7
Poem
Panibagong araw, panibagong ngiti,
Hindi magbabago pagmamahal ko hanggang sa huli,
Sa hirap o sa ginhawa, ako ay nasa tabi,
Basta mahalin mo lang ako na walang kasali...
ALAS KUWATRO pa lang ng hapon ay nagluluto na ng hapunan si Jackie. Nagtext kasi sa kanya si Albert na makakauwi raw ito bago mag-alas sais. Gusto niya sanang pagdating nito ay nakahanda na ang lahat. Sinusubukan niyang maging isang typical housewife.
May mga grocery sa kusina kaya naman naging madali para kay Jackie ang magluto. Ang menu niya ngayon ay chicken adobo at potato salad. Tulog pa si Jileen kaya naman walang umiistorbo sa kanya sa pagluto.
Lagpas alas singko na nang matapos si Jackie. Nang maghahanda na sana siya ng table ay nagulat siya nang may magsalita sa likod niya.
"Hello, Mommy..."
It was Jileen. Gising na pala ito at ikinagulat niya na nakababa ito ng kama na mag-isa. Kadalasan kasi ay tinatawag siya nito kapag nagigising ito. Pero mas ikinagulat niya nang may makitang hawak-hawak itong manika. Hindi iyon pamilyar sa kanya.
Tatanungin n asana ni Jackie ang anak kung saan nakuha ang makina nang may tumikhim sa likod nito. It was Albert. "Hi,"
"Uhmm... Hello to you both," Yumuko si Jackie sa anak. "Did you have a good sleep?"
Tumango si Jileen. Itinaas nito ang hawak na manika. "Bigay Daddy!"
Tumingala si Jackie sa asawa. Nahihiyang tumango ito at nagkamot ng ulo. "Nabasa ko sa internet na mas mapapalapit daw sa 'yo ang isang bata kapag binibigyan mo ito ng regalo."
He's really serious. He's researching... Napangiti si Jackie. "That's nice,"
"That's just a small thing,"
"It made her happy,"
Tumango lang si Albert. Tumalikod naman si Jileen sa kanya. Tumingin ito kay Albert at tumingkayad, parang inaabot ang lalaki. "Karga!"
Napakurap si Albert. May pag-aalangan ang mukha nito. Pero kung dati ay nasasaktan pa siya kapag nakikita na walang interes ang asawa sa anak, ngayon ay naiintindihan na niya iyon.
Parang nagi-guilty tuloy si Jackie. Sa halip kasi na intindihin ito noon, sumuko rin siya. Masyado siyang nasaktan sa mga sinabi ng lalaki. Pero iyon naman pala ay baka nasabi lang ng lalaki iyon dahil nga may sakit ito. Self-diagnose man ang ginawa ni Albert, ramdam rin naman niya na puwedeng ganoon nga ang sabihin ng Doctor. Siya pa rin nga mismo ang nagsabi dito na baka may sakit ito 'di ba?
Nag-alinlangan man ay sinunod rin ni Albert ang gusto ng anak. Kinarga nito si Jileen. Nagyaya naman ang bata sa sala. Doon ito nagpababa. Kinuha ng anak ang teddy bear nito na naroroon at ibinigay kay Albert.
"Play?"
Tumango rin si Albert. Hinawakan nito ang teddy bear at inilapit sa manika ni Jileen. Pinalakad ng mga ito ang laruan sa sofa.
Masayang pinanood niya ang mag-ama habang naglalaro. Nang magutom lang si Jileen saka natigil ang mga ito at kumain. Pero pagkatapos rin noon ay nakipaglaro rin ang bata sa ama hanggang sa mapagod. Si Albert rin ang nagpatulog rito dahil iyon ang hiniling ni Jileen. Mabilis lang rin naman itong nakatulog.
Ngiting-ngiti si Jackie sa nangyari. Hindi tuloy niya naiwasan na magkomento nang umalis na ng kama si Albert para ayusin ang sarili nito.
"Mukhang hindi mo na yata ako kailangan, ah..."
"Ganoon na ba talaga ako kagaling? I'm just starting..."
Alam ni Jackie na maaga pa para mag-judge. Pero masaya lang talaga siya na makita na nakikipag-bonding si Albert sa anak. Sinusubukan nito. Gagaling ito.
Nabubuhay ang pag-asa sa puso ni Jackie. Kahit alam niyang puwedeng mali at mahirapan siya. Nagsisimula pa lang sila. Marami pang puwedeng mangyari. Pero sabagay, wala namang masama na maging positibo. Sana nga lang ay ma-attract niya ang kapareho na energy.
SABADO at walang pasok si Albert. Nagyaya itong lumabas para mag-grocery. Isinabay na rin nila ang paggala. Pagkatapos mag-grocery ay dinala nila si Jileen sa isang play station. Nakita kasi nila na natuwa ito nang dumaan sila roon kanina. Hindi pa rin niya nadadala sa ganoon ang anak kaya naman magandang experience iyon.
Dahil wala masyadong bata na naglalaro ay pinayagan silang dalawa ni Albert na mag-accompany kay Jileen sa loob. Kitang-kita ang saya at enjoyment sa anak, lalo na nang magpunta sila sa area na maraming maliliit na bola. Gumulong-gulong pa ito roon.
Para tuloy bumalik si Jackie sa pagkabata dahil sa anak. Masayang-masaya rin siya, lalo na at nakikitaan rin naman niya na maayos si Albert. Nakangiti ito. It might not be as big as Jileen's smile, still it meant a lot. Bihira lang na ngumiti ang lalaki. Ibig sabihin lang siguro noon ay masaya rin ito.
Nawala lang ang ngiti sa labi ni Albert nang batuhin ito ni Jileen ng bola. Bahagyang nagdilim ang mukha nito. Mukhang nasaktan si Albert.
Kumuha si Albert ng isang bola. Itinaas nito iyon. Kinabahan si Jackie. Gagantihan rin ba nito ang bata? Mali iyon. Pero naalala niyang may pinagdadaanan nga pala si Albert. Nakikita man niya na may improvement ito sa pakikisama kay Jileen, sandali pa lang rin ang lahat para masabing magaling na talaga ito. After all, ilang beses rin niyang nakikitang nanginginig ito kapag hinahawakan si Jileen. Ibig sabihin lang noon ay may takot pa rin ito.
"Don't," Hinawakan ni Jackie ang kamay ni Albert. Napakunot noo ito.
"Bakit?"
"'Wag mo siyang gantihan. It might hurt her,"
Napaawang ang labi ni Albert. Maya-maya ay huminga ito nang malalim at tumango. Ibinaba na nito ang bola. Pero hindi nagtagal ay kinuha rin nito iyon at itinaas. Nag-panic si Jackie. Pero para siyang binuhusan ng tubig nang sa kanya ibinato ni Albert ang bola.
"What was that?" Hindi naman masakit ang pagkakabato. Pero nakaramdam ng inis si Jackie, lalo na nang tumawa si Albert.
"I just realized you should not scold me. Laro lang naman ang lahat ng ito,"
Magsasalita pa sana si Jackie nang maramdaman na may bumato ulit sa kanya. Si Jileen naman iyon. Nagsunod-sunod ang pagbato nito ng bola. Nakisali rin naman si Albert. Pinagtutulungan siya ng mag-ama niya!
Nawala rin naman ang inis ni Jackie nang makitang tuwang-tuwa ang mag ama niya habang pinagtutulungan siya. Pero siyempre, hindi rin papatalo si Jackie. Kumuha rin siya ng mga bola. Pinuntirya niya si Albert. After all, ito ang unang nambato kaya sumunod rin si Jileen.
Jackie put all her power for her revenge to Albert. Mas lumapit pa nga siya rito para sigurado siyang matatamaan ito. Tinatawanan lang naman siya ni Albert. Sa paglapit at todong power niya sa paghihiganti ay nadulas tuloy siya. Her body fell to Albert. Na-out of balance rin ito kaya napahiga ito sa mga bola. Napahiga naman siya sa taas nito. Napaibabaw siya rito.
Nawala ang tawa ni Albert sa nangyari. Napatingin tuloy siya rito at baka nasaktan ito. Nagtama ang mga mata nila. Pero kahit na ba hindi niya pa i-check ang katawan ng lalaki ay mukhang okay lang ito. Nakangiti pa rin naman ito. Well, hindi lang nakangiti. Ngiting-ngiti.
Namula si Jackie. Parang eksena sa pelikula pala ang nangyari sa kanilang dalawa. Pakiramdam rin niya ay bumalik siya sa una nilang pagkikita dahil kinilig siya. Lumakas ang tibok ng puso niya at parang may kumikiliti sa buong katawan niya. Pero nag-uumpisa pa lang na ma-familiarize ulit ang katawan niya sa masasarap na pakiramdaman iyon ay nagpasabog si Albert. Kinuha nito ang mukha niya para ilapit sa mukha nito.
Hinalikan ni Albert si Jackie.
Nagulat si Jackie sa ginawa ng asawa. Pero mas nagulat siya sa kakaibang sensasyon na naramdaman niya sa katawan. Hindi na lang basta kiliti ang naramdaman niya. She felt a shake already. But it was a warm shake that can melt every part of her body. Mauuna nga lang yata ang sa puso niya.
Sandali lang naman ang naging halik dahil inistorbo sila ni Jileen. Binato sila nito ng bola. Nasira ang magic moment. Pero hindi pa rin nasisira ang ngiti sa labi ni Albert. In fact, parang mas naging nakakaloko pa iyon kaysa sa kanina.
"Kapag inaway mo ulit ako, 'yan ang makukuha mo..." wika nito at kinindatan pa siya.
Natahimik si Jackie. Pero sa isip niya ay nagsimula na siyang mag-isip ng iba pang paraan para awayin ito at maulit ulit ang halik.
NAKONSENSYA si Jackie nang mawala sa isip niya ang tungkol kay Simba. Simula nang bumalik siya sa bahay ni Albert ay hindi niya nakita ito. Hindi rin niya naalala ang magtanong kay Albert kung nasaan ang alaga nitong chow-chow. Iyon pala ay nasa veterinary clinic daw ang aso. Dalawang linggo itong naka-confine roon. Saka niya lang iyon nalaman nang magpaalam sa kanya si Albert na pupuntahan ang aso. Tumawag daw ang veterinarian nito at puwede ng i-discharge.
"Sasama kami," wika ni Jackie. Nasabik siyang makita ulit si Simba. Ayaw sana siyang payagan ni Albert pero naging makulit siya. Kasama nila si Jileen pumunta sa clinic na may kalayuan rin sa bahay.
Niyakap kaagad ni Jackie si Simba nang makita. Dinilaan naman siya nito. Mukhang nakikilala pa rin siya ng aso. Nang lumapit rin dito si Jileen ay dumila rin ito. Humagikgik naman ang anak. Sandali pa lang ay nakikita na niyang magkakasundo ang dalawa.
Kinausap at binayaran ni Albert ang veterinarian. Ipinakilala rin siya nito rito.
"May asawa at anak ka pala?" Kunot noong tanong ng veterinarian.
"Yeah..."
"Kung ganoon, bakit napabayaan pa rin si Simba? I mean, noong nasa os---"
"We will leave now. Thank you for taking care of my dog," putol ni Albert. Hinawakan na nito ang tali ni Simba at niyaya na palabas. Inilalayan rin siya nito.
"Napabayaan si Simba kaya nagkasakit siya?"
"Yeah. Naging busy kasi ako sa trabaho. Nawala na siya sa isip ko,"
Nagtaka si Jackie. Importante si Simba para kay Albert. Ito nga lang ang masasabi niyang kaibigan ng lalaki. At may hindi man silang magandang nakaraan ng asawa, alam niyang responsible ito. Kapag nasa poder nito ang isang tao o hayop man ay hindi nito iyon papabayaan. Parang imposible na malimutan ni Albert ang alaga nito dahil busy lang ito.
Pero hindi nagsalita si Jackie kahit may pakiramdam siya na mali. Malaki na si Albert. Dapat ay alam na nito na mali ang magtago ng mga bagay sa kanya kung gusto nitong maging maayos talaga ang kanilang pagsasama.