Library
English
Chapters
Settings

4

NASA KALAGITNAAN ng importanteng meeting si Rafe nang lumapit sa kanya ang sekretarya. She excused him from his colleagues. Ini-abot nito sa kanya ang cell phone.

"Sir, kanina pa po tumatawag si Ma'am Scarlett. Kahit sinabi ko po na nasa meeting kayo ay ayaw magpaawat. Nagpapasundo na po kasi may bad girl daw sa class room nila."

Kumunot ang noo ni Rafe. Alinlangan pa siya dahil importante talaga itong ginagawa niya. Pero mas importante pa ba ang meeting kaysa sa anak? Ito na lamang ang natitira sa kanya. Ang business opportunities ay marami pang darating. Sandaling nag-excuse na rin siya sa mga kasamahan at sinagot ang tawag ng anak. Malamang ay tumawag ito mula sa telepono ng school. Hindi kasi kay Therese ang nag-register na number.

"Daddy, finally!" hindi maganda ang tinig ng anak. "Pick me here now, please! Natatakot ako sa bad girl na iyon."

Huminga nang malalim si Rafe. Mamaya pa ang labas nito sa klase at dahil kaka-resign lang pang-lima na yata na Yaya nito ay siya ang susundo sa anak. "Sweetie, I'm on an important meeting right now. Mamaya pa kita masusundo."

"No! What if kuhanin ako ng bad girl na ito? I'm scared, Daddy!"

"May mga guard diyan. Nandiyan si Teacher Therese. Nothing bad will happen to you." Pagpapanatag niya sa anak.

Sa gulat ni Rafe ay umiyak ang anak. "I want you here, Daddy. Niyakap na lang ako basta noong babae and I feel scared with her touch. Sabi niya, friend daw siya ni Teacher Therese. Kakaiba iyong feeling ko ng yakapin niya ako. I felt uncomfortable with her so I think she's bad..."

Natunaw ang puso ni Rafe nang umiyak ang anak. Pero kaagad rin na tumigas iyon nang marinig ang mga sinabi nito. Kaibigan ni Therese? Basta-bastang niyakap si Scarlett? Kakaibang pakiramdam sa yakap? Nagngitngit ang ngipin ni Rafe.

Kung ganoon ay bumalik na ang santa-santita.

Nagpaalam si Rafe sa anak. Sinigurado niya na mapupuntahan niya ito. Tinapos niya ang meeting at kinancel ang mga susunod pa. Nasa kapahamakan nga ang anak. Mabilis siyang nakarating sa Little Angels Academy. Pinuntahan niya si Scarlett. Ipinagkatiwala niya ito sa body guard niya. Pagkatapos ay pinuntahan niya si Therese na nasa faculty room raw.

May sariling opisina si Therese kaya nag-iisa lang dapat ito sa loob. Pero inasahan na niya na hindi lamang ito ang makikita roon. Naroroon rin si Liv. Ang hindi nga lamang niya inaasahan ay ang damdamin niya nang magkasalubong ang kanilang mga mata.

What the hell was this feeling that he wanted to hugged his missing and estranged wife just by looking at her? Galit siya rito. Iniwan siya nito at si Scarlett ng tatlong taon. Hindi ito nagbigay ng dahilan pero hindi siya tanga para hindi mag-imbestiga at malaman iyon.

Inisip niya noon na maaaring kandidata si Liv bilang santa. But she was a sinner. Magnanakaw ito. Ninakaw nito ang pangarap niya, nila ni Scarlett na magkaroon ng isang pamilya. She betrayed them, too.

Nang maalala ang sakit, nawala rin naman ang masayang damdamin na hindi inaasahang maramdaman niya nang makita ang asawa. Pinanaig ni Rafe ang galit.

Hinarap ni Rafe si Therese. "Pinagkatiwalaan kita at ang school na ito para kay Scarlett, Therese. I also believe you are a good person. You cared for Scarlett, too, kaya nga ginusto ko na pag-aralin ang anak ko sa school na ito. Paanong naggawa mong magpalapit ng masamang loob sa anak ko?"

"Sobra ka naman na magsalita, Rafe. Hindi naman masama si Liv. Alam ko iyon, alam mo iyon at---"

"Alam ko iyon. Noon. But years can change a person, right? And I know that she was changed, too." Nagngingitngit si Rafe sa galit. "Kapag nalaman ko na pinalapit mo pa muli ang babaeng iyan kay Scarlett ay iaalis ko ang anak ko sa school na ito at baka magsampa pa ng kaso. Walang pag-aalaga ang school na ito sa anak ko!"

"Rafe, wala naman akong masamang ginawa kay---"

Naningkit ang mata ni Rafe. "Wala? Tinawagan ako ng anak ko at sinabing tinakot mo raw siya! Basta-basta mo na lang siyang niyakap."

"Ina siya ni Scarlett, Rafe. Karapatan naman niya na makasama at yakapin ang anak niya." Pagtatanggol muli ni Therese.

"Tinanggal na niya ang karapatan na iyon simula nang abandonahin na lamang niya basta si Scarlett. Hindi siya dapat tawagin na ina. Walang ina ang mang-iiwan na lamang basta sa kanyang anak."

Bumakas ang lungkot sa mukha ni Liv sa mga masasakit na salita ni Rafe. Pakiramdam niya ay nalungkot rin siya. Lalo yata siyang nagalit pero sa sarili na niya iyon. How can she still affect him? To think na wala namang pagmamahal na namamagitan sa kanila sa simula pa lamang.

Tumalikod si Rafe. Hindi siya puwedeng magulo. Sinaktan sila ni Liv sa pag-alis nito kaya tama lamang na saktan rin niya ito sa pagbabalik nito.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.