Library
English
Chapters
Settings

4

"WHAT are we doing here?" tanong ni Karen kay Stock habang inaalalayan siya nitong pumasok sa isang coffee shop kung saan ito tumigil. Past twelve na. Sa lahat ng lugar na naisipan siyang dalhin nito ng ganoong oras, hindi niya naisip man lang na sa coffee shop siya nito dadalhin. Ang akala nga niya ay iuuwi na siya nito dahil malapit lang ang coffee shop na iyon kung nasaan ang village na tinitirhan niya. Dahil sa sinabi nito sa kanyang nagresearch na ito ng mga bagay tungkol sa kanya, naisip niyang baka alam na rin nito ang bahay niya at puwede na siyang iuwi nito.

Tumingin ito sa kanya at ngumisi. "Ano ba ang ginagawa sa isang coffee shop?"

"It's late para magkape. Tignan mo nga, halos wala ng katao-tao rito," sabi niya at tinignan ang buong coffee shop kung saan nakakita lamang siya ng isang babaeng nagla-laptop sa may gilid. Sa tantiya niya ay iyon pa nga ang manager ng coffee shop base sa suot nito.

"So what? May mga pastries naman dito na puwedeng kainin kung ayaw mong uminom ng kape. And they also serve decaf cafe here hindi ka mahihirapan na makatulog after mong uminom,"

She's not a coffee-lover kaya naman minsan lamang siya uminom ng kape. Minsan lang rin siyang tumambay sa isang coffee shop at ni hindi nga niya masyadong napapansin ang coffee shop na iyon. At hindi rin niya alam na bukas pa rin pala iyon ng mga ganoong oras. Hindi talaga siya great observer. Oblivious rin siya sa mga bagay na hindi siya interisado. "Edi ikaw na ang maraming alam,"

"Of course. I know my business well, you know,"

Nabigla siya sa sinabi nito pero hindi agad siya nakapag-react dahil kinausap nito ang isang tauhan sa counter na mukhang antok na antok na at nag-order ng dalawang kape at pastries. Agad namang tumalima ito nang matapos ang utos ni Stock. Pagkatapos noon ay niyaya siya nitong umupo. Kasunod na rin nito ang mga kape at pastries na dinala rin ng babaeng nasa counter.

"So this is one of your business," doon lang siya nakapagsalita nang makaupo sila. "I thought your business were chain of hotels and furniture shops?"

Ngumisi muli ito. "Well, mukhang hindi lang yata ako ang nag-research, ah. May ESP ka ba at alam mong pupuntahan kita kaya naghanda ka?"

"You know, I really don't talk to people na wala man lang ako kahit isang information. Its given that you are famous, Mr. Torres, thats why I know some things about you. I have read articles about you and your brothers on magazines,"

Tumango-tango ito. "Okay. So alam mo rin ang ugali ko na---"

"Playboy, of course," pagputol niya.

"Yeah, and we are the same right? Just change the gender and we are totally alike,"

"Except that I don't see you on bars like most playboys are,"

"Ah, nagla-lie low na kaming pamilya ngayon sa pagpunta sa mga ganyan dahil palagi na kaming nakatambay mag-aama sa clubhouse resort ni Cash. May sariling bar rin doon kaya hindi ko na kailangang magpunta pa sa mga ganitong hindi exclusive. Pero pinagsisihan ko rin 'yun ngayon. Dahil kasi sa pagla-lie low ko nitong mga nakaraang buwan, hindi tuloy kita nakilala,"

As if matutuwa ka namang makilala ako 'no! Gusto sana niyang sabihin ito. Hindi pa siya nakakapunta sa clubhouse resort ng kapatid nito dahil exclusive members lamang at ang mga isinasama ng mga ito ang puwedeng pumunta roon. Wala rin naman siyang kilala na member doon kaya hindi pa rin siya makakapunta kahit gustuhin pa niya.

"Then it seems like you are interested in me. You want to be my new playmate?" diretsahang sabi niya.

Parang dumilim ang mukha nito sa sinabi niya. "Iyon ba talaga ang gusto mong itawag sa lahat ng mga lalaking lumalapit sa 'yo?"

"Eh ikaw ba, sa lahat ng mga babaeng nagkakagusto sa 'yo, hindi ba't ganoon rin naman ang nasa isip mo? We are cut in the same cloth, Mr. Torres. We were both players. And those were rules. All are just for play,"

"Aren't there room for seriousness?"

Napataas lalo ang kilay niya. Natawa rin siya ng pagak dahil doon. "Seriousness? Tell me, are you really serious?" napainom siya ng kape para kalmahin ang sarili niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya akalaing ang isang playboy ay lalapitan ang isang kagaya niyang kalahi nito para sabihan ng ganoon.

"There's something about you...." naningkit pa ang chinito ng mata nito.

"There's something about what?" ulit niya dito nang hindi nito tinuloy ang sinabi.

Uminom muna ito ng kape bago nagsalita muli. "Nevermind. I think its getting late. Iuuwi na kita,"

"What? Ganito na lang iyon? You don't---"

Tumigas ang anyo nito. "I don't want to be your playmate, Karen. Naiinis lang ako sa takbo ng usapan natin."

Napa-"oh" na lang siya. Sa kung anong dahilanang ngayong natapos na ang pag-uusap nilang dalawa, ay parang nakaramdam siya ng lungkot. Nasaktan siya sa sinabi nito. This guy is something. And this is also a guy she wanted to punish. She could easily punish him with her charms because he already said that he was interested with her. Pero noong una lamang pala iyon. Nakaramdam siya ng panghihinayang.

Tumayo siya nang tumayo rin ito. Lumabas na sila ng coffee shop at pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at pinasakay. Habang nasa kotse ay hindi ito nagsalita at ganoon rin naman siya. She felt very awkward while he drives her home. Nang makarating naman sila sa tapat ng bahay niya na hindi ito nagkakamali ay doon niya napagtanto na nag-research talaga ito tungkol sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto para makababa siya. Pero pagkatapos noon ay isang awkward rin na katahimikan habang nakatingin lamang ito sa kanya. Nang hindi na niya matiis iyon ay nagsalita siya.

"Now what?"

Hindi pa rin ito nagsalita bagkus ay unti-unting lumapit sa kanya at hinapit ang baywang niya. And the next thing she knew, Stock kissed him as if there were no tomorrow. He kissed him passionately and widely.

It was not the first time she shared a kiss like that to a man. Pero ang pakiramdam niya ngayon ay kakaiba kaysa sa pakiramdam niya sa mga nakahalikan niya noon. It was spine-tingling and toe curling to the point na kailangan niyang hawakan ito sa leeg para lamang hindi siya matumba. Para kasing binaril ang tuhod niya dahil sa sobrang panlalambot noon. But she gave him back what he was giving to him so the two of them nearly explode because of too much intensity running off in their body. Kung hindi lamang siguro kailangan ng hangin ng tao para huminga at mabuhay ay hindi pa sila titigil sa ginagawa nila.

"That was---"

Naputol na naman ang sasabihin niya nang biglang hawakan nito ang pisngi niya. Ang akala niya ay hahalikan muli siya nito pero kung kanina ay puno ng apoy sa mga mata nito, ngayon ay iba na ang pinapakita noon. It was changed with gentleness.

"I told you a while ago that I don't want to be your playmate. Because you know what I want you to be? My girlfriend," seryosong-seryoso ang pagkakasabi nito noon.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.