Library
English
Chapters
Settings

2

"HINDI mo dapat ginawa iyon, Teacher Julienne." Hindi maganda ang tinig ng director kay Julienne kinabukasan. Kinausap at pinagsabihan siya nito tungkol sa ginawa niya kay Mr. Aguillera kahapon.

"Sir, hindi naman po ako artista para magpakita ng mga magagandang ugali sa iba. Wala akong iniingatan na reputasyon." Sagot ni Julienne.

Bumuntong-hininga ang direktor. "Pero ang reputasyon ng school...parang iyon ang sinira mo."

Hindi nagsalita si Julienne. Siguro nga ay tama ang direktor. Pero may gusto rin siyang ingatan---ang sarili at dignidad niya. Kung hahayaan niya ang sarili na maging mabait at tratuhin si Axel ng maayos, hindi ba at parang niloloko niya ang sarili niya? Hindi niya gustong gawin kahit sa sake ng pagpapakitang tao lamang.

"Alam mo naman ang lagay ng LBSOM 'di ba? Hindi na ito kumikita ng maganda. Nagsisimula ng mabawasan ang mga estudyante natin dahil hindi na naman uso ang mga ganito sa bata. Most children indulged to gadgets than to physical activities. Nakakagawa na lamang tayo ng mga ganitong event at kumikita ng maganda dahil sa mga sponsors. At mahirap at bihira na rin ang makuha natin na galanteng sponsors. Napakasuwerte na natin na nagkaroon ng interes ang kagaya ni Mr. Aguillera rito. He was a big time business man. Nangako rin siya na susuportahan ang iba pa nating performance. Pero pagkatapos ng ginawa mo sa kanya kahapon? Nagkaroon na tuloy ako ng alinlangan...

"Hindi ko sigurado kung personal mo na kilala si Mr. Aguillera. Hindi ko na rin gusto na makialam pa. Pero sana, bago mo ginawa iyon ay inisip mo muna ang maaaring epekto noon sa school. Regular teacher ka pa man rito. Kung hindi dahil kay Mr. Aguillera, malamang ay naghihikahos na tayo..."

Dahil regular na teacher, alam ni Julienne ang status ng school. Tama ang direktor. Hindi na nga maganda ang status ng LBSOM. Hindi naman kasi ganoon kalakihan ang tuition roon. Galing sa average na pamilya lamang ang mga estudyante. Madalas na kumikita lamang ang LBSOM sa tulong ng ilang sponsors. Kung wala ang mga ito, maaaring bumagsak na iyon. Maaari na rin na mawalan ng trabaho si Julienne.

May mga dahilan si Julienne kung bakit ginawa niya iyon. Pero hindi na niya gustong ikuwento pa. Ayaw na rin niyang pag-usapan ang tungkol sa ginawa kahapon. Iniiwasan niya lahat ng pag-uusap tungkol kay Axel. Sinubukan niya na magpaka-plastic. "Sorry po. Hindi ko na muling uulitin."

Tinitigan ng direktor si Julienne. "Gusto kong bumawi ka, Teacher Julienne."

Kumunot ang noo ni Julienne. "Bumawi? Paano po?"

"Sa kabila ng mga ginawa mo, mabait pa rin naman si Mr. Aguillera. Tinuloy pa rin niya ang balak na pag-treat sa mga staffs. Magkakaroon tayo ng one-day island hopping courtesy na rin niya. Gusto ko na sumama ka roon."

"Napakabait niya naman po kung ganoon..."

Nagliwanag ang mukha ng direktor. "Indeed. Kaya nga napakasuwerte natin na maging sponsor siya! Bumawi ka man lang sa pamamagitan nito, Teacher."

Napalunok si Julienne. "M-makakasama rin ba natin siya?"

"I don't think so. Masyadong abala si Mr. Aguillera para sumama pa sa ganitong bagay."

Tinitigan ni Julienne ang direktor. Kung nagsasabi ito ng totoo, siguro ay papayag siya. Mahilig siya sa beach. It made her feel relaxed. Naging nakakapagod ang nagdaang linggo at siguro nga ay kailangan niya ng break. Isa pa, enjoy rin naman na kasama ang mga staffs sa LBSOM. Naging malapit at kaibigan na rin niya ang mga ito kaya kung sakaling matuloy man ang outing, siguradong makakapag-relax nga siya.

Pumayag si Julienne. Pagkatapos ng lahat, hindi naman kasama si Axel. Hindi niya pakikisamahan ito---bagay na pinakaiiwasan niya. Dahil paano pa niya pakikisamahan ang isang tao na isa rin sa dahilan ng pagsusuot niya palagi ng itim? Sa pagkawala ng anak niya ay siya rin na pagkawala ni Axel sa buhay niya. Si Axel ang ama ng anak niya at muntik na niyang pangakuan na pakikisamahan sa pang-habang buhay. And just like most story of a past love, it's a chapter that she wouldn't have dream of looking back again.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.