Library
English
Chapters
Settings

Kabanata 2

"So, nasaan tayo ngayon?" I asked.

I looked around the area. This place really seems familiar to me, parang nakapunta na ako dati rito. Feeling ko lang naman, hindi ko rin sigurado.

"Nasa Maynila tayo sa ngayon."

"What?" I unbelievably asked him.

Inilibot ko ang tingin ko sa kapaligiran. Ganito ang itsura ng Manila noon? Sobrang linis lang! Kaya pala siya familiar! Manila Bay pala itong nakikita ko ngayon! Sobrang linaw pa ng tubig - as in. Wala pang mga basura at kakalat-kalat man lang dito. Free from pollution and dirt. Sobrang sariwa pa ng hangin.

"Really? Ang ganda ng Manila dati," I said in awe.

"Pwede ba, Binibining Maria, ikaw ay magsalita nang naaayon sa panahong ito?"

Napatingin ako sa kanya. "Kailangan ba talaga nun?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Mapagkakamalan kang isang baliw kung ikaw ay magsasalita ng kakaibang lenggwahe."

"Geez, fine."

I rolled my eyes at him. Napangiti nanaman siya, ang hilig niya lang talagang ngumiti? Nakakainis na ha. Samantalang ako, busangot na busangot na ang mukha dito!

Naglalakad na kami ngayon, ni hindi ko nga alam kung saan ako dadalahin nitong budol-budol gang member na 'to, e.

"Ikaw ay nag-aaral sa Kolehiya ng La Concordia upang maging isang madre."

"What? Magiging madre ako?! Ang gulo-gulo mo naman! Akala ko ba—"

Tinapat niya iyong kamay niya sa bibig ko para pigilan akong mag-salita. Aba at may pagka-bastos! "Shh. Huwag madaming tanong, Binibini."

Hala, ano ba naman 'yan! Madre pala ako dito? Ang... weird! Very weird!

"Ngunit, mamaya ay uuwi ka na sa inyo, sa San Antonio."

"San Antonio?"

"Ang tirahan mo ay nandoon sa bayan ng San Antonio, maging ang iyong pamilya."

Family. What a word.

"Complete family ba?" tanong ko.

"Oo, hindi ba at iyon ang iyong kahilingan, Binibini?" tapos ngumiti siya na parang nang-aasar.

Natigilan ako...

Naalala ko 'yung hiniling ko...

"Hoy! Kung may nakikinig mang bathala ngayon! Pakinggan mo ako! Ha! Listen to me! Gusto ko ng buong pamilya! Mga kaibigan! A new freaking life! Ayoko na dito! Ayoko na sa panahong ito!"

'Yan! Ito tuloy ang napala ko ngayon! Malay ko bang totoo 'yang mga bathala ka-echosan na 'yan! Malay ko bang may nakikinig pala talaga?!

"Bathala ka nga ng ano?"

"Bathala ng panahon."

"So... may powers ka?!"

Oh, my gosh! Ang cool, cool naman ni BNP! Sana may powers din ako katulad niya! Ano pa kaya ang kaya niyang gawain?

"Powers? Wala akong ganoon..."

Luh! Binabawi ko na! Napaka-boring naman pala nitong si BNP. Walang thrill! Hindi exciting! Bathala... pero walang powers? Walang kwenta. Ano ba 'yan? May bathala bang walang powers?

"Eh ano? Kung wala, paano mo ako nadala rito?" tanong ko.

Tatanggi pa 'to! Akala mo naman ipagkakalat ko! Ayaw niya lang sigurong sabihin! Tss! Hindi ko naman aabusuhin 'yung powers niya! Slight lang!

"Fate," simpleng sagot niya tapos umuna na siya sa akin sa paglalakad. Sa totoo lang, sobrang gwapo niya talaga! Mukha talaga siyang angel! Grabe!

Tumakbo ako para maabutan siya. Ang hassle naman ng baro't saya na 'to!

"Paano 'yon? Wala naman akong alam sa pamumuhay dito?" tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako ng seryoso. Hala! Bakit ba siya ganyan maka-tingin?!

"Huwag kang mag-alala, Binibini. Palagi lang naman akong nandito para sa 'yo, kung nasaan ka, nandoon din ako."

Hala! Bakit biglang ang init dito?! Kung ano-ano naman kasing nalabas sa bibig nitong si BNP! Hindi nakakatuwa!

"Ihahatid na kita ngayon sa iyong dormitoryo," aniya.

Napabalik tuloy ako sa kung nasaan ako. What? Dormitoryo?

Wow, uso na pala 'yon noon?

Gaya nga nang sabi niya, inihatid nga ako ni Bathala sa aming dormitoryo. Nilabas siya ng parang head kuno ng mga madre dito, tapos halos lahat ng mga kababaihan ay mga naka-damit na parang kay Maria Clara.

"Mag-iingat ka sa iyong pag-uwi, Ginoong Joselito," paalam ni Mother Superior kuno sa kanya. What? Ginoong Joselito ang pangalan niya? Joselito? Ang bago ha. "Maraming salamat po, Madam Amanda. Mauuna na po ako."

Tapos, bumaling siya sa akin. "Paalam din sa iyo, Binibining Maria." Then, nag-bow nanaman siya.

Chivalry is very alive in here. Nako nga. Samantalang, sa panahon ngayon... ay ewan. Wala ka nang mahahanap na gentleman! Puro mga bastos na ang lalaki at walang respeto!

"Maghanda ka na, Binibining Maria. Sabay tayong uuwi ngayon sa San Antonio."

Napatingin ako kay Madam Amanda at walang nagawa kundi ang tumango. Gosh, she's scary! Mukhang ang taray-taray niya. Parang si Miss Minchin, kaso medyo chubby nga lang siya.

Fluffy Madam Amanda!

At saka, wait—nasaan na 'yung kung nasaan ka, nandoon din ako ni Joselito or BNP? Bakit niya ako iniwan mag-isa?! Nakakainis naman!

Umakyat na ako sa hagdanan. Mabuti na lang at hindi ako naligaw, may mga naka-sulat kasing pangalan ng magkakasama sa kwarto at ang name ko ay Maria Yrratia.

Maria

Lucia

Avelita

Pumasok ako doon at nakitang may isang babaeng morena at mukhang dalagang pilipina lang talaga. Mukhang ang hinhin-hinhin niya.

"Oh, Maria. Naka-uwi ka na pala. Balita ko ay si Ginoong Joselito ang naghatid sa iyo rito sa dormitoryo. Naakyat na ba siya ng ligaw sa iyo?" tanong nung babae na para bang inaasar ako.

"Ha? Hindi ah!" kontra ko. Whew! Ano 'yon? Si Bathala, nililigawan ako? Ang weird naman! Geez, uso na rin pala nung mga panahong 'to 'yung mga taong mabilis mag-assume at mag-conclude tapos magiging chismis. Uso na din pala 'yung mga pa-issue. Nako nga. Naalala ko tuloy si Ava, bilis maniwala sa chismis, tapos bigla na lang magagalit nanaman sa akin out of nowhere.

Napatingin ako sa kabilang kama, may isa pa palang babae doon. Hindi ko kasi napansin kanina nung pagpasok ko. Maputi naman siya at mukhang may lahing kastila, ang ganda niya sa totoo lang.

What? Sinong kapatid?

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Avelita, mag-ayos ka na, tayo ay magrorosaryo pa."

Nginitian rin ako pabalik ni Avelita. Nginitian ko rin ulit siya pabalik. Ah... si Lucia pala 'yung isa. So, sila pala ang dorm mates ko.

Ngumiti lang silang dalawa kaya nagsimula na akong mag-ayos ng gamit. Nilagay ko 'yon sa parang maleta nila nung panahon na 'to, isang box na gawa sa banig. Cool huh. Nalaman ko rin na uuwi rin pala sina Avelita at Lucia, pare-parehas pala kaming taga-San Antonio—nalaman ko ring bestfriends ko pala sila. Buti pa sa panahong 'to, may kaibigan ako.

Sumakay kami sa isang karwahe. Katapat ko si Lucia at Avelita at katabi ko naman si Madam Amanda.

"Malayo pa ba?" tanong ko ng medyo ang tagal na namin sa karwahe tapos pinasara pa ni Madam Amanda 'yung bintana. Hindi tuloy ako makapag-sight seeing! Ang kill joy ever!

"Alin ang tinutukoy mo, Maria?"

"Uhm... San Antonio?"

Tumawa silang dalawa. O–kay. Malay ko ba? Hayst. "Maria, nakalimutan mo na ba? Sasakay pa tayo ng barko upang maka-uwi ng San Antonio."

Nanlaki iyong mga mata ko. Ang layo naman! Kailangan pa talaga ng barko?

"Hindi mo na ba naaalala? Sabagay, apat na buwan ka na ring hindi nakaka-uwi doon."

"Tatlong araw tayong maglalayag, Maria. Malayo sa Maynila ang San Antonio."

What?! Three days?! Ang tagal naman!

Tumigil ang karwahe, kaagad na nagbukas 'yung pintuan noon at narinig ko na agad ang ingay ng barko. Nasa daungan na pala kami. Puro gawa pa sa kahoy ang mga barko. Wow. Ang lalaki! Ang dami ring tao!

"Halika na, Maria!" tawag ni Avelita. Hinila niya ako sa wrist, napatagal yata masyado ang pagtitig ko sa barko. Sumakay na kami sa barko, ang ganda niya sa totoo lang. Medyo nahilo nga lang ako nung nagsimula na 'yun umandar. Buti na lang nakaka-sakay na rin naman ako dati sa mga barko, kaya medyo nasanay na rin ako.

Mabilis lumipas iyong tatlong araw. Wala rin naman magawa sa barko, pero masasarap 'yung pagkain doon. Mas nakilala ko pa si Avelita at Lucia, lahat pala kami galing sa makapangyarihang pamilya. Ayun lang, si Madam Amanda... mataray siya talaga at may pagka-suplada. Hindi naman kami nun lumalabas sa mga kwarto namin, kasi wala rin naman kaming gagawin.

Nang paglabas namin sa barko ay sobrang daming taong nag-aabang sa daungan, napatingin ako kay Avelita at Lucia, pareho silang may sumalubong na mga pamilya. Ako kaya? Teka nga, nasaan ba 'yung si Bathala! Wala akong alam dito! Ni hindi ko kilala ang pamilya ko! Sino ba sila?!

"Maria! Sa wakas, aking mahal na kapatid! Ako ay lubusang nagagalak na masilayan kang muli!"

Nagulat na lang ako sa biglaang pagyakap sa akin ng isang babae. Maputi, matangkad at matangos 'yung ilong niya, at saka medyo payat siya. All in all, she's very pretty!

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tiningnan. Mukhang sobrang saya niya lang talaga. "Mas gumanda ka na lalo ngayon kapatid!"

"Uhm... Thank—este salamat!"

Oh, gosh! Natigilan ako. Muntikan na ako doon, ah! Kumunot naman kaagad ang noo niya.

"Maria, bakit parang hindi ka naman ata masayang makita ako?" tanong niya.

Sabi na, mukha na talaga akong constipated! Ngumiti ako. "Masayang-masaya akong makita ka!" tapos niyakap ko siya. Wow! Best actress na ang peg ko dito, ah! Paano ba ako magiging masaya? Malay ko bang kapatid ko siya! Hindi naman ako informed ano! Nasaan na ba kasi si Joselito?

"Akala ko ay galit ka sa akin! Tinakot mo ako doon, ah! Halika, tara na kay Ama at Ina! Nandoon sila at naghihintay sa ating karwahe."

Hinila niya ako papunta daw sa mga magulang namin. Sobrang daming tao! Siksikan kami rito sa may daungan. Nako. Muntik pa akong madapa!

"Maria! Anak!"

Napatingin ako sa babaeng kahawig nitong kapatid ko na hindi ko pa rin alam ang pangalan hanggang ngayon. Niyakap din ako nang sa tingin ko ay si Ina siya.

"Sa wakas ay naka-uwi ka ng muli! Napaka-lungkot sa bahay ng wala ka aming bunso..."

Parang bigla ay naiiyak na ako! Namimiss nila ako... Ang swerte mo, Maria, may nakaka-miss sa 'yo...

"Anak, Maria..." napatingin naman ako sa lalaki na siguro ay nasa mid-forties, may bigote siya at kahit medyo katandaan ay kita mo pa rin na gwapo siya. Maputi, matangos ang ilong.

"Sige na, Maria. Yumakap ka na kay Ama," ulok sa 'kin ni Kapatid. Lumapit ako kahit awkward at niyakap siya. Magka-galit ba sila? Edi... parang kami lang pala.

"Ang lungkot nung wala ka, Maria. Mabuti naman at naka-uwi ka na..."

Nginitian ko lamang naman si Ama, mukhang naiiyak na siya. Naalala ko tuloy si Papa... kailan kaya—Woo! Erase! Erase! Nandito ka ngayon. Nandito ka, dahil sa galit mo sa iyong Papa! Kaya ka napunta dito!

"Halina kayo, Maria at Gracia, kailangan pa nating maghanda para sa ating dadaluhan na selebrasyon mamaya."

Sumakay na kami sa karwahe, kami lang ni Gracia ang nandito sa karwahe—or shall I say, Ate Gracia. Nasa una naman sina Ama at Ina. Sobrang sariwa lang din ng hangin dito! Sobrang dami kasing puno.

"Malayo pa ba ang bahay natin?" tanong ko kay Ate Gracia. "Nakalimutan mo na ba?" natatawa niyang tanong. Tumango ako. Wala naman talaga akong alam! Duh!

"Malapit na, Maria..."

Dumaan kami sa tulay na gawa sa bato, 'yung maliit lang na tulay, tapos sa ilalim non parang stream ata or baka ilog. Ewan, tapos sa dulo non parang may dagat. Tapos 'yung daanan dito, lupa pa, hindi kalsada.

"Ayan na ang ating tahanan..."

Napatingin naman ako sa sobrang laking gate na kulay gold! Grabe! Ganito kami kayaman?! Nasaan na kaya ang kayamanan ng pamilya namin? May nakasulat sa itaas na Hacienda Alejandre. At sa paligid nito ay parang may mga sundalo na nakatayo.

Puro bulaklak rin sa paligid nito. Ang ganda nung mansyon, parang may spanish style, may mga statues at sa bawat bintana ay may mga ukit. Ang laki-laki pati! Halata mong mayaman talaga. Super elegant niya!

"Halika na, Maria." yaya sa akin ni Ate Gracia. Pumasok naman kami sa loob at mas wow. Ang ganda naman! Puro mga pangyayamanin din ang nandito! Ang daming vase at paintings! Parang museum!

Lumapit ako sa mga portrait, nakita ko ang family portrait namin, naka-upo sa gitna si Ama at Ina, sa tabi ni Ama ay si Maria—kamukhang-kamukha ko nga talaga siya. Sa likuran ay nakatayo si Gracia at isang lalaking sobrang gwapo rin! Ang dami namang gwapo dito! Una si Bathala, sunod naman ito!

"Sino siya?" tanong ko kay Ina na nakangiti sa akin. "Ano ka ba, anak? Nakalimutan mo na ba kaagad ang iyong Kuya Emilio?"

Oh? So, Kuya ko pala siya? Gosh! Pinagnasaan ko na kaagad 'yung Kuya ko? Ano ba naman, Yra! Incest 'yon!

"Ah... Oo! Si Kuya!" palusot ko pa. Tumawa naman si Ina sa akin. Nag-smile na lang din ako. Hay! Kaya ko 'to! Magagawa ko 'to! Kailangan kong makabalik sa panahon ko!

Kinagabihan kailangan namin mag-ayos kasi nga may party yatang pupuntahan. Na-e-excite tuloy ako. Ano kayang itsura ng party dito? For sure, bongga rin 'yon.

Mabuti na lang at inayusan ako ni Ate Gracia, hindi talaga ako maalam mag-ayos ng buhok! Meron sila ditong parang make-up na ewan kaya ayun nilagyan din ako ni Ate Gracia. It still weirded me out calling her Ate. Hindi ako sanay ng may kapatid. Sanay ako mag-isa.

"Ayan, mas nakaka-bighani ka na lalo ngayon aking mahal na kapatid." Ngumiti ako sa kanya, ang ganda ko nga! Syempre, joke lang. Natural na akong maganda. Bumaba na kami dahil kanina pa daw naghihintay si Ama at Ina sa baba.

Pagkababa namin, nakita ko si Ama at Ina, nakaputing baro't saya si Ina at kapartner niya si Ama ng damit. Ang cute nila! Matchy-matchy kasi silang dalawa.

Kagaya kanina kami ulit ni Ate Gracia ang magka-sama sa karwahe. "Ate Gracia, saan tayo pupunta?" Napatingin naman sa akin si Ate. "Sa mansyon ng mga Antonio tayo pupunta ngayon, Maria."

"Antonio?"

'Di ba, apelyido 'yon ni Pablo?

"Oo. Ang mga Antonio ay matalik na kaibigan nina Ama at Ina, ngunit matagal din silang hindi nagkita. Matalik na kaibigan ni Ama si Don Filemino Antonio."

Tumango tango lang ako sa kanya.

"Ano ngang pangalan ni Ama? At ni Ina?" Hindi naman pwedeng hindi ko alam! Para syempre pagbalik ko sa present may ma-ipagmamalaki ako!

Tumawa naman siya. "Ano ba ang nangyayari sa iyo, kapatid? Nakalimutan mo ba ang pangalan ng mga magulang natin?"

Tumango ako. Si Joselito naman kasi! Wala man lang sinabi sa akin na kahit anong information!

"Apat na buwan ka lamang hindi nakabalik sa San Antonio ay pumurol na agad ang iyong memorya?" nang-aasar niyang tanong. Bakit parang na-offend ako?

"Ang pangalan ng ating Ama ay Don Solomon Alejandre at ang ating Ina naman ay si Donya Aurora Alejandre."

Solomon at Aurora pala, tapos siya si Gracia Alejandre at ang kuya naman namin ay si Emilio Alejandre. Wow, ang galing ko ng mag-memorize. Tapos ang father ni Pablo Antonio ay si Filemino Antonio. Oh, 'di ba.

Gusto ko pa sanang mag-sightseeing kaso sobrang dilim na. Baka mamaya maligno pa at tikbalang ang makita ko dito. Gosh, ikamatay ko pa 'yon at masulat si History! Tapos mamaya pa dini-discuss na ni Professor Hidalgo 'yon sa present.

"Isang babaeng nag-ngangalang Maria Yrratia Alejandre, namatay noong taong 1896 dahil sa pagkakakita sa isang tikbalang."

Sayang naman 'yung buhay ko. Ni hindi ko nga alam kung makakabalik pa ako ng buhay! Nasaan na ba kasi 'yang si Bathala or a.k.a Joselito. Gosh, mas makaluma pa 'yung name niya higit sa akin.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko ulit kay Ate Gracia. Siguro nakukulitan na siya sa akin. Ang boring naman kasi! Ang bagal bagal pang umandar ng karwaheng 'to. Feeling Cinderella lang ang peg ko, may pa-carriage.

Ibinaba naman ni Ate Gracia 'yung bintana para sumilip. "Ayan na pala, nasa Hacienda Antonio na tayo, Maria!"

Binuksan ko din 'yung akin at pumasok kami sa isang malaking gate, katulad nung sa amin mahaba-haba bago nakarating ng mansion ng mga Antonio. Malaki 'yung mansion, hindi ko lang makita ng maayos kung maganda ba kasi nga gabi na. Tumigil 'yung karwahe namin sa tapat ng mansion at kaagad naman akong bumaba.

"Halika na, Maria!" hinawakan ako sa kamay ni Ate Gracia at sabay kaming naglakad. Nasa unahan naman namin si Don Solomon at Donya Aurora.

"Maria, ang iyong abaniko!"

Napatalon ako sa gulat kay Ate Gracia. "Huh?"

"Itaas mo upang hindi matitigan ng mga kalalakihan ang kabuuan ng iyong mukha," sita sa akin ni Ate Gracia. Ginaya ko naman ang ginawa niya. Sobrang conservative nga pala ng mga tao dito! Nako! Ano naman kayang issue kung makita ang mukha 'no? Sayang naman ang ganda kung itatago, 'di ba?

Sa unahan ay may lalaking nakatayo at sa tabi nito ay isang magandang babae na sa tingin ko'y asawa nito. Sa likod naman nila ay apat na lalaki ang nakahanay.

"Sa tinagal-tagal ng panahon ay ang mga Antonio na ang namuno sa bayan ng San Antonio..." anito.

"Masaya kong ipinakikilala sa inyo ang mga susunod sa aking yapak sa pamumuno ng San Antonio..."

"Ang aking panganay na si Leonardo Antonio..." humakbang pa-una ang isang lalaki na naka-suot pang-general at nag-bow. Bigla kong naalala si Papa—teka! Antonio?

"Ang sumunod ay ang aking isa pang anak na si Lienzo Antonio..." tapos umuna 'yung lalaking naka-barong na kahawig nung nakapang-general.

Teka nga, sino nga ang mga Antonio? Kilala ko 'yung mga 'yun! Wait, recall natin...

"Sino ba 'yung naimik?" tanong ko kay Ate Gracia. Kinunutan niya naman ako ng noo. "Siya si Don Filemino Antonio, ang gobernador ng San Antonio."

So, ibig sabihin isa sa kanila si—

"At ang aking ikatlong anak na si Pablo Antonio..." kaagad akong napatitig sa lalaking umuna at nag-bow, naka-barong din siya.

Oh, gosh...

Siya si Pablo Antonio!

Ang misyon ko sa panahong ito!

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.