Library
English
Chapters
Settings

Kabanata 7

"Pwede ba huwag mo nga akong titigan ng ganyan? Sa totoo lang, nakakatakot ka na ha," sabi ko sa kanya na titig na titig lang ngayon sa akin.

Iwanan ba naman kami ni Kuya Emilio at Ate Gracia dito sa isang restaurant sa bayan. May bibilihin lang daw silang dalawa. Bakit hindi ako kasama, 'di ba? Pwede naman nila akong isama. Bakit sila lang dalawa 'yung nag-bonding? Paano naman ako? Kapatid din naman nila ako. Kainis!

"'Wag ka ngang ngumiti."

Parang ewan 'tong si Pablo! Ngiti siya nang ngiti sa akin, simula kanina pa. Palagi lang talaga siyang naka-ngiti. Gosh, ang weird niya at creepy. Siya yata 'yung baliw sa aming dalawa!

Nginitian niya pa lalo ako.

"Tikbalang ka," bulong ko pa.

Baliw pa!

"Paano mo naman nasasabi iyan, Binibini? Nakakita ka na ba ng aktuwal na tikbalang sa totoong buhay?" tanong niya sa isang magalang na tono.

Natigilan ako. Narinig niya pala 'yung sinabi ko. Ang lakas naman ng pandinig nitong tikbalang na 'to!

"Oo. Ikaw ah."

Mas napa-ngiti pa siya lalo nang dahil sa sinabi ko.

"Ah!" sabi niya bigla at mas ngumiti pa. "Ikaw pala ang sinasabi nilang ka-giliw giliw na Binibining Maria Alejandre."

Aba at talagang nang-aasar pa siya ha. Nakakainis talaga siya! Gosh! Sayang talaga kagwapuhan niya kasi ang sama sama naman ng ugali niya!

Inirapan ko nga siya. Nasaan na ba kasi si Ate Gracia at Kuya Emilio? Malakas nga 'yung feeling ko na na-set up kami, pero uso na ba 'yun ngayong panahon na 'to?

"Binibining Maria!"

Biglang nanlaki 'yung mga mata ko at kaagad akong napatingin sa boses na tumawag sa akin. Napangiti ako at the same time, naiinis ako sa kanya, palagi na lang siyang susulpot tapos mawawala! Ano ba siya, kabute?!

"Batha—Joselito!"

Natigil ako nang pinanlakihan niya ako ng mata nung masasabi ko na 'yung Bathala.

"Pablo, ikaw pala!" bati niya sa tikbalang na kasama ko ngayon. Sumimangot ako. Nginitian naman niya si Pablo pero ang tikbalang tumango lang kay Joselito. Wow, suplado effect lang? Hindi bagay. Hindi naman siya ka-gwapuhan para mag-suplado!

"Binibining Maria, kumusta ka na?" nang-aasar na tanong sa akin ni Joselito.

"Ikaw ang kumusta na, ha? Kamusta naman 'yung mawawala ka na lang bigla tapos susulpot bigla?" tanong ko sa kanya.

Napangiti siya sa tanong ko. "Masyado ka bang nalulungkot sa aking madalas na pagka-wala at hindi pagpapakita, Binibini? Kakakita lamang natin kagabi, ngunit bakit parang ika'y sabik na sabik ng muli sa akin?" mayabang na tanong niya.

"Wow, ah! Ang kap—"

Napatigil ako sa pagmamaldita nang biglaang umubo nang malakas si Pablo. What? May tuberculosis ba siya? Grabe siya maka-ubo. Talagang ang lakas! Attention seeker 'yung pagkaka-ubo niya! Hindi lang pala siya tikbalang, epal pa siya!

"Aba'y uminom ka ng tubig!" sabi ko. Umubo na lang siya nang umubo. Gosh, nasaan na ang manners niya? Ang bastos din talaga nitong isang 'to! Balak niya pa ata na hawaan ako ng ubo!

"Ipagpaumanhin mo, Binibining Maria. Ako lamang ay mistulang nasamid."

Ano daw? Paanong mistulang nasamid? Ano naman ang ibig sabihin noln? May ganun ba? Nasamid nang mistulan?

"Binibining Maria, Pablo, mauna na ako sa inyo. Dumaan lamang talaga ako rito upang kayo ay batiin dahil natanawan ko kayong dalawa na magkasama."

Nag-bow siya at mabilis na nawala mula sa paningin ko. Teka—iniwan niya nanaman ako! Ano ba naman 'yan! Ang daya-daya! Nasaan na 'yung motto niya?

Kung nasaan ka, nandoon din ako.

Ka-badtrip naman si Joselito, oh. Ang dami ko pa namang gustong itanong sa kanya! Geez, kailan ko kaya ulit siya makikita? Ang hirap-hirap niya kayang hagilapin! Ang epal naman kasi ni Pablo! Ayan tuloy hindi ko siya nakausap nang matagal!

"May gusto ka ba kay Joselito?" biglang tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. What? Ano namang klaseng tanong 'yun? Ako? Gusto ko si Joselito? No way! Ang layo! Ang gara ata nun! Ang weird ng mind niya! Hindi niya ba 'yun naiisip?

Ako? Magkaka-gusto sa isang Bathala na dinala ako sa panahong 'to? Sa taong dahilan kung bakit ako napunta sa ibang panahon? Ang weird naman!

"Ano?!" I asked.

"Gusto mo siya, ano?" tanong niya, more like assume niya.

I cannot. Sobrang hilig niya lang talagang mang-asar at mag-assume. Kakaiba talaga siya kumpara mo sa mga naririnig mong trato ng mga kalalakihan nung panahong ito! Sobrang asar siya. As in, asar! Nakakainis na nga. Katulad ngayon, tingnan ko lang siya naaasar nanaman ako.

"Kaibigan ko 'yon," sabi ko at umirap sa loob loob ko.

"Kung ganoon bakit ka nalulungkot noong nagpaalam na siya at lumisan? Tapos, kanina noong makita mo na siya sobra sobra ang iyong saya at tuwa. Kaibigan mo lang ba talaga siya?"

Kumunot ang noo ko. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Wala naman siyang alam sa situation ko ano. Tsaka bakit ba mas maalam pa kaysa sa feelings ko 'tong tikbalang na 'to? At ano naman ang pakialam niya kung gusto ko nga si Bathala?!

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Oo."

"Kung ganoon, masaya ka palang maging kaibigan, Binibini."

Sadya. Swerte talaga ang mga friends ko. Tapos bigla kong naalala wala nga pala akong friends! Wala na nga pala! Kawawa naman ako. Pinaalala pa nitong si Pablo kung gaano kalungkot ang real life ko dahil wala man lang akong kaibigan kahit isa.

Ngumiti siya sa akin, showing his perfectly white set of teeth. Oh, gosh. Gwapong creepy talaga siya. Ang gwapo lang talaga niya. Iba 'yung pagkagwapo niya. Siguro kung taga-present 'to, crush ko na ang itsurahin ni Pablo! Sadly, sa past lang siya nag-eexist.

"Maaari ba kitang maging kaibigan, Binibining Maria? Pwede bang maging matalik tayong dalawa na magkaibigan?"

Natigilan ako at napatitig lang sa kanya.

What the hell was that for?

"Binibini?"

Wait! Did he just?

No way!

Did the great Pablo Antonio just friendzoned me?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.