Library
English
Chapters
Settings

Chapter 5: Felicidad turns AD

Napangiti ako at kinawayan ng bongga si Francis. Kung makapaglakad na naman siya ay akala mo nasa kanya ang lahat ng oras sa mundo. For sure, wala na naman siya pake kung ma-late siya o hindi.

"Bagay ba?" Tanong ko kaagad ng masuntok ko ang braso niya. "I'm liking this new uniform we have. Palda na siya! So that means lahat din ng mga sexy kong classmates makikita na ang legs!"

Inilingan lang ako ng ugok na 'to. "Bagay naman sayo." Inakbayan niya ako at bumulong. "'Wag mong masyadong mamanyakin ang mga classmates mo."

Tinignan ko siya at nagpanggap na na-offend. "Look who's talking, pervert! Sa pagkakaalam ko hindi lang ako ang mahilig sa babae sa pagitan nating dalawa."

Tinawanan na lang niya ako tapos ginulo na naman ang buhok ko. "Mauna na ako. Don't be too surprised for today, okay?"

Naguluhan ako sa sinabi niya pero nawalan na ako ng chance na linawin sa kanya ang sinabi niya. Takbuhan ba naman ako agad!

Naglakad na lang ako papunta sa classroom. Nasayang ang effort kong hintayin siya para ipakita ang itsura ko kapag naka-uniform pero okay na din. I get to proudly show everyone that I am a Medical Technologist student, 'yun ang pinakuha nilang pre-med ko. Nasa third year na ako dahil na accelerate ako. I am supposed to be a second year college student now but yeah... I'm smart enough to move on to the next year.

"Felicidad, may naghahanap sayo." Bungad ng classmate ko.

Binilisan ko ang pagpasok sa classroom at buti na lang talaga ay napatakip ako ng bibig. Pero putangina!

"Good morning, Felicidad." Nakangising bati ng tukmol na nasa harapan ko ngayon.

"Shit ka! Anong ginagawa mo dito?! Akala ko ba BA din ang kinuha mo?!" Exaggerated kong sabi at sinuntok pa siya sa braso.

It turned out that Zachary Napoleon really wanted to be a doctor. Ni hindi man lang niya ako nasabihan na summer pa pala noong nakalipat siya at nakuha na niya ang mga advance subjects na kailangan niya. At nakapag-exam din siya sa acceleration exam kaya classmates kami ngayon. It was so awesome to have my most fave Montelvaro here! My ladies would be swooned to see him here but I don't mind sharing!

The days passed like any other ordinary days. Ang espesyal na nangyari lang talaga ay kasama ko na si Zach sa course ko at pareho din kami ng kukuning med course. Ob-gynecology. Reasons behind his own decision almost matches mine in so SPG way.

Wala namang nagbago ngayong college maliban na lang na siguro ay mas humirap ng konti. Pero ganoon pa rin naman ang feels ko. Lalo na ngayon na karamihan na sa mga magpipinsang mga gagong Montelvaro ay nandito.

Noong high school kami at ang kasama ko ay si Francis at si Zachary, na-experience ko na yata ang laging may kasamang celebrity. Hindi lang naman kasi gwapo 'yung dalawa. Active sa kung ano-ano pa. Ang pinakanagpasikat sa kanila ay ang pagiging varsity player nila. Madali na lang ma-imagine kung gaano nabaliw ang mga babae sa kanila. They were famous among our schoolmates but they never turned out to be those other typical guys. Sila pa rin ang mga sarili nila at hindi sila nagbago. That is why I love them.

But that wasn't all. Hindi naman ako pahuhuli dahil mapalalaki o mapababae nagkakagusto sa'kin. I can't explain why they are so attracted to me. Given na maganda na ako pero hindi naman talaga ako nagpaparamdam sa iba pang bagay. Well it served as an advantage so I'm not really complaining.

Ngayon, ganoon pa rin naman. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay nadagdagan ang mga hinayupak Montelvaro na kasama ko. Siguro 'yun din ang pinakamalaking dahilan kung bakit marami ng galit sa akin. Lahat ba naman kasi ng pinagkakamatayan nilang mga nilalang e nababatukan at nauutusan ko lang.

School days passed too fast that I think I can't remember half of what happened. Wala naman masyadong importanteng naganap. Maliban na lang na naman siguro kay Zachary na nakahanap na ng true love niya. Being 19 and in love can really make someone go kru-kru.

Nandito nga kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Kasama ko ang tatlong BA na sila Francis, Kieth, at Dylan. Tapos si Zach na gwapong-gwapo pa rin being my classmate.

"Tinanggap niyo ba 'yung modeling offer?" Tanong ni Kieth matapos tunggain ang soda in can na hawak.

Umiling si Dylan. "Hindi ko na nga alam kung paano pa hahatiin ang oras ko sa dami ng ginagawa. Sabi ko subukan na lang natin kapag hindi na tayo maraming ginagawa. Modeling could give some extra cash, too."

Kung ano-ano pang dinadaldal nila at wala naman akong ibang ginawa kundi ang kainin ang mga pagkain nila. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng nickname at hindi ko alam kung saan ko nakuha ang biglaang idea na iyon.

"Bigyan niyo nga ako ng nickname." Singit ko sa usapan nilang apat. "'Yung seryosong nickname."

Nakatingin sila sa'kin na para bang may sinabi akong kakaiba. Aba't parang nickname lang e!

Inirapan ko sa kanila at binaba muna ang basong hawak ko. "Seryoso kasi ako. Ayoko sa birthname ko kaya bigyan niyo na ako ng bagong nickname!"

Dahil alam nilang walang silang choice kundi ang gawin ang gusto ko, nag-isip nga ang apat na 'to. Hindi ko na talaga gusto ang tinatawag nila ako sa pangalan ko. I need some kind of nickname that I'll love for the rest of my life. 'Yun bang 'yun na ang itatawag nila sa'kin forever.

"Alam ko na!" Nagtaas pa ng kamay si Zachary. "AD. Your nickname now is AD."

"Ey-di?" Tanong ko. "Eydi as in E-y-d-i?"

"Hindi!" Umiling pa siya at ipinakita na naman ang nakakagago niyang ngisi. "AD as in capital A and capital D. 'Yung letters sa dulo ng pangalan mo."

May mga ngiti na ang apat na tukmol dito na para bang may alam na sila na hindi pa nila sinasabi sa'kin. I actually like that nickname. As long na malalaman ko kung anong meron sa mga ngisi ng mga hinayupak na 'to.

Inubos rin ni Dylan ang juice niya. "Syempre may meaning 'yang AD mo."

Inakbayan ako ni Francis na parang may naloko na namang babae. "Bagay na bagay sayo 'to at simula ngayon ikaw na si AD."

"Ano ngang meaning?!" Na-excite ako bigla doon.

"AD." Zachary winks at me. "Amazong doktora."

AD. Amazonang doktora.

Napapalakpak pa ako. "I like it!"

~ ~ ~

Hindi ko in-expect na sobrang bilis lang din talaga ng panahon at ni hindi ko man lang namalayan na aakyat na pala kami sa stage para tanggapin ang una naming diploma sa ngayon. Shit! Ganoon lang tapos road to being an ob-gyne na kami ni Zachary. Magbubuklat na talaga kami ng mga vaginas very soon!

Syempre ka-batch pa rin naman namin si Francis, natatawag ko na siyang Cis sa hindi malamang dahilan, kaya sabay din siyang aakyat sa stage para kunin ang diploma niya. Summa cum laude lang naman.

I started going as AD and everyone liked it as much as I do. My girlfriends thought that it's way sexier than my real name and I love that reaction from them. Nakadagdag na sa appeal ko ang nickname na binigay ng mga hayop ng Montelvaro na iyon!

"AD! You look so pretty today! Nasaan ang parents mo?" Tanong ni Tita Fri na out of nowhere ay mahanap niya ako sa dami ng tao.

"Thank you, tita. Kausap lang po 'yung isa naming prof doon." Tinuro ko 'yung pwesto nila mama.

Nagpaalam na rin agad si tita na pupuntahan ang parents ko. Kung para saan ay hindi ko alam. Naiwan na naman ako. Sandali nga lang dahil dumating din naman ang hinihintay ko.

"I'm so ready to drink my very first alcohol today so I'll be crashing in your unit again!"

Inilingan lang ako nitong si Francis pero umakbay pa rin naman. "Bakit ba kasi hindi mo na lang aminin na hindi mo na naman nalinis ang lugar mo?"

Napangiwi ako doon. "Well..."

Totoong madalas tamad akong maglinis. Pwede naman akong magpalinis pero may mga importante kasi akong gamit na nakakalat pa at hindi ko pa naiiayos. Baka maitapon ng maglilinis 'yun.

"Dylan is opening his very own club tonight and that's where were going." Pagbabago na lang niya ng topic. "Doon tayo para libre ang lahat."

"Sabi ko na nga bang pagaganahin mo na naman 'yang pagiging kuripot mo!"

For a moment parang nawala ang iniisip ng lalaking 'to dito. Ilang araw na siyang parang biglang nawawala. Shitty ang signal ng neurons nito at parang laging sabog kapag nagkikita kami. Pero hindi ko na lang din pinansin dahil tinawag na kami.

It was too much for me to absorb. Too many happy faces and too many stuffs happening all at once. Buti na lang ay nakatakas kami agad ni Cis sa kanilang lahat. We're supposed to go in our graduation ball but we have other planned things tonight.

"You made it! Akala ko pa naman hindi na kayo matutuloy ngayon." Masayang bungad sa amin ni Dylan. "Congrats! Graduate na kayo!"

Try to imagine a guy who's only 18 years old already opening his very own club. Nakaka-proud din 'tong hinayupak na Montelvaro na 'to.

"Drinks on me. Tuloy kayo sa VIP table."

Hindi na kami naharap ni Dylan na understood na rin sa dami pa ng dumadating na customers niya. It didn't really matter. Kahit naman parang wala sa sarili niya 'tong si Francis, kasama ko pa rin naman siya.

We were about to sit down when Francis stilled once more. Doon ko na tinignan ang kung ano o sino mang tinitignan niya. A guy in a black suit. What's with him and Cis?

Napailing na lang ako at nilapitan ang nilalang na iyon. Huli na para mapigilan pa ako ni gagong si Cis.

"Hi. I can't enjoy my graduation night with Francis Montelvaro being worried about some shits. Are you one of his shits to handle?"

"Who are you, young miss?"

"AD. Call me AD Asinas."

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.