Kabanata 6
"Señorita Maria, bumangon na po kayo... kailangan niyo na pong mag-gayak dahil may mga parating na panauhin..."
"Señorita..."
Si Manang Luna naman oh! Ang aga aga pa kaya. Pagod na pagod kaya ako! Geez, gusto ko lang namang matulog! Pati ba naman 'yun ipagkakait pa nila sa akin?!
"Manang, later..."
"Señorita, magagalit po ang inyong Ina kung kayo ay hindi pa babangon riyan..." niyugyog pa ako ni Manang.
"Manang, mamaya na. Please..."
"Señorita, hindi po ako si Manang. Ako po ay si Matilda..." Kaagad akong napabangon at nakita ang isang batang babae na nakabihis pang-katulong. Gosh, si Matilda nga pala, 'yung tagapag-silbi kuno ko nung panahon dito. Nandito daw siya bilang kabayaran sa kautangan ng pamilya niya sa pamilya namin, na-interview ko kasi siya kahapon.
"Oh, gosh!"
Nandito pa rin ako! Nakakainis naman. Nakakapagod kaya kagabi, as in ang sakit-sakit ng likod ko dahil sa pagkakabagsak ko kagabi. Buti na lang walang nabaling buto sa akin, pero feeling ko talaga may na-dislocate na kung ano sa katawan ko!
"Señorita, naka-handa na po ang inyong pampaligo at damit..." nakangiting sabi niya. Morena lang si Matilda, maigsing itim na buhok at medyo payat. Katorse pa lang daw siya sabi niya.
Dinala niya ako sa banyo nung kwartong 'to. Kahapon, sabi pa niya tutulungan niya daw ako sa paghuhubad. Like, geez, sobrang awkward naman nun! Kaya nagka-sundo kami na hayaan na lang ako at tatawagin ko na lang siya in case I needed help. Sinarahan ko 'yung pintuan at lumublob na ako sa bath tub na gawa sa kahoy. Ang cool lang, super rich ng Alejandre fam.
Pagkalabas ko naman, as always, naka-handa na ang baro't-saya na isusuot ko, kulay yellow and white ang baro't-saya ko ngayon. Nung una medyo makati, pero later on, medyo nasanay na din siguro 'yung balat ko sa texture.
Tinulungan ako ni Matilda sa pagsusuot nun. Pati 'yung buhok ko siya 'yung nag-aayos. Tinirintas niya 'yung buhok ko tapos inikot na parang bun, tapos nilagyan niya ng panglagay sa buhok na bulaklak na kulay yellow. O 'di ba, fashion at its best in 1896.
Bumaba na ako sa dining room dahil kakain na daw ng umagahan. Aish. Ang sakit pa rin nung likod ko. Kasalanan 'to ni Pablo Antonio. Pagkapunta ko naman sa dining area ay kumpleto na silang lahat at nakatalikod sa akin ang isang lalaking naka-upo.
"Buenos dias, Maria!" (Good morning, Maria!) ani Ate Gracia sa akin. Nginitian ko lang naman siya. Bakit ba sila Spanish nang Spanish diyan?
Biglaang tumayo ang lalaking naka-talikod kanina at humarap sa akin. Nakapang-general siyang outfit at oh my holy mother of... sobrang gwapo niya! Naalala ko tuloy si Papa, namimiss ko na si Papa sa totoo lang, kahit naman hindi kami ganoon ka-close, sobrang love ko naman siya.
"Maria!" Biglaan niya akong niyakap. What? Bakit niya ako niyakap? "Ako ay nasasabik na makita kang muli, aking Kapatid!" At doon ko lang napagtanto na siya pala si Emilio Alejandre, ang kapatid na lalaki ni Maria.
"Hindi ka ba masayang matapos ang isa't kalahating taon ako ay naka-uwi ng muli?" tanong niya.
Sobrang saya niya lang at ang gwapo niya talaga. Kaya naman pala ang ganda rin ng genes ko, kasi magandang lahi talaga ang mga ninuno ko.
"Syempre, masaya ako!" sabi ko tapos nag-smile ako sa kanya. Oh, gosh! General ba ang kapatid ko? Wow.
"Halina kayo at magsimula na tayong kumain ng umagahan..." nakangiting-nakangiti na sabi sa amin ni Ina. Maging si Ama ay naka-ngiti rin. Wow, good mood na yata siya ah.
Sa kabisera ay si Don Solomon, sa left side si Donya Aurora na katabi si Ate Gracia. Sa right side naman ay si Kuya Emilio na katabi ko. Nagdasal naman muna kami bago kumain. The family that prays together, stays together—ika nga nila.
"Ama, mamaya ay nais ko sanang mamasyal kami nina Gracia at Maria sa bayan," ani Kuya Emilio.
"Walang problema, basta kailangang nandirito na kayo sa bahay ng saktong alas kwatro y media," si Don Solomon.
"Masusunod po, Ama."
Ibinaba naman ni Don Solomon ang kanyang kutsara at tinidor kaya napatingin kami sa kanya. "Maria."
Napatingin tuloy ako sa kanya. Geez, sobrang serious niya lang sa life oh. Parang si Papa lang, laging seryoso sa buhay. "Po?" kinakabahang tanong ko. Bakit ba ako nanaman ang nasa hot seat?
"Kailangang maghanda ka nang mainam para sa magiging panauhin natin mamaya," aniya at nagpatuloy na sa pagkain. Tiningnan ko naman si Ate Gracia pero nag-shrug lang siya sa akin.
Sino namang panauhin mamaya? Tsaka, bakit ako lang ang kailangang maghanda?
Pagkatapos naman namin kumain ay dumiretso na kami papunta sa bayan sakay sa karwahe. Nakakatuwa lang na complete family nga talaga ang meron ako sa panahong ito. Naranasan ko pang magkaroon ng kapatid, isang babae at lalaki.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Sobrang bilis ko lang talaga ma-bored kapag nasa karwahe kami. Wala naman kasing magawa.
"Sa bayan, Maria. Maraming tindahan ang naroroon, paniguradong matutuwa ka sa mga makikita mo roon." Ngiting-ngiti na sabi sa akin ni Kuya Emilio. Napa-ngiti rin tuloy ako. Gosh, ang gwapo niya lang talaga. Na-excite bigla tuloy ako. Ngayon ay naka-puting longsleeves na lang si Emilio Alejandre, hindi katulad kanina na nakapang-heneral siyang damit.
"Malayo pa ba?"
"Malapit na, Maria..." sagot niya.
After a thousand centuries, nakarating na rin kami sa bayan. At gaya ng inaasahan ko, marami ngang tao. Tapos, mukhang lahat pa magkakakilala dahil nagbabatian sila sa isa't-isa. Ang cool naman!
"Maria, Gracia, huwag kayong lalayo sa akin," ani Kuya Emilio, kaya ayun sama-sama lang kami na gumala. Pumasok kami sa isang tindahan na may parang mga accesories yata ang tinda. May isang babae doon na mataba at singkitin.
"Aling Nenita!" ani Emilio.
"Señorito Emilio, nakabalik na palang muli kayo galing sa pagsasanay ninyo!" sabi naman nung si Aling Nenita. Tumango naman si Emilio.
"Sino nga pala ang dalawang magagandang Binibini ang iyong kasama?" tanong pa nito at ngumiti sa amin ni Ate Gracia.
"Aling Nenita, sila nga pala ang aking dalawang nakababatang kapatid. Ang sumunod sa akin na si Gracia at ang aming bunso na si Maria."
"Aba ay tunay nga palang ng kay gaganda ng mga dalagitang anak ni Don Solomon Alejandre!"
Weh naman? Totoo kaya 'yon o talagang bolera lang ang mga tao sa panahong ito? Ganoon naman talaga, 'di ba? Kapag nga namimili ka tawag sa'yo ganda para bumili ka ng paninda nila.
"Mamili na kayo ng mga aksesoriya na gusto niyo diyan, Maria at Gracia, sagot ko na ang kung ano mang magustuhan ninyo..." sabi ni Kuya Emilio. Kaagad naman kaming naghanap at nag-try ni Ate Gracia ng mga panglagay sa buhok. Ang cute naman, ang gaganda lang. Halata mong pinaghirapan ang mga ito, kaya ang ganda!
Trina-try ko 'yung kulay puting bulaklak sa ulo ko nang matigilan ako sa sinabi ni Aling Nenita. I froze on my spot. Oh, gosh. Hindi pa ako ready na makita siya.
"Señorito Pablo! Magandang umaga ho!" ani Aling Nenita. Nanatili akong naka-talikod sa kanila. Pwede bang 'wag ko na lang makita ang tikbalang na 'to? Ganoon ba kahirap na iwasan siya at hindi magtagpo ang landas naming dalawa? Naaalala ko pa rin 'yung tinawag niya akong baliw! Nakakainis!
"Magandang umaga rin po sa inyo, Aling Nenita!" masigla ang boses niya. "Ginoong Emilio, kayo po pala! Ako ay nagagalak na makita kayong muli..." sabi pa niya.
"Magandang umaga sa iyo, Pablo."
"Ginoong Pablo, buenos dias!" ani Ate Gracia. Napairap na lang ako sa loob loob ko. Bakit ba kailangang batiin pa 'yung tikbalang na 'yun?
"Buenos dias, Binibining Gracia. Si Binibining Maria ba iyang kasama mo?"
Ngayon, napairap na talaga ako. Nagtatanong pa 'to! Hindi ba obvious? Baliw siya! Siya ang tunay na baliw!
"Maria, batiin mo si Ginoong Pablo..." ani Ate Gracia sa akin at sinisiko pa ako. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at kaagad akong natigilan sa aking nakita... teka, bakit ang gwapo niya ngayong naka-sumbrero na siya?!
"Eres tan hermosa en el mundo, Maria." (You're so lovely today, Maria)
Nanlaki ang mga mata ni Kuya Emilio at maging ni Ate Gracia. What? Ano ba ang sinabi ni Pablo? Wala naman akong alam! Bakit ba kasi hindi ako maalam mag-Spanish?!
"Maria, magpa-salamat ka sa pagpuri sa iyo ng Ginoo..." ani Ate Gracia.
What?
Pinuri niya ako?
Ano naman kaya ang sinabi niya?
"Salamat."
"Bakit parang hindi naman yata bukal sa iyong kalooban ang pasasalamat, aking Kapatid?" tanong ni Emilio. Masyado bang obvious? Hindi ko naman kasi naintindihan! Tsaka, ang sama-sama kaya ng ugali niya! Bakit ako magpapa-salamat, 'di ba?
"Bukal 'yun sa kalooban!" kontra ko. Nagtawanan naman silang lahat, maging si Aling Nenita. Hindi naman ako clown, ano ang nakakatawa doon?
"May nagustuhan na ba kayo sa aking mga paninda?" tanong ni Aling Nenita. Parehas naman kaming mayroon nang napili ni Ate Gracia kaya binigay na namin kay Aling Nenita, ibinalot niya naman 'yun sa isang papel de hapon.
Matapos 'yun ay lumabas na kami doon. At ngayon, kasama na namin si Pablo. Hindi ba dapat siblings bonding ito? Epal talaga 'tong si Pablo, ever! Bakit ba hindi na lang siya umalis kanina at nagpaalam?
Tapos ngiti pa siya nang ngiti sa akin simula kanina. Gosh, ang creepy niya na po! Gwapong creepy. But still, tikbalang pa rin siya! At masama ang ugali niya!
Umuna sa paglakad si Kuya Emilio at Ate Gracia kaya naman naiwan kami ni Pablo dito sa likod.
"Tikbalang!" bulong ko at binilisan ang paglalakad. Narinig ko namang tumawa siya. Asar talaga! Baliw!
"Hermosa!" tawag niya sa akin.
Natigilan ako at napalingon sa kanya. "Hermosa?"
He smirked before walking towards me. Nang nasa tabihan ko na siya ay kinindatan niya ako. "Lovely," aniya bago mabilis na umuna nang paglakad sa akin.