8
Ikaw ay aalagaan,
At wala iyong hangganan,
Ikaw ay iintindihin,
Basta puso at buhay mo lang ay sa akin
Sa hirap o sa ginhawa,
Tayo ay magsasama,
Wag ka lang magsawa,
Kahit kulubot na ang aking mukha
MABILIS na napalitan ng pag-aalala ang gulat ni Jackie nang ala una pa lang ay umuwi na si Albert galing sa trabaho. Namumula ang mukha nito.
Naalala kaagad ni Jackie ang nangyari kaninang umaga. Parang walang ganang kumain si Albert. Naisip na niya na baka may sakit ito. Pero kahit na ba sinabi niya rito na 'wag nang pumasok kanina dahil sa naobserbahan ay sumige pa rin ito.
Sa halip tuloy na tanungin at batiin, hinawakan niya ang leeg ni Albert. Mainit nga ito. "May lagnat ka,"
Hindi naman nag-deny si Albert. Tumango ito. "Nag-half day na ako sa trabaho. I'll just rest,"
"Pero kumain ka na ba ng lunch? Did you take some medicine?"
Tumango ito. "Don't worry. I'll be fine. Masama lang siguro ang naging gising ko kaya sumama ang pakiramdam ko,"
Hindi na pinigilan ni Jackie ang asawa. Tumuloy ito sa guest room sa halip na sa master's bed room kung saan sila natutulog na tatlo. "Dito na muna ako. Baka mahawa pa si Jileen,"
Tumango si Jackie. Nasa afternoon siesta ngayon ang anak nila at tulog sa master's bed room.
Sa halip tuloy na makapaglinis ng bahay kagaya ng ginagawa niya kapag ganoong oras ay binantayan na lang ni Jackie si Albert. Mabilis lang itong nakatulog. Pero hindi nagtagal ay umuungol na ito. Nang tignan niya ang thermometer ay nasa thirty nine degrees ang lagnat nito.
Kinakabahan si Jackie. Parang gusto na tuloy niyang gisingin ito para madala sa ospital. Pero kinalma niya ang sarili. Pumunta siya sa kusina at nagbasa ng bimpo. Pinunasan niya si Albert. Lalong lumakas ang pag-ungol nito.
"Tumigil ka na sa pag-ungol, please. Lalo akong kinakabahan,"
Nagmulat ng mata si Albert. Tinitigan siya nito. Hindi niya masabi kung gising ba talaga ito o nagdedeliryo na lang. Para kasi itong wala sa sarili.
"Albert?"
"T-take care of me. Please..."
Tumango si Jackie. Naiiyak siya. He looks so helpless. Pagkatapos tuloy niyang punasan ito ay napayakap siya rito.
Niyakap rin siya ni Albert. "Thanks, Mom..."
Sandaling natigilan si Jackie. Mom? Kaya ba siya nito tinawag na ganoon ay dahil ina siya ng anak nito? Nakikigaya lang ba ito kay Jileen?
Hindi. Kahit kailan ay hindi nagbigay sa kanya ng endearment si Albert. Isa pa, Mommy ang tawag sa kanya ng anak. Naisip niyang baka naalala lang ni Albert ang ina nito. Nami-miss lang siguro. After all, ang sabi sa kanya ni Albert ay matagal ng wala ang ina nito. Ganoon rin ang Daddy nito. Mag-isa na lang ito sa buhay. Wala itong kapatid at kahit sino pang malalapit na kamag-anak.
Mas lalo tuloy niyakap ni Jackie ang asawa. Wala na siyang pakialam kung mahawa pa siya sa lagnat nito. Ang gusto na lang niya sa ngayon ay ang iparamdam ang pagmamahal niya rito.
Kahit na ba ramdam ni Jackie na delikado iyon.
NAGPASALAMAT si Albert nang maggising siya ay hindi na mabigat ang katawan niya. He hates being sick. Pero hindi naman nga siguro masama iyon, lalo na nang maggising siya ay nakita niya si Jackie sa tabi niya. Medyo madilim na. Ibig sabihin lang noon ay maggagabi na siguro at matagal rin siyang nakatulog kaya gumaan ang pakiramdam niya.
May pag-aalalang tinignan siya ni Jackie nang makitang gising na siya. "How are you feeling now?"
"I'm good," Tumingin siya sa tabo at bimpo na nasa beside table. "Thank you for taking care of me,"
"That's nothing," Mukhang nakahinga na ang babae nang maluwag. "Nag-aalala ako. Buti naman at okay ka na,"
Napangiti si Albert. "Okay na ako kasi magaling ang nag-aalaga sa akin,"
"Yeah. Inakala mo kasi na ako ang Mommy mo. Na-miss mo yata siya,"
Sandaling natigilan si Albert. Ganoon na ba talaga kasama ang pakiramdam niya para magdeliryo siya? Nangarap pala siya na may inang mag-aalaga sa kanya habang may sakit.
But never on his right mind will Albert tell about his mother. Or his father. Wala rin naman siyang dapat na sabihin. Patay na ang mga ito. Hindi na binabalikan dapat iyon.
Umiling si Albert. "No. Of course not,"
"You called her while you are asleep,"
"No, no. Ikaw ang tinutukoy ko. You're the mom of my daughter. Saka 'di ba, ganoon naman talaga. Kapag magulang na, Mommy and Daddy na ang tawag sa isa't isa ng mag-asawa?"
Mukhang ayaw pa rin maniwala ni Jackie. Pero ayaw na niyang magpaliwanag pa. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya.
"Halika nga dito,"
"Bakit?"
"Basta, halika rito..."
Sumunod naman si Jackie. Nang makaupo ito sa kama ay hinapit niya ang baywang nito, making her lie down beside him. Napairit ito pero kaagad rin niyang pinatahimik ito. Hinalikan niya ito sa labi.
Pulang-pula si Jackie pagkatapos. Kinindatan naman niya ito. "I just want to feel the best. And you make me feel that I am..."
Hindi nagsalita si Jackie. Tinitigan lang siya nito na para bang nagtataka sa sinabi niya. Pero hindi na lang niya pinansin iyon. Hindi rin naman niya masisisi ang asawa niya kung may doubt ito sa mga sinabi niya. Sinaktan niya ito. Hindi ito basta-basta magtitiwala sa kanya.
Pero nasa kanya na ngayon si Jackie. Madali na lang na makuha ulit ang tiwala nito, basta 'wag niya nang uulitin pa ang nakaraan.
Binigyan na si Albert ng panibagong pagkakataon. Hindi na dapat niya sayangin pa iyon.
Na-realize na ni Albert ang mga mali niya. Hindi dapat siya nawalan ng pag-asa na wala siyang kakayahang bumuo ng isang masayang pamilya dahil lang sa hindi siya nagkaroon noon.
NAGISING si Jackie dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Nang magmulat siya ng mata ay tama naman siya ng hinala. May dalawang pares ng mga mata na tinititigan siya. Nang makita rin naman ng mga ito na gising na siya ay parehong nagliwanag ang mukha ng mga ito.
It was Albert and Jileen. Halos sabay na umawang pa ang labi ng dalawa para kantahan siya. "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you!"
May pagpalakpak si Jileen habang hawak hawak naman ni Albert ang isang chocolate cake. Kaagad na napabangon siya at muntik na rin na mapakanta dahil sa saya na nabungaran.
Nang matapos ang kanta ay kinuha niya si Jileen. Pinugpog niya ito ng halik at thank you. Pagkatapos naman noon ay hinipan niya ang kandila sa cake na hawak ni Albert. Binigyan rin niya ito ng halik sa pisngi.
Maiyak-iyak si Jackie. Naka-ilang ulit rin siyang nagpasalamat sa dalawa. She was surprised indeed. Hindi naman kasi nila napag-usapan ni Albert ang birthday niya. Ang akala niya nga ay nakalimutan na nito iyon.
"Halika na sa dining room. Let's have our breakfast,"
Nakahanda na ang lahat. Nagluto si Albert ng omelette, bacon at fried rice na siyang paborito niya sa umaga. Mukhang gusto talaga nito na maramdaman na espesyal ang araw niya.
"Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong niya rito ng seven thirty na ay hindi pa ito nag-aayos para sa trabaho. Dapat ay alas otso, nakaalis na ito.
Umiling si Albert. "No. Pero maliligo na rin ako. Ganoon rin dapat kayo ni Jileen. Nag-book na ako ng tickets para sa Manila Ocean Park,"
A family day... iyon kaagad ang naisip ni Jackie. Muntik na naman siyang maiyak. Ang pamilya niya ang pinakamagandang regalo na natanggap niya sa buong buhay niya. It is not perfect. But for her, they are so important. Lalo na ang anak niya. Bonus na lang siguro na nagbabago na si Albert. Kaya naman masayang-masaya siya na makakasama niya ang mga ito sa buong araw.
Wala namang plano si Jackie kaya kaagad na pumayag siya. Nagsabi na sa kanya ang Nanay niya na hindi ito makakaluwas para sa birthday niya dahil abala sa mga ginagawa sa simbahan. Pero hindi na niya masyadong dinamdam iyon. Pagkatapos ng lahat, hindi naman ito ang unang beses na pinaramdam sa kanya ng Nanay niya na mas mahalaga ang trabaho nito sa simbahan kaysa sa kanya.
Alas diyes nang makarating sila sa Ocean Park. First time ni Jackie na makarating roon. Matagal na rin niyang gustong makarating kaya naman masaya siya. Pero wala na yatang mas sasasaya pa kay Jileen. Hindi maalis-alis ang ngiti nito habang tinitignan ang mga hayop. Panay rin ang palakpak nito nang manood sila ng live show.
Mag-aalas kuwatro na nang lumabas sila ng Ocean Park. Sa sobrang pagod ay nakatulog si Jileen sa kotse. She put her on the car seat on the back seat. Umupo naman siya sa unahan, katabi ni Albert. Habang nagda-drive ay hawak hawak nito ang isa niyang kamay.
"May gusto ka pang puntahan?"
Napaisip si Jackie. Parang ang gusto na lang niya ay umuwi. Pagod na rin siya. Pero minsan lang siyang mag-birthday. She want to make the most out of it. After all, siya ang boss.
"Hmmm... what about visiting your parents?"
Namutla si Albert. Matagal-tagal rin bago ito nakasagot. "Wala na sila. Bakit pa natin sila bibisitahin?"
"Oo nga. Pero puwede naman natin bisitahin ang libingan nila 'di ba?"
"Ano namang kinalaman sa 'yo ng libingan nila? Hindi rin iyon masaya. Sementeryo iyon. It's place for the dead."
"I want to meet them at least. Ni wala man lang akong alam tungkol sa pamilya mo,"
"They are gone now. There's nothing to know," medyo may iritasyon na sa boses ni Albert. "Umuwi na lang tayo. Pagod na pala ako."
Napatitig si Jackie sa asawa. Halatang-halata na umiiwas lang ito. Nawala tuloy ang saya sa puso niya. Pakiramdam kasi niya ay iniiwasan nito na pag-usapan ang pamilya nito.
Jackie felt there is a secret. Pero halatang ayaw iyon na sabihin ni Albert kaya naman mas lalong curious siya. Bakit galit si Albert sa magulang nito. May hindi siguro magandang nakaraan ang asawa sa mga iyon.
But Jackie has to know why. Para maayos ang lahat, kailangang malaman niya ang ugat ng lahat...
Paano kaya siya magsisimula?