Library
English
Chapters
Settings

3

IT WAS A FUN day. Ganoon maide-describe ni Julienne ang araw ng island hopping nila ng mga staffs ng LBSCOM. Dahil maliit lang naman iyon, higit sampu lamang sila. Isang private island rin ang pinagdausan ng island hopping. Kinailangan pa nila na magkaroon ng sariling charter flight para makarating roon. Pero hindi naman ganoon kalakihan ang isla kaya mabilis silang natapos sa pag-iikot. But the beach was so spectacular. Hindi napigilan ng lahat na mapaligo sa beach. Napagod ang mga kasamahan niya pero sa lahat, si Julienne yata ang pinakahustong napagod.

"Anong oras ba tayo aalis? Mga alas singko?" Tanong ni Julienne sa isang staff na hindi niya gaanong kilala. Hindi naman kasi siya masyado nakikipagkilala sa maraming tao. Alas tres pa lamang ng hapon.

"Oo daw." Sagot nito, tila walang pakialam. Enjoy na enjoy pa kasi ito sa pagsi-swimming. Umahon lamang ito dahil may kinuha sa villa. Samantalang dahil napagod na si Julienne, umahon na siya at nag-ayos ng sarili.

Humikab si Julienne. Sa sagot ay gusto niyang sundin ang kagustuhan ng katawan---ang magpahinga. May dalawang oras pa siya. "Okay, sige. Puwede bang paggising na lang ako mamaya kapag paalis na? Matutulog muna ako sa isa sa mga kuwarto rito sa villa."

"Okay," parang wala pa rin na pakialam na sagot ng babae. Agad na umalis rin ito.

Ginawa ni Julienne ang plano. Natulog siya sa pinakamaayos na kuwarto na nakita niya. Hindi pa kasi ganoon kaganda ang villa. Sa tingin niya ay bagong gawa lamang iyon. Hindi pa kompleto sa mga gamit. Sa katunayan, iisa lamang ang kuwarto na may kama sa tatlong kuwarto na mayroon ang villa. Iyon pa ang nag-iisang kuwarto sa itaas. Doon nahiga si Julienne.

Habang sinusubukang matulog, may isang thought na pumasok sa isipan ni Julienne. Kanino nga kaya ang villa at pribadong isla? Alam niya na sponsor pa rin ni Axel ang outing na ito. Pero kay Axel na ba talaga ang private island at villa na iyon?

Maaaring sa kaibigan ni Axel o kakilala. Puwede rin naman na sa lalaki nga. She always knew and feels that Axel will be a very successful man. Hindi man naging mabilis dahil sa kanya at kay Julia, naggawa pa rin nito. Nabigyan ito ng pagkakataon dahil na rin sa trahedya. Pero sa likod ng mga tagumpay, may isang taong naiwan. Nasaktan. Sa kasamaang palad, si Julienne iyon.

Pero bakit nga ba niya iniisip ang lahat? Wala si Axel sa lugar. Kung sa lalaki man ang lugar, wala na rin siyang dapat pakialam. Pagkatapos ng lahat, ginawa lang naman niya ito para makabawi kuno...na hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi ng Direktor na magagawa niya kung sakaling sumama siya sa outing na ito. Wala roon si Axel para makahingi siya ng patawad.

Pinili ni Julienne na magpahinga na. Ang pag-iisip kay Axel ay nakadagdag lamang ng stress niya. Naging maganda naman ang tulog niya. Masarap ang pakiramdam niya pagkagising. Pero iyon ay hanggang imulat lamang niya ang kanyang mga mata: napakadilim ng paligid!

Napabalikwas ng bangon si Julienne. Kaagad na kinuha niya ang cell phone. Tinignan niya roon ang oras dahil iyon lang naman ang pakinabang ng cell phone. Walang signal sa isla. Lagpas alas-sais na! Alas singko ang departure time at...

"Paano kung naiwan ako?!"

Natakot si Julienne. Marunong naman siyang lumangoy pero hindi ganoon kagaling. Hindi siya makaaalis ng isla. Hindi rin siya makakahingi ng tulong dahil salat sa teknolohiya iyon. Hindi rin niya sigurado kung may care-taker sa lugar. Kung mayroon man, baka matagal pa iyon. Ganoon naman talaga ang mga pribadong lugar. Minsan nga ay pinapalinis lamang kapag may mga kailangang gumamit.

Kaagad na umalis siya ng kuwarto. Sakto naman sa pagkalabas niya ay bumukas ang mga ilaw. May tao sa lugar! Hindi siya nag-iisa. Nakahinga nang maluwag si Julienne.

Hanggang sa makita niya na hindi ang mga taong kasama niya kanina ang ngayon ay kasama na niya sa villa at isla.

"Yen? Bakit---" nakakunot noo si Axel nang makita siya. Mukhang kahit ito ay nagulat.

Namutla si Julienne. Bigla niyang nahiling na sana ay naiwan na lang siyang mag-isa sa isla. Mas magiging madali iyon kaysa ang makasama si Axel lalo na at Sa iisang lugar, sila lamang dalawa.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.