Library
English
Chapters
Settings

6

Habang may buhay may pag-asa,

Habang may ikaw at ako, may pamilya

Habang may pagmamahal, tayo ay mananatiling kasal

Hindi ako susuko dahil ikaw ay mahal na mahal

Two Years Ago...

NAG-LEAVE ng dalawang linggo sa trabaho si Albert sa trabaho nang manganak si Jackie. Wala kasing puwedeng tumulong rito sa recovery nito at sa pag-aalaga ng anak nila. Nang manganak ito ay saktong nagkatrangkaso ng isang linggo ang ina nito. Hindi rin makaluwas ng Maynila ang ama nito para alagaan ang asawa. Pagkatapos naman noon ay may isang linggong pilgrimage ang mag-asawa sa Baguio.

Okay lang naman kay Albert ang pag-leave sa trabaho. Naiintindihan niya na responsibilidad niya iyon. Kaya nga lang, pakiramdam niya ay may nag-iba sa sarili niya simula nang manganak si Jackie. Madalas na iritado siya, lalo na nang makauwi sila ng bahay kasama ang anak.

Iyakin si Jileen. Madalas rin ay tuwing gabi ito gising. Halos wala tuloy silang pahinga ni Jackie. Maligalig rin ito. Kahit walang problema ay panay ang iyak nito.

Madalas ay si Jackie lang ang nakakapagpatahan dito. Pero naiintindihan naman ni Albert na hindi lang dapat si Jackie ang kumilos. Ganoon rin siya. He is a part of Jileen. It was his responsibility to take care of his child. Lalo na at kailangan pang mag-recover ni Jackie.

Isang araw ay nagkaroon ng emergency na trabaho si Albert. Dahil hindi niya pa rin maiwan ang mag-ina, sa bahay siya nagtrabaho. Nakipag-video call siya sa empleyado niya para sa isang urgent meeting. Gamit rin ang internet inayos niya ang problema. Nang matapos siya ay nagpaalam sa kanya si Jackie na bantayan muna si Jileen. Maliligo kasi ito. Pumayag naman siya dahil tulog naman ang bata.

Pero wala pang ilang minuto si Jackie sa bathroom ay naggising si Jileen. Umiyak kaagad ito. Kinuha niya ang dede nito pero iniluwa lang nito iyon. Ch-in-eck niya ang diaper nito pero wala pa naman itong ihi at dumi. Sinubukan niyang buhatin ito pero lalo lang itong nagwala. Nang ihiga niya ulit ay nagwawala pa rin ito.

"What do you want?" Naiirita na si Albert.

Iyak lang ang naging sagot sa kanya ng bata. Sinubukan niya ulit na buhatin ito at naglakad. Inilibot niya ito sa bahay. Pero ganoon pa rin ang bata. Mas lalo lang tuloy siyang nainis. Mainit na nga ang ulo niya sa biglaang kailangang trabaho ay naiirita pa siya sa hindi tumatahan na anak. Matinis pa man rin ang boses nito.

Ibinaba na ni Albert ang bata. Sinubukan niyang kumalma. Pero nang lumakas pa nang lumakas ang iyak nito ay naubos na ang pisi niya.

"Kailan ka ba tatahan?!" Sa inis ni Albert ay napasigaw na siya. As expected, hindi iyon nakatulong. Mas nagligalig ito at maya-maya pa nga ay nagsuka na. Napamura siya.

"Bakit ka sumigaw?! Bakit ka nagmura?!"

Nagdidilim na ang paningin ni Albert nang lumabas si Jackie sa banyo. Pulang-pula ang mukha nito, halatang nagalit sa kanya. Parang binuhusan naman siya ng tubig. Aminado siya na mali ang ginawa niya. Dapat ay may pasensya sa kanyang anak. Sanggol pa lang ito. Wala pang isip.

Napayuko si Albert. Alam naman niya ang tamang gawin. Alam rin niya na mali ang nararamdaman niya. Madalas ay iritado siya kapag nakikita si Jileen. Hindi niya gustong alagaan ito. At mukhang nararamdaman rin naman iyon ng anak niya kaya ganoon na lang rin ang pagliligalig nito sa kanya.

Disappointed si Albert sa sarili. He felt like a useless father. Mali talaga na nakipaglapit at nabuntis niya si Jackie. Kagaya lang rin siya ng mga magulang niya---walang kuwenta at sisirain lang ang buhay ng anak niya.

MARAMI ang nagbago sa business ni Albert nang makabalik siya. Pero lahat ay for the worst. Maraming kliyente ang hindi nila nakuha at may mga nagreklamo rin sa produkto nila. Kabi-kabila tuloy ang meetings niya.

Halos araw-araw ay exhausted si Albert. Bukod kasi sa mabigat na trabaho, pati sa bahay ay mabigat rin ang aura. Ilang araw ng nilalagnat si Jileen. Pina-check up na nila ito at ang sabi ng Doctor ay simpleng lagnat lang naman iyon. Kailangan lang nilang painumin ng gamot at bantayan ang temperature ng bata. Pero dahil sa lagnat, mas naging maligalig si Jileen. Kaya kahit pagod, hindi pa rin siya makapagpahinga. Sa gabi ito madalas gising.

Kahit si Jackie ay nahihirapan na rin sa sitwasyon. Mag-isa lang ito sa bahay. Ito ang gumagawa ng lahat. Kanina ay nakatanggap rin siya ng text dito at sinabing masama ang pakiramdam nito. Pinauwi siya nito nang maaga. Alas nuwebe na ng gabi siya nakauwi. Maaga pa iyon kaysa sa kadalasan ay nagiging alas onse hanggang alas dose na niyang uwi nitong nakaraang araw. Pero nakonsensya pa rin siya nang makitang namumutla ang asawa. Nang hawakan niya rin ito ay mainit ito.

"Mukhang nilalagnat ka. Uminom ka na ng gamot at magpahinga,"

Tumango si Jackie. Tumingin ito kay Jileen. "Okay lang ba na alagaan mo siya?"

"Ako na ang bahala,"

Pagod na si Albert. Pero naiintindihan naman niyang mas pagod sa kanya si Jackie. Mahirap na rin at baka mas lumala pa ang lagnat nito. Mas lalo ng walang mag-aalaga sa anak.

Binuhat ni Albert si Jileen palabas ng kuwarto para mas makapagpahinga si Jackie. Dinala niya ito sa sala. Gising ito pero tahimik lang. Ipinagpasalamat niya iyon. Pero hindi pa siya nakakatapos maghapunan ay nagligalig na ito.

Ginawa ni Albert ang lahat ng alam niyang paraan para mapatahimik ang sanggol. Pero kagaya ng dati, palpak pa rin siya. Gusto na rin tuloy niyang maiyak sa frustration.

"Damn life," hindi na naman napigilan ni Albert na mapamura.

Pero siyempre, hindi pa rin naman siya puwedeng sumuko. Patuloy na pinapatahan niya ang bata, inaalok ng dede, binibigyan ng rattle. Naka-ilang gala rin sila sa loob ng bahay. Pero kahit ano pang klase ng pagbe-baby talk ay hindi talaga nito magustuhan.

Hindi talaga magustuhan si Albert ni Jileen. And the feeling is so mutual. Puro frustrations lang ang nararamdaman niya para sa anak.

"Ano ba talaga ang gusto mo? Pera? Ibibigay ko basta manahimik ka lang! Please!" He felt so desparate. And as expected, the baby didn't buy it. She continues waggling around his arms. Kapag binababa naman niya ay lalo itong nagwawala.

Ilang sandali pa ay naubos na ang pasensya ni Albert sa anak. Itinaas niya ito. He just saw himself rattled his own child out of frustration. Sandaling natahimik ito, pero mas masasabing tumahimik dahil nagulat. Pagkatapos ay nagsunod-sunod rin ang iyak nito at napasuka pa nga. It went through his clothes. Lalo siyang napamura.

Bago pa man maibaba ni Albert si Jileen para linisin ay may kumuha na ng bata sa kanya. Jackie is standing in front of them. Pulang-pula ang mukha nito. At hinawaan rin siya nito ng pagkapula. Sinampal siya ng asawa.

"How dare you rattle her!" Nanginginig si Jileen pati na rin ang katawan nito. May tumulo rin na luha sa mata nito.

Napahawak si Albert sa nasaktang pisngi. Mas lalong tumaas ang frustration niya. Pagod na siya, iritado sa umiiyak na anak, nasukahan at ngayon ay nasampal pa ng asawa. This must be his worst day ever.

"Nababaliw ka na ba, Albert? Alam mo namang may sakit si Jileen! Hindi mo dapat siya niyugyog!"

Pinakalma ni Jackie ang anak. Maya-maya ay tumahimik na rin ito. Pero mas tumahimik si Albert. Napaupo siya sa sofa. Natulala na lang siya sa mga nangyari.

Alam ni Albert na umalis si Jackie ng sala dala-dala si Jileen. Nang bumalik ito ay tumabi ito sa kanya.

"Pinatulog ko na muna ulit si Jileen. Mag-usap muna tayo," Tinabihan siya ng babae sa sofa. "Albert, ano ba ang nangyayari sa 'yo?"

Napapikit si Albert. He knew that what he is doing is wrong. But he can't control it. Pagod na pagod na siyang magsinungaling. Hindi talaga niya gusto ng ganitong buhay. Masaya na siya sa buhay na mag-isa. Pagkatapos ng lahat, nasanay siyang ganoon.

Gustong isipin ni Albert na baka dala lang iyon ng pagod. Pero bakit sa simula pa lang ay wala na siyang maramdamang kakaiba sa kanyang anak? Inis lang ang nararamdaman niya. Siya ang may problema. Wala siyang pagmamahal. Hindi siya marunong magmahal...

"Ayaw ko na..."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin si Albert kay Jackie. Kahit bagong panganak at may sakit pa ay nanatili pa rin na maganda ito. Sweet. Perfect. Napakabait ng asawa niya. At hindi niya deserved ito. Ganoon rin ang anak nila.

Albert doesn't deserve a family...

Nakokonsensya na si Albert sa ginagawa niya. At kung hindi niya pa tatapusin ang lahat ng ito ay natatakot siya sa puwede niyang gawin. Sinasaktan niya ang pamilya niya.

"A-ayaw ko na sa buhay na ito. Ayaw ko kay Jileen. Ayaw ko sa 'yo..."

Napaiyak si Jackie. "Bakit, Albert?"

"Alam mong napilitan lang akong panagutan ka. Ayaw kong magkaroon ng pamilya..."

"Gusto mo bang maghiwalay na tayo?"

Huminga nang malalim si Albert. "Susuportahan ko naman kayo financially..."

Umiling si Jackie. "Ayaw ko ng ganoon..."

"Iyon lang ang kaya kong gawin. Hindi ko kayang maging mabuting asawa sa 'yo. Lalong hindi ko rin magawang maging mabuting ama sa anak natin. Mas mabuti ng maghiwalay na tayo bago ko pa kayo lalong masaktan..."

Umiyak lang nang umiyak si Jackie. It breaks his heart. But a part of him knew it was the right thing. Hindi na niya ito pinigilan. At kahit nang mag-empake at magpaalam ito kasama ang anak ay pinabayaan na niya ito.

Present Time

NAG-SUBMIT si Jackie ng resignation letter sa trabaho. Malungkot ang superior niya sa biglaang pag-alis pero naintindihan rin naman nito ang dahilan. All went smoothly. Kailangan lang niyang bumalik sa isang linggo para sa exit interview. Sinamahan rin siya ni Albert. Hindi ito pumasok sa trabaho. Kasa-kasama rin nila si Jileen.

Pagkatapos sa school ay nagyaya si Albert na kumain ng lunch. Niyaya na lang niya ito sa mall dahil may mga kailangan siyang bilhin. Kakaunting gamit lang kasi ang dinala ng Nanay niya para kay Jileen. Minabuti na lang niyang ibili ito ng mga bagong damit kaysa ang umuwi pa sila ng Pangasinan para kuhanin iyon. Sigurado rin kasi na magtataka ang ina niya. Hindi niya pa kayang sabihin rito ang lahat. Galit ito kay Albert. Ayaw naman niyang magsinungaling rito.

"You can also pick something for yourself," wika sa kanya ni Albert nang mapansin na puro kay Jileen lang talaga ang kinuha niya.

"I have enough,"

Tinaasan siya ng kilay ni Albert. "Kakaunti lang ang mga naempake nating damit sa apartment mo,"

"Hindi ko naman kailangan ng madaming damit. Lalo na at sa bahay na lang naman ako,"

"Still, I insist. After all, marami akong pagkukulang sa inyo. Ito lang ang puwede kong pambawi sa inyo ngayon,"

"Ako ang magbabayad ng---"

"No. Ako ang lalaki. I'll provide for the family. Come on, get one. I think the red dress that you were looking earlier will look perfect on you,"

"Hmmm..." Na-tempt si Jackie. Nagustuhan niya nga ang dress na iyon. Nang mangulit pa ulit si Albert ay binalikan nila ang damit.

"Puwede mo muna bang bantayan si Jileen habang nagsusukat ako?" Nakakalakad na si Jileen kaya naman hindi naman mabigat na task iyon. Sa kasalukuyan rin ay naglalakad-lakad lang ito.

Tumango si Albert. Isinukat na ni Jackie ang damit. Napangiti siya nang makitang bagay nga iyon sa kanya. Lumabas siya ng fitting room para ipakita iyon kay Albert.

Pareho silang napakurap nang magtama ang tingin.

"You look beautiful..." wika ni Albert.

Albert looks completely in awe. Pero ganoon rin si Jackie nang makitang karga-karga ng asawa ang anak nila. Napalunok siya. Naalala niya ang mga panahon kung kailan parang pinakamasamang gawain na para kay Albert ang kargahin at malapit sa anak. He didn't want her. At ganoon rin ito sa kanya. Pero mas katanggap-tanggap naman ang treatment nito sa kanya, kaysa sa sarili nitong dugo.

Para tuloy kay Jackie ay napakagandang pangitain na makita si Albert na karga-karga si Jileen. Parang napapangiwi man si Albert, ang mahalaga ay makitang malapit ito sa anak. Ngiting-ngiti rin naman si Jileen. Ibig sabihin lang noon ay nag-e-enjoy ito habang nagpapakarga sa ama.

"Karga, Daddy!"

"She insists,"

"And you let her..."

"She is a good kid,"

"Yeah, mabait na siya sa 'yo..." Napangiti si Jackie. Minsan ay gusto rin niyang sisihin ang ugali ni Jileen noong sanggol pa lang ito kaya naghiwalay sila ni Albert. Masyado itong maligalig, lalo na kay Albert. Pero walang isip ang anak niya. Dapat ay si Albert ang umintindi. Si Albert ang may mali.

"Mabait naman talaga siya. Ako lang ang masama," wika ni Albert, parang nahihiya sa sarili nito. Napayuko ito.

Parang may pumalo sa puso ni Jackie. She can see that he is guilty. At nakaramdam siya ng mali.

Sinasabi ni Albert na hindi nito kayang magmahal. Pero ganoon pa man, marunong itong mag-alaga. Nag-aalala ito sa kanya. Kapag kailangan niya ito ay lagi naman itong naroroon. Kapag nahihirapan siya ay tinutulungan siya nito. He cares.

Puwedeng sabihin ni Jackie na dahil responsibilidad iyon ni Albert. Pero sa una pa lang sana ay pinabayaan na siya nito. Hindi na sana nagpapapilit ang lalaki sa kasal at pamilyang gusto niya. Pero sumubok pa rin si Albert.

Sa tingin ni Jackie, kayang magmahal ni Albert. Kaya nitong maging mabuting ama sa anak nila. Kailangan lang niyang malaman ang mali...

"Can I ask you something?" wika ni Jackie nang matapos siya sa pagsusukat.

Tinaasan siya ng isang kilay ni Albert.

"May sakit ka ba?"

Natulala lang ang lalaki.

NAPALUNOK si Albert habang nagbabasa ng medical articles sa internet. He was lead to the sites about post-partum depression. Kinabahan siya pero parang nagbigay rin iyon ng pag-asa sa sarili niya. Baka nga hindi siya masamang ama. May sakit lang siguro siya.

Naghanap si Albert ng sagot kung bakit nga ba naiirita siya sa presensya ng anak niya at nahihirapan siya na makipag-bonding dito. Apparently, signs pala iyon ng post-partum depression. Tinatawag rin iyong baby blues. It is a mood disorder associated with child birth. Madalas na mga babae ang naapektuhan noon pero marami rin na cases na pati mga lalaki.

Wala sigurong tao na gustong maging masama. At ganoon rin naman si Albert. Kahit na ba iniwan niya ang mag-ina niya, gusto niya pa rin ang the best para sa mga ito. Kaya nga pinalayo niya ang mga ito sa kanya. Ayaw niyang masaktan ang mga ito.

Pero gusto ng magbago ngayon ni Albert. Lalo na at nararamdaman niya na may pag-asa pa naman siya. Nalinawan na siya.

Huminga nang malalim si Albert. He will try to be a good father. He will also try to be a good husband. After all, there is no harm in trying.

Isasarado na sana ni Albert ang tab ng ni-research niya nang may tumikhim. It was Jackie. Nakakunot ang noong tinignan niya ito.

"Bakit gising ka pa?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan," wika nito at tumabi sa kanya. "You're working?"

Umiling si Albert. Huminga siya nang malalim at sinabi kay Jackie ang ginagawa. "I think you are right. May sakit nga ako,"

Ipinaliwanag ni Albert ang tungkol sa post partum depression.

Napakurap si Jackie. "You want to seek professional help?"

Nakagat ni Albert ang ibabang labi. "Kailangan ba talaga?"

"Kung gusto mong gumaling, siyempre..."

"I-I don't want to feel that I am really sick. Nakakahiya---"

Napailing si Jackie. "Protecting your macho image?"

Napangiwi si Albert. Siguro ay ganoon na nga. Pero masisisi ba siya? Mahirap aminin na ang isang successful na taong kagaya niya ay may pinagdadanan pala na sakit.

Ibinalik ni Albert ang tingin sa laptop screen. "Sabi dito, puwede naman iyong i-treat naturally..."

"Hmmm... Siguro. Pero malaki na si Jileen. Baka sobrang lala na ng karamdaman mo kaya baka hindi na magandang i-natural treatment ito."

"We will never know if we won't try. After all, ngayon ko lang naman siya na-self diagnose,"

"So paano ka magsisimula?"

"Puwede mo ba akong tulungan?"

Natulala si Jackie. Mukhang may pag-aalinlangan ito.

Kinuha ni Albert ang kamay ng asawa. "You are the mother of my child. You are my wife. Alam kong marami akong pagkukulang sa 'yo, sa anak natin, sa pamilya na ito. But I want us to have a second chance. And I will start from here. Aayusin natin ang pamilya na ito. Gusto kong maniwala na may pag-asa pa..."

Tumango si Jackie. Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang bumalik ito sa buhay niya ay ngumiti ito. "Matagal na dapat natin itong ginawa."

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.