Summary
2 years after the husband his family, he came back again to reconcile with his estranged wife
1
Poem
Ikaw ang aking pangarap,
Na makasama sa alapaap
Ikaw ang nagbibigay kulay,
Sa puso kong dati ay matamlay
Ikaw ang naging buhay,
Nang sarili ko'y ibinigay,
Ikaw at ako, wala ng katapusan,
Pangako natin mismo sa simbahan
HINDI umiinom si Albert ng kape. Pero sa pagkakataong iyon ay nasa coffee shop siya. Napa-order rin siya ng kape. Para kasi makapasok ay kailangan na bumili ka muna. May event ngayon roon.
Habang nakikinood rin ng event ay hindi rin niya napigilan na mapainom ng kape. It was supposed to avoid his throat to get dry. Pero sa bawat lagok niya ay parang mas lalo lang iyong natutuyo. O siguro masyado na rin siyang nadala sa mga emosyon niya.
"Ang galing niya 'no?" wika ng katabi ni Albert. Napatingin siya rito. He is a guy. Admiration is all over his face while looking at the performer on the mini-stage.
Tumango si Albert. Magaling naman talaga ang babaeng kasalukuyang nag-i-spoken poetry. "She's good,"
"Idol ko 'yan. Dinayo ko pa talaga itong coffee shop na ito mapanood ko lang siya na mag-perform,"
Napalunok si Albert. The guy seems like a fan.
"Mukhang sikat na sikat siya, ah."
"Yeah. Actually, siya yata ang pinaka-sikat na local poet na nag-i-spoken poetry ngayon sa Pilipinas,"
"Really?"
Tumango ang lalaki. "May million views ang mga videos niya sa Facebook. Bukod kasi sa magaling siya, maganda pa siya. Ang sarap-sarap niyang panoorin,"
"You like her..." Parang may tumusok yata sa puso ni Albert.
"Oo. Kaya lang, parang kasal na siya. Saka mararamdaman mo sa mga tula niya kung gaano niya kamahal ang asawa niya..."
The praises were good. Sumasang-ayon rin naman siya roon kaya dapat ay maging masaya siya. But in his case, it was a pierced in his heart.
Alam ni Albert sa sarili niya na mahal siya ni Jackie. At nakakatuwang isipin na sa kabila ng masasamang nangyayari ay nararamdaman pa rin nito iyon. But what he finds out today doesn't just struck his heart, but most of all, his conscience...
Ang babae lang naman na hinahangaan ng lalaki ay ang kasama rin niyang um-oo sa simbahan. Siya ang lalaking tinutukoy nito sa tula nito. The woman who is performing on the stage is his wife.
Pero paano pa siya naggawang mahalin ng babaeng ito pagkatapos niya itong saktan? Hindi lang ito. Ang pamilya nila...
Inakala ni Albert na tapos na ang lahat. Sa halos dalawang taon nilang paghihiwalay ay wala siyang kahit ano pa man na narinig rito. He considered it over, even though it's not legally is. Pero baka kaya siguro hindi pa nagpapahiwatig man lang ng legal na aksyon si Jackie ay dahil talagang may nararamdaman pa rin ito para sa kanya?
May nabuhay na pag-asa sa puso ni Albert. Pero higit sa pag-asa ay ang pagka-miss niya sa kanyang asawa. Even after two years, she looked the same. Beautiful. She even looked innocent, kahit alam niyang imposible. It was him who spoiled her innocence...
And life.
Mali itong mga nararamdaman ni Albert. Pero sa bawat salita na binibitawan ni Jackie sa stage na iyon ay ang pag-ahon rin ng magagandang pakiramdam sa puso niya. Ayaw rin sana niyang bitawan iyon. Their life before is hell---or so he thought. Ilang beses ba niyang naisip ang mga "sana" sa kanilang dalawa?
Sana hindi siya bumitaw. Sana ay naging mabuti siyang asawa. Sana ay sinubukan niyang ayusin ang kanyang pamilya...
Sana ay naging mabuti siyang ama...
May nagsasabi kay Albert na malayong matupad ang mga "sana" niya. Pero may bahagi niya ang nagsasabing hindi niya yata kayang hindi gumawa ng kilos sa mga nasaksihan niya ngayong gabi.
Mahal pa siya ni Jackie. And love should be treasured and cherished...
Jackie is Albert's estranged wife. But he wanted to change the "is" to "was". Sa nasaksihan ay may na-realized si Albert.
He wanted his estrange wife back in his life again...