2
Poem
Nang una tayong magkita
Nagtama ang ating mga mata
At alam kong may kakaiba na
Naging labis ang aking saya
At sa isip ko ay may nagsasabing baka ikaw
Ang matagal ng hinahanap ng pusong naliligaw
"UWI na tayo," Parang maiihi sa hiya na wika ni Jackie sa highschool best friend niyang si Maricel. Ngayong gabi ay naisama na rin siya nito sa paborito nitong tambayan---sa bar. Ilang taon na rin siyang niyayaya ng kaibigan na samahan ito para naman magkaroon ng spice ang buhay niya.
Nang makatapos sila ng kolehiyo ay saka lang pinagbigyan ni Jackie si Maricel. Pagkatapos ng lahat, nasa legal age na siya. Maganda rin na ma-experience ang mga ganitong bagay. Kasalukuyan rin siyang nasa Maynila. Nakatira siya sa condominium unit ng kaibigan. Hindi niya kasama ang mga magulang niya para pagbawalan siya. Isa pa, sigurado siyang hindi naman siya ilalaglag ni Maricel. Ito nga ang may gusto na mag-walwal siya 'di ba?
Nag-aral si Maricel sa Maynila kaya naman panatag ang magulang niya na walang mangyayaring masama sa kanya kung titira siya sa babae. Isa pa, kilala ng magulang niya ang pamilya nito. Konsehal ng bayan ang ama ni Maricel at may magandang reputasyon. Kilalang konserbatibo rin ang mga ito at ganoon rin ang pagkakilala ng magulang niya sa kaibigan. Hindi nito alam at ng pamilya nito na iba ang pamumuhay ni Maricel sa Maynila.
Napa-barkada si Maricel nang mag-aral ito ng kolehiyo sa Maynila. Hindi naman masasabing nasira ang buhay nito dahil nanatiling maganda ang grades nito sa eskuwelahan at nakatapos rin naman on time na kagaya niya. Pero buhay nito tuwing Biyernes ang bar. Nakikipag-inuman ito kahit hindi nito kakilala. Recently, nalaman rin niyang natuto na rin itong manigarilyo.
Ayaw i-judge ni Jackie ang high school best friend. After all, mukhang masaya naman si Maricel sa buhay nito. Actually, mukhang masayang-masaya. Ang lapad ng ngiti nito nang makapasok sila ng bar. Tinawanan lang rin siya nito sa sinabi niya. Kakapasok pa lang nila.
"Come on. Pagbigyan mo naman ang sarili mo na mag-party. Graduate na tayo. Kung makakahanap ka man ng jowa sa bar na ito, hindi na naman magagalit sina Tita 'di ba?"
Namula si Jackie. "Hindi pa ako ready sa pakikipagrelasyon,"
Inikutan siya ng mata ng kaibigan. "At kailan ka pa magiging ready? Kapag Lola na ako?" Pinamaywangan siya nito.
"Gusto ko munang makapasa sa board exam," Ang board exam ang dahilan kaya baka nakatira siya ngayon sa condo ni Maricel. Nag-rereview siya para makapasa sa board exam niya para maging teacher. "At siyempre, ang makatulong na rin kayna Nanay. Alam mo naman na tumatanda na rin sila..."
"Napaka-promdi mo talaga. Ganyan ang pag-iisip ng mga promdi," Inikutan na naman siya ng mata ng kaibigan. "But anyway, ano pa ba ang magagawa ko? Ganyan ka talaga. Magpapakasaya na lang ako ngayon na sa wakas, sumama ka rin na gumimik,"
Hinila na ni Maricel si Jackie. Hindi na nga siya nakapalag pa. Nakayuko na lang siyang nagpahila sa kaibigan.
Hindi man nililibot ni Jackie ang tingin ay ramdam na niyang ibang iba talaga ang paligid sa mundong kinalakihan niya. Lumaki siya sa lugar na karamihan ay mga puno at hayop lang ang makikita. Tama si Maricel. Promdi talaga siya. Idagdag pa roon na konserbatibo rin ang mga magulang niya. Taong simbahan ang mga ito. At dahil nag-iisang anak siya, expected rin na maging kagaya siya ng mga ito. Madalas ay mahahabang palda at bestida ang suot niya. Ibang-iba ang buhay niya sa probinsya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Kung sariwang hangin ang mayroon sa bahay nila, ngayon ay puro amoy usok ng sigarilyo. Kung mahahaba na tela na kasuotan sa probinsya, ngayon naman ay parang nakulangan. Spaghetti straps, tube at mini skirt and shorts ang suot ng mga babae.
Pero ang pinaka na-culture shock si Jackie ay ang ugali ng kaibigan. Nagulat siya nang bigla na lang itong kumaway sa lalaking nag-iisa lang sa table nito. He is drinking.
"Hi, Handsome! Puwede ba kaming maki-share ng table?"
Napasinghap si Jackie. Siniko niya ang kaibigan. "Why?" Natatawang sita naman nito.
Pinandilatan ni Jackie si Maricel. "Nababaliw ka na ba? Ang dami-daming bakanteng table. Bakit makiki-share pa tayo?"
Kinindatan ni Maricel si Jackie. "Relax ka nga. This is a good way to create new friends. And look at the guy! Ang cute niya 'di ba? Bagay kayo!"
Pinandilatan ulit ni Jackie ang kaibigan. Aba at may balak pa pala siyang i-matchmake ng kaibigan niya! Maling desisyon talaga siya na nagpapilit siya na sumama rito. But on the other hand, hindi naman niya napigilan ang sarili niya na matitigan ang lalaki.
Mali naman si Maricel. Hindi cute ang lalaki. Hindi bagay rito ang adjective. Malaking lalaki kasi ito. Kahit nakaupo ay makikita na matangkad ito. Parang naglalaro sa 5'9 hanggang 6 feet ang tangkad nito. Malalaki ang katawan nito pero hindi naman iyong tipo na mukhang suki sa gym. Mukha itong magaling na business man, base na rin sa suot nitong gray na long sleeves at brown pants. His dark skin tone also matched his macho image. But what makes it all perfect are also his perfect face features---almond shaped brown eyes, matangos na ilong at may kakapalan at mapulang lalabi.
Guwapo ang lalaki. He was like the one who was described on books as sinfully handsome. Ganoon kasi ang nararamdaman niya. Wala sa isip niya ang pakikipaglapit sa isang lalaki. But she was tempted because the guy is good looking. Parang ayaw niyang sayangin ang chance, lalo na nang magtama ang kanilang mga mata. For a while parang tumigil ang mundo niya. Nawala siya sa sarili niya. All she wanted to do is to look at those eyes...
"You're staring. It means it's a yes," kinikilig na bulong sa kanya ni Maricel. Pumayag rin naman ang lalaki na maki-join sila sa table kaya wala na rin naggawa si Jackie.
Nagpakilala si Maricel sa lalaki. Nakipagkamay ito. Ganoon rin nang ipakilala siya ni Maricel rito. Hindi nga lang naiwasang mapansin ni Jackie na mas matagal ang pakikipagkamay nito sa kanya. Pinisil rin nito ang kamay niya. Sandaling nagwala yata ang puso niya. Pulang-pula siya pagkatapos.
But Maricel and the guy seems so cool with it. Ngumiti lang ito. "I'm Albert. Nice meeting you here,"
"Yeah. Mukhang bago ka rito, ah."
Nagkamot ng ulo si Albert. "Yeah, it's my first time. I just want to pass time and unwind."
Nagliwanag ang mga mata ni Maricel. Tumingin ito sa kanya at bumulong. "O 'yan! Puwede ka diyan. Mukhang mabait,"
Gusto ulit sikuhin ni Jackie ang kaibigan. Pero may point rin naman ang kaibigan niya kaya hindi rin niya naggawa. Napailing-iling na lang siya.
Maricel made the situation at ease. Ito ang nag-open ng topic. Sa ilang sandali lang tuloy ay nakilala niya si Albert. Twenty eight years old na ito at tama nga siya nang inisip sa lalaki. Business man nga ang ito. Pero isang taon pa lang daw na operational ang steel business nito. Ito na mismo ang nagsabi na hindi pa iyon ganoon ka-successful dahil nagsisimula pa lang. Kinatuwa naman niya ang pagiging honest nito. Mukhang hindi ito mayabang.
At mukhang pareho rin sila ng nararamdaman ng kaibigan.
"You seems like a good guy. Puwede ko bang iwanan sandali muna sa 'yo ang kaibigan ko? Parang may nakita kasi akong kakilala. Pupuntahan ko muna,"
"Ha? Sasamahan na kita," Akmang tatayo na rin si Jackie nang pigilan siya ni Maricel.
"Dito ka na. Baka mamaya makawala pa 'yan. Bibigyan lang kita ng time to shine," Humagikgik pa ito.
"Maricel..."
"Relax ka lang. I promise, I'll be back. Pababayaan ba naman kita?"
Hinayaan na ni Jackie ang kaibigan. Nagtitiwala naman siya rito. Kahit nag-iba ang ugali nito nang mag-aral sa Maynila, alam niyang pinapahalagahan pa rin siya nito. In fact, nang ikuwento niya rito na sa Maynila siya magre-review para sa board exam ay ito mismo ang nag-suggest na sa unit siya nito tumira. Tuwing may okasyon rin ay palagi siyang may regalo rito.
Mahal siya ng kaibigan. Hindi siya nito pababayaan. Siguro ay gusto lang nito na i-loose naman niya ang sarili for a while.
"Do you want a drink?" tanong ni Albert sa kanya nang makaalis ang kaibigan.
"Ha? Ah, oo. Sige,"
"Anong gusto mo?"
Sandaling namawis si Jackie. Ano nga ba? Wala siyang maisip. Wala naman siyang alam sa mga alcoholic drinks na ang alam niya ay siya lang available sa bar. Hindi rin niya natignan ang menu kanina. Parang nakakahiya rin kung hihingi pa siya ngayon.
"I-ikaw na ang bahala,"
Tinawag ni Albert ang waiter. Narinig niyang um-order ito ng dalawang Margarita. She thought it will be okay. After all, paborito niya ang Margarita na klase ng pizza. Pero kabaligtaran pala kung sa alak iyon.
"Ang pait!" Hindi napigilan ni Jackie na magkomento nang matikman ang alak.
"I'm sorry. Ito na kasi ang alam kong pinaka-light na drinks sa bar. After all, it's a cocktail. Gusto mo bang um-order pa ulit ako?"
Napaisip si Jackie. Bata pa lang siya ay tinuruan na siya ng magulang na huwag mag-aksaya ng pagkain. Appreciate the grace, ika nga. Kaya naman this time, in-apply pa rin niya iyon. Umiling siya. "O-okay lang. Masasanay rin siguro ako. Pasensya ka na. First time ko kasi,"
"Are you sure?" May pag-aalala sa mukha ng lalaki.
"Yeah..." wika ni Jackie at uminom pa ulit. Tiniis niya ang lasa. Hanggang sa mukhang nasanay na nga siya roon. Sa una lang pala mapait. She just found herself asking for another glass.
Kaya lang, bago pa dumating ang pangalawang baso ay nakaramdam siya ng matinding pananakit ng ulo. Hinanap niya si Maricel. She is nowhere to be found. Nag-alala tuloy siya. Paano kung mas sumama pa ang pakiramdam niya mamaya? Babalikan ba talaga siya ng kaibigan?
But then, may kasama naman siya. Mukhang mabait naman si Albert. They were together for half an hour now. At nanatili pa rin na may distansya ito sa kanya. It just means that he respects her---hindi kagaya ng nakikita niya sa mga katabi nilang table. Parang mga linta kung makakapit ang mga lalaki sa babae. Marami rin sa mga ito ang naghahalikan.
Kinalma ni Jackie ang sarili. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya. Pero kung sakali man, ano ba ang masama kung gumaya siya kay Maricel paminsan-minsan.
Sikat na naman ang YOLO. It maybe won't hurt that much if she follows the trend...
NAPABALIKWAS nang bangon si Jackie nang maramdaman niyang mamasa-masa ang pisngi niya. It felt like someone had licked them. Nang tignan niya ang paligid ay muntik na siyang mapatalon sa gulat na may aso sa harapan niya.
Paanong may aso si Maricel? Allergic ito sa balahibo.
Nagtataka si Jackie. Pero mas nagtaka pa siya nang mapansin na hindi pink ang kuwarto. Mukhang panglalaki rin iyon. Teka, iisa lang naman ang kuwarto sa bahay ni Maricel. Bakit---?
Napahawak si Jackie nang maramdamang sumakit ang kanyang ulo. Kinagat ba siya ng aso? Huwag naman sana. Pero nang ma-realize niya ang lugar kung nasaan siya ay dinaig niya pa ang kinagat ng ahas.
Kasunod ng aso ay nakita ni Jackie ang pamilyar na mukha---si Albert. Inuwi ba siya nito sa bahay nito?
"Stop drooling, Simba!" saway nito sa aso na masayang nakatitig lang sa kanya. Pero hindi nakinig ang aso. Sa halip, dinilaan na naman siya nito.
"S-stop, please..." mahinang wika niya.
Tumigil naman ang aso. Bumaba na ito ng kama. Nilapitan nito si Albert. The man patted the dog's head. "Good boy. Now go to the kitchen,"
Itinuro ni Albert ang pinto. Sumunod naman ang aso. Napalunok siya. Mukhang chow-chow ang aso. Mukha rin itong matalino. At somehow, nakonsensya tuloy siya.
Mabuti pa ang aso, marunong sumunod sa amo nito. Samantalang siya ay naririto ngayon sa bahay ng lalaking hindi naman niya gaanong kakilala. Anong sasabihin sa kanya ng magulang niya? Nakakahiya siya!
"Good morning," bati sa kanya ni Albert. Umupo ito sa kama. "Pasensya ka na kay Simba, ha. Masyado lang talagang malambing iyon kahit hindi niya pa kakilala,"
"O-okay lang naman. Ang cute niya," Nakagat ni Jackie ang labi. Tama bang purihin niya pa ang aso sa kahiya-hiya niyang sitwasyon ngayon?
"Yeah. Everybody says so," Mas lumapit si Albert. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo?" Tumingin ito sa beside table. "Medyo malamig na yata 'yung kape na tinimpla ko sa 'yo. Ang tagal mo kasing naggising,"
Lalong nahiya si Jackie. "H-hindi ako umiinom ng kape,"
"Ako rin. But it happens that someone gifted me kaya may stock ako. I thought it will be good for your headache. After all, mukha kang may hangover,"
Na-conscious bigla si Jackie. Nilibot niya ang mata. Nakahanap siya ng comfort room sa kuwarto. Tumayo kaagad siya at tinuro iyon. "Can I use?"
Nang tumango si Albert ay halos takbuhin ni Jackie ang sarili. Naghanap kaagad siya ng salamin. Mas sumakit ang ulo niya nang makita ang itsura---sabog sabog ang buhok niya at may muta pa siya sa mata.
Ilang nakakahiyang moments pa ba ang mararanasan ni Jackie? Gusto na niyang lumubog sa lupa. Pero nang ma-realize na mas may nakakahiya pa kaysa sa mukha niya ay napasigaw siya. Iba ang damit niya sa suot niya kagabi. She was wearing an oversized shirt. Panty lang rin ang pang-ibaba niya! Pero hindi naman iyon kita dahil mahaba rin ang T-shirt.
Kaagad na kinuha ni Jackie ang tuwalya sa banyo. Nahihiya pa rin siya. Itinali niya iyon sa kanyang baywang. Pagkatapos ay pulang-pula na lumabas siya ng banyo. Hindi na niya pinahalagahan ang itsura ng mukha niya. Kailangan niya ng sagot.
"Ginalaw mo ba ako?"
Natawa si Albert. "What do you mean "ginalaw"?"
"Pinagsamantalahan?" Tumingin siya sa kabuuan niya.
Umiling si Albert. "But yeah, I changed your shirt and pants. Sumuka ka kasi pauwi,"
"Bakit mo ako inuwi?" Ang huling naalala lang ni Jackie ay nang makalagok siya sa pangalawang baso niya ng margarita at nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. Maybe she passed out. O nawala na talaga siya sa sarili.
"I can't find your friend. Ang sabi ng mga staff, lumipat raw siya ng bar,"
Gustong mapapadyak ni Jackie. Bakit siya iniwan ng kaibigan? At bakit kasi siya naglasing?
"I-I'm sorry,"
"It's okay. What's important is you're fine. So how was your head again?"
"Masakit. Pero siguro dahil nga sa alak. Dapat talaga naniwala ako na traydor ang alak,"
"Tama nga ako. It's your first time. Anyway, there will always be a first time for everything," wika ni Albert at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
Namula na naman si Jackie. Parang may kakaiba kasi siyang nai-interpret sa sinabi nito base sa naging tingin nito sa kanya. "Sigurado kang wala kang kinuha sa akin?"
Nagkibit-balikat si Albert pagkatapos ay ngumisi. "You will know later,"
Nanlaki ang mata ni Jackie. Pero bago pa man siya makapagtanong ay tinalikuran na siya ng lalaki.
HINDI rin naman nagtagal at nasagot ni Jackie ang "kinuha" sa kanya ni Albert. Pagkauwi niya ng bahay ay tumunog ang cell phone niya. Apparently, kinuha pala ng lalaki ang cell phone number niya. Pina-ring daw nito mula sa cell phone niya ang number nito.
Simula noon ay araw-araw na kausap ni Jackie si Albert. In a small span of time, she became comfortable with him. Parang pinagkakatiwalaan na rin niya ito. Pagkatapos ng lahat, mukhang katiwa-tiwala naman ito. Nasubok niya ito nang gabing una silang magkakilala. Kung tutuusin ay estranghero siya rito. Kung gugustuhin nito, puwede siya nitong pagsamantalahan. And he chooses not to. Naiintindihan naman niya ang part na kailangan siya nitong bihisan. Mas nakakahiya nga naman kung matutulog siya sa kama na puro suka ang damit niya. Nakita rin niyang may suka nga ang mga damit niya nang ibigay nito sa kanya. Hindi ito nagsisinungaling.
Nalaman rin ni Jackie na iniwan nga siya ni Maricel. Inamin ng kaibigan ang pagkakamali. Nalasing raw ito at nakalimutan siya. Pero masaya naman ito na tama ito ng taong pinagkatiwalaan sa kanya. Hindi na rin siya nagalit rito dahil maganda naman ang naging outcome ng lahat.
Naging makulay ang buhay ni Jackie nang makilala si Albert. Hindi siya early riser. She hates morning. Pero ngayon ay excited na siyang gumising. Tuwing umaga at pagkatapos kasi ng trabaho ay tinatawagan siya ni Albert. Kinukumusta siya nito, kinukuwentuhan. Pinapasaya siya nito sa simpleng pagbati lang nito. Kaya naman nang i-text siya nito kanina na gusto siya nitong sunduin para kumain ng dinner pagkatapos ng review niya ay halos mapairit siya. Ang laki tuloy ng ngiti niya nang matapos ang review ngayong araw.
"Mukhang perfect mo yata ang test, ah," wika ni Christian---kaklase at kababayan niya. Kasama niya itong nagreview rin sa review center sa Maynila. Ngayon ay may sample test sila. Bukas pa makukuha ang result.
"Sana," wika ni Jackie at niyakap ang libro. Napangiti pa lalo siya nang maisip na sana ay si Albert iyon.
"Inspired?"
Doon napatingin si Jackie kay Christian. He had the look of a jealous man. Pero ayaw niyang isipin na ganoon.
Masasabi ni Jackie na malapit rin siya kay Christian. Magkaibigan kasi ang mga magulang nila. Kapag kailangan niya nang malalapitan na lalaki, si Christian ang palaging tumutulong sa kanya. Marami ang nagsasabi na kaya palaging libre sa kanya si Christian ay gusto siya nito. Kaya lang, ayaw niya rito kaya ayaw niyang isipin na gusto rin siya nito.
"Hmmm..."
"Ano nga?" Parang naiinip na wika nito.
"Basta!" wika ni Jackie at naglakad na. Sinundan siya ni Christian at kinulit pa rin. Hindi siya sumagot. Pero hindi rin naman katagalan ay nasagot na mismo si Christian nang makitang naghihintay sa kanya si Albert sa gate ng review center. He smiled and called her.
"Mukhang inspired ka nga," may panghihinayang sa boses ni Christian.
Napangiwi na lang si Jackie. Pero dahil kasama ang lalaki ay pinakilala rin niya ito kay Albert. Nagkamayan ang dalawa.
"We have to go," wika ni Albert at nagpaalam na kay Christian. He walks her towards the car, holding her hands. Pulang-pula siya noong una pero hinayaan na rin ito sa huli. After all, she loves the feeling. Parang may kuryenteng dumadaloy sa balat niya na pinapalakas rin ang tibok ng kanyang puso.
"He seems to like you," wika ni Albert habang naglalakad sila papunta sa kotse nito.
"Si Christian?"
Tumango ito.
Nagkibit-balikat si Jackie. "Ewan. Siguro. Pero hindi ko siya gusto,"
"Hmmm..." mukhang hindi kampante si Albert. And when he looked into his face, he had the looked of a jealous man. Ikinatuwa naman niya iyon...dahil iyon ang gusto niyang isipin.
Gusto ni Jackie na magselos si Albert dahil mukhang nagugustuhan na rin niya ito.
SABADO ng gabi ay tinawagan ni Albert si Jackie. Niyaya siya nitong lumabas kasama ang aso nitong si Simba bukas ng umaga. Pagkatapos noon ay mag-aalmusal daw sila. Wala pang alas sais ay nasa baba na ng condo unit ni Maricel si Albert. Pero mas nauna pa rin siya rito dahil maaga siyang nagising sa excitement. Ilang beses tuloy siyang niloloko ni Maricel. Pero ngiting-ngiti lang siya sa kaibigan.
Dinala ulit ni Albert si Jackie sa bahay nito. Maliit lang iyon pero maganda. Hindi rin exclusive subdivision ang lugar pero maganda rin ang facilities. Tahimik at hindi pa ganoon karami ang bahay at tao. Ang sabi ni Albert, bago pa lang raw kasi iyon. Ito raw ang isa sa mga unang nakabili ng property.
Magandang lugar ang subdivision kaya doon na rin nila iginala si Simba---ang chow chow nga na aso ni Albert. Bukod sa masaya rin si Jackie na makakasama niya ang lalaki, masaya rin siya sa activity. Mahilig kasi siya sa aso. Napaka-cute at sweet rin ni Simba. Sandali pa lang ay may bond na silang dalawa.
"Can I hold her chain?" tanong ni Jackie kay Albert nang makalabas sila ng bahay.
Tinitigan siya nito. "Kaya mo ba? Malaking aso si Simba. Baka masaktan ka kapag tumakbo siya,"
"Kaya ko naman siguro. Susunod rin naman siya sa akin siguro kapag pinatigil ko siya," Yumukod si Jackie sa aso. "'Di ba, Simba? You're a good boy," She also tapped the dog's head.
Giliw na dinilaan siya ng aso. She took that as a yes. Nagkibit-balikat si Albert at pumayag na. They are already walking for ten minutes when suddenly, a cat passed by. Nagwala si Simba. Tumakbo ito. Dahil nakahawak siya sa chain nito ay nahila rin siya. Mabilis ang takbo nito kaya hindi niya nasabayan. Kasabay nang pagbitaw niya sa tali ay ang pagdapa naman niya sa lupa. She hit her knee. Nagdugo kaagad iyon.
Nakawala si Simba pero parang hindi na iyon inisip ni Albert. Dinaluhan siya nito kaysa habulin ang aso. Napamura pa ito nang makita ang sugat niya.
"It looks so bad. Dadalhin kita sa ospital,"
Nakangiwing umiling si Jackie. "I think I can manage. Si Simba---"
"She can come back on her own. O kapag nakita siya ng guard ay ibabalik naman siya sa bahay. She will be fine,"
"I'll be fine, too."
"Not to me," wika ni Albert at binuhat siya.
Nanlaki ang mata ni Jackie. "You don't have to do this,"
"I want to do this. Mahihirapan kang maglakad. At ayaw ko ng nahihirapan ka..."
Napakurap si Jackie. Pagkatapos ay napalunok rin siya. For a while, nawala yata ang sakit ng sugat na nakuha niya. Mas inisip niya ang sinabi at naging actions sa kanya ni Albert. Kung ayaw nito ng nahihirapan at nasasaktan siya, ibig sabihin lang siguro noon ay importante siya para rito.
Nabuhay ang pag-asa sa puso ni Jackie. Could it really mean that she was important to him? Could it mean more? Gusto niyang isipin. Gusto niyang umasa.
Sana nga talaga.