5
IRITANG-irita ang pakiramdam ni Karen habang nakatingin siya sa cellphone niya. Ang dating palaging naka-silent mode na cellphone niya, ngayon ay inilagay na niya sa normal mode para lamang marinig niya agad kung may tumatawag o nagte-text man lang sa kanya. Pero ilang oras na yata siyang nakatitig lamang doon ay hindi pa rin tumutunog iyon. Exclusive number niya iyon kaya naman kakaunti lamang talaga ang nagtetext doon. Normally ay ang Daddy or Mommy niya lamang ang nakakaalam ng number na iyon. Pero dahil iyon ang mobile number na ibinigay niya kay Stock, expected niyang magtetext o tatawag man lang ito sa kanya pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi. Iyon nga lamang, dapat yata talaga niyang alisin ang pagiging asumera niya para maalis ang nakakairitang nararamdaman niya ngayon.
She expected as much. Ang akala niya ay talagang interisado sa kanya si Stock. Pero dahil sa hapon na at hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya, mukhang mali naman pala talaga siya ng akala. Dapat ay tinanim na niya sa utak niya na playboy ito at lolokohin lang talaga siya nito. Kaya lang siguro nasabi nito sa kanya na gusto siya nitong maging girlfriend kagabi ay dahil sa nangyaring halikan sa kanilang dalawa. Ganoon naman madalas ang mga tao. They actuated by emotional impulses. Nabigla lang siguro ito sa nangyari kaya ganoon ang nangyari dito.
Nang mag-aalas-kuwatro na ay hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya ay nagdesisyon na siya. She would just forget him, katulad ng ginagawa niya sa mga lalaking nawawalan na siya ng interes. But this time, dahil iyon sa ito naman yata ang nawalan ng interes. Oh well, people come and go, ika nga. At tumatanggap rin naman siya ng pagkatalo. Hindi lahat ng lalaking lalapit sa kanya ay seseryosohin siya.
Katulad ni Gwynn lalo na si Kyle na siya namang sa best friend niya. Biglang pumasok sa isip niya na agad rin naman niyang binura.
Iniwan niya ang exclusive phone niya sa cabinet at kinuha ang public phone niya. Nakita niyang malayong-malayo iyon sa lagay ng exclusive phone niya dahil puno ang inbox noon ng mga mensahe ng mga naging kaibigan niya ng mga nakaraang buwan. Magkakaiba lamang ang sentence construction ng mga ito pero pare-parehas ng meaning: they all wanted her to have fun and go to bars. At dahil iyon naman ang normal routine talaga niya kapag naiwan na niya ang isang playmate, hinanda na niya ang sarili niya.
Past six ay handa na siya para umalis nang makasalubong niya ang Daddy niya sa may hagdan. Agad na pinaulanan siya nito ng nang-aarok na tingin sa suot niyang damit. Halata ang pagkadisgusto nito sa ginagawa niya sa sarili niya. Mahigpit ang Daddy niya noon pa man. He always wanted things to be good, to be organized. Hindi iyong kagaya niya ngayong parang pakawala. But she doesn't give a damn with all his views right now.
"Hi Dad," bati niya dito at hinalikan pa ito sa pisngi niya. Pero tinanggihan nito iyon.
"Karen, hindi ko gustong bumalik muli tayo sa mga nangyayari sa pagitan natin kapag nag-uusap tayo kaya naman puwede bang bumalik ka na sa kuwarto mo at magpalit ng damit? You know---"
"Stop it, Dad. Hindi ako magpapalit ng damit," balewalang sabi niya.
"Why? Because like your paintings, the way you dress now is an art? Iyon na naman ba ang magiging dahilan mo sa akin?"
"Whats the problem with my dress? Nakakasira na ba ng buhay ang magsuot ng ganitong klaseng damit?" ang suot niya ay isang maikling backless black dress.
"Of course...You look like---," hindi nito naituloy ang sasabihin nito dahil mukhang nandidiri ito. "Be back to your old self, Karen,"
Natawa siya. "Be back to my old self? The one who revolves the world only in her family and her paintings? Oh God! That was so boring!" pinaikot niya pa ang mga mata.
"Mas maganda pa nga ang ganoon kaysa naman sa ngayon! 'Yang damit mo ay mas maikli pa sa pasensya ko!"
Nginitian niya ito at hinaplos-haplos ang balikat. Giving him a "don't worry mischievous look". "Dad, hayaan mo na ako. I'm happy with what I am doing. Please just be happy for me. I am bored with that life. I want something new. Alam niyo naman na napakabait kong bata noon. Ni hindi nga ako gumigimik kasama ang mga friends ko katulad ng ginagawa ko ngayon. Palagi na lang akong nasa kuwarto at nagpipinta. I feel like I'm such a late bloomer. At saka malaki na ako. I'm twenty-three. Graduate na ako sa isa sa mga prestigious fine arts school sa France. Puwedeng-puwede niyo na akong pabayaan. Ganoon nga kayo noong nasa France ako 'di ba? You let me live independently. Pero bakit naman ngayong nasa Pilipinas na ako ay parang kinukulong niyo ako na parang preso? Naman, Dad! Let me live like this,"
Hinawakan nito ang kamay niya at inalis sa balikat niya. "No, Karen! Sawang-sawa na ako sa mga pinaggawa mo ngayon! Oo, pinabayaan ka namin dati dahil hindi ka naman ganyan. May tiwala kami sa 'yo noon. Pero ngayon..." huminga ito nang malalim bago nagsalita muli. "You are ruining your life with what you are doing. Itigil mo na ang lahat ng ito. Napakabata mo pa para sirain mo ang buhay mo. Okay naman tayo dati 'di ba? At masaya ka naman noon 'di ba? You love what your doing and many people love you too by doing that. Pero ano na ang nangyayari ngayon? You stopped your life just because of a guy!"
"You know its not just about a guy. It's more than that. And you also know, I didn't really stop my old life, Dad. I'm still painting even if sometimes I just did that---"
"To express what you're really feeling! You always paint dark things because thats what you really feel! And with what you're doing, you're losing your career you are still building. Buti sana kung ganoon lang ang ginagawa mo, eh. Pero hindi, Karen. Pati buhay mo ay winawala mo na rin,"
Gusto niyang mainis. Bakit ba napapansin ng kanyang Daddy ang lahat ng iyon? Pero pinilit niyang inalis sa isipan niya ang sinabi ng Daddy niya. Ganoon naman ang madalas na ginagawa niya kapag sinesermunan siya nito.
"I don't care with it just like I don't care with what other people think of what I am doing. Besides I'm playing with guys whom I know also love to play. Kaya alam kong saktan ko man sila, balewala lang iyon sa kanila dahil nanakit rin lang naman sila. Bakit ba ganoon kayong mag-isip sa aming mga modernong babae? Normally, ang tingin nila sa aming mga babae kapag naglaro ay mga slut, mga tramp. But when it comes to guys, parang okay lang dahil normal na naman sa kanila ang maging malaro sa mga babae. Don't you think its unfair? Its the 21st century but still men dominates the world. Ang tingin pa rin sa aming mga babae ay mahihina dahil hindi namin nagagawa ang mga bagay na madali lang para sa kanilang gawin. Kapag nanligaw kami, sasabihin ang landi-landi namin, when the truth is we just do it for love. I realized its not just right. Its not fair. Ang daming humuhusga sa aming mga babae kapag gumagawa kami ng mga bagay na katulad ng ginagawa ko. Pero kapag ang mga lalaki, okay lang. Hindi naman lalaki lamang ang may karapatan sa lahat. Dapat kami rin,"
"You say so much,"
"I just say what my realizations and thoughts are. Totoo naman 'di ba? Kaya Dad, just let me do what I want. Besides, I know my limits."
Bumuntong-hininga ito at tumingin ng diretso sa mga mata niya. "I miss the old you."
Nag-iwas siya ng tingin. "Stop that, Dad. Remember, I am happy being the new me," sabi niya saka nilagpasan ito.
Hinayaan na lamang siya nito hanggang sa makalabas siya ng mansion nila. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil pinakawalan rin siya nito. She didn't want to argue with his father. Palagi na lang nitong pinapaalala kung gaano nito ka-miss kung ano siya noon. But she didn't want to be that girl again. She's happy with being this new Karen---whose living life as a wild player.
Really? Sigaw ng isang bahagi ng isip niya.