Library
English
Chapters
Settings

Chapter 3: Partners in every crime

"So basically dapat um-attend na tayo ng prom kasi hindi tayo naka attend last year?" Felicidad shifted her position, facing me now.

Tumango ako at umayos din ng posisyon nang ipinagsiksikan na naman niya ang sarili niya sa katawan ko. Nakadantay pa ang binti niya sa'kin. She started playing with my chin now.

Nandito sa kwarto niya at nakahiga sa queen-sized bed. It's already 2 am in the morning and her naval is still killing her. I had to be here for her to be comfortable. Pero hindi pa rin naman siya makatulog sa sakit. Mabuti na nga lang at kalmado na siya ngayon.

It's been our thing since she had her first red days. Okay din kila tita at tito na nandito ako kahit noong Grade 2 pa lang kami. Ever since, I am allowed to stay in her room and sleep here whenever I like. Gaya ng turing nila mommy kay Felicidad, ganoon din ang turing nila sa'kin.

"Mommy wanted to see us go in a prom." Napangiwi ako ng maalala kung gaano na-disappoint si mommy last year.

"Oh yeah! Si mame din gustong-gusto akong mag-gown ng mga panahon na 'yun kaya lang 'di nga natuloy."

Last year, noong Grade 9 kami, pareho kaming nagkabulutong ng isang buong linggo. That's the reason why we just ended up having a movie marathon instead of going to the prom. Ayos naman 'yun. Kaya lang dahil wala naman kaming excuse ngayon taon, iiyak na talaga si mommy kapag hindi pa kami um-attend. Even dad encourages me to go, he said it was something I need to experience with Felicidad.

"Gusto ko ng fries." Out of nowhere na bulong niya.

I can't help but to smile. "How could you shift from prom to fries?"

Natawa na lang din siya. "Hindi ko din alam e. Francis..." Isiniksik na naman niya ang mukha niya sa leeg ko. I can basically feel her heartbeats. "...punta tayo ng McDo."

I'm starting to feel comfortable with her heat and even the gentle hum of the aircon calms me. Napapapikit na ako sa antok nang may humampas sa'kin.

"Felicidad!" Napabalikwas ako ng bangon.

"Sabi ko pumunta tayo ng McDo! Teka magpapalit lang ako ng napkin. Subukan mong matulog diyan, sisipain kita!" Banta niya at tumakbo sa banyo.

Kahit kailan talaga!

Hindi naman ako naghintay ng matagal para makatulog ulit. She's wearing the same thing and I didn't dare ask what she really did. Changing napkins are... well, girl stuff.

"Tara na!" Sagad sagad na naman ang ngiti niya. "Gamitin natin 'yung car ng pinsan ko!"

Wala naman na akong magagawa. Hindi ko ba alam kung bakit pumayag ang pinsan niyang makipaglaro sa kanya. As far as I know, she's a king when it comes to playing scrabble. Ang naging prize niya ngayon ay ang one-month use ng kotse ng pinsan niya.

Her titos and titas might be against with her choice up until this day but her own few cousins are cool with her. Bad idea lang talaga ang makipaglaro sa kanya ng kahit anong board games.

Gusto ko pang mabuhay kaya naman ako ang nag-drive. Dad taught me how to drive last year, she tagged along. Pero kung gugustuhin mo nga talagang mabuhay, ikaw ang magmamaneho para sa inyong dalawa. We did everything to not wake anyone up.

"Ano na naman kayang issue ang kakalat sa school kapag may nakakita sa atin ngayon?" Nakangisi niyang tanong. "Imagine them seeing you wearing only your sando and boxer shorts."

Napangisi din ako at tinignan siya. "Para naman hindi ka nakasando at nakashorts lang din."

Nang makarating kami sa McDo ay inakbayan ko pa siya bago kami pumasok. As expected kami lang ang customer maliban sa mga ilan-ilang nagkakape sa ganitong oras.

"Good morning, ma'am and sir!" Bati ng cashier sa amin.

Alam kong nakangisi ngayon si Felicidad kaya naman kinindatan ko si miss cashier. I love it when I make someone blush like this one.

"A-Ahmm... C-Can I get your order?"

Siniko ako ni Felicidad. That means too much flirting and should knock it down a notch. I cleared my throat. "What do you want, hon?"

Pasimple siyang yumakap para kuritin ang tagliran ko. Ouch! "We'll get one bff fries, two monster floats, and two double hot fudge. Anymore, hon?"

Umiling na lang ako at kinuha ang isang libong baon ko. Nakaipit pa iyon sa boxer ko. "'Yun lang, miss. Thank you."

Nang makapagbayad kami at maibagay ang order namin, pumunta kami sa table na malapit sa glass wall. Felicidad always liked the city night lights.

"Ang sakit ng puson ko na naman." Bulong niya matapos sumubo ng fries.

Napailing na lang ako at hinanda ang sundae niya na gagawin niyang sawsawan. Pinagpatuloy lang naman niya ang kain at ang pagrereklamo. Inilatag ko na rin 'yung fries sa tray namin at magbubukas naman ako ng mga ketchup para sa'kin. This is just the start. Kapag sinumpong na siya ng kabaliw--

"Alam mo ba 'yung regla parang ketchup? Mas liquid nga lang tapos mas mabaho 'yung amoy. Tapos malagkit 'yung makiramdam habang lumalabas siya."

Sinasabi ko na e. Agad kong naibaba ang ketchup sachets na hawak ko at tinignan siya ng masama. "Asinas, alam kong masakit ang puson mo pero hindi mo na kailangan i-describe kung anong nangyayari sa mens mo."

Napalakas ang tawa niya na akala mo kami na lang talaga ang tao dito. Hindi ko na lang pinansin ang mga nakatingin sa amin at sinubuan ng maraming fries ang bibig niya. Hindi na talaga siya no-normal pa.

Tinungga ko na lang ang float ko at nawalan na talaga ako ng ganang kumain.

"Oh shit! Is that your girlfriend?!"

Napatingin ako sa tinuro niya at sumalubong nga sa'kin ang girlfriend ko na kaakbay ng barkada niya. Naglalakad sila papasok dito. Why in the hell are they together at this hour? Nawala na ako sa mood ko. Kailan pa? Didn't I treat her right?

"Francis..."

Felicidad's warm hand envelops mine. Napapikit ako at huminga ng malalim. Nang alam kong kalmado na ako, kinuha ko ang cellphone kong nakaipit lang din sa boxers ko at tinawagan ang girlfriend ko.

"Good morning, babe. Where are you?" I asked the moment she answered.

Tinignan niya ang kasama niya at sinenyasang 'wag magsasalita. Fuck. "I-I'm home babe. Good morning."

I look at Felicidad, she's as poker faced as me. "Can I come over?"

Tinignan niya ulit ang kasama niya. She mouthed something to him. "Anong oras, b-babe?"

"Why are you stuttering, babe? Ngayon na ako pupunta dyan. Wala sila tita, 'di ba?"

"B-Babe..."

I lost it. "If you're fucking John in my back, you should've told me earlier. Hindi 'yung ginagawa mo akong tanga." She almost let go of her phone. "Look over your right and tell me you're home. We're over. "

Pagtingin nilang dalawa sa direksyon namin, doon na kinuha ni Felicidad ang cellphone ko. "You're Joyce, right?"

Wala ng kulay ang mukha niya. "F-Felicidad..."

"You don't have the pleasure of saying my name. Kapag narinig kong binanggit mo ang pangalan ko at ang pangalan ni Francis, sinasabi ko sayong pagsisisihan mong nagpahuli ka sa amin ngayon." She grins. "Your parents knew that you're alone in your house with your maids, right? Masaya siguro kung malalaman nilang nagiging pasaway ka na. Or much better, ikalat natin sa school na may affair ka. John has a long distance girlfriend, right?"

Hindi na sila nakasagot at tumakbo na palabas. It's done.

"Francis..." Felicidad suddenly sounds so hurt.

Kinabahan ako ng sobra. "What happened?!"

"U-Uwi na tayo... 'Yung regla ko... May tagos na yata ako!"

× × × × × × × × × ×

"You're so pretty, hija!"

Kahit na hindi na ako sanay magsuot ng gown ay ngumiti pa rin ako na kunwari naman ang enjoy na enjoy ko ang silver ballgown ko. It's our prom night and mommy made sure I'll look like a princess. Hindi na ako naka-angal.

"Alam na kung sino ang magiging prom queen niyo, anak." Proud na proud na sabi naman ni daddy. "Manang-mana ka sa mommy mo!"

Before I turned too emotional, dumating na sa wakas ang date ko. Walang iba kundi ang pinaka-favorite kong Montelvaro! He even brought a bouquet of roses. How... How... How would I find it when some guy gave me flowers? Kikiligin na ba ako dapat?

"Good evening po, tita and tito." Magalang na sabi niya pero sa akin naman siya nakatingin. "Wow... You look gorgeous, Felicidad."

Sarap talaga kotongan ng lalaking 'to! Sobrang gwapo lang kainis! Tinanggap ko ang dala niya. "Thank you. You don't look bad yourself too."

"O siya. Zach, ingatan mo ang anak namin. Walang curfew hours ngayon pero ibabalik mo ang anak namin 'ha." Paalala pa ni daddy.

Matapos ang ilan pang paalala at picture taking para sa remembrance, lumabas na kami. Like what I expected, my real date is here. Wow. Kahit paano gumwapo siya!

"Minsan maniningil ako sa mga kalokohan niyo. Late na ako! Susunduin ko pa 'yung totoo kong date!" Nagmamadaling sabi ni Zach at iniwan na nga kami.

Natawa na lang kami sa kanya at nagkatingin. Seryoso. Ang gwapo talaga niya oh. "Ano nga ba 'tong palabas natin?"

He flashes his grin. "Hindi na surprise kapag sinabi ko. Let's make it worth it. Sayang naman ang effort ni Zach."

Like a gentledog, inalalayan niya ako papasok sa kotse niya. I feel weird tonight but I can consider this as good weird. Siguro naman worth it na nag-gown ako for the first time ulit. Wearing make-up and accessories are too much but I had to. I needed to spoil mommy.

When we entered the school premises, akala mo may Hollywood event. Too make flashes. Too many glittery gowns. Too much prom feels.

"Wait!" Pigil niya bago pa ako makababa.

Nilingon ko lang siya at mukhang hindi na naman siya mapakali. "Alam mo, kabisado kita. Kapag hindi mo pa sinabi 'yan nga--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng inabot niya sa'kin ang isang Tiffany and Co box. Alam ko 'to. Merong ganito si mommy na regalo ni daddy sa kanya.

"Para saan 'to?"

"Mommy wants you to have it."

Hindi ko alam na ito ang unang gabi na mabibinyagan ko ang bibig ko. A diamond pendant necklace.

"Putangina ang ganda!"

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.