Summary
AD Asinas will never be your typical OB-GYN in town. Kailan ba naging typical ang isang doktorang hindi lang lalaki ang pinapalingon kundi ang buong sangkababaihan?! Hindi na talaga kataka-taka kung bakit mahal na mahal siya ng mga mommies niya. She's dangerously stunning and she knows it well. Buo na rin ang desisyon niyang pakasalan ang babaeng pinakamamahalin niya hanggang sa mangyari ang bagay na hinding-hindi niya inasahan. She loves sex, alright, but wanting to do it with someone who's more off-limits than her mommies? She's now facing the biggest confusion in her life!Francis Montelvaro is exactly the man you should avoid if you don't want your heart broken. Not just your ordinary businessman because he's also the boss of the Zen Mafia! Ang numero unong may kasalanan kung bakit si AD ang pinakaspoiled na babae sa mundo. Siya ang pinakaloyal sa lahat ng Montelvaro at pwedeng-pwede ng award-an sa pagmamahal niya sa iisang babae!Heartaches. Complications. Denials. Love. Acceptance.Ano nga bang mangyayari sa dalawang taong malabong magkatuluyan?A bitch paired up with an asshole? Perfect!
Prologue: What ifs
"You know what... I would have liked you so bad if we don't treat each other like siblings."
Hindi ko na matandaan kung ilang araw na ba akong hindi pinatulog ng sinabi niyang iyon. Fuck the alcohol for making her say that and fuck my mind for repeating it over and over again. Fuck. How long have she's been keeping that? Dapat talaga hindi na lang ako sumama noon ng hindi ko narinig ang mga sinabi niya.
Pero ayoko din noon. Mas maganda na ito. Kahit paano ay may alam ako. Mas maganda ng alam ko na ngayon ang nasa isip niya. This for the better... Fuck.
"The 'what ifs' are sometimes killing me too. Paano nga naman kaya talaga, 'di ba? What if you're just Francis and I am just... me-- not suffixed with the things we are for each other. 'Yung tipong mahihiya naman akong mag-putangina sa harapan mo! Hahahaha!"
I can't even deny that I am not affected with her words. I am. I really am.
What if...
Sino ba ang nag-imbento niyan at babarilin ko na lang sa ulo.
What if...
Paano kung matagal na akong umamin sa kanya? Tatanggapin niya ba? Anong sasabihin niya?
What if...
"But we are what we are now and I won't change it for the world. Buong buhay natin magkasama na tayo. Hindi ikaw si Francis and hindi naman ako ang sarili ko kung may mababago doon. Pero... paano kasi talaga, 'di ba?"
What if I told her I love her differently since the first time I laid my eyes on her that night?
What if...