Kabanata 1
"Ayoko na dito sa panahong ito! Ang walang kwenta ng buhay ko!" I started shouting.
No family. No friends. Ni walang nagmamahal o nakaka-alala man lang sa akin. My life's worthless. Sana kung ma-ipapanganak man muli ako, 'yung buo na 'yung magiging pamilya ko, maraming kaibigan at mahal ako ng mga tao. Iyong hindi ko kailangan na maabot palagi 'yung expectations ng mga tao sa paligid ko.
"I wish to just be gone from this era!" I shouted again. Kanina pa ako sigaw nang sigaw dito sa cliff. Wala naman kasing makaka-rinig sa akin dito at wala rin akong pakialam kung mayroon man.
Siguro 'yung mga bathala, gods and goddess-but who am I kidding? Who believes in such things like that anyway? It's all just myth. Kalokohan. Walang gano'n sa totoong buhay.
"Hoy! Kung may nakikinig man na bathala ngayon! Pakinggan mo ako! Ha! Listen to me! Gusto ko ng buong pamilya! Mga kaibigan! A new freaking life! Ayoko na dito! Ayoko na sa panahong ito! Gusto ko nang umalis dito!"
Gabing-gabi na, pero ano? Ito at nandito pa rin ako sa labas. Ipinapahanap man lang ba kaya ako ng tatay ko? Malamang, hindi. Kasi, sino ba naman ako? Wala lang naman ako sa kanya. Hindi naman ako mahalaga.
I'm only just Maria Yrratia Alejandre. There's nothing special about me. Siguro ito lang ang espesyal sa akin: anak ako ng isang heneral sa bansa ng Pilipinas.
My father's a soldier.
Ni hindi ko nga maintindihan! Malaya na ang Pilipinas, 'di ba? Kaya nga may Independence Day! Kada-12 ng June! Kaya nga pinag-aaralan namin sa lintik na Philippine History subject 'yon! Kasalanan talaga 'to ng mga sinaunang tao, kung pinagkaligtas ligtas ba naman nila ang Pilipinas nang mainam, edi sana hindi ganito. Hindi sana sundalo 'yung tatay ko, wala sana siyang kailangang protektahan na mga tao. Wala sana siyang kailangang protektahan na bansa!
"I hate the present! I hate the future and most of all, I hate the past! I hate history! Ayaw na ayaw ko sa Philippine History na 'yan!" my voice echoed.
"Talaga?"
Halos atakihin ako sa puso sa boses na narinig ko mula sa likod. Kaagad akong napatingin sa tao na nasa likuran ko. Boses 'yon ng isang lalaki! Dahan-dahan ay nakita ko ang mukha niya. Oh, holy shit... he looks like an angel!
"Ayaw mo rito? Ayaw mo rin sa future? At mas lalong ayaw mo sa past? Kung ganoon, saan mo gusto mapunta?" he asked.
"Wala!" sagot ko, ngayon ay kinakabahan na.
Sino ba kasi 'to?! Kahit pa gwapo siya, hindi pa rin siya ligtas ano! Malay ko ba kung kidnapper siya o kung anong modus man niya 'yan! Mamaya member pa ng budol-budol gang 'tong gwapong 'to! We'll never know, no! Sabi nga nila, don't trust strangers.
"Tinawag mo ako..."
Nanlaki iyong mga mata ko. Seriously? Niloloko niya ba ako?
"Ano'ng-"
He cut me off. "Nasigaw ka, hindi ba? Ako si Bathala, ako ang tinawag mo," he took one step closer to me.
I took one step back.
"Ano?! Are you kidding me?!" I asked, my heart beating wildly inside my chest. Baka mamaya kung ano ang gawain niya sa akin! Ayoko pang mamatay!
Umiling siya at mas lumapit pa sa akin. Umatras naman ulit ako ng isa palayo.
"Don't you dare come near me!" I warned him.
Ngumiti pa siya lalo sa akin. "Go on, wish anything. Tutuparin ko ang kahit ano mang magiging kahilingan mo."
Aba at talagang niloloko akong mabuti ng lalaking 'to, ha. Sige lang. Ang lakas ng trip niya ha! Sasabayan ko siya sa trip niyang 'yan!
"Talaga? Ikaw si Bathala?"
Tumango siya sa akin. "Hmm, okay, kung ikaw nga... can you bring me to another era? Another generation? Wherein I'll have a complete family, a set of friends and a happy life."
"Sure," sabi niya. "Wish granted."
Lumapit pa ulit siya sa akin, mas humakbang ako patalikod. Shit! Baka mamaya kung ano ang gawain sa akin ng lalaking 'to! Kailangan ko nang tumakbo habang maaga pa! Tatakbo na sana ako nang umimik ulit siya.
"Matutupad ang kahilingan mo."
He snapped his fingers in front of me and slowly... the setting changed. What the hell?
Hell, no! Totoo ba 'to?! Dahan-dahan ay nagliwanag ang kapaligiran at ang cliff ay napalitan ng mga sinaunang bahay at may mga kalesa pa. May mga tao rin na nakasuot ng baro't saya. Oh, my... gosh!
They're everywhere!
Napatingin ako sa gwapong lalaki na nasa harapan ko, maging siya ay nakapang-sinaunang damit na rin ng mga kalalakihan noon ngayon. Napatingin ako sa sarili ko... at laking gulat ko ng naka-baro't saya na rin ako!
No way!
No freaking way!
Colonial buildings were everywhere. Mayroon ding mga bahay na gawa sa bato. May mga cart na naglalaman ng mga gulay na dinadala ng mga kabayo. Parang noong 19th century, mga sinaunang tao... parang noong sinaunang panahon.
"'Yan na ang iyong kahilingan, Binibini."
I was caught off guard when he bowed in front of me. So... totoo ngang siya si Bathala?! Hindi siya nagbibiro kanina nung sinabi niyang tutuparin niya ang kahilingan ko?!
No way!
"Hoy!" turo ko sa kanya. "Ibalik mo ako sa dating panahon! Sa panahon ko! Ayoko na dito!" I shouted.
There's no way in hell that I am going to wear baro't saya! I so much hate history!
"Pasensya na... ngunit hindi ko na pwedeng bawiin pa ang isang kahilingan na naibigay ko na."
Iyong pananalita niya parang pang-sinauna talaga! Gosh, no, no, no! I am never going to speak like that!
"So, what? What do I do now? Hinahanap na ako ni Papa! Nina Manang Luna! Everyone!" I said.
Ngumiti siya nang tipid. "Pasensya na, ngunit hindi ka pa maaaring bumalik sa iyong panahon, Binibini."
"What? So, ano? Paano? Kailan? Kailan mo ako ibabalik? May mission ka-echosan pa ba ako dito?"
Ganoon 'yung mga nababasa at napapanood ko. So, gano'n din ba ang mangyayari sa akin?! That's just funny! Napaka-realistic ha. Kapani-paniwala talaga!
"Mayroon, Binibining Maria."
Natigilan ako. He just called me Binibining Maria! What the hell? I've always hated my first name! So old and so lame! Ano ba 'yan! Nakaka-cringe!
"Ano?"
Hala! Nakakatakot! Baka mamaya hindi na ako makabalik pa sa panahon ko! Ayoko dito sa past! Paano na lang ako mabubuhay dito?! Ano ba ang alam ko sa pamumuhay sa sinaunang panahon?!
Wala!
Okay! Binabawi ko na po ang lahat! Sana si Papa pa rin 'yung tatay ko! Magtitiis na lang ako! Please!
"Mayroon kang misyon kaya kita dinala sa panahong ito," he said.
"What?!" I exclaimed.
So, ano? Makikipagbakbakan din ba ako sa mga labanan dito?!
"Kailangang mabuhay ka."
What? Ang gulo niya?
"Oh? Tapos? Ayun na 'yon?"
"Hindi." Tumingin siya sa aking mga mata ng diretso. "Si Pablo Antonio ang iyong misyon dito."
"Ha? Ano'ng kinalaman nung Pablo Antonio dito? Tsaka, bakit ako?" I asked, naguguluhan na masyado sa sinasabi niya. Ano namang pakialam ko sa Pablo na 'yon?!
Umiling-iling siya na parang naiinis na sa marami kong katanungan. "Malamang, ikaw ang nandito ngayon." Ngumiti nanaman siya. Ang hilig niya lang ngumiti! Argh! Sarap i-uwi! "Kailangan mong mapigilan si Pablo Antonio sa pagsali sa samahan."
"Huh? Anong samahan?"
Napangiti nanaman siya. "Malalaman mo rin dahil mangyayari ang mga dapat mangyari. Basta, upang makabalik ka sa panahon mo, kailangan mong mapigilan si Pablo Antonio."
"What? Bakit? Sino ba siya?"
Umiling nanaman siya. "Si Pablo Antonio ang iyong misyon dito, Maria."
"Bakit? Ano ba ang mangyayari?" I curiously asked him.
"Sumali siya sa isang samahan na magrerebolusyon at maraming madudugong labanan ang kakaharapin niya."
Natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko.
Oh... my gosh!
Don't tell me?
"Oo, nasa taong 1896 ka," sinagot niya na ako kahit hindi ko pa naman tinatanong.
"Ano?! Don't tell me panahon ito ng gerahan?!"
Ngumiti nanaman siya sa akin. Nakaka-inis na siya! Ngiti na lang siya nang ngiti! Ang sarap niyang sakalin kahit pa gwapo siya! Hindi siya exception!
"Medyo."
Oh, god! 'Di ba ito 'yung panahon ng Filipino Revolution, tapos kung kailan nabuo 'yung mga samahan na nagrebolusyon noong panahong 'yon?! How nice! May kwenta rin naman pala ang mga itinuturo sa amin ni Professor Hidalgo!
"Kailangan mong mapigilan si Pablo Antonio sa pagsapi sa samahan upang tuluyan ka nang makabalik sa iyong panahon at sa kasalukuyan."