8
Eight Years Ago
JULIENNE had always been in love with dancing. Hindi man ang sayaw na ginagawa ngayon ay ang paborito niya, masasabi niya na nag-e-enjoy pa rin. She danced with the groove of disco music. Kasalukuyan siyang nasa bar ngayon.
For the first time in Julienne's life, she felt free. Matagal na niyang pangarap iyon. Paano ay naiinggit siya sa mga kaklase na kahit mga underage pa rin kagaya niya ay nagagawa ng pumunta roon. Masyado kasing mahigpit ang kanyang mga magulang.
Nag-iisang anak si Julienne kaya mahigpit ang mga ito sa kanya. Isa pa, bata pa rin naman siya. Seventeen years old pa lamang siya at halos kakapasok pa lamang sa kolehiyo. Noong elementary at high school siya ay hatid-sundo siya ng ama sa eskuwelahan. Ngayon namang college, madalas ay ganoon pa rin ito. Naiinis na siya. Para pa rin siyang bata na ituring ng mga ito. Ni kakaunti nga ang kanyang mga kaibigan dahil roon. Hindi rin siya pinapayagan kahit gumala lamang sa labas ng school. Kung pinapayagan man, ngayong college na iyon at may curfew pa. Alas singko ay dapat nasa bahay na siya.
Pero hindi ngayon. Paano ay nagkasabay na magkaroon ng business trip ang magulang ni Julienne. Internationally pa iyon. Though madalas na inaalam pa rin ng magulang ang lagay niya, mahirap pa rin iyon dahil sa magkaibang time zone. Pinagkatiwala naman siya nito sa kasambahay nila pero dahil may sakit ito ngayon, naging madali para sa kanya ang pumuslit. Maaga kasi itong natulog. Tamang-tama, Saturday night. Iyon ang araw kung kailan madalas na nagbar hopping ang mga kaibigan ni Julienne.
Underage si Julienne at ang mga kaklase niya pero hindi iyon nahalata dahil na rin sa ginawang make-up ng mga ito sa sarili at ganoon rin sa kanya. Noong una ay medyo ilang pa siya. Hindi naman kasi siya nagsasayaw ng mga ganoon. She loved dancing...but she had one particular favorite: ballet. Pero natagpuan niya ang sarili na natutuwa sa pagsasayaw ngayon. It was thrilling. Isa pa, masaya rin na maka-bonding ang ilang mga kaklase. Kakatapos lang rin nila ng isang mahirap na exam kaya inilabas nila ang frustrations sa pagsasayaw. Sabay-sabay silang nagsasayaw.
Hanggang sa magpalit ng kanta.
Pumainlang ang sweet song sa ere. Nawala ang ilan sa mga kaklase ni Julienne. Karamihan kasi sa mga ito ay kasama ang mga nobyo. Ang ilan naman na single kagaya niya ay may mga nagyaya na makipagsayaw na hindi kilala. Napakagat-labi si Julienne nang siya na lang ang maiwan sa dance floor na walang ka-partner. Pangit ba siya para hindi maisayaw?
Julienne was about to leave the dance floor when one man came to her. Muntik na siyang mapanganga nang makilala ang lalaki. Well, hindi niya lubos na kilala ang lalaki. Pero kanina pa siya aware na naroroon ito sa bar. He had that kind of appeal. Matangkad, maganda ang pangangatawan at kahit hindi nakangiti ay nanatili pa rin na kaakit-akit. Pakiramdam niya ay naging misteryoso ang lalaki sa ginagawa nitong iyon. Pero bukod roon...ilang beses rin niyang napansin na nakatingin ito sa grupo nila na magkaklase. May dalawa pa nga siyang kaklase na kinikilig dahil inisip na sa mga ito nakatingin ang lalaki. But Julienne was the lucky girl.
And he was lucky because she seems to like him too.
"May I have a dance?"
Sandaling pinakatitigan muna ni Julienne ang lalaki. Lumakas ang tibok ng kanyang puso. Hindi pa rin ngumingiti ang lalaki pero ang simpleng tanong at pagkakalapit nito sa kanya ay nagbigay na sa kanya ng matinding damdamin.
Saka lamang ngumiti ang lalaki nang pumayag si Julienne. And like her first impression to him, his smile is charismatic. It was smooth and feels so confident. She felt a tingle of hot sensation run through her body when he held her. Inilagay nito ang kamay sa baywang niya. Bahagya pa siyang nahiya sa hawak nito at pagkakalapit. Noon lang siya naggawang hawakan ng ganoon ng isang lalaki bukod sa kanyang ama. Hindi siya malapit sa lalaki lalo na at sa All Girls school pa siya pumapasok noong elementary at high school siya.
They danced for a good while before he spoke. "Anong pangalan mo?"
"J-Julienne. Julienne Lejarde." Bahagyang nahihiya pang wika ni Julienne. Sa totoo lang ay gusto niya ng yumuko. Hindi kasi inaalis ng lalaki ang tingin sa kanya at parang dahil roon ay natutunaw ang kanyang tuhod. Pero hindi rin naman siya makapagdesisyon dahil masarap at bago na damdamin iyon sa kanya. "Ikaw?"
"Axel. Axel Aguillera. It was nice to meet you, Yen."
"Yen?"
"Your nickname from mine."
"Oh..." namula si Julienne. Nagustuhan naman niya iyon.
Ngumisi si Axel. Lalo yata na matutunaw si Julienne. "Know what? I really love your eyes. But I love all of you when you blush like that."
Marami nga ang nagsasabing maganda ni Julienne. Pero ngayon lang tumaba ang kanyang puso sa papuri. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Crush ba niya ang lalaki kahit hindi pa naman niya ito lubos na kilala? Pero bakit pakiramdam niya ay mas matindi pa sa crush ang nararamdaman niya? Hindi mapakali at nagulo siya sa presensiya pa lamang ng lalaki.
Nang matapos ang pagtugtog ng sweet song ay hindi na muling nagsayaw si Julienne. Niyaya kasi siya ni Axel sa bar table. Ibili siya nito ng cocktail drink at ito naman ay alak. Ininom muna nila iyon bago nagsimulang magkuwentuhan. Pero bago pa nila naggawa, lumapit ang isang kaklase ni Julienne sa kanya. Nagyaya na itong umuwi. Apparently, nabastos ito ng nagyaya na sumayaw rito.
"T-thanks for the night..." napilitan rin si Julienne na magpaalam.
"Gusto mo na ba talagang umuwi?"
Tumingin siya sa kaklase. Inis ang mukha nito. Hindi niya rin naman ito gustong iwan, lalo na at mukhang minasama talaga nito ang nangyari. Bahagya rin naman siyang natakot. Paano kung mangyari iyon sa kanya? Mukha namang mabait si Axel. Pero bar ito. Maraming pag-iingat ang kailangan, lalo na at marami ang estranghero sa kanya. Maaaring iwanan rin naman kasi siya ni Axel at paano kung kagaya rin ng nakilala ng kaklase ang bago niyang makikita? Ito pa man rin ang unang beses niya.
"Kailangan ng kasama ni Kathryn," tukoy niya sa kaklase.
Tumango si Axel. "May dala ba kayong sasakyan?"
Umiling si Julienne.
"Delikado na mag-taxi ngayon. I'll give you both a ride home."
Siniko siya ni Kathryn. "Wala pa kayong twenty minutes na magkasama niyan, ah."
"Ha? Oo nga pero---"
May inilabas si Axel mula sa wallet nito. "My business card. In case na natatakot ka..."
Tinignan ni Kathryn ang business card. "Oh well, sige na nga!"
Pumayag rin si Julienne. Nakakatakot dahil estranghero si Axel pero pakiramdam niya ay matindi talaga ang nararamdaman niya rito para pagkatiwalaan ito. Inihatid muna nila si Kathryn at siya naman ang sumunod. Kinuha ni Kathryn ang business card para if ever na may mangyari sa kanya.
But if ever na mayroon man...kung makakasama man niya si Axel, she never mind. She felt at ease with Axel. Pero hindi ganoon ang nakita ni Axel.
"Relax. I won't bite you..." ngumiti si Axel.
Natetensyon nga ba siya? Pero alam niya na hindi iyon dahil sa natatakot siya sa maaaring gawin ni Axel. It has something to do with his aura. Ang sitwasyon nila ngayon na sila lamang dalawa. And the thing was...gusto niyang kumagat talaga ito.
Ano ba itong naiisip ko? Ano bang mayroon ang Axel na ito at ginugulo ang isip ko?
Tama naman si Julienne na nagtiwala siya kay Axel. Inihatid siya nito sa bahay. Pinagbukas pa siya nito ng pinto.
"S-salamat."
Ngumiti lang si Axel. "And thanks for the night, too."
"The night?" natawa si Julienne. "Halos wala naman tayong naggawa."
Tinitigan ni Axel si Julienne. "Gusto mo ba na may gawin tayo?"
Namula si Julienne. "Uh..."
Unti-unting nilapit ni Axel ang sarili kay Julienne, partikular ang mukha nito. Ngumisi na naman ang lalaki. It made her more fizzed up inside. Nang hawakan rin nito ang kanyang pisngi ay nakaramdam siya ng kakaibang init...but it was not as tense when he dropped a kiss on her lips. Parang sandali yatang lumabas ang puso niya sa kanyang rib cage sa naging malakas na pag-palpitate noon. Pero kagaya ng sandaling paglabas, sandali lang rin ang halik.
Inilabas ni Axel ang cell phone nito. Iniabot nito iyon sa kanya. "Call your phone."
"Huh?"
"So I can have your number and contact you."
"Oh..." So gusto niya muli na magkita kami. Great!
Ginawa ni Julienne ang gusto ni Axel. Nagpaalam na rin naman ito pagkatapos. Naiwan si Julienne na umaasang iyon na ang simula ng magagandang pagbabago sa buhay niya.