Kabanata 3
"At ang bunso kong anak, si Paz Antonio..." nag-bow ang bunsong anak na sa tingin ko'y mga twelve years old pa lamang ang age. Bata pa kasi 'yung itsura niya.
Naka-upo na kami ngayon sa napaka-habang lamesa. Sobrang dami ring tao ng mukhang mayayaman talaga. Si Don Filemino ay parang nag-iispeech doon sa unahan at may hawak na wine glass.
"Gracias mis Amigos!" (Thank you my friends) aniya. Spanish 'yon, 'di ba? Itinaas niya ang kaniyang wine glass pati lahat ng nandito sa lamesa kaya nakitaas na rin ako. Oh, ang galing kong maki-blend in!
"Tayo'y mag-simula ng kumain!" anunsyo pa niya. Sobrang daming nakahain na pagkain, may lechon pa nga! Uso na pala 'yon dati. Ang sasarap, halata mong ang yaman-yaman din talaga ng pamilya Antonio.
"Feliz cumpleaños!" (Happy Birthday)
bati pa ng iilan sa kanya. Aish, hindi naman ako maalam mag-spanish. Malay ko ba ng mga sinasabi nila. Nagsimula na silang kumain kaya kumain na din ako.
"Hinay-hinay lamang sa pagkain aking kapatid, baka ikaw ay hindi na matunawan niyan," pang-aasar sa akin ni Ate Gracia. Kasi feeling ko, sobrang tagal ko ng hindi nakakain nung mga pagkain sa present! 122 years away ako mula sa hinaharap! Gosh!
Nang matapos kaming kumain ay nagpunta kami ni Ate Gracia sa isang malaking bintana, kitang-kita mo 'yung buwan, kaya kahit gabi na ang liwa-liwanag pa din ng paligid. I have always loved the moon and its mystery.
"Maiwan muna kita riyan, Maria. Pupuntahan ko lamang ang aking kaibigan na si Soledad." Bago pa ako maka-kontra, mabilis pa sa alas onse na nawala si Ate Gracia sa aking harapan. What? Iniwan niya ako? Seryoso? Nakakainis naman! Aish, hindi niya ba alam na galing ako sa present? Paano nalang kung maligaw ako? Oh, gosh.
Tumingin na lang ulit ako sa bintana. Feeling ko mapapanis na ang laway ko, si Ate Gracia na nga lang nakaka-usap ko, tapos iiwan niya pa ako? Nako nga.
"Binibining Maria..." Oh, gosh! Kilala ko 'yang boses na 'yan! Mabilis akong humarap at nasilayan ko si Bathala a.k.a Joselito. Naka-barong din siya. Wow lang! Ang gwapo niya ngayon, ah!
"Bathala!" Kulang na lang yakapin ko siya! Akala niya ba diyan! Hirap na hirap na nga ako sa pamumuhay dito oh.
"Oh? Binibini? Bakit parang masayang-masaya ka yata ngayon sa aking presensiya?" nang-aasar niyang tanong. Aish, kung 'di ka lang cute, Bathala!
"Duh! Malay ko ba ng lifestyle dito, iniwan mo akong mag-isa! 'Di ba sabi mo kung nasaan ka, nandoon din ako. So, nasaan na 'yun? Where you at this past few days? Ha?"
Tumawa siya. "Binibini, ang iyong pananalita. Baka may makarinig sa iyo at isiping isa kang dakilang baliw."
What? Sobrang nakaka-offend talaga siya! Palagi niya na lang akong tinatawag na baliw!
"Tsaka, nandito naman na ako ngayon, Binibini."
Napa-ngiti ako. Oo nga naman, nandito na siya ngayon. "Fine! Apology accepted."
"Ha? Hindi naman ako humihingi ng tawad." natatawa niyang sabi. Asar talaga!
"Ewan ko sa 'yo. So, by the way, ano na ang susunod na mangyayari? Wala kaya akong ka-alam alam! Duh!"
"Pasensya na, Binibini. Ngunit, hindi ko rin alam ang mga mangyayari."
"Ha?!" medyo napalakas kong tanong kaya napatingin sa amin ang ibang tao. Nag-peace sign lang ako sa kanila.
"Wala akong alam, Binibini... sapagkat ikaw ang gagawa ng iyong sariling tadhana."
What was that? Ako ang gagawa?
"What? Paano ko gagawin 'yon?"
Nag-shrug lang siya. "Makikita natin, Binibining Maria." Tapos nag-wink siya. Tss, this guy talaga! Geez, sobrang clueless ko talaga sa panahong ito! Kainis.
"Oh! Ginoong Joselito, ikaw pala!" ani Ate Gracia. What? Bakit puro kakilala niya ang mga tao sa paligid?
"Magandang gabi, Binibining Gracia." Tapos nag-bow siya. Hindi pa rin talaga ako sanay na napaka-gentleman ng mga lalaki dito.
"Kamusta na ang pag-aaral mo ng medisina sa Maynila?" Oh, gosh! Doctor siya? Ang weird lang ha! 'Di ba, bathala siya? Ang gulo-gulo naman!
"Maayos naman, Binibini."
"Mabuti iyan, Ginoong Joselito. Pag-igihan mo pa lalo ang pag-aaral." Nagtanguan lang naman sila sa isa't-isa.
"Tara kay Don Filemino, Maria. Pinapatawag ka nina Ama at Ina. Gusto ka daw makita ng nasabing panauhin."
Kinabahan ako bigla. Hala! Bakit naman ako gugustuhing makita ng tatay ni Pablo?!
"Ah—" Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni Ate Gracia, nag-wave naman ako kay Joselito na nag-smile at nag-bow lang sa akin.
"Ate Gracia—wait—" Hindi ko nanaman natapos 'yung sasabihin ko dahil nasa harap na kami nina Don Filemino at nina Ama at Ina. May katabi pang babae si Don Filemino na asawa niya sa tingin ko at ang panganay na anak na si Leonardo Antonio.
"Don Filemino at Donya Luisita, ito nga pala ang aming bunsong anak na si Maria Yrratia."
"H-hello p-po!" What the hell! Ang awkward talaga! Bakit ba kasi ako hinahanap nina Ama at Ina? At lalo na ni Don Filemino?
"Hello?" tanong ni Ate Gracia at ni Leonardo. What? Hindi ba uso 'yon?
"Ah-eh..." Oh, gosh. Think, Yra! Think. Lahat sila naka-tingin at nag-aabang sa akin. "Medyo nahihilo po ako kanina, alam nyo na, nahe-hello..."
Nagtawanan naman sila. Hooo! Nice one. May use din naman pala 'yung pagiging witty ko.
"Nakakatuwa naman ang inyong bunsong anak, Don Solomon at Donya Aurora." Napatingin naman ako sa nagsalitang si Leonardo. What? Nakaka-tuwa daw ako? I feel so flattered.
"Oo nga, Ginoong Leonardo. Ang aming bunso ay tunay na kagiliw-giliw, mahinhin, marikit, masipag at magaling umawit."
Mahinhin? Marikit? Masipag?
Parang... hindi naman.
"Totoo ba iyan, Amiga? Bueno, pwede mo ba akong handugan ng isang awitin bilang handog para sa aking kaarawan?" ani Don Filemino. What? Birthday niya pala? Kaya pala madaming handa! Paano ba kasi puro naman sila spanish kanina!
"Maria, kinakausap ka ni Don Filemino..." sita sa akin ni Ate Gracia.
"Ha? Ano p-po ulit 'yon?"
"Maaari ka bang umawit bilang isang munting handog para sa aking kaarawan?" tanong ulit ni Don Filemino. What? Kakanta ako? Oh, gosh.
"Pagbigyan mo na si Don Filemino, Maria..." sabi ni Donya Aurora slash Ina sa akin. Wala na akong nagawa, hinila ako papunta sa unahan ni Gracia at dun 'yung stage kuno. Gosh! Nakaka-hiya! Ang dami-dami kayang tao!
"Magandang gabi mga Amigo at Amiga. Nandirito ngayon sa inyong harapan si Binibining Maria Yrratia Alejandre upang handugan tayo ng isang magandang awitin." sabi ni Don Filemino. Napa-tigil naman ang lahat sa pag-uusap at lahat na nasa akin ang atensyon. Hala! Seryoso ba 'to? Please! Sana kainin na lang ako ng lupa!
Nagpalakpakan naman silang lahat. So, ano 'to? Acapella lang? Ano ba 'yan! Ang awkward naman yata non.
"Maria, umawit ka na..." si Ate Gracia. Ayoko nga kumanta ng acapella ano!
"Ah... Eh... Maaari ko bang tugtugin 'yung piano?" sabi ko sabay turo sa piano sa may gilid ko. Kumunot naman ang noo ni Ama, Ina at Ate Gracia.
"Kailan ka pa natutong tumugtog ng piyano, anak, Maria?" tanong ni Don Solomon or Ama. Oh, gosh. Hindi ba maalam si Maria nun? Aish! Wala naman palang talent 'yon! Baduy.
Tumango ako. Bahala na. Pumayag naman si Don Filemino at ang kanyang asawa na si Donya Luisita. Umupo ako sa upuan sa tapat ng piano, binuksan ko 'yon at dahan-dahan na napangiti sa aking sarili.
Perks of being the General's daughter. You always have to be the best at everything.
Tinugtog ko ang Happy Birthday medley. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..."
"Maligayang bati, sa iyong kaarawan, maligayang-maligaya, maligayang bati..." tumayo ako at isinaradong muli ang grand piano. Ngumiti ako sa kanilang puro mukhang nabuhusan ng malamig na tubig. Sobrang tahimik ng lahat.
"Maligayang kaarawan, Don Filemino..." sabi ko at lumapit na kay Ate Gracia. At tyaka lang, biglang nag-palakpakan ang mga tao. Oh, gosh, nalaki na talaga ang ulo ko!
"Napaka-ganda ng iyong inihandog na awitin, Binibining Maria!" salubong sa akin ni Don Filemino. Ngumiti lang naman ako sa kanya. Buti na lang talaga angelic voice ako na namana ko daw kay Mama, sabi lagi ni Manang Luna.
"Ngunit anong lenggwahe iyon, Binibini? Ingles ba?" napa-tingin naman ako ngayon kay Leonardo. What? Hindi pa ba sila maalam nun?
"Ah! Oo..."
"Saan ka natuto ng wikang Ingles, Maria?" tanong ni Ama. Oh, gosh. Don't tell me, 'di din maalam nun ang totoong Maria? Geez, ang hirap naman! Isip agad, Yra!
"Ah... Sa La Concordia..."
Nice. Nice one, Yra. Napa-ah naman silang lahat at tango. Mabuti na lang naaalala ko pa 'yung sabi ni Joselito na dun daw ako napasok. Good thing, mabilis akong matuto at matalas 'yung memory ko. Buti nalang din wala ditong dun napasok. All girls school kasi 'yun.
"Sa tingin ko ay magkaka-sundo kayo ng ikatlo kong anak, katulad mo ay mahilig din siya sa musika..." nakangiting ani sa akin ni Donya Luisita.
"Leonardo, anak, maaari mo bang tawagin ang iyong kapatid?" utos ni Donya Luisita kay Leonardo. Tumango si Leonardo at umalis na. Teka nga—sino ba ang ikatatlong anak nila?
"Ama! Ina!" hingal na tawag ni Leonardo kasama na niya ngayon ang kanyang kapatid na si Lienzo Antonio.
"Bakit? May problema ba, Ginoong Leonardo?" tanong ni Ina sa kanya. Napahawak naman ito sa dibdib niya at parang hinihingal pa rin talaga.
"Ama, Ina... si Pablo..."
Pablo? Siya ba—
"Tumakas nanaman si Pablo!"
Pablo... Si Pablo Antonio! Oh, gosh. Mukhang may pagka-pasaway pa ang lalaking ililigtas ko!