Library
English

La Bella Dama

92.0K · Completed
shattereign
73
Chapters
20.0K
Views
8.0
Ratings

Summary

Maria Yrratia, a girl from the present, time travelled back to the past. In order for her to go back to the present, she needs to fulfill her mission: to stop Pablo Antonio from joining the revolutionary society of the country at that time. As time passed by and as she stayed in the year 1896, she got to know more about 'Pablo', the naughty, funny and handsome man that she's bound to fall in love with.

RomanceYoung Adultlove-triangleArranged marriagePregnantMarriageFemale leadNew AdultTrue LoveHistory

Simula

I hate this.

I really really hate this.

Hindi ko alam kung ilang beses ko na sinabi ang mga katagang 'yon, one thing's for sure: sobrang daming beses na. Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nasabi 'yon sa loob ng apat na taon.

I'm currently listening to my professor in history, but my mind wanders to so many what ifs. What if I didn't listen to my father? What if I took the course that I wanted instead? But what can I do? Wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang sumunod sa Papa ko.

Lahat na lang ng gusto niya, 'yun dapat ang masusunod. Ni parang wala na akong kalayaan na piliin o gawain kung anong bagay ba talaga ang gusto ko.

And sometimes, I ask myself... tunay nga bang malaya ang Pilipinas?

Tunay nga bang malaya na ako?

Kung oo, bakit ako hindi?

"Leonor Rivera was one of Jose Rizal's past lovers, his near cousin and childhood sweetheart who became his inspiration behind the character, Maria Clara in Noli Me Tangere..." sabi ni Professor Hidalgo.

I rolled my eyes inwardly. This is my most hated subject: history. Kanina ko pa gustong pumikit at matulog na lang dahil wala talagang pumapasok sa utak ko every time na Philippine History ang subject namin.

Sobrang boring, like what the hell? Why do I even need to study about this subject? History na nga, hindi ba? Hindi ba sila naniniwala na past is past? Past na nga, 'di ba?

Dapat kinakalimutan na at ibinabaon sa hukay. Hindi ba sila maka-move on? Kailangan ba talagang palagi pang ipaalala ang nakaraan? Binabalik balikan pa? At worst, pinag-aaralan pa. So, nahihirapan pa kami ng dahil d'yan sa lintik na history na 'yan.

"A native of Camiling in Tarlac, Leonor Rivera captured Rizal's heart when they met during the former's thirteenth birthday party..."

Alam mo 'yung tipong sobrang boring at nakaka-walang gana na nga iyong subject na tinuturo sa inyo, tapos ganito pa 'yung Professor niyo? 'Yung kulang na lang alayan ka ng kama at unan para matulog ka na, kasi sobrang nakaka-antok talaga siya magturo at pati na rin iyong boses niya.

Tss. I cannot! Hindi ko na kayang tumagal pa ng isang segundo dito at makinig sa walang kwentang history na 'yan. Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko, malapit na sana ako lumabas ng pintuan ng aming room ng nasita pa ako ni Professor Hidalgo.

"Ms. Alejandre, where do you think you're going?" tanong niya sa akin.

Napatingin naman ako sa magka-bilang gilid ko, pati na rin sa likuran ko.

"Wait... Prof, are you talking to me?"

"Sino pa ba ang Alejandre ang apelyido dito? Hindi ba at ikaw lang naman?" sagot niya pabalik.

"Guys, may Alejandre pa ba dito?" tanong ko sa mga kaklase ko. Lahat sila ay umiling at natatawa na yata sa akin. Mukhang nagising na lahat ng tulog kanina ah. Nice. Thanks to me, Sir!

Natigil ang paglibot ng tingin ko sa buong room dahil sa kanya. I rolled my eyes at him. Ang epal niya lang talaga sa life, well, as always naman.

"So, Professor, why?"

"Anong why? Saan ka sa tingin mo pupunta? Hindi ba at nagka-klase pa ako rito?" tanong niya.

Napa-irap naman ako ng wala sa oras. "Oh? Nagka-klase po ba kayo? Sorry po, Professor! I thought I was in the wrong class," ani ko.

Kumunot iyong noo niya. Nginitian ko naman siya ng napaka-ganda. "Akala ko kasi sleeping class itong napasukan ko," I winked at him before finally walking outside of the classroom.

Kaagad akong napatigil nang makasalubong ko si Ava sa hallway. She was with her new boyfriend. Sinamaan niya ako nang tingin nang makita niya ako, hindi ko na lang siya pinansin.

What's new, really? Galit pa rin siya sa akin ng dahil sa kasalanang hindi ko naman alam at ginawa. Nilagpasan ko na lang siya at dumiretso na ako sa library para magbasa ng mga libro tungkol sa Architecture.

Here's the thing about my life: I'm already in my fourth year as a Political Science student. I never liked the course, kinuha ko lang 'yon dahil wala akong ibang choice kung hindi ang sundin ang gusto ni Papa. I really wanted to be an Architect someday, kaya naman kapag wala akong ginagawa ay dumidiretso ako dito sa library para magbasa ng mga libro tungkol doon.

Maybe... someday, I can pursue that course. Kapag kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa. Kapag hindi ko na kailangan ang suporta ni Papa. After all, ilang buwan na lang naman ang titiisin ko sa kursong ito.

Political shits. I was never interested in this kind of topic, but look where I am now, in a few months I'll be graduating in this course.

Pinagmasdan ko ang overlooking view ng syudad. This is my favorite view, ang makita ang mga ilaw mula sa naglalakihang building tuwing gabi. I promised myself that someday I'd be the reason why a building is existing.

I glanced at my watch. Nakita kong alas onse na ng gabi. Wala pa rin akong balak umuwi, dahil wala naman akong uuwian. Mas nakakatakot pa ngang maging mag-isa sa bahay kaysa maging mag-isa ngayon dito sa rooftop ng isang building.

I spent a few more hours up there. Kailangan ko lang talagang magpalipas ng oras sa kung saan bago ako tuluyang umuwi. Napagdesisyunan ko lang na umuwi na nang magsimula nang mawalan ng ilaw ang mga gusali.

"Bakit ngayon ka lang?"

Nagulat ako nang makita ko siya na naka-upo sa salas namin. Kaagad siyang tumayo nang makita ako. Pinigilan ko ang sarili ko na umirap. Nakakainis! Two na nga ng umaga ako umuwi, pero ito at gising pa rin siya. Sa tagal ng panahon na iniiwasan ko siya, ngayon naabutan niya na ako.

"Bakit nandito ka?" tanong ko pabalik.

"I am asking you, young lady. Bakit ngayon ka lamang umuwi? Alam mo ba kung anong oras na? Maling araw na!" dumagundong ang boses niya sa kabuuan ng mansion.

"Busy ako sa school," sagot ko.

"Busy sa school o busy sa mga barkada mo? Akala mo ba hindi ko alam na puro ka party? Wala ka na bang ibang alam kung hindi ang magsaya?"

Pinigilan ko ang sarili kong umirap. What a life! Pagod na nga ako sa pag-aaral sa isang kursong hindi ko naman gusto tapos ganito pa ang aabutan ko? Kaya ayoko talagang umuwi dito, dahil minsan nandito siya. I kept on reminding myself na konting tiis na lang, makakaalis din ako dito.

"Ayan na lang ba talaga ang aatupagin mo? Nakita mo na ba ang mga marka mo? Hindi mo man lang ako binigyan ng kahit kaunting kahihiyaan!"

Umakyat na ako sa hagdanan. I didn't need to hear this. I didn't want to hear him out. Wala rin namang point kung sabihin ko sa kanya na kasi hindi ko naman talaga gusto ang course ko. Hindi niya rin naman ako papakinggan. Ilang taon, hindi niya ako dininig, kaya bakit ngayon papakinggan ko siya?

Sabi nga nila, respect begets respect.

The same way in our situation, why would I hear him out when he failed to hear me out first?

"Alam mo namang isa akong heneral! Bigyan mo naman ako ng kahit kaunting kahihiyaan man lang!"

I stopped midway. Ginusto ko bang maging anak niya? Ginusto ko bang maging anak ng isang heneral ng bansa? Hindi naman, 'di ba?

Ni hindi ko nga lubusang maintindihan kung bakit General siya, kasi sa pagkakaalam ko, malaya nanaman ang Pilipinas, hindi ba?

Ano pa ang dapat niyang protektahan?

Ano pa ang dapat niyang ipaglaban?

"Maria Yrratia!" malakas niyang sigaw na dumagundong nanaman sa kabuuan ng bahay namin. Siguro gising na lahat ng katulong namin pati na rin ang mga kapitbahay namin.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang nagbabadyang mga luha. Why would I cry? Para namang hindi pa ako nasanay sa mga salita niya.

"Huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita! Wala kang respeto! Ama mo ako!" aniya.

Tuluyan ko na siyang hinarap ngayon. Nginitian ko siya ng sarkastiko, kasabay nang pagtulo ng luha. "Wow! Just, wow, Papa! Anak mo pala ako? Ama pala kita? All this time, hindi ko kasi 'yon nararamdaman!" sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam na magulang ko pa pala siya. May magulang pa pala ako? Ano? Bakit ba siya nandito? Bakit pa ba siya umuuwi dito? Hindi ba at higit na mas kailangan naman siya ng sambayanang Pilipino higit pa sa sarili niyang anak? Hindi ba at mas mahal niya naman 'yon? Hindi ba at mas mahalaga naman 'yon sa kanya?

I was never his priority.

He never made me feel like I am his daughter.

"Yra!" banta niya.

"Ang alam mo lang namang gawain ay ang iligtas ang mga tao! Ang protektahan sila at ang bansa! Nagagawa mo pang unahin sila! Ni wala ka na ngang oras para sa sarili mong anak! Ni wala kang oras para sa akin! I hate you, Papa!"

At hindi ko na napigilang hindi umiyak. Sobra na kasi. Bakit ba hindi na lang siya doon sa trabaho niya? Makipagbarilan siya. Makipag-away. Makipag-gerahan. Kaysa dito... na wala naman siyang ibang alam kung hindi ang magalit sa akin at ang ipamukha sa akin kung gaano siya ka-disappointed sa akin. Kung gaano niya ako sinisisi sa isang bagay na wala naman akong kontrol.

Sa isang bagay na hindi ko naman ginusto.

Isang sampal ang nakuha ko mula sa kanya. Mas naiyak ako pero pinilit ko pa rin na ngitian siya. "Sana ako na lang ang namatay..." At hindi si Mama.

Hindi ko na naabutan si Mama, pero alam ko namang kung buhay pa siya, hindi naman magiging ganito. Namatay siya dahil sa panganganak sa akin. Alam ko namang sinisisi ako ni Papa, kasi oo nga naman, sino ba naman ako kapalit ng buhay ni Mama? Sino ba naman ako kapalit ng pinakamamahal niya? Sino ba naman ako?

I'm just a burden and a big disappointment to him.

"Yra... Anak..."

"No," sabi ko. "Don't call me that, because the moment that you laid your hands on me, I already lost my respect for you."

"Yra... I'm sorry..." he apologized.

Umiyak ako lalo. Sorry?

Sorry para saan?

Sa loob ng dalawampung taon, wala siyang ibang ginawa kung hindi ipadama sa akin na kasalanan ko lahat. Kasalanan kong namatay si Mama at ako ang nabuhay... at madalas, hinihiling ko na sana ako na lang ang namatay.

"Alam mo, Papa, sana hindi na lang ako ipinanganak sa panahong ito, para sana buhay pa rin si Mama."

"Don't say that, anak..."

"At kung maipapanganak man ako sa ibang panahon, sana lang... hindi ikaw ang maging tatay ko."