Library
English
Chapters
Settings

4

Poem

Tayo ay sinubok

Puso ko'y nagmukmok

Tanong ay paano

Sa paligid na nagtatalo

Pero ako'y umaasa

Pagsubok ay makakaya

Basta't may pagmamahal

Tayo ay magtatagal

Present Time

"PAUWI ka na ba, Jackie?" May iritasyon sa boses na tanong ng kanyang ina nang tawagan niya ito.

Napangiwi kaagad si Jackie. "Nay, 'yun nga sana ang itinawag ko sa inyo ngayon. Hindi na naman po ako makakauwi,"

Marahas na huminga nang malalim si Jackie. Inihanda na niya ang sarili sa galit ng ina. "Hindi ko na kaya ang lahat ng ito,"

"Just this school year, Nay. Ilang buwan na lang naman ako rito sa Maynila. Pagkatapos ay matutulungan ko na rin kayong mag-alaga kay Jileen,"

"Pagod na ako. Alam mo naman na matanda na ako. Mabuti sana kung nandito pa ang Tatay mo. Wala na akong ginawa kundi mag-alaga sa anak mong napaka-iyakin!"

Gusto na rin tuloy mapaiyak ni Jackie. Naiintindihan naman niya ang ina niya. It was hard taking care of a kid alone. Ilang buwan lang kasi pagkatapos niyang ipanganak si Jileen ay namatay ang Tatay niya sa atake sa puso. Nang mag-isang taon rin ang anak ay natanggap naman siya bilang teacher sa pangarap niyang eskuwelahan sa Maynila. International school iyon at malaki ang suweldo. Mas nakakapag-ipon siya para sa kinabukasan nila ng anak niya. Bukod pa roon ay may sideline job rin siya. Halos tuwing weekends ay naiimbitahan siyang mag-open poetry sa iba't ibang lugar sa Maynila at kalapit na probinsya. Tuwing gabi palagi iyon kaya wala na siyang oras pa para umuwi sa Pangasinan.

Ngayong araw ay naimbitahan rin si Jackie na mag-open poetry sa isang coffee shop sa Alabang. Bukas naman ay may schedule rin siya. May suweldo rin naman iyon kaya hindi siya maka-hindi. Sayang rin ang pera, dagdag ipon para sa kinabukasan niya at ng anak.

Determinado si Jackie na maka-ipon dahil balak niyang magresign sa trabaho pagkatapos ng school year. Oo nga at malaki ang suweldo. Maganda rin naman ang management. Pero malayo siya sa anak niya. Napakahirap pala. Bukod pa sa palagi na rin nagliligalig sa kanya ang Nanay niya. Malakas pa naman ito para mag-alaga ng bata. Pero may iba rin itong buhay. Ayon rito, hindi na ito makapag-participate sa ilang activities sa simbahan dahil kay Jileen.

Ramdam rin ni Jackie na walang amor ang ina niya sa anak. Noong makiusap siya rito na alagaan ito ay hindi na maganda ang timplada nito. Pero wala ng choice si Jackie. Nang minsang subukan kasi niyang isama ang anak sa Maynila at kumuha ng yaya ay minaltrato ito noon. Her child already suffered a lot in a young age. Hindi na niya kayang magtiwala basta-basta kaya pinilit niya ang Nanay niya.

Kaunti na lang naman at makukuha na ni Jackie ang kailangang ipon. Balak kasi niyang magtayo na lang ng business. Mas hawak niya ang oras niya roon. Mas maalagaan niya ang anak. Sa Pangasinan rin niya balak mag-business.

"I'm sorry, Nanay. Next week uuwi na talaga ako,"

"Kapag hindi mo pa ginawa, ako na mismo ang magdadala kay Jileen sa Maynila. Bahala ka ng mag-alaga sa anak mo,"

"Sige po. Sorry talaga..."

Pinatay na ng ina ang tawag ni Jackie. Napabuntong-hininga na lang siya pagkatapos. Missed na missed na niya ang anak. Pero kailangan niya pa rin na magtrabaho.

Tinignan ni Jackie ang sinulat na tula. Kailangan niya pang sauluhin iyon para mai-recite mamaya. She only had an hour. Kailangan na niyang magmadali. Mahaba pa naman ang tula. Kaya lang, mukhang mala sang kanyang tadhana. Ilang linya pa lang ang sinusubukan niyang sauluhin nang may kumatok sa pinto ng apartment niya.

Napilitan si Jackie na buksan ang pinto. But she wished that she didn't.

"Hi,"

It was Albert. May maliit na ngiti sa labi nito.

"Anong ginagawa mo rito?" It was rude not to greet back. Pero bakit niya iisipin iyon kung ang lalaking inakala niyang iikutan lang ng mundo niya ay siya palang pinaka-masamang tao sa mundo? At least for her eyes.

Nagkibit-balikat si Albert. "I just want to take chances to talk to you. I hope you don't mind,"

"For what?"

"For some things. Puwede ba akong pumasok?"

Umiling si Jackie. "Busy ako."

"Okay. But can I come for another day?"

"Para saan ba? Sobrang importante ba talaga nito?"

"I saw you last week, sa isang open poetry event. And I felt like the need to make things right again. I am your inspiration for your poems,"

"I have explanations for them. Pero kung inaakala mo na dahil mahal pa rin kita kaya naggawa ko ang mga iyon, isang malaking pagkakamali iyon."

"Hmmm..."

"I don't have time. You can leave now,"

"I understand. But if you ever change your mind, here's my card. Gusto kong makausap ka nang maayos," wika nito at inabot sa kanya ang card. Tumalikod na ito.

Tumalikod na rin si Jackie. Isinara niya ang pinto. Pero hindi niya napigilang mapasandal sa likod noon pagkatapos. She also held her chest. Bakit parang lumakas yata ang tibok ng puso niya sa pakikipag-usap lang rito?

It's been two years. Wala man silang legal na paghihiwalay ng asawa ay tapos na dapat sila. Malinaw na dapat dito na masama ang loob niya rito. They were not in contact for years. And Albert seems to like it that way. Wala kahit kailan siyang effort na pag-contact na narinig rito.

Until now.

The poems...

"I don't mean it!" wika ni Jackie at umalis na sa pinto. Binalikan niya ang tulang sinasaulo. She felt frustrated. It was a love poem again. A poem that she had written years ago for Albert when she was so much in love with him.

Pero bakit ba siya naiinis? Siya na mismo ang nagsabi na wala na iyon sa kanya. Somehow ay pinagkakakitaan lang niya ang mga tula na aksidenteng sumikat dahil sa mga estudyante niya. Sa isang activity kasi sa klase ay binigyan niya ng sample ang mga ito ng tulang naggawa niya. May nag-video noon at kinalat sa Facebook. Simula noon ay marami na ang nag-invite sa kanya para sa mga spoken poetry event.

Wala na kay Jackie ang mga tula. At sa totoo lang, ayaw niyang isa-puso ang mga iyon kahit marami ang naapektuhan. She always made herself feel that. Hindi na niya mahal si Albert.

Kaya lang, bakit iba ang paningin ng iba kapag binibigkas niya ang mga tulang pagmamahal sa dating asawa?

HATI ang nararamdaman ni Jackie habang karga-karga niya ang anak. Nang hindi siya ulit makauwi sa Pangasinan nang sumunod na linggo ay tinotoo na ng Nanay niya ang banta nito. Dinala nga nito si Jileen sa apartment niya sa Maynila.

Hindi nakauwi si Jackie sa Pangasinan dahil may biglaang meeting sila sa school kahapon. Ginabi na iyon kaya naman nakiusap siya sa ina sa susunod na linggo na lang makakauwi. Hindi rin kasi maganda ang pakiramdam niya dahil naulanan siya. She knew she's going to be sick. At ganoon nga ang nangyari noong linggo ng umaga. Nilalagnat siya. Pero kahit may sakit, hindi noon natunaw ang puso ng kanyang ina. Pagkatapos nitong madala ang anak ay mabilis na umalis na rin ito.

Masaya si Jackie na mayakap at makasama ulit ang kanyang anak. Pero hindi sa lagay niya ngayon. She really doesn't feel well. Natatakot siyang baka mahawa ang anak niya sa sakit. Bukod pa sa inaalala niya ang future nila. Sino ang mag-aalaga rito?

Kailangan pa rin na magtrabaho ni Jackie. Hindi naman niya puwedeng isama roon ang anak. Wala siyang mapapag-iwanan rito. Wala siyang malapit na kaibigan na puwedeng pag-iwanan sa anak. Sa ibang bansa nagtatrabaho si Maricel. Ang iba naman niyang kaibigan sa Pangasinan ay may mga pamilya na. Bukod pa sa siguradong magtataka ang mga ito kung bakit kailangan niya pang ihabilin ang anak samantalang may Nanay pa naman siya. Ayaw niyang magpaliwanag sa iba. Alinlangan naman siyang kumuha ng kasambahay. Bukod kasi sa hindi iyon ganoon kadali, mahirap rin ang magtiwala lalo na at minaltrato ng dati ang anak.

Ibinaba ni Jackie ang anak sa sahig nang makaramdam siya ng pagkahilo. Napaupo siya sa sofa at napapikit sandali. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya si Jileen na may hawak na papel. Ibinigay nito iyon sa kanya.

"'Sura?" may pagkilo pa ng ulo na wika ng dalawang taong gulang na anak. Ang ibig sabihin nito ay kung basura na daw ang papel.

Kinuha ni Jackie ang papel. It was Albert's calling card.

Basura nga, wika ni Jackie sa isip.

"Just play," wika ni Jackie sa anak pagkatapos kuhanin ang calling card. Tumalikod na sa kanya ang anak.

Hindi alam ni Jackie kung bakit nasa bahay niya pa ang calling card. Maybe she just throw it away or something. Nakalimutan na niya. But a part of her is telling that it might be a sign.

May asawang tao pa rin si Jackie. Dalawa pa rin silang magulang ni Jileen. Dapat ay hindi niya nag-iisang problemahin ang pag-aalaga sa kanyang anak. May makakatulong naman siya.

No. Not again... wika ni Jackie nang maalala ang mga malupit na nakaraan sa kanyang isip. Siguro ay magri-risk pa siya na kumuha ng bagong kasambahay kaysa ang humingi ng tulong kay Albert.

Tumingin si Jackie sa anak na tahimik lang naman naglilibot sa apartment. Mukhang okay naman ito. Kontento. Masaya. Pero alam niyang darating ang araw na magtatanong rin ito kung bakit kulang ang naibibigay niya rito. Kung bakit mag-isa lang siyang nagpapalaki. Kung bakit wala ang ama nito sa tabi. Natatakot siya para sa araw na iyon.

Her daughter needs and deserved a good family. But then, she deserved a better father than Albert...

Three Years Ago...

NAGKAROON lang ulit nang pagkakataon si Jackie na mapag-isa at makapunta ng Maynila nang araw ng board exam niya. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para makausap ulit si Albert. Simula kasi nang malaman ng magulang niya na nakikipagkita siya sa lalaki ay inuwi siya ng mga ito sa Pangasinan. Nag-self review na lang siya. Wala rin siyang cell phone para ma-contact man lang ang lalaki.

Masuwerte si Jackie dahil nagustuhan niya ang performance niya sa exam. Marami siyang nasagot na tanong at sigurado siyang karamihan sa mga iyon ay tama. Pero ang pinaka-gusto niya ay ang hindi raw siya masusundo ng Tatay niya pagkatapos ng exam. Nagkaroon kasi ng emergency sa trabaho nito kaya napauwi agad ng Pangasinan. Hindi na siya nito nahintay.

Kinuha ni Jackie ang pagkakataon para makausap si Albert. Tama naman at Linggo ang board exam. Walang trabaho si Albert. Nagbaka sakali siyang makita ito sa bahay nito. Masuwerte siya dahil naroroon ang lalaki. Kaagad na niyakap niya ito. Halos maiyak siya.

Pero parang maiiyak rin siya sa ibang dahilan nang hindi man lang siya yakapin ni Albert. Sa halip, tinanggal nito ang yakap niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot na kunot ang noo ni Albert.

Nakagat ni Jackie ang ibabang labi. "Puwede bang papasukin mo muna ako sa loob?"

"Naglayas ka ba?"

Umiling si Jackie. "Tumakas ako pero hindi naglayas."

"Bakit nga?"

"Gusto kitang makita. At gusto rin kitang makausap..." Kinuha rin ng magulang ang cell phone ni Jackie kaya wala talaga siyang way para makausap si Albert. Hindi rin naman nag-effort si Albert.

"Nang araw na dumating ang parents mo, ang akala ko ay wala na tayong dapat na pag-usapan..."

"Wala na ba talaga ako sa 'yo? You make me feel that I am not worthy of your time..."

"Hindi naman sa ganoon," Mukhang na-caught off guard ang lalaki. Napabuntong-hininga rin ito. "Fine, come inside..."

Pumasok si Jackie sa bahay kahit pakiramdam niya ay hindi siya welcome. Pero kailangan. Marami siyang gustong sabihin kay Albert. May mga kailangan itong malaman. At wala na siyang iba pang oras na makukuha kundi ngayon na lang.

Inasikaso ni Albert si Jackie. Ikinuha siya nito ng juice at kaunting makakain. Hindi na siya tumanggi dahil gutom na talaga siya. Halos hindi siya nakakain habang nag-e-exam. Hindi na rin niya inisip na kumain pagkatapos dahil gustong-gusto na niyang makausap si Albert.

"You look hungry," puna nito.

"Yeah. I'm sorry," In-explain ni Jackie ang nangyari. "Pero 'wag kang mag-alala. Hindi pagkain ang talagang ipinunta ko rito,"

"Hmmm... is it really important?"

Tumango si Jackie.

"Mahal mo ako?"

"M-masyado ba akong obvious?" Namula ang mukha ni Jackie.

Pero kabaligtaran iyon nang naging mukha ni Albert. Namutla ito. "I-I should have known this will happen,"

"Ikaw ang unang lalaki na pinalapit ko sa buhay ko nang ganoon, Albert. At sa tingin ko ay ikaw rin ang magiging huli,"

"I'm sorry. I can't reciprocate the feeling,"

Si Jackie naman ngayon ang namutla. "May iba ka na ba?"

"No. And I don't think I will make the same mistake again,"

Natulala si Jackie. "I'm a mistake..."

"I can't commit on relationships, Jackie."

"Pero bakit?"

"Because I can't do love. Love is not for me. At deserved mo naman na magkaroon noon. Hindi ko maibibigay ang bagay na kailangan mo..."

Natahimik si Jackie. Pumatak rin ang mga luha niya. Nasasaktan siya. Sino ba naman ang hindi? Ibinigay niya ang lahat kay Albert. Pero balewala lang pala iyon rito.

Ang mas masakit nga lang ay mukhang mababalewala talaga ang totoong dahilan nang pagpunta niya rito.

"H-hindi mo ba talaga kayang magmahal? Kahit ang sarili mong pamilya?"

Tumigas ang mukha ni Albert. "No. Never..."

Lalong bumigat ang loob ni Jackie. "K-kahit ang sarili mong anak?"

Napailing-iling si Albert. "Saan ba pupunta ang usapan na ito, Jackie? You see, I'm busy. We are done. Wala na tayong dapat pag-usapan---"

"Meron pa. Dahil may nag-uugnay sa ating dalawa. Magkakaanak ka na, Albert. Magkakaroon ka na ng pamilya. Buntis ako,"

Matagal bago nakapagsalita si Albert. "You're joking,"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tuluyan ng umiyak si Jackie. "Sa tingin mo ba, pagkatapos mo akong tanggihan ng ganito ay magtatagal pa ako rito kung wala akong kailangang ipaglaban?" Tinuro niya ang tiyan niya. "Kailangan ko ng pamilya para sa anak ko. Kailangan niya ng ama. Kailangan ka niya,"

"T-this can't be happening..."

"It already happened. At ito ang patunay," wika ni Jackie at ibinigay kay Albert ang pregnancy kit na pinakatatago-tago niya simula nang subukan niyang gumamit noong isang linggo. Nang minsang magsimba ang magulang niya ay tumakas siya ng bahay at patagong bumili ng pregnancy kit. She was not feeling well for the past days. "Wala tayong ginamit na proteksyon. It's possible,"

"I didn't think the possibility. I used the pull-out method,"

"At effective ba iyon palagi?"

Umiling si Albert. Huminga ito nang malalim. "I'm sorry. It is my fault,"

"Sorry cannot do anything now. The baby is already done,"

"Yeah. And we don't know what to do,"

"Alam ko ang gagawin ko. I love this baby. I'll give birth to him or her. Bibigyan ko siya ng maganda at kompletong pamilya,"

"H-hindi ako handa sa pagkakaroon ng isang pamilya,"

"Well, you have to change your ideals now. Dahil kailangan mo akong panagutan. At kung kinakailangan ko na lumuhod sa harapan mo para mapa-oo ka lang ay gagawin ko. Ikamamatay ng mga magulang ko kung magbubuntis ako na walang kinikilalang ama..." Seryosong wika ni Jackie na nagpadilim ng mukha ni Albert.

MALINAW kay Jackie na mali ang ginawa niya kay Albert. Pinilit niya lang ito na panagutan siya. Pero naisip niyang mas gugustuhin na niyang maramdaman ang mga panunumbat nito kaysa sa magiging sermon sa kanya ng magulang niya kapag naging dalagang ina siya. Alam kasi niyang hindi lang sermon ang makukuha niya sa mga magulang niya kapag nagkataon. It might cost their life. It will be a very big scandal for them if they knew that a man just knocked her up and not willing to marry her. Matatanda na ang mga ito. Hindi na niya dapat pinasasama ang loob ng mga ito.

Naging successful naman si Jackie sa pamimilit kay Albert. One month later after she revealed her condition, they got married. Masuwerteng maliit siyang magbuntis kaya naman kahit tatlong buwan na ang tiyan niya ay hindi pa rin iyon halata. Hindi rin niya ipinaalam sa magulang niya na buntis siya kaya kailangan nilang magpakasal. Kinumbinsi niya si Albert na sabihin sa magulang niya na mahal lang talaga siya nito kaya gusto ng madaliin ng kasal. Ipinagpasalamat niya na naniwala naman ang mga magulang niya, kahit medyo galit pa rin ang mga ito.

Pagkatapos ng kasal ay lumipat na si Jackie sa bahay ni Albert. Naghihintay pa siya ng result ng board exam niya kaya nasa bahay lang siya. Inaalagaan niya si Simba. At ang aso lang ang dahilan kung bakit nanatili pa rin siya sa katinuan kahit may isang linggo na silang kasal ni Albert.

Pinaramdam ni Albert kay Jackie ang pamimilit niya rito. He became cold and distant to her. Halos gabi-gabi ay alas diyes hanggang alas dose na ito umuuwi ng bahay. Kadalasan ay tulog na siya at nagigising na lang kapag dumadating ito. At ang masakit pa, kahit nag-effort siyang asikasuhin ito kapag dumarating ay parang balewala lang iyon.

Pero iba ngayong gabi. Kahit antok na antok na si Jackie ay hinintay niya pa rin ang pag-uwi ni Albert. Alas onse na nang dumating ito. Kaagad na tinanong niya ito kung kumusta na ba ito, kung nakakain na---kagaya ng ginagawa ng mabuting asawa.

"I'm fine. Matulog ka na," wika nito at naglakad papunta sa banyo. Pinigilan niya ito. Hinawakan niya ang braso nito.

"Wait lang. Baka puwedeng mag-usap muna tayo?"

Tinaasan siya ng kilay ni Albert. "Ano?"

Kinuha ni Jackie ang cell phone niya. May pinakita siyang screenshot. "I pass the exam,"

"Congrats. Iyon lang ba?"

"Ahmm...may pasok ka ba bukas?"

"Yes,"

"Pero Sabado, ah." Monday to Friday lang ang opisina ni Albert.

"May kailangan akong i-meet na kliyente. Bukas lang siya puwede,"

"How about on Sunday?"

"Ano bang gusto mo?" Iritado na ang boses ni Albert.

"Ahmm... Nagbabaka-sakali lang naman ako na baka puwede tayong lumabas. Kaunti na lang kasi ang stock ng pagkain sa bahay,"

Kinuha ni Albert ang wallet nito. Ibinigay nito sa kanya ang credit card at ilang cash. "Take a taxi tomorrow to go to the nearest mall. You can shop how much you want. 'Wag mo na akong isama. Hindi ako interesado,"

Pagkatapos noon ay dumiretso na nga si Albert sa banyo. Jackie was left disappointed. Pumatak ang luha niya. Pero kaagad rin niyang pinunasan iyon.

Ginusto ni Jackie na magpakasal kay Albert. Desisyon niya ito. She had to bear the consequences. Pero sandali pa lang ay mukhang nagkamali na siya. Parang mas kakayanin pa yata niya ang makita ang sakit ng mga magulang kapag nalaman nito ang totoo. Kaysa naman sa araw-araw niyang makaharap ang taong mukhang habang buhay na lang siyang panlalamigan...

MASAMA ang pakiramdam ni Jackie. Pagkabangon niya pa lang ng kama ay nagsuka na kaagad siya. Pero sa halip na magpahinga ulit pagkatapos ay pinilit niyang gisingin na ang sarili niya. Ipinaghanda niya ng almusal si Albert. Takang-taka tuloy ito nang makita na may nakahandang almusal sa lamesa.

"You don't have to do this. Magpahinga ka na," Hinawakan pa siya nito na parang aalalayan siya papuntan sa kuwarto.

Umiling si Jackie. "Hindi puwede. Sasabayan na rin kitang mag-almusal,"

"Bakit? May lakad ka rin ba?"

Tumango si Jackie. "May interview ako ngayon,"

Kumunot ang noo ni Albert. "Interview? Bakit?"

"Gusto kong magtrabaho,"

"You are in a sensitive condition. Isa pa, hindi mo naman kailangang magtrabaho. I'll support you and the baby,"

"Matatapos na ang first semester. Matatapos na akong maglihi. I'll be fine. Isa pa, naiinip ako dito sa bahay. Gusto ko naman ng pagkakaabalahan,"

"I don't like the idea,"

Huminga nang malalim si Jackie. "Sige na. Susubukan ko lang naman. Hindi naman sigurado kung matatanggap ako,"

"Fine. Re-schedule the interview. Masama ang pakiramdam mo. 'Wag ka na munang lumabas ng bahay,"

Umiling pa rin si Jackie. "Okay na ako. Usually, ganoon naman talaga ang nangyayari. I just have to vomit and then I'll feel better after,"

"Ang tigas ng ulo mo,"

"Pagbigyan mo na ako. Minsan lang naman ito. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman kita aabalahin,"

Hindi na nagsalita si Albert. Medyo nakonsensya tuloy siya. Mukhang hindi nito gusto ang gagawin niya. Pero bakit nga ba siya nakokonsensya? Ang lalaki nga mismo ang may ginagawang hindi tama sa kanya.

Pinagpatuloy ni Jackie ang plano. Naligo siya at nag-ayos. Nagulat siya nang pagkalabas niya ng kuwarto ay naroroon pa rin si Albert. Dapat ay nakaaalis na ito.

"Bakit ka pa nandito? Late ka na,"

"I'm not going to work. Sasamahan na kita,"

"Ha? Bakit?"

"I know I've treated you badly. Pero mabait rin naman ako minsan,"

Hindi mo pa rin ako kayang pabayaan... Jackie's heart melted with the thought.

Siguro ay masama lang ang loob sa kanya ni Albert. Sh-in-ot gun wedding naman nga kasi niya ito. Pero lilipas rin siguro iyon. Sabi nga nila, time will heal pain. Darating rin ang araw na masasabi ni Albert na mahal rin siya nito. Kakainin nito ang mga sinabing hindi nito kayang magmamahal.

Sana...

NAIYAK si Jackie nang unang beses na mahawakan ang anak niya. She delivered her bouncing baby girl via caesarean section. Tulog siya habang ginagawa iyon kaya ngayon lang niya nakita at nahawakan ang anak nang dalhin iyon sa kanya ng nurse.

"It's a girl. Kamukha mo po, Ma'am..."

Naiiyak na tumango si Jackie. Nakuha ng anak niya ang halos lahat ng features niya, maliban na lang sa mata. It was shaped like Albert's. But it makes her baby more beautiful.

Tumingin si Jackie kay Albert na nakatingin lang sa kanila. So far ay maayos naman ang lahat. Isang linggo bago siya manganak ay nag-leave na si Albert sa trabaho. Inalagaan siya nito. Alam rin niya ay nasa operating room rin ito habang inooperahan siya.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?"

Nagkibit-balikat ang asawa. "You decide,"

"Hmmm... what about Jileen? I always adore that name."

Tumango si Albert. "Then Jileen it is..."

Kinuha ni Albert ang papel sa beside table. Sa tingin niya ay papel iyon na kakailanganin para sa details ng bata. Siya naman ay naging abala sa pagmomoment sa kanila ng anak. Matagal-tagal rin na hinawakan niya ito at sinubukang laruin hanggang sa maramdaman yata ng nurse na pagod na siya.

"You want to hold her, Sir?" tanong ng nurse.

Umiling si Albert. Ipinagpatuloy nito ang pagsusulat sa papel. Parang balewala lang rito ang nurse. Umalis na rin ito at dinala sa nursery ang anak.

"Nakita mo na ba siya kanina?" Hindi tuloy napigilan itanong ni Jackie. Halos kakagising lang niya kaya hindi pa siya masyadong nakakapagtanong kay Albert ng nangyari. Ilang oras rin siya sa recovery room.

Umiling si Albert. "Lumabas na ako bago pa man siya mailabas,"

"Eh sa nursery? Dinalaw mo man lang ba siya?"

"Hindi,"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Parang wala kang interes sa anak natin,"

"There is no need to see her there. After all, kapag naiuwi rin naman siya ay araw-araw ko siyang makikita,"

Hindi sumagot si Jackie. Sa halip, napatitig lang siya sa asawa. Mukha itong hindi masaya, iyon ang dahilan kung bakit napapatanong siya.

Inaasahan na dapat iyon ni Jackie. Bukod sa pag-aalala, wala na siyang ibang nakikitang kakaiba sa pakikitungo sa kanya ni Albert. He still feels cold on the duration of her pregnancy. Pero binalewala niya iyon. Inisip kasi niya na kapag lumabas na ang anak nila ay magbabago ito. Lalambot rin ang puso nito.

But now, Jackie feels hopeless.

Nang lumabas si Albert para i-submit raw ang papel na f-in-ill up ay napaiyak si Jackie. But then, sandali lang iyon. Pinunasan niya ang luha. Kumuha siya ng papel at ball pen.

She wrote her feelings. She made a poem. Sa halip na isipin ang mga pagkakamali ni Albert, mas maganda kung babalikan niya ang lahat ng dahilan kung bakit nandito siya at mahal ang lalaki.

Aasa pa rin si Jackie. Someday, mamahalin rin siya ni Albert. Sila ng anak niya. Magiging masaya rin silang pamilya. Matutupad ang pangarap niya...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.