Summary
Teenage love and a baby...and death.
1
Dear Reader,
Thank you for your interest in reading The Past: Best Mistake. Happy reading!
Love,
Cady
Disclaimer: This is an unedited copy. Sorry for the wrong grammar/spellings. This is entirely fiction. Any resemblance to any person, living or dead, businesses, companies, events, and others are entirely coincidental.
SA LAHAT ng tao sa theatre, si Julienne ang may pinakamalakas na palakpak. Paanong hindi? Napakagaling ng performance ng mga batang ballerina. Sa magandang performance na iyon, pakiramdam niya ay pinapalakpakan na rin niya ang sarili niya. Siya ang nagturo sa mga bata na iyon.
Four years ago nang magsimulang magturo si Julienne sa Little Ballet School of Manila. Masasabi niya na hindi na bago sa kanya ang makita ang mga estudyante na maging successful sa mga performance. Pero kagaya pa rin noong una ang reaksyon niya. Masaya at proud na proud siya sa tuwing nakakapagturo siya. Kapag nakakita siya ng mga magagaling na bata. Kapag nakikita niya na masaya rin ang mga bata.
"A really good round of applause for these kids!" masayang wika ng host. "What a brilliant performance!"
Pati ang host ay nakipalakpak. Nagsitayuan ang lahat ng audience. Dahil hindi basta-bastang ballet performance iyon, hindi lang mga magulang ang nasa loob ng theatre. Malaki ang crowd. Malaki rin kasi at bago ang theatre. May sponsor o producer kasi sila para sa partikular na performance na iyon kaya nakahatak rin ng ibang audience.
"And lets give a round of applause to the person that made these all possible, Teacher Julienne!"
Napunta kay Julienne ang spotlight. Pinapunta siya ng host sa stage. Sumunod naman si Julienne. Sanay na siya sa ganoon. Pero kahit marami na rin beses na pinaggawa iyon sa kanya ay iba pa rin talaga ang pakiramdam. Lalo na at maya-maya ay pumila ang mga estudyante sa harap niya. May hawak-hawak na pulang rosas ang mga ito at isa-isang ibinigay sa kanya.
Hindi lamang si Julienne ang naging teacher ng mga bata dahil hindi lang naman iyon ang naging performance sa malaking event ngayon. Pero pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasaya sa lahat ng guro. Touched siya. Lumambot ang puso niya. Hindi rin niya napigilan na mapaiyak. Niyakap niya ang bawat bata at hinalikan isa-isa.
"Thank you, thank you, thank you." Bati ni Julienne sa bawat bata.
"Teacher, thank you rin po. 'Kita ko po si Mama kanina, ang saya niya po kanina. Proud po siya sa akin. Thank you po talaga, Teacher!" masayang bati ng huling estudyante ni Julienne na si Mylene.
Si Mylene ang paborito ni Julienne sa batch na iyon. Ito kasi ang pinaka-sweet sa buong batch. Pitong taong gulang rin ito. Sa klase, ito ang pinakatulad ng anak na si Julia.
Kung buhay pa ito.
Niyakap ni Julienne si Mylene. Mas mahigpit iyon kaysa sa iba. Gusto niya na kahit papaano ay maramdaman niya ang presensya ng anak kahit sa pamamagitan man lang ng kanyang estudyante. Missed na missed na niya ang anak. Kahit limang taon na itong wala, hindi niya pa rin na maggawang mag-moved on. Pero mabuti na lang at naroroon ang ballet school. Sa tuwing naroroon siya at nakakapagturo lalo na at puro mga bata ang estudyante nila, pakiramdam niya ay kasama rin niya ang anak.
Twenty five years old pa lamang si Julienne. Kung tutuusin, marami pa na puwedeng mangyari sa kanyang buhay. Hindi na dapat niya ginagawa ito---ginagawang outlet ang ballet school sa sobrang pagka-miss niya sa anak. Dapat ay lumaya na siya sa nakaraan. Napakabata niya pa para lamang manatili na stuck roon. Pero naging malaki rin talaga ang impact sa kanya ng pagkamatay ng anak niya noong dalawang taong gulang pa lamang ito.
Seventeen years old si Julienne nang hindi inaasahang mabuntis siya. Inisip niya noon na iyon na siguro ang magiging pinakamahirap na pagdadaanan niya sa kanyang buhay. Pinanagutan man siya ay naging mahirap tanggapin iyon para sa kanyang mga magulang. At kahit nga ngayon, pakiramdam niya ay dala-dala niya pa rin ang hirap na iyon.
Hindi sila ganoon in good terms ng mga magulang. Nakatira pa rin naman sila sa iisang bubong pero malamig pa rin ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Minsan na binigo niya ang mga ito...at hanggang ngayon ay masasabi niya na binibigo pa rin. Pinili niya na maging ballerina---kagaya ng pangarap naman talaga niya. Hindi iyon gusto ng mga magulang niya. Gusto ng mga ito na maging kagaya siya ng mga pinsan niyang sina Jazeel at Valeen na para sa mga ito ay matatagumpay. May kanya-kanya kasing business ang dalawa. Gusto rin ng mga ito si Clover na maganda ang puwesto sa isang magandang kompanya. Lahat ng mga pinsan niya na involved sa business, gusto ng mga magulang. Ganoon ang gusto ng mga magulang niya sa kanya. Pareho kasing businessman ang mga ito. Pero dahil wala siyang namana sa pagiging magaling ng mga ito sa larangan, pakiramdam ng mga ito ay isa siyang malaking failure.
Pero napakaliit na lamang ng porsiyente ng sakit kay Julienne ang pagtrato sa kanya ng mga magulang kumpara sa sakit na nararamdaman pa rin niya sa pagkawala ng anak. Iyon ang masasabi niyang pinakamahirap na pinagdaanan niya sa buong buhay niya. At pinagdadaanan pa rin naman niya hanggang ngayon.
Nang matapos ang palabas ay inisa-isa pa rin na nag-congratulate si Julienne sa mga estudyante. Nilapitan rin siya ng mga magulang ng mga bata. Lahat ay nagpasalamat sa kanya. May ilan pa nga na binigyan siya ng regalo. Lubos na na-appreciate rin niya ang mga magulang. May pagkainggit siyang nararamdaman sa tuwina dahil na rin naiisip niya na sana ay isa pa rin siyang magulang kagaya ng mga ito. Pero ang makita na napasaya rin naman niya ito ay nagpapakasaya na rin sa kanya. Nawawala ang kanyang inggit.
"'Yan tumatawa na si Miss Julienne. Kailan ka naman magsusuot ng bright colors? Kailan mo titigilan ang pagsusuot ng black?" curious na tanong ng isang ina---si Mrs. Dela Cruz. Nakilala niya ito dahil madalas ito na naroroon kapag may practice ang anak nito.
Nginitian ng kimi ni Julienne ang matanda. "Ma'am, sadya naman po na ang uniform namin na mga ballet teachers ay black."
Umiling ang matanda. "Uh-oh. Madalas na naka-pink si Miss Reigna." Ang tinutukoy nito ay ang isa niyang co-teacher rin sa LBSOM. Kagaya niya ay may matindi rin na pinagdaanan si Reigna sa buhay. Pero hindi kagaya niya, positibo ito. Hindi rin nito dinadala ang sakit sa buhay sa trabaho. "Isa pa, lagi kitang inoobserbahan, Miss. Kapag dumadating ka, naka-itim ka talaga. Kapag umaalis ka, palagi ka pa rin na naka-itim. Paborito mo ba 'yan o---"
"Paborito ko lang po talaga." Gusto rin naman ni Julienne na maging propesyonal. Hangga't maaari ay hindi niya kinukuwento ang istorya ng kanyang buhay sa mga taong hindi naman malapit sa kanya. Isa pa, ayaw na rin niya ng intriga. Gusto niyang maalala ang anak. Pero alam niya na kapag sinimulan niya ang kuwento, makakadagdag lamang iyon sa kalungkutan sa loob niya. Today should be a happy day. Hindi na nga dapat niya muna iniisip si Julia.
"Ah, okay. Akala ko ay nagluluksa ka or something. May kakaiba kasi sa mata mo, eh. It seems like you are longing, mourning for someone. Tipid rin ang ngiti mo kahit na ba mukhang mahal na mahal mo ang trabaho mo. Nakaka-bother lang..."
Tipid na ngumiti lang si Julienne. Hindi na siya nagkomento. Pagkatapos makaalis ng mga estudyante at magulang, kinausap siya ng director ng ballet performance. Ito rin ang may-ari ng LBSOM.
"Halika, Julienne. Gusto ko kayong ipakilala sa sponsor at producer natin para sa malaking ballet event na ito. Naipakilala ko na ang iba, ikaw na lamang ang hindi."
Tumango si Julienne. Wala siyang ideya kung sino iyon. Ang alam niya ay anonymous ang nag-sponsor at siya rin na producer. Hindi rin siya tsismosa para mag-research pa. At ngayon, hindi naman talaga niya masasabi na interisado siya na makipagkilala. Pumayag lang siya dahil boss na rin naman niya ang nagsabi. Wala rin naman sigurong masama na makipagkilala siya. Pagkatapos ng lahat, tinulungan siya nito. Tinulungan nito ang kanyang mga estudyante.
"Oh my God! Hinawakan niya ang kamay ko, Carly! Nakaramdam ako ng sparks!" wika ng isa sa mga babaeng staff.
"Ako rin! Grabe, true love ko na yata siya!" komento naman ng isa pa rin na staff.
"Paano ba 'yan? Pareho tayo ng true love!" humagikgik ang dalawa. "Haay, pero ang guwapo niya talaga, grabe! At mukhang mabait. Napaka-humble kasi para piliin niya na 'wag ng ipakilala sa madla kanina. Sana mag-sponsor pa siya sa susunod para naman makadaupang palad ko muli siya."
Ang mga komento na iyon ang nadaanan nina Julienne at direktor patungo sa sinasabi ng huli na sponsor. So lalaki ang sponsor nila? At guwapo.
Napaismid si Julienne. Eh ano naman kung guwapo? Wala talaga siyang maramdaman na interes. Minsan na siyang nabiktima noon. Na-trauma na yata siya. Pinigilan na lang niya sarili na makaramdam ng kuryosidad...na para bang hindi napigilan na umandar lalo na at may unti-unti siyang naamoy na pamilyar na pabango.
Kinilabutan si Julienne. Hindi maaari.
Baka guni-guni ko lang ito. May nakapagsabi kasi ng guwapo at sparks, eh. Kainis! May naisip tuloy ako.
"Ayun siya, o." Itinuro ng direktor ang isang lalaking nakatalikod sa kanila. Nakikipagkamay rin ito sa iba pang staff.
Napa-krus ng mga kamay si Julienne. It couldn't be him because life couldn't be so cruel.
But Julienne should have learned that life is really cruel. Humarap sa kanya ang lalaki na minsan ay kinabaliwan rin niya kagaya ng dalawang nakitang staff kanina. Guwapo, sparks and heck, she thought that he was an angel once! May ganoong mukha ang lalaki. Siguro nga ay anghel rin ito dahil sa pag-sponsor.
But a cruel angel it is.
"Teacher Julienne, meet Mr. Axel Aguillera, our sponsor and producer. Mr. Axel Aguillera, this is Julienne Lejarde, ang teacher ng mga magagaling na bata na last mag-perform."
Sandaling tinignan ni Axel si Julienne ng tingin. Ngumiti pa ito. Natunaw si Julienne, kagaya ng madalas na pakiramdam niya kapag nakikita niya ang ngiti na iyon dati. Pero sa kabila ng pagkatunaw ni Julienne ay ganoon rin ang pagkalusaw ng magandang mood niya. Hindi niya dapat nararamdaman ang dati pang nararamdaman kay Axel. Nainis siya sa kanyang sarili.
"It's nice to meet you, Teacher Julienne. Again." Inilahad ni Axel ang kamay sa harap niya.
Hindi tinanggap ni Julienne ang kamay ni Axel. She might have a lot of skeletons in the closet pero hindi siya kailanman naging plastic.