Library
English
Chapters
Settings

4

AXEL bought Isla Azul almost a year ago. Binili niya iyon makatapos ng pinaka-successful project niya sa Aguillera Holdings. Kumikita na siya nang malaki kaysa noon. Three years ago, nang igupo ng sakit na stroke ang Lolo Fidel niya ay siya na ang namahala ng kompanyang itinayo nito. Ang Lolo Fidel ni Axel ang nagpalaki sa kanya simula nang sabay na mamatay ang kanyang mga magulang noong apat na taong gulang siya dahil sa isang malagim na plane crash.

Dati ng matatag ang Aguillera Holdings. Pero mas tumatag pa iyon nang siya na mismo ang namuno. At ang naggawa niyang project sa nakaraang taon? Iyon ang pinakamalaking break ng AH. Napakalaki ng pera na kinita ng kompanya mula roon. At dahil siya na ang Presidente, siya ang pinakanakinabang. Ang kinita na pera ang ibinili niya sa Isla Azul.

It was Axel's dream. Gusto niya na magkaroon ng sariling isla. Gusto niya ng isang lugar na masasabi niya na magiging mapag-isa lamang siya. And a beach...it was also relaxing. Gusto niyang makahanap ng kapayapaan. Iyon rin ang gusto niya na maramdaman ni Julienne kapag nakita nito ang isla.

Pero hindi niya kagustuhan na maiwan silang dalawa roon. Naghahanap siya ng kapayapaan. Paano niya magagawa iyon kung makakasama niya ang babaeng nag-alis noon mula sa kanya? At ang pagsasama nilang dalawa...maaaring tumagal pa iyon ng ilang araw.

"B-bakit ka nandito? Nasaan ang mga kasamahan ko?" nilibot ni Julienne ang tingin sa buong paligid. Nang wala itong makita, nagtatakbo ito sa hindi ganoon kalakihan na villa. "No! Hindi ako naiwan, hindi..."

Namumutla na si Julienne nang lapitan niya ito. Kahit siya naman ay ganoon rin ang naging reaksyon ng mukha. Hindi niya inaasahan iyon.

"Ang alam ko ay kasama ka nila. Nasa Maynila na sila. Hindi naman ako makakapunta rito kung hindi pa sila nakakabalik," private plane ang gamit para makapunta sa Isla Azul.

"N-nakatulog ako. Nakalimutan nila ako. Naiwan ako..." tumingin sa labas si Julienne. "Nasaan ang plane? Puwede pa naman akong bumalik sa Maynila ngayong gabi 'di ba?"

"I'm sorry, pero hindi puwede."

Nataranta si Julienne. "Dahil gabi na? Hindi naman siguro delikado. Walang ulan. Walang---"

"Hindi dahil wala na ang plane. At sa Linggo pa ng hapon ang balik noon." Friday ng gabi ngayon.

Nanlaki ang mata ni Julienne. "No, sabihin mo sa akin na niloloko mo lang ako. Business man ka. You are supposed to be busy. Hindi ka allow magbakasyon at---"

"Boss na ako ngayon. I could take a leave whenever I want. At gusto ko ng break."

Napaawang ang mga labi ni Julienne. Sandaling tinitigan rin siya nito. Nagdulot naman ng sari-saring damdamin kay Axel ang simple lang naman talaga dapat na pagtitig nito.

Ginulo si Axel ng mga mata na iyon. Pero hindi na siya magtataka pa. Its always been like that. Sa una nilang pagkikita ni Julienne, iyon na kaagad ang bumagabag at nagustuhan niya. There seems like a light in there. Nagniningning...na tila ba gustong mahawa rin ng kanyang mga mata roon.

Pero bakit nagkakaganoon pa rin si Axel hanggang ngayon samantalang wala na ang ningning? Alam niya ang dahilan noon. Maaaring isa rin siya sa mga dahilan kung bakit. Pinabayaan niya si Julienne. Kaya kung ano man na masamang pagtrato nito sa kanya, ang halatang pagkailang at pagkaayaw nito sa kanya, dapat ay tanggapin niya iyon.

"I'm sorry, Yen, pero---"

Hindi na natapos ni Axel ang sasabihin nang makitang sa pagtitig ni Julienne ay sumabay rin ang pagpatak ng luha mula sa mga mata nito. Nanginig si Axel at mas lalo pang namutla. Nataranta siya.

Ginusto niya na makita si Julienne. Gusto niya na matulungan at makasama pa ito. Pero kung magiging ganoon lang rin ang reaksyon nito? Pinagsisihan niya lahat ng mga unang binalak sa dating nobya at ina ng namayapang anak niya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.