Library
English
Chapters
Settings

10

Option ba ang mag-give up?

Sa pamilyang aking pinangarap

Hindi, ang palaging sagot ng puso kong lubos na nagmamahal

Naniniwala akong matutupad ang aking mga dasal

PARANG pinipiga ang puso ni Jackie habang naririnig ang mga iyak ni Jileen habang nasa emergency room. Ilang oras na itong nilalagnat at may kataasan iyon. Hindi rin iyon bumababa kahit na ba naka-ilang punas at pinaiinom naman niya ito ng tamang gamot. Sinasabayan rin tuloy niya ang mga iyak nito sa takot.

"Ma'am, okay lang po ang anak niyo. Nandito na po siya sa ospital. Gagaling po siya," wika ng attending Doctor. Kasalukuyang kinukuhanan ng dugo ng nurse si Jileen kaya naman umiiyak at natatakot rin ito.

Tumango si Jackie. Alam naman niya iyon. Pero natatakot lang kasi siya para sa anak. Ito ang unang beses na nagkasakit ito nang ganoon.

"Misis, ang mabuti po ay doon muna kayo sa labas. Mas lalo lang po kasi kayong natatakot rito," wika ulit ng Doctor.

Alinlangan man ay pumayag na rin si Jackie. May point naman kasi ang Doctor. Mas nahihirapan siya kapag nakikita si Jileen na nahihirapan. Baka kaya mas lalo lang itong naiiyak dahil nakikita siyang umiiyak rin. Isa pa, hindi naman siguro pababayaan ng Doctor ang anak.

Lumabas si Jackie ng emergency room. Nakita niya si Albert roon. Nag-aalala ang mukhang nilapitan siya nito.

"Anong nangyari?"

Kinuwento ni Jackie ang sinabi ng Doctor. Kailangan munang kuhanan ng dugo si Jileen para mas ma-assess ang sakit nito. Pagkatapos noon ay iko-confine ang anak para maobserbahan.

"Mukhang okay naman. Bakit ka umiiyak?"

Hindi sumagot si Jackie. Humikbi lang siya. She feels so helpless. Wala man na dapat talagang ikatakot. Pero nag-iisang anak niya si Jileen. Sa mga nangyari sa nakalipas na araw, parang ito na lang rin ang masasabing pamilya niya. Kapag may nangyaring masama rito ay ikakamamatay niya.

Tumigil lang si Jackie sa pag-iyak nang hapitin ni Albert ang baywang niya para mapalapit rito. Niyakap siya nito. Hinagod rin nito ang likod niya para pakalmahin siya at hinalik-halikan ang ulo niya. "Tahan na. Magiging maayos rin si Jileen. I'll make sure of that,"

Tumingala si Jackie sa asawa. Nagulat siya sa ginawa at sinabi nito. Ilang araw na itong nanlalamig sa kanya. Hindi ito lumalapit o kinakausap man lang siya. Mabuti na nga lang at maaga itong umuwi kanina kaya naman nakasama niya ito sa pagdadala sa ospital kay Jileen.

Tumango-tango si Albert. He looked at her with comforting eyes. Hinalikan ulit nito ang ulo niya at sinunod naman ang kanyang labi. Pagkatapos ay inipit rin nito ang buhok niya sa magkabilang tainga.

"Don't worry. Malakas ang anak natin. She will be fine. Everything will be fine,"

Napatitig lang si Jackie sa mga mata ni Albert. And all she can feel now is hope. Magiging maayos si Jileen. At sa nakita niyang pagbabago ngayon kay Albert ay baka ganoon rin ito.

Sana ay maging maayos na rin ang pagsasama nila at pamilyang pinapangarap niya. Sana ay tama siya na hindi niya sinukuan ang mga pagsubok na kinaharap niya.

DALAWANG araw na nanatili si Jileen sa ospital dahil sa viral infection. It should not be a good memory but it was different for Jackie's perception. Sa dalawang araw kasi na nasa ospital ay naging buo silang pamilya. Halos hindi umalis si Albert ng ospital. Nakikipaglaro at naging malapit na ulit ito sa anak. Sa tingin niya, ang dahilan kaya bumilis ang paggaling ng anak ay dahil sa ama. Masayang-masaya na ulit si Jileen. Halatang na-miss nito ang ama.

Isang beses lang umuwi si Albert. Kailangang kasing tignan ang bahay, pakainin si Simba at kumuha ng mga gamit nila. Pagkatapos noon ay sabay-sabay na silang tatlo na umuwi. Nakatulog si Jileen sa sasakyan pauwi. Siya na ang nagbuhat sa anak palabas ng kotse. Samantalang si Albert naman ang naglabas ng mga gamit mula roon.

Inihiga ni Jackie si Jileen sa kuwarto. Paglabas niya roon ay nakita niyang nakaupo si Albert sa sala. Tumingin ito sa kanya. "Puwede ba kitang makausap?"

Tumango naman kaagad si Jackie. Ngumiti pa siya. Gusto nga niya iyon. Pero nang makitang blangko lang ang ekspresyon sa mukha ni Albert ay parang kinabahan siya.

Umupo si Jackie sa tabi ng asawa. "Para saan?"

Ibinigay sa kanya ni Albert ang brown envelope na nasa center table. "Open it,"

Sinunod ni Jackie si Albert. Nanghina siya nang makita ang mga papel na nasa loob noon. "A-annulment papers..."

Tumango si Albert. "Matagal ko na dapat na ibinigay ito sa 'yo..."

"No. Hindi ako papayag dito,"

"You have to. Gusto ko."

Napaiyak na si Jackie. "Pero bakit? Akala ko ba okay na tayo? Ikaw mismo ang nagsabi sa akin noong nasa ospital si Jileen. You said everything will be fine..."

"Kailangan kong sabihin iyon para pagaanin ang loob mo. Nasasaktan ka. At ayaw kong nasasaktan ka..."

"Kaya niloko mo..." Umiling si Jackie. "Kung ayaw mo pala na sinasaktan ako, bakit ka makikipaghiwalay sa akin?"

"Mas masasaktan ka kapag nanatili ka sa tabi ko."

"Bakit? Hindi mo naman ako sinasaktan,"

"Hindi nga ba?"

Nakagat ni Jackie ang ibabang labi. Siyempre, nasasaktan siya. Pero nagmamahal siya kaya umaasa siya. Nagpapaka-tanga. "Babawi ka naman 'di ba? Hindi ka na magagalit ulit. Magkakaayos na tayo at---"

"Hanggang kailan ka aasa, Jackie? Hanggang kailan ka mapapagod?"

"Ang tunay na nagmamahal, hindi napapagod."

Namutla si Albert. Hindi ito nakasagot.

"Wala lang ba talaga kami sa 'yo, Albert? Bakit kailangan mo kaming paalisin? Tanggap naman kita sa kabila ng pagkakamali mo. Ano pa ba ang mali? Kung hindi mo naman pala kayang paninidigan, bakit bumalik ka pa?"

"Because I thought I can. Umasa rin ako. Nangarap. Natakot..." Pumikit si Albert. Agony is all over his face.

Natahimik si Jackie. Nagpatuloy si Albert. Tumingin ito sa asong si Simba na payapang natutulog sa sala.

"Hindi ko intensyon na mapabayaan si Simba. It's really my fault that she was in the veterinary clinic for weeks. Hindi ko siya naalagaan dahil na-ospital ako ng isang linggo. Nagkaroon ako ng dengue. Dalawang araw ako na walang malay. Hindi ko man lang siya naihabilin sa iba. But it was so severe I almost died. Kinailangan akong salinan ng dugo. Pero dahil rare ang blood type ko, nahirapan silang makahanap.

"I don't have any family. Kung meron man, ayaw kong i-recognize. After all, she is just my half sister. What are the chances na magka-blood type kami? Isa pa, alam kong hindi naman niya ako gusto. Kahit sino sa pamilya ng Daddy ko ay hindi ako tanggap..."

"You can always try. Hindi ka naman niya siguro pababayaan kung nasa bingit ka na ng alanganin..."

"Maybe. But I spent so many years trying. Siguro ganoon talaga ang buhay kapag anak ka lang ng ama mo sa labas. Anak ka sa kabit. You're just an accident child. Hindi ginusto. Naging sampid lang at pinilit na tanggapin dahil namatay sa panganganak ang totoo mong ina..."

Parang piniga ang puso ni Jackie sa nalaman. Isama pa ang bitter na boses nito.

"You didn't tell all these things to me..."

"I didn't want you to know,"

"Mas maiintindihan kita kung---"

"Hindi ko gustong maintindihan."

"Fine. Pero ayaw ko pa rin na umalis. Kasalanan mo rin naman ito. Ikaw ang bumalik."

"Yeah. Pero noong nasa ospital ako ay ilang beses ko kayong naisip ni Jileen. Ilang beses na sinubukan kong tawagan ka. But every time I will hit the call button, nanghihina ako. Alam kong mali. Pero gusto ko. Gustong-gusto ko. I thought I will die at that moment and all I thought is I want to die in your arms---the only person that made me feel so important, so love...

"Kaya hinanap kita. At nang marinig ko ang mga tula mo na ramdam kong para sa akin, ginusto ko na bumalik. May pag-asa pa. I have a second life, and I can have a second chance with you..."

"Hindi ka masamang ama. Kaya ka lang naman natatakot ay dahil sa nakaraan mo..."

"Siguro. Pero mali pa rin. Tanggap mo naman ako. Pero bakit lumalayo pa rin ako?" Umiling si Albert. "Hindi ko nga siguro kayang magmahal. At hindi rin ako karapat-dapat na mahalin..."

"Albert, please..."

"You're such a beautiful woman, Jackie. Napakabait mo. Napaka-mapagmahal. You deserved someone far better than me. And I want you to have that. Kaya hindi na kita ikukulong sa relasyon na ito.

"As of Jileen, she's a charming child. Natutuwa ako sa kanya. Her laugh makes everything okay. But I'm not an okay man. I don't deserve to be with both of you. Sisirain ko lang ang buhay niyo. Pero 'wag kang mag-alala. Hindi ko pa rin naman talaga kayo papabayaan. I'll provide both of you financially. And I won't take no for an answer for you. Ang gusto ko ay mag-focus ka lang kay Jileen. Alam kong ganoon rin naman ang gusto mo. Mahal na mahal mo siya..."

"Hindi ko kailangan ng pera. Kailangan kita, Albert! Gusto kitang makasama!" Halos humagulgol na si Jackie. Hinawakan niya ang braso ni Albert. She is almost pleading. "'Wag ka ng umalis. Hindi naman kita iiwan. Hindi ka namin iiwan..."

Tumayo na si Albert. "Puwes, kung ganoon, ako na ang aalis. I'm sorry, Jackie. And I wish you all the best..." wika nito at tumalikod.

Naiwang umiiyak na lang si Jackie sa sala.

PARANG baliw na nakatulala lang si Albert sa photo frame na ilang oras na yata niyang hawak-hawak. Nang bumalik siya sa sarili niyang bahay para sana tignan lang iyon at ang mag-ina niya ay iyon na lang ang nakita niya. His heart was broken. Tinotoo nga ni Jackie ang gusto niya. Umalis nga ito ng bahay kasama si Jileen. Wala rin si Simba kaya sa tingin niya ay isinama na rin nito ang aso.

It was for the better. Ginusto rin nga niya iyon 'di ba? Masyadong maganda at mapagmahal ang asawa at anak niya para manatili lang sa isang kagaya niya. Marami pang lalaki ang karapat-dapat kay Jackie. At hindi siya iyon. Sinasaktan lang niya ito. Pinapahiya.

Naging eye-opener kay Albert ang narinig mula sa ina ni Jackie. Masama nga naman siyang lalaki. Demonyo siya. Sa una pa lang, hindi niya nirespeto si Jackie. He claimed her innocence without marriage. He spoiled her youth. At nang maging mag-asawa sila ay hindi niya pa ito naggawang mahalin. Hindi rin naging maganda ang pakikitungo niya sa anak niya. Sinisira lang ni Albert ang buhay ng dalawa.

Deserved ni Albert ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. At titiisin niya iyon. Pagkatapos ng lahat, sanay na naman siyang masaktan. Gusto niyang isipin na baka kaya siya nasasaktan ng ganoon dahil bago pa lang ang lahat. Isang araw pa lang pero miss na miss na niya si Jileen. Gusto rin niyang maramdaman ang pagmamahal nito at ni Jackie. He wants his family back...

Nabuhay ang pag-asa sa puso ni Albert nang maya-maya ay bumukas ang pinto ng bahay. Nakalimutan niya pala iyong i-lock. Napatayo siya, umasa na baka si Jackie iyon. Pero napakunot noo siya nang makita ang Ate Ara niya.

"Anong ginagawa mo rito?" wika niya at ibinaba ang photo frame. Pinahid niya ang mga luha niya.

Umiling-iling ang kapatid niya. Humalukipkip ito. "Bawal na ba kitang dalawin?"

"Hindi mo naman ako dinadalaw. Wala kang pakialam sa akin," Albert bitterly said. Medyo namutla ang mukha ng Ate niya.

"I'm sorry for that," Huminga ito nang malalim. "I'm sorry for everything..."

Hindi nagsalita si Albert. Aanhin pa ba niya ang sorry? The damage has been done. Isa pa, naiintindihan naman niya kung bakit ganoon siya trinato ng kapatid niya. Nasaktan ito sa pagdating niya.

Umupo ang kapatid niya sa tabi niya. "Nang una kaming nagkita ni Jackie ko pa sana sinabi ang mga salitang ito. I went to your office. I just had my realizations..."

"Hmmm..."

"Wala na si Mommy. She died weeks ago. Mag-isa na lang ako," Biglang sabi nito.

Napatingin siya sa kapatid. Malungkot ang mukha nito. "I'm sorry. Hindi ko alam. Hindi man lang ako nakapunta..."

"Gusto mo bang pumunta talaga?"

"May respeto pa rin naman ako sa kanya sa kabila ng lahat,"

Tinitigan siya nito. "Paano?"

"Kinupkop niya pa rin naman ako kahit hindi niya ako tunay na anak..."

"Pero hindi ka niya trinato ng tama. There were times that you were cage and not fed. Ang payat-payat mo noon..."

"May nauuwian pa naman ako. At pinatapos niyo naman ako ng high school,"

"High school lang," Namatay ang Daddy nila ilang buwan pagkatapos niyang makatapos ng high school. Umalis na siya sa bahay ng mga ito. Inisip niyang kaya na rin naman niya. Isa pa, nakakahiya kung mananatili pa siya, lalo na at ayaw naman ng mga ito sa kanya.

"Yeah. Pero dahil high school graduate ako, nakakuha ako nang matinong part time na trabaho. Sa pamamagitan noon, napag-aral ko ang sarili ko sa college. Nakabuo ako ng magandang buhay,"

"I can see. Ang ganda na nga ng buhay mo. Mukhang maayos rin ang business mo. Kuwentuhan mo naman ako tungkol doon, o."

Nagkibit-balikat si Albert. "Nakapagtapos ako ng Business Administration pagkatapos ay nakapasok sa isang malaking steel company. Nagtrabaho ako ng ilang taon roon pagkatapos ay nakapag-ipon. So I try to make my own business at so far, maayos naman ang lahat. Hindi man multi-million company pero sapat na para magkaroon ako ng magandang pamumuhay,"

"Yes, maganda rin itong bahay mo,"

"Mas maganda pa rin ang bahay niyo,"

"Bahay natin," Mapait na wika ng babae. "Ang selfish ko 'no? Ni hindi ko man lang pinaramdam iyon sa 'yo dati,"

"Hindi naman talaga iyon sa akin. Hindi naman talaga tayo magkadugo sa lahat. Saka mas mayaman naman talaga ang Mommy mo. Sa Mommy mo at sa 'yo ang bahay na iyon,"

"Kapatid pa rin kita. I just wish I made you feel that before..."

"Hmmm..."

"Will you forgive me?"

"'Wag mo ng isipin iyon,"

Kumibot ang labi ng Ate niya. "Paano ko hindi iisipin eh nagkasira kayo ni Jackie ng dahil sa akin?"

"Kasalanan ko iyon. Ginawa kong big deal ang lahat. Ang tanga ko kasi,"

"Patuloy ka pa rin ba na magpapakatanga?"

"Ha?"

"Kasi hanggang ngayon, ginagawa mo pa rin na big deal ang lahat. Pinaalis mo ang pamilya mo,"

"I'm just going to hurt them. Dyina-judge si Jackie ng nasa paligid niya dahil sa akin..."

"Sinaktan mo sila dahil sa nakaraan mo. Pero kung palalayain mo ang sarili mo mula sa nakaraan, hindi mo na ulit sila masasaktan..."

Natigilan si Albert. Dahil sa nakaraan niya kaya nasasaktan niya ang mag-ina niya. Nawalan siya ng kumpiyansa sa kanyang sarili dahil sa pamilyang nagkaroon siya. Paano siya magkakaroon ng maayos na pamilya kung hindi siya nagkaroon ng isa? Kung mayroon man, hindi nito pinaramdam ang mga iyon sa kanya. Para siyang hayop kung ituring ng mga ito. Paano siya magiging isang mabuting ama kung hindi naging mabuti sa kanya ang totoong ama niya? Natakot siya. At hinayaan siyang kainin noon.

Pero kung papalayain ni Albert ang sarili sa nakaraan, puwede siyang magbago. For real. Hindi na dapat siya matakot. Kailangan niyang maniwala sa kanyang sarili.

Huminga nang malalim si Albert. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. I have already said my decision. Dapat bang bawiin ko iyon? Mapapatawad pa ba ako ni Jackie?"

"You will not know if you won't try,"

"Natatakot ako,"

"Walang mangyayari kung palagi ka na lang matatakot,"

"Hindi ko alam kung nasaan sila,"

Ngumiti ang kapatid niya. "Hindi kita tinulungan noong mga panahon na kailangan mo ako. Pero na-realize ko na ang pagkakamali ko. Nang mamatay si Mommy, I felt so alone. Wala na akong pamilya. Then I thought about you. May pamilya pa naman sana ako kung tinuring kitang parang tunay ko ng kapatid. Kaya pinuntahan kita. Nag-take chances ako na mapapatawad mo rin ako at makakapagsimula ulit tayo. And I'm glad that I did."

"Sana ganoon rin ang kapalaran ko. Pero mas pabebe ako sa 'yo, eh. Naka-dalawang chances na ako, eh."

Natawa ang kapatid. "Yeah. Maybe. But let's try and try until we succeed naman 'di ba? At babawi na nga ako sa 'yo. Kaya na kitang tulungan this time. 'Wag ka ng mag-alala. Alam ko kung saan sila nakatira," wika nito at kinindatan siya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.