Library
English
Chapters
Settings

5

Poem

Gusto kita,

Mahal na mahal kita,

Gusto kita,

Kailangang-kailangan kita,

Gusto kita,

Kaya magtitiis pa,

Gusto kita,

Kahit minsan ay nahihirapan na

Present Time

SOMETHING is wrong with Albert. Simula nang makita niyang tumula si Jackie may dalawang linggo na ang nakalilipas ay hindi niya ito maalis sa isipan niya. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos sa kakaisip rito. He was longing to see her, even though he knew it was completely wrong.

Hindi niya gustong maikasal kay Jackie. Hindi niya gustong magkaroon ng pamilya. But he was trapped by a baby. Mas lalong hindi rin niya iyon gusto. Maraming dahilan kung bakit. But he knew that abandoning them is for the better.

Kaya lang, kung ganoon nga, bakit ganito ang nararamdaman ni Albert?

Sanay na si Albert na walang nagmamahal sa kanya. Kaya bakit nang marinig niya ang mga pagmamahal na tula ni Jackie ay parang natunaw ang puso niya? He missed her. Pero mahirap magkaroon ng bagong pagkakataon para sa kanila. Sa ginawa niya sa mag-ina niya, hindi basta-basta na makakabalik siya sa piling ng mga ito.

But something on Albert's mind is saying there's no harm in trying. Again.

Hindi napigilan ni Albert ang kati ng mga paa niya. Nang dumating ulit ang araw ng linggo ay pumunta ulit siya sa apartment ni Jackie. Pero kung hindi niya nagustuhan ang pagtrato sa kanya ng asawa noong huli, mas hindi niya nagustuhan ang sitwasyon ngayon. May hindi siya gustong nakita.

Ikinaputla ng mukha ni Albert nang makita ang batang kahawig ni Jackie. It felt like a sting on his heart looking at her. How can he be so cruel by hurting that little girl? His own child. His own blood. But it hurt more when he saw that she was smiling cheerfully to another man. At mukhang gustong-gusto rin naman ng lalaki ang atensyon ng bata.

It should have been me... Napakuyom ang kamay ni Albert. He hates himself. Bakit parang nakakaramdam siya ng pagsisisi sa anak? Samantalang siya mismo ang tumanggi rito.

"Anong ginagawa mo rito?"

Nakabukas ang pinto ng apartment kaya naman nakita ni Albert ang eksena. Pero napapitlag pa rin siya nang may magsalita sa harap niya. Inaasahan na dapat niya na kung nakikita niya ang mga taong nasa loob ng apartment, ganoon rin dapat ang mga tao roon.

Matagal bago nakasagot si Albert. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Jackie at sa anak nila. Parang pinipiga ang puso niya. They are his. And yet, he didn't take care of them...

But he can change. He can try to...

Sa sandaling oras ay nakapagdesisyon si Albert. Sinalubong niya ang tingin ng asawa. "I'm here to tell you I want you and Jileen back in my life again..."

NAKAALIS na si Christian ay nanatili pa rin si Albert na nasa labas ng apartment ni Jackie. Doon nasigurado ni Jackie na seryoso nga ito sa sinabi. Kaya naman hindi na rin siya nakatiis at pinapasok na ito sa bahay. Tulog rin sa ngayon si Jileen.

"Anong ginawa ng lalaking iyon dito?" tanong kaagad nito nang makapasok.

"Bumibisita,"

"Bakit?"

"He's my friend,"

"Or more than that?"

"Kung ganoon man, ano ba ang pakialam mo?"

"Asawa mo pa rin ako,"

"Na pinalayo mo sa 'yo..."

Natahimik si Albert. Naglihis ito ng tingin sa kanya.

Napailing-iling si Jackie. "Tinawagan ko si Christian. May hihingiin sana akong pabor sa kanya. But unfortunately, he can't make it. Kaya nagmagandang loob na lang siya na bumisita."

"What favor?"

Tumingin si Jackie sa anak. "To take care of her..."

Namutla si Albert. "May sakit ba siya?"

Umiling si Jackie. "Wala naman. Pero wala lang akong mapakiusapan na mag-aalaga sa kanya. May trabaho ako. Nahihirapan naman si Nanay na mag-alaga na sa kanya kaya dinala niya rito si Jileen,"

"How about hiring a nanny?"

"Hindi ko pa kayang magtiwala sa ibang tao,"

"Naiintindihan ko. I'm sorry that I can't do anything,"

"Hindi naman ako nag-e-expect ng kahit anong tulong sa 'yo. Lalong hindi ko rin in-expect ang pagbabalik mo rito,"

"I mean what I said earlier,"

"Bakit pa?

"I want to have another chance..."

Magsisinungaling si Jackie kung sasabihin niya na hindi siya apektado. Kaya nga sa halip na itaboy, pinapasok pa niya si Albert. Somehow, she was tempted.

Isang taon rin na nangarap si Jackie ng isang magandang pamilya kasama si Albert. Kahit na ba dalawang taon na rin nakalilipas simula nang sumuko siya sa pangarap na iyon ay parang masarap pa rin na umasa. Lalo na at sa panahon ngayon na kailangang-kailangan niya ng tulong.

"Why do you suddenly want to?"

"Kailangan ba palaging may paliwanag sa bagay-bagay? Besides, you are now in a state that you need help. Tutulungan kita ngayon,"

"Paano?"

"You can stop working. I'll support you and the child."

"The child," Napailing-iling si Jackie. Hindi man lang "our child". "You make it sound that we are just your responsibility,"

"Sa una pa lang, alam mo na ang kaya at hindi ko kayang gawin."

"Hindi ba talaga mababago iyon?"

"Na-experience mo na. Hindi ka na dapat nagtatanong pa,"

Natahimik si Jackie. Tama naman ito.

Tumingin si Albert sa natutulog pa rin na si Jileen. "It's the only least thing I can do with the child, Jackie. Tinanggihan mo ang financial support ko noon. Now, I'm giving it to you again with a good option. Hindi na lang basta ang pera ko ang maibibigay ko. I can give time and physical support, too. Basta bumalik ka lang ulit sa bahay ko, sa buhay ko..."

Hindi rin nakapagsalita kaagad si Jackie. Napatingin siya sa anak. Albert's offer is tempting. O siguro desperada na rin siya. Gusto niyang makasama ang kanyang anak.

Mahal rin naman ni Jackie ang trabaho. May pag-aalinlangan rin siyang iwan iyon. Pero mas mahal niya si Jileen. She wanted the best for her. At ang makasama ito palagi at mabigyan ito ng normal na pamilya ang nararapat para sa kanyang anak. Pagkatapos ng lahat, lumalaki na ito. In just a few years, magtatanong na ito ng mga abnormalidad sa buhay nito.

Ayaw ng ganoon ni Jackie. Gusto niyang lumaki ang anak niya nang may kompletong pamilya. Even though it will be a big risk, too...

Huminga nang malalim si Jackie. Tumingin siya kay Albert. Sinaktan siya nito at ganoon rin ang anak nila. She shouldn't give him another chance.

Pero bakit natutukso pa rin siya? There's something in her that is saying that she should have try harder to make everything work...

At nakinig si Jackie sa bahagi niyang iyon.

"HOLD on for a second," wika ni Jackie kay Albert bago sila umalis ng apartment nito. Napakunot noo siya.

"Bakit?"

"May nakalimutan akong sabihin sa land lady ko. Pupuntahan ko lang saglit," wika nito at ibinaba ang kalong-kalong na si Jileen. "Dito ka muna. I'll be back soon,"

Hindi naman naghabol ang bata. Sa halip, tumingin ito sa kanya.

"Hi..." Nahihiyang bati nito.

Napalunok si Albert. Anak niya ang bata. Pero bakit parang ang awkward ng feeling niya?

"Hello..."

"Daddy?"

Tumango si Albert. Ipinakilala siya rito ni Jackie nang maggising ito. Takang-taka kasi ito nang makita siya.

Pumalakpak ang bata. "Daddy!"

Maya-maya pa ay itinaas ng bata ang kamay na para bang nagpapayakap. Namawis si Albert. Nagsunod-sunod ang paglunok niya.

"Hug, Daddy! Hug!"

Dahil sa maagang paghihiwalay nina Albert at Jackie ay sandaling oras lang niyang nakasama ang anak. But it is no doubt that she looks and feels so sweet. Manang-mana ito sa ina nito. May bahagi niyang natutuwa, pero malaking bahagi rin niya ang hindi. Hindi niya deserve magkaroon ng anak na kagaya nito.

Pero hindi deserve ng anak ni Albert na lumaki ng kagaya niya. Hindi nito deserved na hindi alagaan, hindi pansinin.

Kinuha ni Albert ang anak. Niyakap niya ito. But instead of feeling happy, a tear fell down from his eye.

Albert felt nothing but sadness.

Sigurado si Albert na anak niya si Jileen. But why does he feel so bad whenever he is with her?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.