Library
English

The Missing Wife

25.0K · Completed
Cady Lorenzana
27
Chapters
736
Views
8.0
Ratings

Summary

A child and a husband longing for a love of a mother and a wife...

RomanceTrue LoveFemale leadDominant

1

"HEY," NAPAKAKASWAL na bati ni Rafe sa asawang si Olivia o Liv kung tawagin ng mga nakararami at ganoon rin siya. Malapit ng mag-alas dose ng gabi nang makauwi siya ng bahay sa isang common na naman na dahilan: trabaho. Bilang business man, malaki ang responsibilidad niya. Pero alam niya na naiintindihan naman iyon ni Liv. Alam rin niya sa sarili niya na hindi naman niya napapabayaan ito at ang kanilang dalawang taong gulang na anak na si Scarlett.

"H-Hi..." sagot ni Liv. Hindi pa ito tulog. Hindi na naman iyon bago sa kanya. Madalas na inaantay siya ni Liv kapag ganoong nale-late siya ng uwi. Iniiwasan niya iyon. Oo, gusto niya na nakita ang pag-aalala ni Liv sa kanya. Ang pag-aalaga. Sino ba namang asawa ang hindi gustong makita na pinapahalagahan at pinaparamdam sa 'yo ng asawa mo na mahal ka nito? Hindi nga lang niya sigurado kung mahal talaga. But whenever he was with Liv, he felt so much cared. Special.

Napakasuwerte ni Rafe para magkaroon ng asawa na kagaya ni Liv. Pero hindi siya abusado para gustuhin na magpuyat ito para sa pag-aantay sa kanya. Hindi niya gustong mag-alala ito. Kagaya nito, pinapahalagahan niya rin ito. Espesyal ito sa kanya.

Sabihin man ng iba na nagpakasal lamang sila para sa kani-kanilang negosyo ng pamilya.

Arranged marriage---iyon ang klase ng kasal na mayroon sila ni Liv. Tatlong taon na simula nang ikasal sila para sa negosyo ng kani-kanilang pamilya. Matagal na naman nilang alam ang tungkol roon. Bata pa lamang sila ni Liv ay kilala na nila ang isa't isa. Magkaibigan kasi ang pamilya nila. Kabilang ang pamilya ni Liv sa elite society, ganoon rin ang kanilang pamilya. Bilang nag-iisang anak ng Hotel Magnate, sinigurado ng ama ni Liv na magiging maayos ang kinabukasan nito. Ilang buwan bago ito pumanaw ay ikinasal sila ni Liv, ayon na rin sa hiling nito.

Rafe Navarro was the son Oscar Hernandez wanted, yet he didn't have. Naniniwala ang lalaki na tanging mga lalaki lamang ang may kakayahan na mamuno ng isang malaking negosyo. Sa pagkakatanda niya, may pagkamasakitin ang asawa nito at namatay sa sakit na blood cancer noong anim na taong gulang pa lamang si Liv. Nahirapan na ang mga ito na magkaroon ng anak pagkatapos ni Liv at hindi na rin naman nag-asawa muli ang lalaki nang mamatay ang asawa. Si Rafe naman ay ang nag-iisang anak na lalaki ng matalik na kaibigan nito. Isang real estate developer naman ang kanyang ama. Dahil matalik na kaibigan at pinagkasunduan ang maraming bagay, kahit silang mga anak ay pinagkasundo nito. Lalo pang ikinatuwa ni Oscar ang pagtupad niya sa pangarap ng ama niya na maging isang magaling na developer at business man rin. Tiwala ito na siya ang magpapatuloy sa negosyo nito at hiling nito na bukod roon, aalagaan rin niya ang nag-iisang prinsesa ng buhay nito. Para makuha niya ang higanteng negosyo noon, ang hiling lang nito ay pakasalan niya si Liv.

Hindi naman nila iyon minasama ni Liv dahil na rin siguro sa bata pa lamang sila ay itinatak na iyon ng magulang nila sa utak nila. Palaging pinapaunawa sa kanilang dalawa ang kahalagahan ng negosyo, ng merging sa negosyo. Walang problema kay Liv. Hindi niya sigurado kung dahil ba simula noon pa man ay palagi lamang itong naka-oo sa ama nito. She was the innocent, doormat-type of lady. Sweet rin ito, magaling magluto at maalalahanin. Bago sila ikasal ay nagtatrabaho ito bilang chef sa pinakamagandang hotel na pagmamay-ari ng pamilya nito. Pero nang maging mag-asawa na sila ay tumigil ito at nag-focus na lamang sa kanilang pamilya.

Perpektong wife-material si Liv kaya sino pa ba si Rafe para tanggihan ang isang kagaya nito? After all, marrying her gives a great benefit for him, too. Ang kasal nila ay nagdala ng napakaraming milyon sa kanya at sa pamilya niya.

Nilapitan niya ang asawa. Hinalikan niya ang noo nito. "Why are you still awake? Sinabihan na kita na gagabihin ako na umuwi. Ayaw kong napupuyat ka."

"H-hindi ko naman intensyon. Hindi lang talaga ako makatulog..." sagot naman nito.

Kumunot ang noo ni Rafe. "Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Alinlangan na umiling ito. Pagkatapos ay kinagat ang ibabang labi. "S-siguro dahil nag-aalala lang talaga ako sa 'yo. Ilang araw ka ng umuuwi ng gabing-gabi. Ngayon ang pinakagabi."

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Salamat sa pag-aalala. I appreciate it. Pero hindi ko maggawang ma-appreciate na dahil sa akin, nagpupuyat ka. I'm sorry."

"Okay lang."

"I will make it up to you. Ipapangako ko na hindi ka na muling mapupuyat ng ganito sa mga susunod na araw at linggo."

Ngumiti lang ng kimi si Liv. Bahagya pa siyang nadismaya nang hindi niya nakita ang matamis na ngiti nito na siyang pinakapaborito niya sa babae.

"Hindi ko gusto na nakikitang nagpupuyat ka. You looked ill these past few days," kahit abala siya nitong mga nakaraan, sinisigurado niya na tignan at i-check ang itsura ni Liv at ganoon rin si Scarlett. "Madalas kang maputla. Ganoon ka rin ngayon. Sinabi rin sa akin ni Manang Gloria na nagsusuka ka raw kanina."

"Y-yeah. Pero may nakain lang ako na masama, that's why."

Tinitigan niya nang mataman ang asawa. "Have you taken the test?"

Naging uncomfortable ang lagay ni Liv. "Ha? A-anong test?"

"Pregnancy test." Active ang sex life nila ng asawa sa kabila ng sitwasyon nila. Bagaman umiinom ng pills si Liv dahil hindi pa nila plano na sundan si Scarlett, hindi naman lahat ng contraceptions ay sigurado.

Sa isipin na buntis ang asawa ay nanabik si Rafe. Pero kaagad rin na pinutol ni Liv ang masayang damdamin.

"Hindi ako buntis. Sigurado ako roon." Matatag ang boses ni Liv. Tumayo ito ng kama. Tinulungan siya nitong tanggalin ang mga coat niya. "Are you hungry? May pagkain pa sa baba at---"

Nalungkot man sa balita na hindi nagdadalang-tao ang asawa, hindi na hinayaan ni Rafe na malungkot pa muli. Hinalikan niya si Liv sa labi. Sandaling nagulat ang asawa pero maya-maya ay tumugon rin naman ito.

"I'm hungry, but not for food." Wika ni Rafe sa pagitan ng halik. Inihiga niya si Liv. He kissed her deep and passionate. Sa mga sumunod ay hindi na lamang coat niya ang hinubad ng asawa sa kanya. Hindi rin naman nagpatalo at nagpaawat si Rafe. Hinubad rin niya ang damit ni Liv. They made love in pure passion.

One hour later, nakaunan na sa braso ni Rafe si Liv. Nakayakap ang isang kamay niya rito. Humupa na ang init. Hinalikan niya ang noo nito at bahagyang napailing nang may maalala. "Pinuyat rin pala lalo kita. I'm sorry."

"Don't. Ginusto ko rin ito," humilig ito sa kanyang dibdib. He holds her head closer and kissed the top of it again.

"Sleep now,"

"Ayaw ko pa,"

"Hmmm..."

"I just want you to be with me like this. This close..." mahina lang ang tinig ni Liv. Bahagyang ikinagulat iyon ni Rafe. Mahiyain si Liv. Hindi nito ino-open ang damdamin nito sa kanya. Hindi ito nagsasalita. Nararamdaman lamang niya ang pagiging espesyal niya rito pero hindi nito iyon sinasabi. Tahimik ito. Anong mayroon at parang nagbubukas ito ng nararamdaman sa kanya?

"I'll always stay this close to you. You don't have to feel worried. As a matter of fact, kaya naman talaga ako ginabi nang husto ngayon para tapusin ang lahat ng trabaho ko at makapagbakasyon tayo ni Scarlett."

Tumingala ito sa kanya. "B-bakasyon? Bakit?"

Nagkibit-balikat si Rafe. "Nakakapagod ang mga nakaraang linggo. I want to have a break. Gusto ko na gugulin ang oras ko kasama ka at si Scarlett. And siguro, chance na rin natin na makaggawa ng panibagong baby. The idea excites me when it entered my mind. Malaki na si Scarlett at panahon na siguro para sundan siya."

Mabilis lang na nabuo nilang mag-asawa si Scarlett kaya magiging madali rin siguro na sundan ito. Namutla si Liv. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Rafe.

Kumunot ang noo ni Rafe. "May problema ba, Liv? Hindi mo pa ba gusto na magkaanak?"

"H-hindi naman." Umiling ito. "Nabigla lang ako. Ang plano natin ay kapag apat na taong gulang na si Scarlett 'di ba?"

Tumango si Rafe. "Yes. But I think its okay na magsimula na tayo habang mas maaga pa para mas makarami. Isa pa, I always wanted to have a big family. Pareho tayong only child. Hindi ganoon kasaya 'di ba?"

Hindi sumagot si Liv. Tinitigan lang siya nito. Baka hindi nito nagustuhan ang ideya.

"Sige na nga. Hindi ka pa handa. Pero next year, okay? Promise me." Ayaw rin naman niya na pilitin si Liv. Pagkatapos ng lahat, palagi lamang itong naka-oo sa lahat ng gusto niya noon. Ngayon lang niya nakita na pagtanggi si Liv.

"Rafe, I---" hindi tinuloy ni Liv ang sasabihin. Kumunot ang noo ni Rafe. Naramdaman niya ang kakaiba sa tono ng asawa. Parang may sasabihin ito pero nag-aalinlangan.

"Ano iyon, Liv? May problema ba? You know you can always tell it to me."

They may not be in love with each other but Rafe have so much respect for Liv. Higit pa sa kaibigan ang turing niya rito. Simula nang maging mag-asawa sila, kapag may problema siya ay sa babae siya palaging nagsasabi. Sa tuwina ay gumagaan ang pakiramdam niya. It feels so right to be his partner.

Umiling si Liv. "Siguro na-miss lang talaga kita kaya ganoon." Niyakap siya ng babae.

May mali sa sagot ni Liv. Pero dahil sa damdamin na ibinigay sa kanya ng yakap nito ay nawala na sa isip niya ang mga pagtatanong. Niyakap rin niya ito at muling hinalikan sa labi. Lalong ipinagsisikan ni Liv ang sarili sa kanya pagkatapos na para bang iyon ang huling araw na magkakasama sila. Despite of the stress he had for the day, Rafe was so overwhelmed with the feeling.

Kahit mahiyain at tahimik, palagi pa rin na sinosorpresa ni Liv si Rafe. Sari-sari kasing damdamin ang dinadala sa kanya ng asawa. Ipinagkasundo man sila ay parang hindi naman ganoon dahil sa masayang damdamin na nararamdaman niya kapag naroroon ang asawa. Siguro ay dahil noong una ay gusto na rin talaga niya si Liv at alam niya na hindi iyon sa dahil palagi silang ibinubuyo sa isa't isa. Physically ay maganda naman talaga si Liv. She was a reserved lady. Her shyness and innocence amused her. Sabihin man ng mga kaibigan niya na boring ang babaeng kagaya ni Liv ay hindi iyon ang nararamdaman niya. Napatunayan na rin naman niya iyon. They were a match in bed. She was perfect.

Rafe's life is perfect because Liv was in it. Binibigyan siya ng magandang damdamin ng asawa niya, mas maganda pa kaysa sa masasabi niyang naging nobya niya bago sila ikasal ni Liv na si Aria. Nakilala niya ito noong nanirahan siya sa United Kingdom para mag-aral ng Masters Degree sa Oxford University. Dalawang taon rin ang itinagal ng relasyon nila kaya masasabi niya na seryoso talaga iyon, hindi man ganoong opisyal dahil hindi niya maggawang ipakilala sa mga magulang. Pero sabihin man niya na minahal niya ang nobya noon, hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam sa babae. Kay Liv ay kompleto at kontento siya sa buhay niya.

Napakaganda ng pamilya ni Rafe. Ipinapangako niya na wala siyang gagawing masama para masira iyon. Napakasuwerte niya para mag-isip pa na magloko. Nagtitiwala na rin naman si Rafe kay Liv na wala itong gagawin na ikasisira ng kanilang pamilya.

O iyon ang akala niya.