Library
English
Chapters
Settings

3

A PLAYBOY played my knight in shining armor tonight. What the heck?

Iyon ang nasa isip ni Karen nang makilala niya ang lalaking nagligtas sa kanya sa kagaguhang muntik ng gawin sa kanya ni Eric. Kahit ngayon pa lamang niya personal na nakita ang lalaking ito, sigurado siyang tama ang hinala niya kung sino ba talaga ito. Well, sino ba naman kasi ang hindi makakilala sa isang Playboy Millionaire na bukambibig na yata ng lahat ng mga naging kaibigan niyang babae simula nang magbago ang lifestyle niya? Lalo na at hindi lang naman niya sa bibig naririnig ang mga ito. Kahit sa mga magazines na minsan ay napapagtrip-an niyang basahin ay may article rin ang mga ito.

Kaya naman kahit hindi na siya mag-blink pa para siguraduhin kung sino ang nagpaka-gentleman sa harap niya, alam niyang ito si Stock Torres---ang pangalawang anak ng ultra-rich business tycoon na si Bill Torres---ayon sa magazine na nabasa niya. At ngayon niya napatunayang katotohanan pala talaga ang sinusulat ng mga ito sa article na nabasa niya. Hindi pa man kasi nagpapakita ng bank account sa kanya si Stock, his physical attributes are yelling with wealth.

At first she thought the magazines are exaggerating. Paano ba naman kasi ay kung makapag-describe ang mga ito ng physical attributes ng tatlo ay parang ang mga ito na ang pinakaperpektong lalaki sa buong mundo. But now that she had seen one, she believed that it was all true. Seeing the second son playboy millionaire is like seeing a star explodes in front of her. It was amazing and sparks are all over her, eating not just her outside parts but also inside, especially her heart. It was palpitating so hard. And her breath...parang kinakapusan yata siya ng hininga. She was awed on the beauty of this man.

Sa totoo lang ay hindi siya sanay na-a-attract sa mga lalaking chinito. She usually preferred guys who have big eyes. Nagsasawa na kasi siya sa mga chinito dahil may lahi siyang Chinese and whenever she was attending family parties ay palaging ganoong mga mata ang nakikita niya. Pero iba ang dating sa kanya ni Stock. Kahit chinito ito, parang gugustuhin niya yatang titiginan na lamang ito magdamag dahil mukhang hindi kasawa-sawa ang mukha nito.

She knew that like her, Stock Torres also had a foreigner blood. Her Mom is half-korean at siguro ay doon nito namana ang mga mata. But the rest, it came from the features of his Father na ilang beses na rin na nakita niya sa mga magazines. He was tall and his complexion was fair. His features remind her of the famous Korean Actor, Lee Min Ho. And yes, he also had those exceptional sex appeal and spine-tingling charms that can melt every woman who will pass by on him.

"Kailangan pa ba kitang bigyan ng microscope? You might also like want to view all the cells I have in my body,"

Pakiramdam niya ay kinain niya ang pinakamaanghang na sili dahil namula nang husto ang mukha niya. 'Buti na lamang at madilim sa parte kung nasaan sila ngayon kaya hindi siguro nito halata iyon. Yumuko siya at tinignan ang nakatulog na yatang anyo ni Eric na kanina ay pilit pang gumagalaw para tuluyang itago iyon.

"Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan sa pagliligtas ko sa 'yo?"

May nakalimutan yata ang writer sa magazine na nabasa niya sa pagde-describe dito. Wala kasi sa nabasa niya na mayabang pala ito. Agad na nawala ang attraction na naramdaman niya at napalitan iyon ng inis. Bad shot sa kanya ang mga lalaking mayayabang.

At nakalimutan ko, ang mga kauri ko nga rin pala na mahilig maglaro. Bakit ba nakalimutan ko ang ugali rin niyang iyon?

Ah, siguro nga kasi ay natatakpan iyon ng mukha niya. Iyon rin ang madalas na sabihin sa mga magazines na nababasa niya. Hindi isang bad shot ang pagka-playboy ng mga magkakapatid dahil natatakpan iyon ng anyo ng mga ito at kung gaano kalaking asset mayroon ang mga ito. Pero siya, kahit self-admitted na malaro rin siya sa mga lalaki, deep-inside her, she doesn't want to play with those kinds. Lalo na at may danger siyang nararamdaman sa playboy na ito na kakaiba kaysa sa mga naramdaman niya sa mga playboy na nakakasalamuha niya nitong mga nakaraan.

"Bakit kita pasasalamatan eh pinatumba mo ang ka-date ko?" kunwari ay galit pa siya sa pagliligtas na ginawa nito sa kanya.

Tumawa ito. "At pinagtanggol mo pa talaga 'yang lalaking nang-harass sa 'yo, ha?"

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "At paano mo naman nalaman na nag-aaway kami, ha? Paano kung nagro-role-play lang pala kami dito sa parking lot at---"

Tumiim ang bagang nito sa sinabi niya. "Just so you know, Miss Sy, kanina ko pa kayo tinitignan at hindi "roleplaying" ang ginagawa niyo. You're not acting when you slap him. Kitang-kita ko ang galit sa itsura mo,"

"Wow! So it means, kanina ka pa pala nakatingin sa amin? What are you? A stalker?"

"The term stalker is just use for ugly people. And by the way you looks at me a while ago, siguro naman ay napatunayan ko na sa 'yo na malayong-malayo ako sa mga taong 'yun 'di ba?" wika nito sabay ngisi.

Abot ng Neptune ang kayabangan ng nilalang na ito, sa loob-loob niya. "At ano naman ang gusto mong itawag ko sa 'yo? Investigator? Kung ganoon, sana nagsuot ka na rin ng coat para mukhang investigator ka na talaga,"

"Parang Detective Conan lang ang peg? Kamukha ko ba si Shinichi kapag ginawa ko 'yun? Pero okay na rin. As long as you can be my Ran, kahit ngayon hahanap ako ng puwedeng costume niya para sa 'yo,"

Nanonood rin naman siya ng anime kaya alam niya kung sino si Ran sa buhay ni Shinichi. Sa loob-loob niya, lihim siyang kinilig sa sinabi nitong iyon. Pero agad na pinalis niya iyon. Siya kinikilig kay Stock? No way! She will never ever have that feeling again. Lalo na sa isang kagaya nito. She learned her lessons so well. Kaya nga siya nagkaganito 'di ba? Kaya siya gumigimik sa mga bar at naghahanap ng mga kagaya nito ay para parusahan ang mga ito. At dapat na hindi siya makaramdam ng kahit na anong katiting na kiliti sa puso niya sa isang lalaking ngayon niya pa nga lamang nakita ng personal. And worst, alam niyang sasaktan lang din siya sa huli.

"So shall I call you one of my admirers then?"

Ngumiti lamang ito bilang sagot at tumingin sa nasa likuran niya. "Nandiyan na ang mga pulis,"

Kumunot ang noo niya. "What are---" naputol ang sasabihin niya nang makita niyang tumingin ito sa natutulog pa rin na itsura ni Eric sa sahig.

"I already called the police bago pa man ako lumapit sa 'yo," pagkukumpirma nito.

Hindi na siya nakapagsalita pa muli dito dahil nakarating na ang mga pulis at kinuha ang nakatulog na talagang si Eric sa parking lot. Dala na siguro ng mga nainom at suntok ni Stock kaya ganoon na lang ang nangyari dito. Sandaling in-interview naman siya ng pulis bago ang mga ito umalis. Napilitan siyang sabihin na rin ang totoo sa mga pulis dahil ayaw naman niyang iuwi pa si Eric nang ganoong lagay kung hindi ito madadampot. Ayaw na rin niyang makasama muli ito dahil sa ginawa nito sa kanya. Maingat siya sa mga ginagawa niya. She knew her limitations and because of what he had done to her, it was goodbye to them. Ganoon palagi ang routine niya. She just want to play, pero kapag lumalagpas na sa limit ang mga nakakalaro niya, tumitigil na siya at naghahanap ng iba.

Kung ang mga playboy ay takot sa kasal, siya naman ay takot na mangyari ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Eric. Iyon ang unang beses na nagawan siya ng ganoon ng isang lalaki. Handa naman siya sa mga ganoong sitwasyon dahil araw-araw siyang may dalang pepper spray sa bag. Sa malas nga lamang ng oras na iyon ay hindi pala niya nadala sa araw na iyon ang pepper spray. She was scared at kung sakaling hindi dumating si Stock ay hindi niya yata kayang isipin man lang ang maaring mangyari sa kanya.

Nang makaalis ang mga pulis ay naiwan na naman silang dalawa ni Stock sa parking lot. Akmang papasok na muli siya sa bar upang ipagpatuloy ang gabi niya nang tawagin siya nito.

Tinaasan naman niya ito ng kilay dahil sa ginawa nito. "What do you want?"

"You haven't thank me yet,"

Napabuntong-hininga siya. Iyon lang pala ang gusto ng hudyo! "Then thank you,"

"But I am not talking about an oral thank you from you, Miss Sy,"

Kumunot ang noo niya. "At ano naman iyon kung ganoon?"

Tumingin ito sa bar kung nasaan siya kanina. "You'll still gonna go there?"

"Eh ano naman sa 'yo kung pupunta pa ba ako doon? The night is still young and---" bago pa siya makapagsalita ay hinawakan na nito ang kamay niya. Binawi naman agad niya iyon dahil para siyang nakuryente sa naramdaman niyang pagdait ng kamay nito sa kamay niya.

"I know a better place than that where we can talk---"

"Hindi ko gustong kausap ka kaya---"

Ngumiti ito ng nakakaloko sabay umiling-iling. "Mukhang mali yata ang sinabi ng sources ko tungkol sa 'yo, ha,"

"Sources?" Ganoon ba niya ito naakit at mukhang nagresearch pa yata ito sa kanya?

"I researched about the things I got interested into,"

"I'm not a thing," nakalabing wika niya.

Amused na napangiti ito. "Okay. And also people. At nalaman kong hindi ka naman man-hater. Mahilig ka pa nga raw makipag-bond sa mga lalaki kaya bakit parang inis na inis ka sa akin?"

"Namimili rin ako ng playmates ko and too bad I don't want you to be one of those,"

Sumimangot ito. "I'm hurt you know," pero agad din naman itong ngumiti muli. "But on the other hand, you might want me not to be your "playmate". Because you know, I am much better than a playmate,"

"At ano naman iyon kung sa ganoon?"

"Come with me to find out," he winked and held her hand again. At sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakapamiglas pa dahil mahigpit iyon. And for the second time around, ay parang nakuryente na naman siya. Pero hindi nakakasakit ang kuryenteng dumaloy na iyon. It was actually giving her pleasure that she found out so weird. Nangatog din bigla ang tuhod niya kaya hindi na nga talaga siya nakapumiglas pa ng pasunurin siya nito papunta sa kotse nito at pasakayin din doon.

Bahala na nga! Sa isip-isip na lang niya nang tuluyan nang makapasok sa sasakyan nito. Paano ba naman kasi ay parang may magic ang lalaking ito na kanina ay naiinis siya sa kayabangan, ngayon ay napasama siya nito dahil lamang sa hawak ng kamay nito. Kahit talaga anong gawin niyang pag-practice na maging matapang, may mga weaknesses pa rin siyang hindi niya kayang hindi pansinin. Sa malas nga lamang ay mukhang sa playboy na naman yata ang bagsak ng pagiging mahina niya.

But no! Hindi siya papayag na mangyari iyon. Maaring sumama lamang siya kay Stock ngayon pero hindi magtatagal iyon. She will just give him back the favor he did for her...kahit na ba nayabangan siya dito.

Let's see kung pagpapasalamat nga lang ba talaga ang dahilan mo kung bakit ka sumama sa lalaking ito, Karen.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.