dahil kanina ay naisip pa naman niyang hindi apektado si Stock sa nagagandahang kaibigan niya. Pero ngayong nakaalis na ang mga ito, doon naman pala nito pupurihin at ipaparamdam sa kanya na mukhang interisado ito sa dalawa.

Ang mga lalaki nga naman, o! Sa isip-isip niya. Pero bago pa siya makapag-react ay nakapagsalita na naman ito. "But you are the most beautiful among of them,"

Nawala agad ang inis niya at pakiramdam niya ay may nagprito sa pisngi niya dahil namula iyon. Magsasalita na sana muli siya nang bigyan siya nito ng tila nag-e-examine na tingin mula ulo hanggang paa. "Iyon nga lamang, hindi ko gusto 'yang suot mo,"

Bumalik na naman ang pagkairita niya. "Ano namang mali sa suot ko?"

Sa pagkakaalala niya nang pumasok siya sa restaurant na iyon ay lahat ay humahangang tumingin sa kanya dahil bagay daw sa kanya ang suot niya. Even the waitress in the restaurant compliments her dress. She was wearing a black x-shaped dress that suited her hour glass body. Sleeveless at hanggang kalahati ng hita niya ang tabas noon kaya naman kitang-kita ang magandang kutis ng balat niya.

"You showed too much. And I don't like it,"

"At anong gusto mo? Ang magsuot ako ng sako?" nakataas ang isang kilay na sabi niya.

"Maybe I'll prefer that than what you are wearing today. Sa tingin ko ay mas maganda ka kung simple ka lamang manamit,"

I'm pass those days, at ayaw ko ng balikan muli iyon ngali-ngali niya sanang sabihin dito. "I like what I am wearing at hindi ako magpapa-control kahit kanino man sa kahit anong gusto kong suotin,"

"Hmmm... Let's see then," hinawakan nito ang kamay niya.

"W-what are you---" pakiramdam niya ay nagulo na naman ang sistema niya dahil sa paghawak nito sa kamay niya. Nanginig pa ang boses niya sa pagsasalita.

"See? I can control you with just holding your hand. Kaya anong sinasabi mong hindi ka magpapa-control kanino man? Aalis tayo ngayon din at pupunta sa mall para palitan 'yang suot mo. You'll never wear the same kind of clothes again, okay?"

Pinilit niyang alisin ang pagkakahawak nito sa kamay niya pero hindi nga nito pinakawalan iyon. At mukhang alam na niya ang sikreto nito kung bakit ito naging isang matagumpay na businessman at milyonaryo. That is because he was very good in controlling. Sa pangalawang pagkakataon kasi, nang hawakan nito ang kamay niya ay na-control na naman nito ang buong katawan niya.

Nang tumayo ito ay napatayo rin siya. Nawawala talaga ang depensa niya sa lalaking ito. Pero pilit niya pa rin na pinapasok sa isip niya na baka naninibago lang siya dito kaya ganoon ang nangyayari sa kanya. Later on, she will learn to handle that kind of feeling. Lahat naman ay natutunan sa pagdaan ng araw. She can control this unique feeling she felt with Stock.

She hopes so.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.