Chapter 4: When puberty loved you
"Sa Korea siya nag-senior high school? Bakit nagpaiwan ka dito? Pwede mo naman i-suggest kay Tita Fri na gusto mong doon ka na lang din mag-aral ah." Tanong na naman ni Dylan.
Inakbayan na siya ni Genesis. "Alam mo, Dy, kung natatakot ka kay Felicidad..."
Hindi pa man tapos ang sinasabi ni Genesis ay namutla na si Dylan. Napuno na naman ng tawanan at asaran ang sala.
Reunion namin noong unang beses na nakilala ng angkan ko si Felicidad. Like what happened the first time I met her, everyone loved her and accepted that she's now part of our family. She liked that. I'm glad she liked that very much.
Ang issue naman kay Dylan at sa kanya ay simple lang. Felicidad found him cute. Nalamog siya. Na-trauma na yata ang pinsan ko.
"Hindi naman na kailangang doon mag-aral ni Francis. Felicidad visits monthly here." Nakangisi na naman 'tong si Zachary. Kahit kailan talaga. "Every three months naman siya ang pupunta doon sa Korea. Nakayanan naman nilang mag-survive sa set up nila for two years."
Napailing na lang ako. Six months na kaming hindi nagkikita. It's her idea. Tutal at uuwi na rin naman na siya, magpa-miss na daw kami sa isa't-isa. Well it's what she wants but it frustrates the hell out of me.
Kumpleto kaming magpipinsan ngayon dahil reunion na rin bukas. Pa-welcome back na rin kay Felicidad dahil uuwi na siya. Mommy Fri misses her so much even though they do Skype almost every night.
"College na rin kayo sa pasukan. Sure na ba kayo sa mga courses niyo?" Tanong naman ni Giovann. Siya ang isa panganay sa amin, isa pa si Zeus. Halos isang taon ang tanda nila sa amin nila Zach at Frey.
"Karamihan naman talaga sa atin kailangang mag-BA. Pero ako BA talaga ang kukunin." Sagot ni Gabrielle.
Sumang-ayon naman agad doon si Ren. "Results na lang entrance exams ang hinihintay."
"Pwede pa tayong mag-varsity." Suggestion ko sa kanila.
"Kuya! Si Kayelle o!"
Napatingin kaming lahat kay Kyren, ang kapatid ni Kieth. Inaaway na naman pala siya ni Kayelle, ang nag-iisa naming prinsesa. Tumayo na ako at sinabing ako na ang aawat sa kanila.
Si Kayelle ang nilapitan ko at binuhat siya. "Ang prinsesa talaga!"
She flashes her cheerful grin. "I'm bullying Kyren because he's mapanget!"
"Tss. Kuya Francis don't let go of her again. She's punching me." Kyren shook his head before walking out.
Tinignan ko ulit 'tong prinsesa. I can't help but to grin back. "Stop being a bully your Kuya Kyren, okay? He won't give anymore of his chocolates."
She pouts. "Then give me yours po!"
Napahalakhak na lang ako at napailing. Kailan ko ba tinanggihan ang prinsesa? Nagpunta na kami sa kusina para ikuha siya ng gusto niya.
"I want Hersheys! Kisses too!"
Inupo ko muna siya sa counter at kinuha ang mga chocolates niya. Buti na lang talaga maraming stock si mommy.
"Can I get some too?"
Oh shit... Agad akong napalingon.
"Miss me, Montelvaro?"
~ ~ ~
"Hahahaha! Stop it, guys! You're flattering me too much. Mga gago pa din kayo kahit anong pambobola ang gawin niyo!"
The room is full of her again and it's like she never left. Ang ingay talaga niya.
"Aminin mo na kasi. Puberty worked on Felicidad." Bulong ni Zachary at siniko pa ako.
"Tss." Umiling na lang ako.
Looking at her after six months... How come she changed so much?
"She's turning 18 on April and still you don't want to admit to me that she's a lady now. Matangkad naman na talaga siya dati pero hindi mo man lang ba napansin na ang dami na talagang nagbago?" Pagpapatuloy pa rin niya sa pang-aalaska.
I can't deny what he said but I'll certainly not tell him in words.
Her hair now is longer than her usual hair style. She's paler. She moves more lady-like now and her curves are on the right places. Why does she have to grow into what she is now? I can't find the old Felicidad. Didn't I paid attention everytime we see each other in person? Tsk. This is all puberty's fault.
Ang kwentuhan ay nauwi sa movie marathon hanggang sa tulog na ang lahat sa sala. Maliban na lang siguro sa'kin na hanggang ngayon ay hindi pa rin dinadalaw ng antok.
Tubig lang 'to. Nauuhaw lang siguro ako. Bumangon ulit ako at pumunta sa kusina.
"You're not talking to me."
Nagulat na lang ako may magsalita kung saan. "F-Felicidad."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Galit ka pa din ba kasi hindi tayo nagkita ng six months? Miss na miss mo na ako pero ini-snob mo lang ako."
Hindi ko na napigilan. Napangiti na ako. "My cousins wanted your attention. Tama lang naman na i-share kita."
"Oh shut up and give me a hug, you pimple!"
I gladly did what she wanted. I walked towards her, scooped her into my arms, and hugged her tightly. Oh yeah. I miss her so much.
"No more six months away, Asinas." I whispered to her and carries her.
She giggles. "Yeah, Montelvaro. I missed you too!"
× × × × × × × × × ×
Francis seriously grew! Hell! Ni hindi ko in-expect na magiging ganito na siya ngayon. Wala na ang patpatin na kaibigan ko!
I am not a big fan of guys and I will never be but I have to appreciate his glow up. Hindi ko naman alam na magiging ganito siya. Kung alam ko lang e 'di sana pinarentahan ko siya sa mga gay babies ko!
"Have you been working out?" Out of nowhere ko na namang tanong dahil sa kakatitig sa katawan niya.
He flashes his playful grin and flex his damn biceps! "Like this improvements?"
Inirapan ko siya pero hindi ko pa rin naman naitago ang ngiti ko. Gago kasi talaga e. Topless din siya kaya naman kitang-kita kong may improvements talaga siya. I am really staring at his body for some quite time now.
We're having a lunch picnic on his bed by my request. Namiss ko ang garlic rice niya kaya naman iyon ang pinaluto ko sa kanya.
Birthday ko na naman pala bukas at excited na ako. Magiging legal na ako! Katatapos lang maman ng reunion nila kahapon kaya dito na ako nakitulog. Ni hindi ko alam na part din pala ng celebration nila ay pa-welcome back party para sa'kin. This is why I love their clan. Love na love din nila ako!
Going back to his damn body improvements, I'm sure na mas marami na ngayong babaeng nagkakandarapa sa kanya.
Hindi naman kaya...
Ibinaba ko muna ang kutsara ko. "Nag-sex ka na ba?"
Francis is taken aback to what I've said. Inubo tuloy siya ng bonggang-bongga. Pumunta naman ako agad sa likod niya para himasin iyon.
"Felicidad!"
Inilabas ko na ang pinipigilan kong tawa. "E kasi naman! Curious ako, dali na."
Humarap siya sa'kin at pinitik ang noo ko. "I. Won't. Tell. You."
Napahawak ako sa noo ko at ngumuso. "Share mo na 'yan! Pati ba sex life mo ipagdadamot mo sa'kin. Marami na siguro kaya ay--"
"She's older than me and fuck she's experienced."
Literal na napanganga niya ako sa news na 'yun! "Oh fuck! Masarap?!"
He chuckles. "Maybe."
Nabuo yata ang buong tanghali namin kakapilit ko sa kanyang magkwento pa sa sex life niya. Eventually he did. Kapalit naman noon ay ang pagkukwento ko rin sa kanya mga nangyari sa'kin ng anim na buwan.
My plan worked. Namiss nga niya ako ng sobra pagkatapos ng anim na buwan. At least, alam kong mamimiss pala talaga niya ako kapag umalis ako. For sure masu-surprise siya na lahat din nang universities na kinuhanan niya ng exams ay pinag-exam-an ko na rin.
Business Administration pa rin ang kukunin niya gaya ng plano niya noon pa man. Ako naman... I'll be an ob-gynecologist!!!
Sa Korea ko nalaman na mahal na mahal ko pala talaga ang mga pregnant mommies. May something kasi talaga sa kanila na napamahal na sa'kin and I know to myself I have to take care of them and their precious blessing inside.
Hindi 'yun ang in-expect ni mame tsaka ni dade na kukunin kong course pero suportado naman nila ang gusto ko. They said I should follow what I want so I'll get to live doing what I really love.
It turned out na nakatulog pala kaming pareho matapos ang pagkukwentuhan namin. Nagising na lang ako ng gisingin na ako ni Francis.
"A-Anong oras na?"
"11:30 PM. We need to go."
Disoriented pa ako, sabog feels. "Go? G-Go saan ba?" Napahikab pa ako.
"Basta."
Wala naman na akong nagawa dahil muntikan na niya akong buhatin para lang bumangon na ako. Gusto ko sana iyon kaya lang naawa naman ako sa kanya kaya pinilit ko na lang ang sariling kong maglakad sa sarili ko.
Kung saan mang lupalop kami pupunta, sana may pagkain doon.
~ ~ ~
"Tita Euphemia wanted me give you this and we're exactly on time."
I don't have the fucking idea what he's talking about because of my blindfold. "Pwede na bang tignan?"
"Not yet."
Ang mga naririnig ko lang ay may yabag ng mga sapatos namin hanggang sa huminto rin kami. Kanina ay siguro akong sumakay kami ng elevator.
The next thing I heard is a door opening after he somehow unlocked it. May mga narinig din kasi akong mga kalansing mga mga susi.
"Are you ready?"
Tumango at hindi ko na ma-contain ang excitement ko.
When he removed my blindfold and let me see...
"Oh..."
Wala na. Hindi na ako makapagsalita. Wala na talaga.
This is the condo unit that I chose. Ito 'yung sabi kong gustong kong tirhan habang college ako. I remember dade and mame bringing me here in this very building and I chose this. Ito iyon e...
The only difference now is that it's full of balloons and there's a cake in the middle table.
"Happy birthday."
Then all I could remember is Francis' lips... on my forehead.