9
HINDI nabigo si Julienne. Nang sumunod na araw ay tinawagan siya ni Axel. Nakipagkita ito sa kanya. Dahil sa isang linggo pa uuwi ang kanyang mga magulang at maaari pa nga na ma-extend ayon sa huling message ng mga ito sa kanya, mas lalong nasabik si Julienne. Bagaman magaling na rin ang katulong nila, hindi naman siya pinapagalitan at covered siya nito sa mga magulang. Alam kasi nito ang pinagdadaanan niya sa pagiging mahigpit ng kanyang mga magulang. Binigyan siya nito ng curfew pero hindi na iyon kasing aga ng sa mga magulang. Basta kailangan niyang makauwi ng nine in the evening.
Alas singko, pagkatapos ng trabaho ni Axel palagi silang nagkikita. Simpleng pagkikita lamang naman ang mga nangyayari. Dinala siya nito sa isang coffee shop sa unang araw. Pinagkuwento siya nito tungkol sa buhay niya. Pero dahil masyadong boring iyon at wala naman talagang ganoong kulay ang buhay niya, si Axel na ang nag-take over.
Nalaman ni Julienne na nag-iisang apo pala ng mayamang negosyante si Axel. Sa ngayon ay pinag-aaralan nito ang business ng pamilya kasabay ng pag-aaral rin nito ng Masterals sa Ateneo sa kabila ng batang edad pa lang rin naman nito. Twenty two years old pa lamang ang lalaki. Ikinuwento nito ang mga pangarap nito at pakiramdam niya ay lalo pa na lumalim ang nararamdaman niya rito. Axel is a good man. Malaki ang future nito at talagang may pangarap sa buhay.
Sa mga sumunod na araw ay mga simpleng dates lang rin naman ang ginagawa nila. Nanood sila ng sine, naglalakad sa mall at sabay na kumakain ng dinner. Yet, it was always like that. Pagkatapos siya nitong ihatid ay bibigyan siya nito ng halik sa mga labi. Hinahawakan rin naman nito ang kanyang mga kamay pero walang kahit anong sinasabi tungkol sa tunay na damdamin nito sa kanya.
Hanggang sa isang gabi na maputol yata ang pagtitimpi ni Axel. Hindi na lamang siya nito simpleng hinalikan. It became deep and for a while, naramdaman ni Julienne na parang nalulunod na siya roon.
"I want you, Yen..." ungol pa ni Axel. "I feel so crazy about you."
"I have mutual feelings for you, too..."
Tinitigan siya ni Axel. "Sigurado ka ba rito?"
Nang tumango si Julienne ay sa halip na restaurant o mall siya dinala ng lalaki ay sa hotel sila natuloy. Doon ay ipinakita pa ni Axel ang panibagong mundo para sa kanya.
It was crazy, it was hasty. Pero kahit halos wala pang isang linggo na magkakilala sila ni Axel, pakiramdam ni Julienne ay nahulog na ng matindi ang kanyang sarili rito. Napakatindi ng kuryosidad niya. Gusto rin niyang sulitin ang kalayaan niya. Malapit na muling bumalik ang kanyang mga magulang.
Axel made love to Julienne. Pero nang malaman nito kung anong klaseng babae siya, namutla ito.
"I didn't mean to take advantage of you."
Napakagat-labi si Julienne. "I want it, too. Besides...hindi ko sinabi sa 'yo."
Bahagyang nasabunutan ni Axel ang sarili. "I feel bad about this."
Napahiya si Julienne. Was it her fault? Hindi siya marunong dahil nga sa wala siyang experience. Napayuko siya.
"Ano pa ang hindi ko alam sa 'yo, Yen?"
Inamin na ni Julienne ang lahat kay Axel. Dahil sa alam niyang sa simula pa lamang ay nagsinungaling na siya rito dahil sa nakita siya nito sa bar, hindi niya gaanong ni-reveal ang kanyang sarili. Ngayon lang nito nalaman ang kanyang tunay na edad, ang tunay na ginagawa niya.
Natutop ni Axel ang noo nito. "God, you're just seventeen! Bakit hindi ko man lang naisip iyon? Bakit hindi kita ganoong kinilala? Nagi-guilty ako sa ginawa ko. Masyado akong nagmadali at nagpadala sa bugso ng damdamin ko. I-I thought you're just one of those girls..."
"Ginusto ko rin naman ito. Hindi na iyon mahalaga."
"I-I feel like I'm a cradle snatcher..." napailing-iling si Axel.
Naramdaman ni Julienne ang disappointment sa tinig nito. Nahawa siya roon. Inihanda na ni Julienne ang sarili sa mga susunod na pagdadaanan. Axel was just a mistake. Pero hindi niya ganoong minasama iyon. Maybe its just an experience and she calmed herself. She would just learn from it.