Kabanata 5
"May tao ba diyan?" tanong ng isang boses ng lalaki na nagmumula sa hindi kalayuan. Mas lalong lumapit 'yung liwanag sa amin na sa tingin ko ay isang lamp, feeling ko something like gasera, kasi medyo yellow na orange 'yung color nung liwanag. Nagpumiglas pa ulit ako, pero nakadagan talaga siya sa akin! Gosh! Naka-dagan lang naman sa akin si Pablo Antonio! No way!
"May tao ba diyan?" ulit na tanong nito, mas lalo pang lumiwanag. Pinilit kong umimik, pero–ugh–ang alat alat nung kamay ni Pablo Antonio na nasa bibig ko! Gosh! Major turn off kaagad for me!
"Binibini, huwag kang maingay..." bulong niya pa sa akin. Feeling ko nagtindigan lahat ng balahibo ko sa katawan! Sobrang close namin! 'Yung mukha namin, inches apart lang talaga!
"Wala, walang tao dito, Arturo..." sabi pa ng isang boses at bigla na lang nawala ang liwanag. Dahan-dahan ay tinanggal ni Pablo ang kamay niya at umalis siya sa pagkaka-dagan niya sa akin. Gosh! Ang bigat bigat niya kaya! Akala niya ba diyan magaan siya?!
"Mabuti na lang at hindi tayo nakita ng aming mga guardia personal!" aniya. Wow! Ang saya saya niya pa ha! Samantalang ako, halos mamatay na ako sa sobrang pagka-bigla ko kanina! Tumalon ba naman sa harapan ko galing sa itaas nung puno! Akala ko talaga tikbalang o kaya kapre na papakasalan na ako! Nakakatakot!
Biglang nanahimik ang buong paligid. Napalingon tuloy ako kay Pablo, nakatitig na nakatitig lang siya sa akin! Gosh! Ang weird niya!
"Ano?" I asked. Iniiwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya. Awkward!
"Binibini, ayos ka lamang ba?"
Napatingin ako sa kanya, medyo kita ko na ngayon 'yung mukha niya kasi full moon ngayon kaya maliwanag. Kanina hindi ko makita kasi nakatalikod siya sa buwan kaya parang naging silhouette siya.
"Binibini, pasensya na sa aking naging asal kanina, biglaang may kung anong gumalaw sa may puno kung kaya ay napalundag ako ng wala sa oras..."
"At nagka-taon namang naglalakad ka sa tapat ng punong may sangang aking inuupuan. Pasensya na talaga, Binibini..."
"Binibini?"
"Oh, go—What?" Geez! Naiimagine ko pa rin talaga 'yung itsura niya kanina! Mukha talaga siyang kapre or tikbalang or whatever! Ang tangkad niya kaya!
"Pasensya na, Binibini. Ako ay humihingi ng paumanhin kung ikaw man ay natakot sa akin..."
"Ah–eh, ayos lang..."
Ang sakit-sakit kaya nung puwitan ko! Napaka-laki niya ba namang tao!
"Binibini, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong pa niya. Naka-upo pa rin kami dito sa lupa. I feel so dirty! Sobrang lagkit ko na, feeling ko! Baka mamaya may bulate pa dito!
"Ha?"
"Ano ang iyong pangalan, Binibini?" Diretso lang siyang naka-titig sa akin, nag-aabang ng sagot ko.
Umubo muna ako para lang hindi awkward. "Maria. Maria ang pangalan ko. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.
"Napaka-ganda naman ng iyong pangalan, Binibining Maria. Ako nga pala si Pablo. Pablo Antonio."
Tumayo siya bigla at inilahad 'yung kamay niya sa akin. Oh, gosh. Half of his face was only illuminated by the moonlight. I never thought someone could be this handsome in the dark and underneath the moonlight.
Tinanggap ko 'yung kamay niya, inalalayan niya naman ako sa pagtayo. Matangkad talaga siya, halos katapat ko lang 'yung ilong niya. Siguro mga 6 feet na siya or 5'9 I think.
"Salamat..." sabi ko at kaagad akong bumitaw sa pagkakahawak-kamay naming dalawa. Ang lambot nung kamay niya, pero ang alat-alat kaya kanina! Naalala ko nanaman tuloy!
"Pasensya pala ulit sa aking inasal kanina, Binibining Maria..."
Tumango lang ako sa kanya, ang awkward talaga niyang kasama at kausap!
"Ah, eh... Papasok na ako, baka hinahanap na ako nina Ina at Ama."
Natigilan naman ako bigla. Wait—si Ate Gracia! Siya nga pala 'yung hinahanap ko! Nasaan na kaya 'yun? Muntik pa tuloy akong mamatay dahil sa kanya! Sasabihin ko na lang kay Ina na hindi ko siya makita. Tama. Tama, 'yun na lang sasabihin ko!
Naglakad na ako pabalik nang maramdaman kong hindi siya naka-sunod sa 'kin. Napalingon tuloy ako ng wala sa oras.
"Hindi ka pa ba papasok?"
Or shall I ask, hindi mo man lang ba ako ihahatid? Para siyang ewan na nakatayo lang dun tapos tinitingnan lang akong maglakad. Mga five meters away from each other na kami, sa tingin ko. Nakita kong medyo napangiti siya. What now?
"Binibini, nais mo bang ihatid kita? Natatakot ka ba na bumalik mag-isa?"
Oh, gosh. Inaasar niya ba ako?
This guy!
"Aba! Saan mo naman nakuha 'yan, aber?" Nag-crossed arms pa ako. Akala niya diyan, confident ako ano!
Kumunot naman 'yung noo niya. "Binibini?" Kinunutan ko din siya ng noo. "Nakalimutan mo na ba? Ako si Pablo, hindi ako si Aber."
Oh, gosh! Tanga ba siya o nag-tatanga tangahan lang? Damn it! Nakakatawa 'yon, promise! Sobrang havey! Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa, pero bigo ako.
"Binibining Maria, may mali ba sa aking mga sinabi?" Umiling ako, still stopping myself from laughing. Geez, uso na pala ang joker noon.
"Kung wala naman pala, bakit ikaw ay sobrang saya at tawa nang tawa?"
Umiling ulit ako sa kanya at tinalikuran ko na siya. Baka mamaya hinahanap na ako nina Ama at Ina. Pero ang funny talaga nung hindi daw siya si Aber.
"Malamang ay nababaliw ka na, Binibini."
Natigilan ako sa paghakbang. Tama ba 'yun? Tinawag niya akong baliw! Oh, gosh! This is unacceptable! I mean 'yung kay Bathala medyo tanggap ko pa pero 'yung tawagin ako ni Pablo Antonio na baliw?!
"Tama ba 'yung narinig ko? Tinawag mo akong baliw?!" tanong ko sa kanya, hindi makapaniwala. Ano ang karapatan niyang tawagin akong baliw?!
"Oo, tama ang iyong narinig, Binibini, tinawag nga kitang baliw."
Ngumiti siya. What? Nang-aasar ba siya? Nakakainis siya! At hindi niya man lang itinanggi?! Akala ko ba may respeto ang mga tao noong sinaunang panahon?! Lalo na sa mga babae?!
"You! Ikaw! Tikbalang ka!" At pinag-walkoutan ko siya. Akala ko ba magagalang at mababait ang mga lalaki nung sinaunang panahon? Bakit may isang naligaw na masama ang ugali?
Damn you, Pablo Antonio!