Kabanata 8
"Binibini?"
Oh, gosh talaga! Never pa akong na-friendzoned sa buong talambuhay ko! At talagang sa year 1896 ko pa naranasan ha? At dito pa talaga sa tikbalang na 'to! Ang kapal din naman talaga ng mukha niya na i-friendzoned ako!
"Binibining Maria? Masama ba ang iyong pakiramdam? Bakit ganyan ang iyong itsura?"
Napatingin ako sa kanya at napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Ano nanaman? Ano nanaman ba ang problema niya?
"Ha? Bakit? Ano ba ang itsura ko?" tanong ko sa kanya.
"Masama ang iyong itsura, Binibini."
Masama ang iyong itsura, Binibini.
Masama ang iyong itsura, Binibini.
Masama ang iyong itsura, Binibini.
Anak ng—pitumpot pitong puchang gala! Simula Grade 1 hanggang Grade 6, muse ako! Title holder pa ako lagi! Tapos sasabihan niya ako na masama?! Sobrang sama niya rin at nung ugali niya! Masama? 'Di ba, pangit 'yon? As in ugly! Ako? Pangit? Grabe. Grabe! Hindi ko na alam. Konti na lang talaga. Konti na lang, babatuhin ko na 'tong tikbalang na 'to ng silya!
Ngumiti ako sa kanya. Gosh. Baka mamaya ako pa ang makapatay sa kanya! Lintik na Pablo Antonio na ito! Ang sama ng ugali niya! Walang kasing sama!
Pigilan niyo ako ha! As in, 0.01% na lang talaga. Promise. Oo, gwapo siya! Pilipinong pilipino, moreno, maganda ang mga mata, mahaba ang pilik mata, matangos na ilong, manipis at mapupulang labi, may adam's apple pa siya ha (evident na evident), ang tangkad niya pa at mukhang may abs!—pero, hindi! Hindi 'yon exception!
SIX REASONS WHY I SHOULD KILL THE GREAT PABLO "TIKBALANG" ANTONIO:
1. Tikbalang siya.
2. Dinaganan niya ako na muntikan ko pang ikamatay kung sakaling nabarog 'yung ulo ko.
3. Tinawag niya akong baliw.
4. Friendzoned ako sa kanya.
5. Sinabihan niya akong masama at sa modern world, pangit 'yun! Pangit!
6. Tikbalang siya!!!!!!!!!!!!
"Maria? Ginoong Pablo? Bakit tila natulala na ang aking mahal na kapatid? Ano ang nangyayari?" Napatingin ako at nakita kong nandito na pala si Kuya Emilio at Ate Gracia. Mabuti na lang! Pasalamat ka, Pablo Antonio at hindi pa ito ang tamang oras para mamatay ka! You're safe!
Ngumiti ako. "Gutom na 'ko, e."
Napa-ngiti din naman ang dalawang kapatid ko. Umupo na sila at maya-maya pa ay kumain na din kami. Seriously, ang sasarap ng mga pagkain dito! Feeling ko mananaba na ako dito.
"Mukhang gutom na gutom ka na nga, Binibining Maria." Natigilan ako sa pag-nguya ng karne. Seriously, sobrang mood ruiner niya, kung may ganun mang word! Tiningnan ko siya ng masama pero ngumiti nanaman siya ng labas ang ngipin. Gosh! Hindi ba pwedeng kumain na lang ako ng mataimtim?! At matahimik?! Bakit kailangan may pa-side comment pa siya?!
"Ginoong Pablo, kay tagal kitang hindi nakita. Ngangayon ka ba muli umuwi ng San Antonio?" tanong ni Ate Gracia.
"Oo, Binibining Gracia. Halos isang taon rin akong hindi naka-uwi ng San Antonio. Noong nakaraang buwan lamang ako naka-uwing muli."
Bakit parang close naman sila ni Ate Gracia? Pero si Maria Yrratia 1896, hindi niya kilala? Where you at ba kasi nanaman, Joselito? Akala ko ba lagi ko siyang kasama?
"Ganoon ba?" Tumango naman si Pablo. "Kamusta naman ang iyong pag-aaral ng abogasya sa Pamantasan ng Santo Tomas?"
Teka, abogasya? Nag-aaral ng abogasya ang tikbalang na ito?! Aba, akalain mo nga naman.
Atty. Pablo Tikbalang Antonio
Pwede, pwede.
"Maayos naman, Binibini. Isang taon na lamang at ako'y magiging ganap na abogado na."
Naka-ngiting naka-ngiti siya nung sinabi niya 'yun. Mukhang gustong gusto niya talaga na maging lawyer... sana ako rin, sana ganun ko din kagusto 'yung course ko. Kaso, hindi. Hindi naman about sa Politics ang hilig ko. Sobrang layo. Ni minsan hindi ko pinangarap na mapasama sa politika. Sana... sana alam 'yun ni Papa.
"Malapit ng matupad ang iyong pangarap, Ginoong Pablo. Kaunti na lamang..." ani Ate Gracia.
"S-Salamat..." Teka nga! Oh, gosh—nag-ba-blush si Pablo! No way! I smell something fishy in here! Kinikilig ba siya?!
"Walang anuman, Ginoo." Tiningnan ko naman si Ate Gracia, mukhang wala lang naman sa kanya. Hindi naman siya namumula, kinikilig or what?
Tumingin ulit ako kay Pabalang (Pablo + Tikbalang), pulang-pula pa rin siya at parang asong naka-ngiti. Gosh!
Don't tell me na one-sided love si Maria Yrratia 1896? At ang gusto pa talaga ni Pabalang ay ang Ate niya?