7
LIMANG taon na ang nakalilipas simula nang makaramdam si Julienne nang ganoong klaseng sarap at init. Kaya sa halip na magmulat siya ngayong ramdam niyang may malay na siya mula sa pagkakatulog, ngumiti at niyakap pa niya ang kung sino na iyon. She wanted to savor the moment. Na-miss niya ang anak. Kung may tao man siyang nararamdaman na ganoong klase ng init, si Julia lamang iyon.
Pero paano niya nagagawang maramdaman iyon gayong matagal na rin siyang iniwan ng anak? May isang taong pumapasok sa kanyang isip na maaaring magbigay rin sa kanya ng kaparehong init. Nang maalala kung sino ang tao na iyon ay kaagad na nagmulat siya ng mga mata. Kasabay ng pagmulat ni Julienne at sa nadiskubre, namula ang kanyang mukha.
Paano niya nalimutan sandali ang nangyari kagabi? Nakakahiya. Pero ang pinakanakakahiya ay ang naggawa niya muli na magkamali.
Julienne slept with her best mistake...
Pakiramdam ni Julienne ay natunaw siya nang walang pasabing bigla na lamang siyang halikan ni Axel. She missed this! Masyado ng nagkarambola ang damdamin niya para makapag-isip ng tama. Alam niya na hindi dapat niya pinapatulan si Axel. Kung anu-ano ng damdamin ang ibinigay nito sa kanya nakaka-bente kuwatro oras pa lamang sila sa isla. Napakaikling panahon at ito sila, magkahinang ang mga labi. At anong kahihiyan para kay Julienne na matagpuan ang sarili na sinasagot ang mga halik nito!
"I missed you, my Baby Yen..." nilalaliman ni Axel ang halik nang maramdaman nito ang kanyang pag-respond. Ginugulo na si Julienne ng kanyang damdamin. Nag-uumapaw ang emosyon sa kanyang dibdib. May halong takot. Pero kahit isigaw man ng kanyang isip niya na mali iyon, hindi iyon marinig ng puso.
Maraming sinisigaw ang kanyang puso pero lahat ng mga iyon ay humahantong lang sa isang bagay: she wanted to surrender to him.
"Axel..." Julienne partnered the name with moan. Naging susi pa iyon para lalong mag-init si Axel. Ramdam na ramdam niya iyon. He caressed her body. Tila ba pinapatunayan nga noon ang sinabi nito sa kanya. The heat was also flaring through her.
"I want you, Yen, so much."
Tama ba na pagbigyan ko siya? Tanong ng isip niya. Sa bawat paghalik ni Axel at ang pag-iba ng hawak nito sa kanya ay mas lalong lumalakas iyon. Nang simulan na tanggalin rin nito ang kanyang damit ay naghalo-halo na talaga ang kanyang nararamdaman.
But she knew, she needed to voice something out.
Pinatigil ni Julienne si Axel. "Mali ito..."
Tinitigan ni Axel si Julienne. "I have to have you. Or else..."
Naiintindihan naman ni Julienne iyon. Ang hindi niya naintindihan ang pag-response ng kanyang katawan. Kahit kasi sabihin na mali, nanlalambot siya sa hawak nito. Tinutunaw siya ng init. Para siyang inilagay sa disyerto. Uhaw na uhaw siya...pero hindi sa tubig. Uhaw siya sa hawak ni Axel, ang paglalakbay nito sa kanya.
She missed his touch. She couldn't deny it.
"Pero Axel..."
Pinatahimik ni Axel si Julienne sa pamamagitan ng halik. "Your body is aching as much as mine. Don't deny the pleasure of this..."
Nagtagumpay si Axel. Naging lalo pang malalim ang halik, naging mas marahas rin hindi kalaunan. Dinala siya noon sa hindi niya maipaliwanag na mundo...at nalimot niya ang lahat ng nangyari sa nakaraan kasabay ng katinuan ng kanyang isip.
Ramdam ni Julienne na napakapula ng kanyang mukha pagkagising. Lalo na nang una niyang mamulatan ay ang mahimbing pa sa pagkakatulog na si Axel. Medyo mataas na ang araw. Paano nga ba talaga nangyari ang lahat? Kahit siya ay nahihirapan rin na intindihin. Siguro nga ay may mahika talaga si Axel. Sa hawak at halik lamang nito ay nawawala na siya sa kanyang sarili.
Pero sisikapin niyang hindi na maging ganoon ngayon.
Gumalaw si Julienne. Ramdam niya na nakayakap sa kanya si Axel at nagbibigay rin ng nakaka-kuryenteng init. Pero kagaya ng nasa isip, pipigilan na niyang magpaapekto roon gaano man niya gustong maglupasay sa init.
Times up.
Napagbigyan na ni Julienne ang sarili. Tapos na ang kanyang pantasya. Hindi na sa kanya si Axel. Hindi ito kailanman magiging sa kanya. Muntik na noon. Pero malaki na siya ngayon. Alam na niya ang tama at mali. At mali ang umasa sa isang lalaking alam niyang napilitan lang sa isang responsibilidad. Ang tanging mayroon lamang silang dalawa ni Axel ay sexual desire sa isa't isa.
Sa paggalaw ni Julienne ay ganoon rin si Axel. Hindi siya tumingin rito. Nagsimula siyang magbihis.
"Yen..." he said in her favorite husky morning voice. Muntik na siyang matigilan muli pero sinikap niyang hindi.
Nagpatuloy si Julienne sa pag-aayos ng sarili. Napilitan si Axel na bumangon na. Hinawakan siya nito.
"'Wag mo akong hawakan..." tinanggal ni Julienne ang pagkakahawak nito. Tama lang naman iyon dahil sa bawat hawak ng lalaki, pakiramdam niya ay natutunaw na naman siya.
"Kailangan natin na mag-usap."
"What for? Kapag nag-uusap tayo, palagi na lang may nangyayari na pagkakamali!"
"So pagkakamali lang para sa 'yo ang nangyari kagabi? How so? You melt into me!" nainis kaagad si Axel sa pahayag niya. Hindi nito natanggap ang nangyari.
"Our relationship is a mistake. Napilitan ka lang na panagutan ako at---"
"Hindi mo ba alam na sinasabi mong 'yan ay parang sinabi mo na rin na isang pagkakamali si Julia?"
Natigilan si Julienne. Hindi siya magmamalinis. Noong una ay naisip niyang isang pagkakamali talaga ang pagdating ng anak sa buhay niya. Palaging sinasabi ng kanyang mga magulang na sinira nito ang buhay niya. Napakabata pa niya para magkaroon ng anak. Pero pinagsisihan niya iyon nang una niyang mahawakan si Julia. Hindi pagkakamali ang hindi inaasahang regalo sa kanyang iyon ng Diyos. Julia was the most precious person who entered her life.
"I'm sorry. Its just you. Or itong mga nangyayari sa atin. This should never happen. Again. Alam mo iyon. Wala tayong relasyon." Huminga nang malalim si Julienne. "Ni hindi nga natin alam ang mga nangyari sa nakaraang taon. What happened is just a spur-a-moment thing. Yeah, it's better to put the things on that way..."
"But what if I don't want to put things in this way?"
"You have no choice. You can't make me."
Hindi nagsalita si Axel. Natapos ng pag-aayos si Julienne ng sarili at makaalis ng kuwarto nang may marinig siyang ingay. Dumating na ang eroplano. Napaaga iyon.
Salamat naman.
Hindi na nila inabala ni Axel ang sarili na kumain muna bago umalis ng isla. Nasa treinta minutos lang naman kasi ang flight pabalik ng Maynila. The flight went fast, too. Lubos na nagpasalamat si Julienne na naging ganoon ang sitwasyon. Makakatakas rin siya kay Axel nang mabilis.
O iyon ang akala niya.
Bago pa man tuluyang makaalis si Julienne, hinawakan ni Axel ang balikat niya. "I'll see you in a month or two."
Umiling si Julienne. "Hindi na kailangan."
"I have the need to know, Yen."
Kumunot ang noo ni Julienne. "To know what?"
"If you became pregnant with my child again. I believe na wala kang partner sa nakaraang mga taon para magpatuloy ka sa paggamit ng pills."
Napanganga si Julienne. Gaanong katanga niya? Hindi niya naisip ang posibilidad na iyon. Isa talagang malaking panganib si Axel. Nilimot niya ang kanyang sarili. Hindi sila naging maingat at ganoon rin ito.
Napadasal si Julienne nang wala sa oras. Dear God, not again!