7
"DADDY! Wake up! Daddy!" nagising si Rafe sa matinis na boses na iyon ng limang taong gulang na anak na si Scarlett. Napaungol siya. Ayaw pa niyang gumising dahil napakasarap ng tulog niya. Noon lang siya nakatulog ng ganoon pagkatapos ng maraming taon. May naiisip siyang dahilan kung bakit. Sa naisip ay nagmulat na rin siya ng mata.
Wala ng dapat ikabahala si Rafe. Makakatulog na siya nang mahimbing dahil naririto na muli si Liv. Magiging payapa na ang loob niya dahil alam niyang ligtas na ito at nasa poder na muli niya. Kaya kahit naging mahirap rin para sa kanya ang matulog kagabi dahil sa pag-iisip kung tama ba na pinapasok niya muli ito sa buhay nila na mag-ama pagkatapos ng pagtataksil nito ay hindi na niya pinagsisihan kung makakaramdam rin naman siya ng ganoong saya sa damdamin. He was deprived of that for so many years.
Pero mali si Rafe ng iniisip. Hindi naging payapa ang kanyang loob nang matagpuan si Liv na nakatunghay rin sa kanya sa kama kasama si Scarlett. Parang nagtutubig ang mata nito sa lungkot. One part of his heart was crushed. Hindi niya nagustuhan ang nakita.
Hinarap niya si Scarlett. Nakahalukipkip ito. Mukhang galit. "What happened?"
"Is it true, Daddy? Yaya ko na ang bad girl na ito? I don't want to! I don't want her."
Hindi kilala ni Scarlett si Liv. Hindi naman miminsan na tinanong nito kung nasaan ang Mommy nito o kung sino iyon. Pero palagi niyang pinipigilan ang sarili na huwag ipakilala ang babae sa anak kahit sa larawan. Alam niya na unfair sa anak pero nasaktan siya. Nasaktan rin siya para rito. Para saan pa para ipakilala niya ang babaeng iniwan silang mag-ama?
Tumayo siya ng kama. Niyakap at hinalikan niya ang anak. Tumingin siya kay Liv. "Yes. I hired her yesterday."
"But why? I told you about her yesterday! She scared me!" yumakap kay Rafe ang anak.
"Hindi naman kita sasaktan, Scarlett. Mabait ang Mom---" natigilan si Liv nang pandilatan ito ni Rafe. Huminga ito ng malalim. "Ako na yaya mo."
May isang bahagi ni Rafe ang nagsasabi na hindi naman niya masisisi si Scarlett kung natatakot ito kay Liv. Sinaktan nito ang bata nang iwan na lamang sila nito. Kailangan ni Scarlett ng ina na mag-aalaga rito. Ilang beses na rin siyang tinanong ni Scarlett kung bakit wala ang Mommy nito sa tabi nito dahil nakikita sa mga kaklase. Ang kawalan ng ina ay nagbigay ng masamang impact sa anak.
Nagkaroon ng masamang epekto ang pag-alis ni Liv kaya dapat ay hindi na niya ito tinanggap muli. Pero alam niya na kailangan rin ito ni Scarlett. Kaya lang, hindi niya puwedeng iparamdam rito na kagaya ng pag-alis nito ay magiging mabilis rin ang pagtanggap niya rito. Gusto niyang maranasan nito ang sakit, ang paghihirap na pinagdaanan nila na mag-ama na wala ito sa tabi nila. Kaya napagdesisyunan niya na sa halip na itaboy, ibaba na lang ang ranggo nito. Magiging Yaya ito ng anak---ang pinakamasamang puwesto raw sa lahat ng posisyon na naibibigay ni Rafe sa lahat ng mga taong gustong magtrabaho sa kanya. Scarlett was a a real brat. Mahihirapan si Liv na makuha ang loob ng gusto nitong makasama. Ilang Yaya na ang napaalis ng anak sa pagpapakita lang nito ng kulay nito.
"Hindi ako naniniwala! Basta ayaw ko sa 'yo at---"
"Give her a chance, Baby. Gagawin niya lahat ng gusto mo, I'll make sure of that."
"Then get out of my sight!" utos kaagad ni Scarlett. Napakamot si Rafe. Umarangkada na ang kamalditahan ng anak kay aga-aga.
"Ganito ba talaga naging kagulo ang lahat, Rafe?" malungkot ang boses ni Liv.
"Your fault." Pagdagdag niya sa kalungkutan nito. Gusto niyang maghiganti kaya ginagawa niya iyon.
Lumabas na sina Rafe at Scarlett ng kuwarto. Dumiretso sila sa dining room. Pagpunta roon ay napakaganda ng ngiti ni Manang Lucia---ang bago ng mayordoma ng bahay niya. Lahat ng empleyado nila sa bahay ay bago kaya walang nakakilala kay Liv. Si Rafe naman ay napakunot ang noo.
"Where's my usual breakfast?" bacon, eggs and garlic fried rice ang palaging kinakain ni Rafe tuwing umaga. Kapag may gusto siyang iba, nire-request niya iyon sa gabi. Kapag walang request, alam na ni Manang Lucia ang iuutos sa taga-luto nila sa bahay.
Ang natagpuan ni Rafe at Scarlett sa lamesa ay kakaibang luto ng corned beef, pizza omelette at maraming layers ng pan cake na may blueberry syrup sa ibabaw. Mayroon rin na garlic fried rice pero mas maganda ang presentation noon kaysa sa taga-luto nila.
"Gone now. Napaka-unhealthy ng usual breakfast mo, Rafe." Sumagot si Liv. Sumunod pala ito sa kanila.
Kinalabit siya ni Scarlett. "See that, Daddy? Hindi siya marunong makaintindi! Sabi ng umalis siya sa sight ko pero naririto pa rin siya!"
Mahinahong ngumiti si Liv. "Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo ang niluto ko, Baby."
So si Liv ang nagluto. Sa isipin na iyon ay kumalam ang sikmura ni Rafe. Masarap magluto si Liv at kagaya ng presensiya nito, isa iyon sa mga na-miss niyang parte ng babae hindi man niya gustong aminin.
Lalong nalukot ang mukha ni Scarlett. "Baby? 'Wag mo nga akong tawagin ng ganoon! You are not my Mommy!"
Nawala ang ngiti ni Liv. Tumingin ito sa kanya. Muli ay parang nanunubig na naman ang mata nito. Sinundot ng konsensya si Rafe. Gusto man niyang magpakatatag pero may isang bahagi niya ang natunaw sa sakit na nakita sa mata nito.
You reject us then. Bumabawi lang kami ngayon,
Tumikhim si Rafe. "Kumain na lang tayo."
"Ayaw ko ng food na 'yan. Paano kung may lason 'yan?" pag-iinarte ni Scarlett.
"Scarlett!" naapektuhan talaga si Rafe at sinaway na niya ang anak. Hindi naman talaga niya tino-tolerate ang mga pag-iinarte nito. Kinailangan lang niya kanina dahil gusto niyang saktan si Liv. Sobra na nga lamang ang ngayon. "Kumain ka na lang."
Umirap si Scarlett pero sumunod rin naman sa utos niya. Kukuha na sana sila ng pagkain nang magsalita muli si Liv.
"Pray first before eating,"
Natigilan si Rafe. Hindi nila masyadong pina-practice iyon ng anak at alam niya ay mali iyon. Madalas kasi ay maaga siyang umaalis ng bahay kaya hindi na niya nasasabayan pa ng pagkain ang anak at maturuan ito ng mga magagandang asal. Nakakalimutan na rin niya.
Tumingin sa kanya si Scarlett. Nalukot ang mukha nito. "Ang arte!"
Napailing-iling si Rafe. Inutusan na rin niya ang anak. Iyon rin naman talaga ang tamang gawin.
Pagkatapos mag-pray ay sabay na nilang tinikman ni Scarlett ang blueberry pancake. Sabay rin na namilog ang mata nila ni Scarlett nang matikman iyon. Nagkatinginan rin sila.
"Ang sarap!" hindi napigilan ni Scarlett na magkomento. Gusto rin ni Rafe. Masarap naman talaga. Iyon nga lamang, ayaw niyang lumaki ang ulo ng babae. Nagsisimula pa lamang sila. Hindi pa magaling na nakakabawi.
Nagningning ang mga mata ni Liv. Masaya na ito. Maganda rin ang ngiti ng asawa.
Nagsimula na naman na pangunahan ng saya si Rafe. Maganda ang umaga. Ginising siya ng anak kasama si Liv. Bawat ama at asawa ay iyon ang kagustuhan 'di ba? Sa unang mulat pa lamang ng iyong mata ay makikita mo ang dalawang taong napakahalaga sa 'yo. Maayos ang mga ito. Buo sila. Bonus pa ang masasarap na pagkain na nasa lamesa. At ngayon...ang paborito niyang curve sa lahat ng parte ni Liv. Her smile. Her sweet smile.
Her sweet Liv is back. Tama ba na umasa siyang mabubuhay muli siya sa isang sweet life? Tama ba na pakinggan niya ang saya sa kanyang puso?
Napailing-iling si Rafe. Masyado pang maaga para sumuko ang puso niya.