Library
English
Chapters
Settings

3

Poem

Nagsimula ang pagbabago

Ang puso ko'y nagkaroon ng amo

Ikaw, ikaw, ikaw, tibok nito

Buhay ko ay kinompleto

At hindi ko inasahan,

Na darating sa punto na wala ng babalikan,

Isang gabi na pinagsaluhan,

Kahit kailan ay hindi malilimutan...

NANG dumating ang weekends ay niyaya ulit ni Albert na lumabas. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na lang iyon basta isang umaga. Hindi rin maghapon. It will be a two-day trip. May simpleng company outing raw sa isang resort sa Batangas ang business nito.

Sandali lang na nag-alinlangan si Jackie. Pumayag rin siya sa gusto ni Albert. Pinagkakatiwalaan na niya ito. Suportado rin siya ni Maricel. Sa katunayan, pinag-shopping pa siya nito ng swimwears at mga summer dresses para daw mas gumanda siya sa paningin ng lalaki.

Lunchtime nang dumating sila sa Batangas. Isang van at kotse lang ni Albert ang dala nila. Dahil maliit pa ang business ng lalaki ay nasa sampu pa lang ang empleyado nito. Nang mag-check in na sila sa resort ay nagulat siya nang kasama niya sa kuwarto si Albert.

"Kaya mo bang mag-isa?" balik na tanong sa kanya ni Albert nang i-question ito.

Nakagat ni Jackie ang ibabang labi. Sa totoo lang ay hindi siya sanay nang wala siyang kasama sa kuwarto. Sa bahay nila sa Pangasinan ay katabi niya pang matulog ang magulang niya sa kuwarto. Ngayon rin na nasa Maynila siya ay magkatabi pa rin sila ni Maricel. Takot kasi siya na may kakaibang mangyari sa kanya kapag tulog. Heavy sleeper siya.

"Hindi mo kilala ang mga empleyado ko kaya inisip ko na makakabuti kung sa akin ka na lang makiki-kuwarto. But if you don't think it's a good idea, I can ask another room---"

"No. Okay lang," Nakakahiya kung magbu-book pa ng ibang kuwarto para sa kanya. "I was just curious,"

Hindi na nagsalita si Albert. Nang makarating sila sa kuwarto ay napalunok siya nang makitang wala man lang couch. Saan siya tutulog? O si Albert? Iisa lang sila ng kama?

"Are you okay?" tanong sa kanya ni Albert. Hinawakan nito ang kamay niya. "You're trembling,"

Parang napaso tuloy na kinuha niya ang kamay niya. "Ha? Malamig kasi..." Tumingin siya sa aircon. Napangiwi siya nang makitang sarado naman iyon. Buking ang kasinungalingan niya.

"Hmmm... Are you scared?"

Huminga nang malalim si Jackie. "Hindi mo naman ako pagsasamantalahan 'di ba?"

Ngumiti si Albert. Pero iyon ay ngiti na parang may ibig sabihin. "Don't worry. I will not do things without your permission,"

So may puwede kang gawin...?

Napatitig siya kay Albert. Oo, pinagkakatiwalaan na niya ito. Ilang beses na rin silang lumabas na magkasama. Pero hanggang sa pakikipaghawak kamay lang ang ginawa nito sa kanya. She doesn't take it as taking advantage of her. After all, she wanted it, too.

Pero paano kung sa pagkakataon na ito ay may higit pa sa paghawak ng kamay ang gawin nito? Paano kung may gawin ito na hindi niya magugustuhan?

May gagawin ba si Albert na hindi ko magugustuhan? Susot ng isang bahagi ng utak ni Jackie. And she can't help but agree. Gusto niya si Albert. Gustong-gusto. She felt like his slave. She will do anything that he wanted.

Hindi niya sana pagsisihan sa huli ang mga iniisip at kilos niya.

"LET'S stay for a while," wika ni Albert kay Jackie nang magpaalam ang mga empleyado nito na magpapahinga na. Pagkatapos nilang mag-dinner ay nagbonding si Albert at mga empleyado nito sa tabi ng beach. Nag-gitara at nagkantahan ang mga ito sa harap ng bonfire.

Everyone enjoyed, including Jackie. Pero parang mas ma-e-enjoy pa yata niya ang gabi kung sila na lang ni Albert. Full moon ngayong araw. Marami rin na stars. It feels...romantic.

Inilapit ni Albert sa kanya ang katawan nang tumango at ngumiti siya. Then he looked down in her hand. "Can I hold them?"

Walang pag-aalinlangan na ibigay niya rito ang kamay. Nilaro-laro nito iyon. Pero mukhang nagsawa kaagad ito dahil wala pang dalawang minuto ay binitawan na nito iyon.

Albert looked into Jackie's eyes. "Can I have more?"

"Huh?"

"Can I hug you?"

Napakurap si Jackie. But after a while, she let him. She closed her eyes while he wrapped his arms around her.

"Hmmm... You feel so good..."

"And so are you..." Hindi na napigilan rin na sumagot ni Jackie.

"Really?" Bahagyang kumawala si Albert sa pagkakayap. He looked into her eyes.

Tumango si Jackie. She felt a bit scared of what she is doing. Daig niya pa ang lasing dahil parang nawawala yata siya sa kanyang sarili. She was known as "Maria Clara". Pinalaki siyang mahinhin. Ibang-iba iyon sa nararamdaman niya ngayon. How can she let a man hold her hand and hugged him without an official relationship? Kaibigan lang rin ang pakilala nito sa kanya sa mga empleyado nito.

But Jackie wanted everything even though she knew she is losing herself...

"Hmmm...if that so, can I ask for more?"

"Tell,"

Sumagot naman si Albert. But this time, it was not by words but by action.

Sa unang pagkakataon ay nahalikan ng lalaki si Jackie.

It was a mixed feeling again. Nagtatalo na naman ang isip niya. Hindi siya ito. Hindi siya dapat magpahalik. But she already admitted to herself that she is losing herself. At kaya nga siguro ay dahil binigay na niya ang puso niya kay Albert. By the time he kissed her, she was sure of her feelings.

Mahal na ni Jackie si Albert. It was a very short span of time. But for her, it was sweet and lovely even without the uncertainty. She is willing to take a risk.

For everything.

Natagpuan na lang rin ni Jackie na ibinabalik ang halik ni Albert. He moaned and so did she. She was completely lost. Kaya naman nang magtanong pa ulit si Albert ay wala ng pag-aalinlangan na binigyan pa rin niya ito ng permiso.

Jackie left the beach shore with Albert carrying her to the room and giving her a night that she will always remember.

WALANG pinagsisihan si Jackie sa pagbibigay ng sarili niya kay Albert. It was truly a night that she will treasure forever. At ramdam niyang espesyal rin iyon kay Albert. Habang nagda-drive ito pauwi ay halos hindi nito bitawan ang isang kamay niya. It felt like he will want her always. He even said so while they make love. Naniniwala siya rito. She was bound by the magic of him. Everytime with him is a magical moment...

Pero dapat ay naintindihan na ni Jackie na hindi totoo ang magic. It was just an illusion. It will not last. At mukhang ganoon nga ang mangyayari nang ihatid siya ni Albert sa unit ni Maricel. Sa baba pa lang ng building ng unit ay naroroon na ang magulang niya. At sa halip na mainit na pagbati dahil ilang linggo na rin niya itong hindi nakikita ay sampal pa ang natikman niya.

"Nakakahiya ka!" Dinuro si Jackie ng ina. Parang may asido naman ang mata nito na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Albert.

Sinubukang pagaanin ni Albert ang sitwasyon. "We can explain---"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag! Kitang-kita ko sa dalawang mata ko na magkasama kayong dalawa. Kagabi pa kayo wala! Ano ang sa tingin mo ang iisipin namin roon? Bukod pa sa inamin na rin sa akin ni Maricel ang lahat,"

Napatingin si Jackie sa kaibigan na kasama rin ng magulang. Nakayuko na nagpaliwanag naman ito. "I'm sorry, Jackie. Sinubukan ko na tawagan ka kahapon pa para sabihin sa 'yo na dumating ang mga magulang mo. Pero hindi kita ma-reach. Pinilit nila akong umamin ng ginawa mo dahil may nakapagsabi raw na may umaaligid sa 'yong lalaki rito sa Maynila,"

Somehow, naiintindihan ni Jackie si Maricel. Nagkaroon kasi ng problema ang cell phone niya at hindi niya mabuksan. It was just a day so she didn't make it a big deal. Bukod pa sa mas gusto niyang mag-enjoy kasama si Albert. But then, every happiness that can be considered as sins will always get a consequence...

Kinuha ng Nanay ni Jackie ang kamay niya. Hinawakan nito iyon nang mahigpit na sandali pa lang ay masasabi niyang namumula na. Doon na siya napapaiyak. Clearly, her mom is in rage. Hindi man nagsasalita ang Daddy niya ay ramdam niyang ganoon rin ang nararamdaman nito. His face is as cold as a stone.

Bihira lang makita ni Jackie na magalit ang mga magulang niya. They were always quiet, shy and conservative. Pero masama yata talagang magalit ang mga mababait na tao. Naiintindihan rin naman niya ang mga ito. Malamang ay iniisip nga talaga ng mga ito na may nangyari sa kanila ni Albert. Wala siyang palusot tungkol roon dahil totoo naman. Ayaw rin niyang magsinungaling. Magagalit talaga ang mga ito. Sex should always come before marriage. But she disappointed the God and also her parents. Nahiya rin siya sa kanyang sarili.

"Uuwi ka na ng Pangasinan at kahit kailan ay hindi ka na muling magpapakita sa lalaking 'yan!"

Napaiyak si Jackie. Wala na siyang naggawa para pigilan ang mga magulang at ganoon rin naman si Albert.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.