Library
English
Chapters
Settings

3

Three Years Later

NAPAKALAKAS ng kabog ng puso ni Liv nang makarating siya sa Little Angels Academy. Nagbabaka-sakali siyang makita roon si Therese, ang best friend niya simula high school pa lamang siya. Teacher ito roon. Kailangan muna niyang magkaroon ng lakas ng loob bago niya harapin ang mga taong sabik na siyang balikan pero naggawan niya ng malaking kasalanan. Ang best friend ang naisip niyang puntahan dahil malaki ang pag-asa niya na tatanggapin pa rin siya nito. Ito ang pinakamabait na taong kilala niya. Mahal siya nito. Tutulungan siya nito sa kanyang muling pagbabalik.

"Sino po na kailangan niyo, Ma'am?" tanong ng guard kay Liv.

Sinabi ni Liv ang pangalan ng best friend. "N-nagtuturo pa ba siya rito?"

Alinlangan siya. Wala siyang balita sa kaibigan kaya hindi siya sigurado kung nanatili pa rin ito roon sa kabila ng mga nakalipas na taon. "Opo, Ma'am. Pero tatawagan ko po muna siya, ha? Bawal po kasi kami magpapasok ng walang pahintulot."

Tumango si Liv. May tinawagan ang guard at pagkatapos ay tumingin muli sa kanya. "Pasok na po kayo, Ma'am." Itinuro ng guard ang pupuntahan niya para makita ang kaibigan.

Hindi nahirapan si Liv sa paghanap sa kaibigan dahil sinalubong rin siya nito. Kaagad na niyakap siya nito nang makita. Nanlaki pa ang mga mata nito. Niyakap rin niya ito. "Oh God, Liv! You're alive!"

Ngumiti si Liv. Kahit ang katotohanan na iyon ay mahirap rin na paniwalaan sa sarili niya. "I miss you so much, Therese..."

Naluha pa ang kaibigan. "Ako rin. Kumusta ka na ba? Ano bang nangyari sa 'yo? Bakit umalis ka na lang ng walang magandang paalam?"

"Mamaya ko na ikukuwento. Pero maayos na ako ngayon."

Maayos na nga ba talaga siya? Iyon ang sinasabi ng mga Doctor sa kanya. Hindi man one hundred percent clear pero halos ganoon na rin. Pero naramdaman niya na parang nagsisinungaling siya sa kaibigan. Hindi pa talaga siya lubusan na maayos. Hindi magiging lubos na maayos ang buhay niya dahil hindi pa niya nakakasama si Rafe at ang nag-iisang anak na si Scarlett. Magiging maayos lamang siya kapag nakabalik na siya sa dating buhay.

"Sige. Siguraduhin mo 'yan, ha? Saka 'wag muna ngayon dahil abala ko. Sa totoo lang ay may klase ako at nilabas lang kita. Halika muna sa klase ko. At teka nga pala, nakausap mo na ba si Rafe? Napuntahan mo na ba sila ni Scarlett?"

Umiling si Liv. "Wala pa akong lakas ng loob para harapin muli sila."

Iniwan niya ang mag-ama niya. Paniguradong mahihirapan siyang makabalik.

Tumango si Therese. "Sa totoo lang, estudyante ko si Scarlett."

Nanlaki ang mga mata ni Liv. Dumagundong sa saya ang kanyang puso. "Oh, Therese! Sabik na ako na makita siya! Puwede kaya?"

Nagulo ang mukha ni Therese. "Hindi ko alam kung maganda na mangyari pero subukan natin. Sa pagkakaalam ko ay hindi ka niya kilala."

Hindi na pagtatakahan iyon ni Liv. Wala pang gaanong muwang si Scarlett nang iwan niya.

Nang makarating sa klase ay kaagad na nakita ni Liv si Scarlett. Kamukhang-kamukha ito ni Rafe. Ang tanging namana lamang nito ay ang mala-perlas niyang kutis. Nakahalukipkip at may kausap itong batang babae.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Liv. Kaagad na nilapitan niya ang anak, inagaw sa pakikipag-usap sa kaklase nito. Niyakap niya nang mahigpit si Scarlett. Naiyak siya sa bugso ng damdamin.

"Oh Scarlett..." Napakalaki na ni Scarlett. Napakarami ng pinagbago. Marami siyang na-miss sa buhay ng anak. Lalo siyang nasabik na makapiling ito.

Hindi rin nagtagal ang yakap. Itinulak siya ni Scarlett. Malakas iyon kaya kaagad nabuyo si Liv. Bahagya pa siyang nagulat, lalo na ng irapan siya nito. She looked like a spoiled brat.

Tumingin si Scarlett kay Therese. "Teacher, bakit kayo nagpapasok ng stranger sa classroom? Isusumbong ko kayo kay Daddy!"

"Hindi siya stranger, Scarlett. She is your---"

Pinutol ni Liv ang pag-amin ni Therese. "Kaibigan ako ng Teacher Therese mo..."

"Kahit na! Bata ka ba para pumasok rito? And you just hugged me without notice!" tumakbo na ito palayo sa kanila.

Parang tinusok ang puso ni Liv. Hindi ba siya gustong makita ng anak? Napapikit si Liv at napahawak ang kamay sa bibig. It was just one of the sufferings you should get yourself ready.

Rejection. Hindi siya kaagad mapapatawad ng mag-ama niya.

Hinawakan ni Therese ang balikat niya. "It's okay. Sadyang ganoon si Scarlett. Wala siyang kaibigan sa school..."

"B-bakit? How was her performance? How was she?" hindi niya man lang pala natanong iyon.

"Academic, wala naman na problema. Siya ang nanguguna sa klase. Pero ang ugali niya..." napabuntong-hininga si Therese. "She is a brat."

Kasalanan ko iyon. Sinisisi kaagad ni Liv ang sarili. Wala siya sa tabi ng anak sa mga nakaraang taon at alam na niya na makakaapekto talaga iyon sa anak. Hindi rin niya masisisi si Rafe kung hindi nito napalaki nang maayos si Scarlett. Napakalaki ng responsibilidad nito sa negosyo.

"It was going to be hard, Liv. Rafe was not the same anymore. Sa tingin ko ay nasaktan talaga siya sa pag-alis mo noon."

Huminga nang malalim si Liv. "Kaya sa 'yo muna ako lumapit, Therese. Kailangan ko ng lakas ng loob. Tutulungan mo naman ako 'di ba?"

"I can always be here for you, Liv. Pero ang pamilya mo, hindi ko hawak ang damdamin nila."

Tumango si Liv. Nakakatakot lalo na sa reaksyon at nalaman niyang impormasyon mula sa kaibigan, sa lagay ni Scarlett at ni Rafe. Pero kinalma niya ang sarili. Kung naggawa niyang maka-survive sa isang napakalupit na sitwasyon sa nakalipas na tatlong taon, magagawa rin niyang maka-survive sa sakit na kakaharapin sa muling pagbabalik niya sa pamilyang naiwan. Mahal niya ang mga ito. Gagawin niya ang lahat para makasama muli ang pamilya.

Everything about her family is worth fighting for. Lalo na ngayon na may lakas na siya para ipaglaban ang mga ito.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.