9
Kahit sino ka man,
Ikaw ay tatanggapin,
Kahit sino ka man,
Patuloy ka pa rin na mamahalin
Puso ko ay ikaw lang ang kinikilala
Kahit kailan ay hindi magsasawa
Kaya 'wag ka ng magka-ila
Kahit sino ka man, pag-ibig ko ay hindi mawawala
HINDI buo ang tiwala ni Albert kay Jackie. Pero hindi naman niya minasama iyon. Sa halip ay nag-isip siya ng positibo. May mga factor siguro na nakakaapekto kay Albert para hindi magtiwala nang buo sa kanya. At naiisip niyang dahil iyon sa pamilya nito.
Alam ni Jackie na mali naman ang pilitin si Albert na magkuwento sa kanya. Pero naisip niyang kapag naging mas malapit siya rito ay kusang umamin na ito sa kanya. Magkakaroon na ito ng tiwala sa kanya.
So Jackie is putting all her best efforts to be a good wife. Siya ang gumagawa ng lahat sa bahay at inaasikaso ang asawa. Sinisikap rin niya na maging masarap at espesyal ang mga niluluto niya para ma-impress at sumaya si Albert. So far, mukhang successful naman siya. Palaging maganda ang aura ni Albert. Tuwing break rin nito ay palagi siya nitong tinatawagan at sinasabihang nami-miss siya. He is becoming sweeter each day.
Nagkaroon lalo tuloy ng pag-asa si Jackie na mababago niya si Albert. Hindi lang sila bubuo ng isang masayang pamilya. Magkakaroon rin sila ng nagmamahalan at kompletong pamilya.
Ngayong araw ay isa sa mga araw na nagpakita si Jackie ng effort. Alas diyes pa lang ay nagluto na siya ng tanghalian. Balak niya kasing dalhan ng lunch si Albert ngayon sa trabaho nito. She wants it to be a surprise because it feels more romantic. Alas onse y medya ay on the way na sila ni Jileen papunta sa office nito. Hindi naman maligalig ang anak kaya okay lang na isama ito. Inisip rin niya na ikatutuwa ni Albert na makita ang anak. Napapalapit na kasi talaga ito rito. Hindi na niya ito nakikitang naiinis o nanginginig kapag kasama ang anak.
Nang makarating sa business ni Albert ay hindi na niya makilala ang mga naroroon. Mga bago na lahat pero kapansin-pansin na dumami. Mukhang mas gumanda na talaga ang business ng asawa. Kahit ang sekretarya ni Albert ay bago na rin. Hindi siya nito nakilala kaya mas inuna nitong i-entertain ang babaeng mas nauna rin naman na pumasok sa receiving area.
"May appointment po ba kayo kay Sir?" tanong ng sekretarya sa babae na sa tantiya niya ay mas matanda lang ng ilang taon kay Albert. Naka-summer dress ito. Mukhang hindi ito nagpunta sa lugar para sa business purposes.
"Wala. Pero kapag nalaman niyang narito ako, I think he will see me..."
"Ka-ano-ano po kayo ni Sir Albert, Ma'am?"
"I'm Ara. Kapatid niya ako,"
Sabay na kumunot ang noo nila ng sekretarya. Tinignan pa mula ulo hanggang paa ng huli ang babae. Pero sa huli ay kinuha rin nito ang telephone para siguro tawagan si Albert.
Naging mabilis naman si Jackie. Pinatigil niya ang sekretarya. Tumikhim siya. "Wait lang, 'wag mo muna siyang tawagan..."
Tumigil ang sekretarya. Tumingin naman sa kanya ang nagpakilalang kapatid ng asawa. "Bakit?"
"Sigurado ka bang kapatid ka ni Albert?" Sa halip ay tanong ni Jackie.
"Oo. Ikaw, sino ka ba?"
"Ahmm... Asawa niya ako,"
Nagulat ang babae. Napatingin ito kay Jileen. "A-at anak siya ni Albert?"
Tumango si Jackie. Parang nanginig naman ang babae. Pero maya-maya ay kinuha nito si Jileen at niyakap. "Oh, God. May pamangkin na pala ako. Wala man lang akong kaalam-alam..."
Hindi masisisi ni Jackie ang babae. Kung hindi nga niya alam na may kapatid si Albert, posibleng wala rin alam ng kapatid nito na may pamilya na ito. Napaka-secretive talaga ng asawa niya.
Tumingin si Jackie sa sekretarya na litong-lito. "Puwede bang 'wag mo munang sabihin kay Albert na pareho kaming dumating?"
Tumango rin naman ang sekretarya. Tumingin ulit siya sa kapatid ni Albert. "Puwede bang kausapin muna kita?"
May pag-aalinlangan sa mukha ng babae. Pero sa huli ay tumango rin ito. "Sige,"
"YOU'RE so excited," wika ni Albert sa anak. Hindi pa man nagsisimula na mag-perform si Jackie ay panay na ang palakpak nito. Magkasama silang dalawa ni Jileen habang nag-aayos si Jackie para sa spoken poetry performance nito mamaya.
Naimbitahan ngayong araw si Jackie para mag-perform ng mga tula nito sa isang café sa Quezon City. For support, sumama siya. Dahil wala rin naman sila na mapapaghabilinan sa anak ay isinama na rin nila ito. Sinigurado na lang niya si Jackie na siya na ang bahala sa anak. Pagkatapos ng lahat, magkasundo na naman sila.
Tumango si Jileen. "Galing, Mommy!"
Ginulo niya ang buhok ng anak. Bata pa man pero mukhang may ideya na si Jileen. Sabagay, ilang beses na rin kasi niyang nakita ang anak na pinapanood si Jackie habang nagpa-practice. "Yes, magaling talaga si Mommy. She's like you,"
Pumalakpak pa lalo ang bata. Niyakap niya ito. She giggled. It was like music in his ears.
Ah, family...
Ang gaan-gaan ng loob ni Albert. Pakiramdam niya ay magaling na siya. Hindi na siya naiinis kapag nakikita ang anak niya. In fact, gustong-gusto na rin niya itong makita at makasama. Ang kailangan lang talaga niya ay bonding rito.
Lubos na nagpapasalamat rin si Albert kay Jackie. Tinulungan siya nito. Naging mapagpasensya rin ito. Lahat ng nararamdaman niya na saya ngayon dahil lahat kay Jackie. Hindi ito sumuko sa kanya. Binigyan nito ng pangalawang pagkakataon ang kanilang pamilya.
At masaya rin si Albert na mukhang hindi naman niya binigo ang asawa. Naging maayos ang pakikitungo niya sa anak niya. Ganoon rin dito.
Pero alam ni Albert na may kulang pa rin. Pagmamahal.
Napakasuwerte na ni Albert na tinanggap pa rin siya ni Jackie kahit hindi niya kayang magmahal. Kaya niyang maging mabait rito, ang alagaan ito at pasiyahin ito sa paraang kaya niya. Pero hindi niya kayang maging romantic. Hindi niya kayang mahalin ito. At ganoon rin si Jileen. Ang alam lang niya, ang dalawa ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.
Deserved ni Jackie na mahalin. Ganoon rin ang anak niya. Pero hindi niya kayang magmahal. O siguro, hindi niya pa kayang aminin sa ngayon. Magpapakasaya na lang siya na hindi pa naman nagde-demand si Jackie. Mukhang kontento na ito sa kaya niyang ibigay rito sa ngayon.
Ganoon pa man, susuportahan niya si Jackie. Aalagaan niya at papasayahin ito sa abot ng makakaya niya. Kaya nga naroroon siya sa event. Maliit na café lang iyon pero puno ng mga tao. Pansin niya na karamihan ay inaabangan na magperform si Jackie. Mukhang ito rin ang pinakabigatin na guest. Ito kasi ang pinakahuli na magpe-perform.
At tama nga si Albert. Si Jackie ang may pinakamagandang performance. Ito rin ang pinaka-pinalakpakan ng tao. Kahit si Jileen ay panay rin ang palakpak kahit hindi naman nito naiintindihan ang mga narinig. Napatingin tuloy rito ang mga tao na mukhang giliw na giliw sa anak. Naipakilala rin tuloy silang dalawa ni Jileen sa mga audience.
Nang matapos ang mga performance ay nagkaroon ng picture taking. May mga nagpa-autograph pa sa mga performers. Pinakamaraming nag-abang kay Jackie. He feels so proud. Kahit kay Jileen at sa kanya ay may nagpa-picture na rin dahil sa relationship nila kay Jackie.
Hindi akalain ni Albert na mag-e-enjoy siya nang husto. Hindi naman siya ang artista pero ganoon ang na-feel niya. Maayos at masaya ang lahat kung hindi nga lang may isang late na pumasok sa café. Dumiretso ito kay Jackie at parang close na close na niyakap pa nito ang asawa. Nang mapansin rin ito ni Jileen ay kumaway rin ito. Mukhang nakilala nito ang babae.
At ganoon rin naman si Albert. Pero hindi kagaya ng reaksyon ng mag-ina niya ay malayo sa nararamdaman nito ang sa kanya.
Nagdilim ang mukha ni Albert.
Ate Ara...
Nakipag-beso si Jackie sa kapatid niya. So it just means they knew each other. But how? And why? Napaka-coincidental naman na baka fan lang rin ni Jackie ang kapatid niya. Pero alam niyang hindi mahilig sa mga tula o kahit ano pa man tungkol sa literature ang kapatid niya.
"Paano mo nakilala ang mag-ina ko?" Tanong kaagad ni Albert nang pagkatapos ni Jackie ay lapitan siya ng kapatid. Mukhang cool na cool naman itong tumingin kay Jackie.
Napangiwi si Jackie. Mukha itong natakot. At binigyan naman niya ng kahulugan iyon.
May alam ito. Hindi lang ito coincidence.
Nagresearch si Jackie. Pinakialaman nito ang iba pang personal na bahagi ng buhay niya na kahit kanino ay hindi na niya gustong ipaalam.
Dumilim ang mukha ni Albert. His night is already ruined.
MABIGAT ang dibdib ni Jackie nang sa wakas ay mapatulog na niya si Jileen. Alas diyes na ng gabi. Hindi na normal ang oras ng tulog nito. Pero nahihirapan naman siyang patulugin ito dahil iyak ito nang iyak. Hinahanap nito sa kanya si Albert. Ilang gabi na silang ganoon.
Nahihirapan si Jileen na hindi nitong kasamang matulog ang ama. Kahit ilang linggo pa lang naman simula nang maging malapit ito kay Albert ay malakas na ang naging impact nito sa anak.
Pero paano na ngayon? Nag-iba na naman si Albert. Hindi na ito maagang umuwi. Hindi na ito nakikipaglaro kay Jileen o kahit ang makipagkita o makausap man lang. At ganoon rin sa kanya.
Kasalanan lahat iyon ni Jackie. Kung hindi lang sana siya nakipaglapit kay Ate Ara, hindi sila magkakaganito. Hindi mararamdaman ni Albert na pinapakialaman niya ang buhay nito...
"I'm sorry," wika ni Jackie nang makita niya ang matinding disappointment sa mukha ng asawa nang pauwi na sila sa bahay. Hindi pa man tapos ang event dahil may picture taking at ang iba pa nga ay nagpapa-autograph sa kanya ay nag-excuse na siya. Nakita kasi niyang hindi maganda ang mood ni Albert nang biglang dumating si Ate Ara sa event. Ikinagulat rin naman niya ang pagdating nito. Pero friends na sila sa Facebook. Nakita raw nito ang sh-in-are niyang event sa Facebook at naisipan na humabol para mapanood siya.
Hindi naman kaya ni Jackie na hindi pansinin ang babae. Pagkatapos ng lahat, dire-diretso rin ito na lumapit sa kanya. Nakita iyon ni Albert at nag-assume ito na magkakilala na nga talaga sila.
"What's there to be sorry for? Nakipagkilala ka na sa kanya. At hindi mo man lang iyon sinabi sa akin..."
"Nagkita kami minsan nang dadalawin sana kita sa office mo..." Ikinuwento niya rito kung paano sila nagkalapit ng half-sister pala nito.
"You still should have told me."
"N-naghahanap pa ako ng tiyempo. Ang sabi kasi ni Ate, hindi daw maganda ang relasyon niyo. Baka hindi makatulong kung malalaman mo na magkakilala na kami..."
"Good that you already know. Pero mas ma-appreciate ko kung sa una pa lang, hindi ka na nagpakilala pa sa kanya,"
Iyon na ang huling mga salita na na narinig ni Jackie kay Albert. Malinaw na pinaramdam nito sa kanya na galit ito. Mali na pakialaman niya ang buhay nito. Pero wala ba siyang karapatan?
Huminga nang malalim si Jackie. Gusto rin niyang magalit kay Albert. Mag-asawa sila. At kung gusto talaga nito na maayos ang pagsasama nila, kailangan nilang maging open sa isa't isa. Pero kung tutuusin, may mali rin naman si Jackie. Pinangunahan niya si Albert. Nakipagkilala siya sa kapatid nito at hindi niya man lang inisip na masamang bagay iyon.
Lumabas si Jackie ng kuwarto nang makatulog si Jileen. Sa sala ay hinintay niya si Albert kahit antok na antok na rin siya. Maghahating gabi na nang marinig niyang dumating ang sasakyan nito. Kaagad siyang lumabas sa gate. Nakalabas na si Albert ng kotse nito pero muntik nang madapa habang naglalakad. Inalalayan niya ito. Napasinghap siya nang maamoy ang alak sa katawan nito.
"Lasing ka,"
"'Wag mo akong pakialaman!"
Tinabig ni Albert ang kamay niyang umaalalay rito. Pagiwang-giwang itong naglakad papasok ng bahay.
Pilit pa rin na inalalayan ni Jackie ang asawa. Pero nagpumilit pa rin itong layuan niya. Pumasok ito sa guest room at humiga roon. Pumikit ito.
Bumigat lalo ang loob ni Jackie. He looks so wasted. At dahil iyon sa kanya. She feels so guilty.
"Sorry na, Albert..." Naiyak si Jackie habang tinitignan ang asawa.
Nagmulat si Albert. He looks straight into her eyes. Mas lalo siyang naiyak nang hindi man lang ito nagsalita.
Hinawakan niya ang buhok nito. Sinuklay niya iyon. "Hindi ko naman sana gustong pilitin kang umamin tungkol sa totoo mong pagkatao. Gusto kong irespeto ang gusto mo. Pero ang hirap tanggihan nang curiousity. Pagkatapos ng lahat, may karapatan naman ako 'di ba?
"Asawa mo ako. I should have everything you have. I should have known you more than everyone. Pero pakiramdam ko, naging estranghero ako nang malaman ko na maraming mga bagay akong hindi alam sa 'yo.
"Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit itinago mo sa akin ang tungkol sa kapatid at sa mga magulang mo. Hindi niya inamin sa akin. Ang tanging nalaman ko lang, you are not in good terms. Pero bakit ayaw mong ipaalam sa akin? Bakit kailangan mong magtago? Paano tayo magkakaroon nang maayos na pamilya kung kailangan mong magsikreto?
"Maraming bagay ang alam kong deserved ko na magkaroon. I want your love. I deserved your love. Pero ayaw kong puwersahin ka. Kahit mahirap, kahit nasasaktan ako, pipilitin kong intindihin ka. Kaya naman sana, intindihin mo rin ako. Na-curious lang ako. Nagkamali. Pero sana, mapatawad mo ako. Kagaya ng palagi kong ginagawa sa 'yo..."
Humikbi si Jackie. There was a moment of silence. Parang tumigil rin ang mundo dahil walang naging paggalaw. Pero maya-maya ay inilapit ni Albert ang kamay sa mukha niya. Pinunasan nito ang mga luha niya. Hinayaan niya ito. Nang ilapit rin nito ang mukha sa kanya ay hindi siya nagsalita. He kissed her. It made her a bit shock. But still, she accepted it.
The kiss went deeper. Hindi na lang kamay ni Albert ang nagpupunas sa luha niya. It was also his lips. He showered her with kisses. While his hands are making her insides tingle. He caressed her body and made her moan. Alam niyang mali ang nangyayari. Dapat ay galit ito sa kanya. Dapat ay magalit rin siya rito. Napaka-unfair nito sa kanya. But still, she accepted him.
Inihiga ni Albert sa kama si Jackie. Umibabaw ito sa kanya, tinanggal ang mga damit niya. Alam na niya ang gagawin nito. At alam niyang mali na naman iyon. Dapat ay inaayos muna nila ang napakarami nilang problema. But still, she accepted him.
Hindi alam ni Jackie kung bakit ito ginagawa ni Albert. Lasing lang ba talaga ito? Alam ba talaga nito ang nangyayari? But heck, ayaw niya itong pigilan. She still accepted him.
Dahil kahit mukha na siyang tanga, kahit nasasaktan na siya, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya rito. Mahal na mahal pa rin niya ito.
Kahit sino pa man si Albert, tatanggapin niya ito.
NAGISING si Albert nang may marinig na parang may away. Malakas rin ang iyak ni Jileen. Napabangon siya kahit sobrang sakit ng ulo niya. Pero hindi rin siya kaagad nakalabas ng kuwarto nang ma-recognize ang malakas at galit na boses.
It was Jackie's mother.
"Pinaalis ka na ng asawa mo pagkatapos bumalik ka pa rin? Kailan ka ba matututo? Puro kademonyohan lang naman ang ginagawa niya sa 'yo!
"Sa una pa lang, niloko ka na niya. Kung totoong mahal ka niya, nirespeto ka dapat niya. Sana ay hinintay ka man lang niyang makapasa sa board exam bago siya makipaglandian sa 'yo! Kung seryoso rin siya, dapat niligawan ka muna niya sa bahay. Hindi ka dapat niya pinakasalan nang basta-basta lang! Maraming karapat-dapat para sa 'yo, Jackie. At ayaw ko man magmura at ayaw ko man na sabihin sana sa 'yo ito, pero ang tanga mo. Ang tanga-tanga mo..."
"T-tanggap ko naman, Nay. Pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Albert..."
"Hindi ka na lang pala talaga tanga. Baliw ka na rin! Nagmamahal ka ng taong hindi marunong magmahal."
"I'm sorry, Nay. Pero buhay ko naman ito 'di ba? Alam ko ang tama para sa akin."
"Ayaw ko na! Pagod na akong intindihin ka. Pagod na pagod na!"
Hindi na sumagot si Jackie. Pero hindi pa rin tumigil ang ina nito. "Paisa nga at nangigigil ako sa 'yo!"
Nakarinig nang malutong na sampal si Albert. Doon na siya napalabas ng kuwarto. Nang tignan niya si Jackie ay pulang-pula ang pisngi nito.
"Lumabas na ang demonyo! Tigilan mo na ang panunukso sa anak ko!"
"Please, Nay. Tama na..." wika ni Jackie.
"Umuwi ka na nga sa atin sa Pangasinan. Doon ka na maghanap ng trabaho. Susuportahan kita, 'wag na 'wag ka na lang ulit bumalik sa lalaking 'yan..."
"No..."
Tumaas ang kilay ng matanda. "Pipiliin mo ang lalaking 'yan kaysa sa akin?"
"Ama si Albert ng anak ko. Asawa ko siya. Pamilya kami. At kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan..."
Napailing-iling ang babae. "Nababaliw ka na nga,"
Hindi na sumagot si Jackie. Galit naman na lumabas ng bahay ang ina nito. Pagkatapos noon ay kinuha ni Jackie si Jileen. Umiiyak pa rin ito pero mas inuna pa nitong patahanin ang anak.
Hindi naman makakilos si Albert. Para siyang tinamaan ng kidlat sa nasaksihan. Alam niyang hindi siya mabait na tao. Kaya naman kataka-taka na binigyan siya ng isang napakabait na asawa na kagaya ni Jackie.
"Daddy! Karga!" wika ni Jileen nang mapansin naman siya. Nilapit ito ni Jackie sa kanya. Kinawag-kawag ni Jileen ang kamay nito, pilit na inaabot siya. Pero nanatiling nakatingin lang siya sa dalawa.
"Wait lang, baby, ha. Need mo pa pala muna kumain. Mamaya na kayo laro ni Daddy," wika ni Jackie nang mapansin na wala siyang intensyon na kuhanin ang anak.
Nagligalig si Jileen pero sinunod pa rin ni Jackie ang sinabi. Nagpunta ang mga ito sa dining room. Pinilit ni Jackie na pakainin ang anak kahit na ba patuloy pa rin na umiiyak at hinahanap siya.
Matagal-tagal bago naka-recover si Albert. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili. May magagawa siya. Pero wala siyang ginagawa. Hinahayaan niya na lang na lamunin siya ng masamang nakaraan niya.
Nahilamos ni Albert ang mukha. Tama nga siya. Hindi niya talaga deserve na magkaroon ng pamilya. Bakit nga ba nangarap pa siya?